Followers

Friday, September 2, 2016

Zillion

Zillion,
nang ika'y nasa sinapupunan,
ako at ang Mama mo naman
ay tila sina Joseph at Maria--
naghahanap ng tahanang
matutuluyan.
Ikaw ay bunga ng pagmamahalan.
May mga nasaktan man,
ngunit napawi rin naman
ang sugat ng nakaraan.
Pangalan mo'y
'di mabilang ang kahulugan,
gaya ng ligaya
na aming natamo
nang sumilay ka dito sa mundo.
Maitim na kahapon
animo'y naglaho
nang uha mo'y
aming unang narinig,
lalo pa nang ika'y nagkatinig,
pangalan ko'y
iyo nang nasasambit.
Sa iyong mga tawa at ngiti,
kulimlim ng langit
iyong napapawi.
Ikaw, Ion,
sa mga kapatid mo
ay lumingap
'pagkat ikaw ang nagtamo
ng higit na ginhawa.
Mahal na mahal kita,
kagaya ng iyong ate at kuya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...