Ako, bilang dating mag-aaral
ay nagpapasalamat sa mga gurong marangal,
na nagmalasakit, gumabay,
humulma, at nagturo sa akin
ng kaalaman at wastong pag-uugali.
Kayo ngang mga guro,
ang pangalawang ina't ama--
na napupuyat, napapagod,
nag-aalaga, nag-aalala...
halos bente-kuwatro oras.
Mula paggising hanggang sa pagtulog,
ako... kaming mga mag-aaral ninyo
ang laman ng inyong isipan at puso.
Dakila kayo!
Dakila ka po, Sir.
Dakila ka po, Mam.
Kung hindi dahil sa inyo,
buhay ko kaya'y napano?
Sa landas na sanga-sanga,
baka ako ay naligaw na.
Salamat po...
Salamat po...
sa mga lesson plan na isinulat niyo,
sa mga Manila paper
sa mga tinta na inyong naaksaya,
sa mga alikabok ng chalk
na inyong nalanghap
at sa mga lapis, ballpen, at papel na pinapahiram,
pero bigay na pala ninyo,
para lang kami ay matuto,
at magkaroon ng edukasyon.
Salamat, sa mga humigit-kumulang na 200 araw, kada taon,
na kasama mo kami---
kaming makukulit na mag-aaral.
Ako, bilang dating estudyante
ay lubos na nagbibigay-puri
sa kadakilaan ng inyong propesyon.
Kayo ang gumawa ng doktor,
inhinyero, nars, piloto, iskultor,
pangulo, abogado, at guro...
Kung wala kayo,
nasaan kaya ako?
Salamat, Mam... Sir!
Saludo po ako sa inyo!
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment