Noong ako ay bata pa,
nais ko nang tumanda.
Namamangha, nagtataka,
nagtatanong, natutulala
sa gawain ng nakatatanda.
Nais subukang gumawa
ng bagay na tila himala.
Sa tingin ko'y pambihira,
kaya hangad na magaya.
Sa pagtangkad ay atat na.
Balbas ay inilalagay pa.
Usapan ng matatanda
ako'y interesado na.
Nakikialam, nababahala
sa mga alitan at problema
ng bawat isa sa pamilya.
Ako ang gurang na bata,
'di yata marunong tumawa,
at kung mag-isip ay sobra--
'di maaarok, malalim talaga.
Ngayong may edad na,
tila kamyas ay nagmumura,
paurong ang pagtanda,
at parang gusto laging bata.
Ako'y gurang na nagpapabata,
bumabalik sa pagkabata,
at maging imortal ang kagaya.
Ang edad ay itinatago na,
pambagets ang porma,
ang nais ay laging malaya,
ang adhikain ay pambata,
at tumakas sa mga problema.
Kay sarap maging bata---
magtampisaw sa baha,
maglaro ang tanging gawa,
kumain, at matulog pa.
Ang kamusmusan sana,
makamtan pansamantala
upang sa mga problema
ay makatakas... makawala.
Followers
Saturday, September 3, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment