Followers

Monday, September 12, 2016

Letting Go

Habang tinatapos ni Mark ang blueprint ng pinakamalaking mall sa mundo, na itatayo sa Pilipinas, somewhere in Luzon, nakatanggap siya ng mensahe sa Messenger mula sa kanyang ex-girlfriend. Naiinis siya sa pangungulit nito, kaya naisip niyang tuluyan na itong i-block sa Facebook.
Pagkatapos niyang mai-block, saka lamang nag-sink in sa kanya ang mensahe. Ang nilalaman niyon ay isang bomb threat na galing sa mataas na posisyon ng MS Mall. Aniya, pinag-iingat ang lahat dahil nagbanta ang grupo ng mga terorista na bobombahin ang mall kapag hindi naibigay ang kanilang hinihingi. Bahagyang tumaas ang mga balahibo ni Mark. Pero, sa bandang huli, naisaloob na lang niyang hindi naman nagagawi roon silang magpapamilya. Naaawa lang siya sa mga magiging biktima, kung sakali. Ipinagpalagay niya na ring isa lang itong prank.
Nang matapos ang plano, sinipat-sipat niya iyon. "Para ito sa kinabukasan ng anak ko. Salamat po, Lord!" Pagkatapos, maingat niyang inirolyo iyon at ipinasok sa blueprint case. Sa Lunes na niya ito isa-submit.
Sinilip niya ang kanyang anak sa kuwarto nito. Alas-dos na ng madaling araw, kaya sigurado siyang tulog na ito. At, bago siya pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa, nakatanggap naman siya ng isang nangungumustang mensahe mula kay Julie.
Si Julie ay ang dating kasintahan ni Mark. Twenty years na silang hindi nagkikita. Palibhasa first at true love niya ito, nakipag-chat siya. Nagkasundo silang magkita.
Sa kabila ng excitement na magkita silang muli matapos ang dalawang dekada, nahaluan ito ng takot dahil sa MS Mall ang nais ni Julie na sila ay magtagpo. Hindi man sang-ayon, pumayag pa rin siya.
"Kung sa kamatayan lang tayo magsasama, okay lang sa akin," turan ni Julie. "Ito na ang nakatakdang panahon ng pagkikita natin."
"Yeah, you're right. See you!"
"See you!"
Hindi na yata nakatulog si Mark sa labis na kasiyahang nadarama.
"Aalis ka? Akala ko ba family day natin ngayon?" malungkot na tanong ng asawa ni Mark, na si Amanda, nang magpaalam siyang may biglaan silang class reunion.
"Sorry... Let's postpone it. Besides, almost every week naman tayong lumalabas." May halong pakikiusap ang tono ni Mark.
Pilit na sumang-ayon si Amanda, saka tahimik niyang pinaghain ng almusal ang asawa.
Habang kumakain ang mag-asawa, nag-chat na si Julie. Hindi niya lang muna ito sinagot, bagkus nagmadali siya.
Nang matapos, sweet pa ring nagpaalam si Mark kay Amanda. Gaya ng nakasanayan, isang matamis na halik ang iginawad niya sa kanyang maybahay.
"Bye, Honey!" sabi pa ni Mark.
"Hindi ka ba magpapaalam kay Van? Baka gising na..."
"O, yes. I forgot." Mabilis niyang tinungo ang kuwarto ng anak.
Ginising niya si Van. Nagpaalam at humingi ng apology. Umingit lamang ito, pagkatapos idilat ang mga mata. Sumasang-ayon naman ito, hula niya. At, nang mahipo niya ang noo nito, nalungkot siya. Naisip niyang kanselahin ang date with Julie.
"May lagnat si Van," balita niya kay Amanda, na nasa sala. "Gusto mo bang mag-stay na lang ako?"
"It's up to you, Honey. Besides, lagnat-laki lang 'yan. I'll give him paracetamol later." Halatang pumapayag talaga si Amanda na umalis si Mark.
"Are you sure, Hon? I can give up my date... I mean, my group date." Kinabahan si Mark sa nabigkas niya, pero nabawi niya agad ito. "It's not that important naman, e. Family first."
Tumayo na si Amanda. Inayos niya ang kuwelyo ng white long sleeves polo ni Mark. "You go. We are just here. Minsan ka lang namang lumabas to hang out with your friends. Life is short, Hon. When you grow old, hindi mo na sila mabibigyan ng pansin. It's the right time. Just take care."
Ngumiti na si Mark. Tapos, niyakap niya nang mahigpit ang asawa. "Thank you!"
"It's alright. I trust in you. Just enjoy your day." Kiniss pa niya si Mark at kumaway na. Pinagmasdan niya ang pagsakay nito sa itim na kotse at ang paglabas nito sa gate.
"Salamat, Yaya Megring! Pakisara ang gate. Si Van, pakialagaan po."
"Opo! Ingat po, Sir!" sabi naman ng katulong.
Narinig pa ni Amanda ang mga huling salita ng asawa. Kasunod niyon, binalot siya ng kalungkutan. Tila isang masamang pangyayari ang nakaadyang maganap.
Maagang nakarating si Mark sa pinag-usapan nilang tagpuan. Agad naman dumating si Julie, pagkalipas ng limang minuto.
Miss na miss nila ang isa't isa ngunit hindi nila iyon maipadama, dahil nasa pampublikong lugar sila.
"This place is not safe," anunsiyo ni Mark. "Let's find a place... You suggest."
Kunwaring nag-isip si Julie. "Bring me to the place na pangarap nating marating twenty years ago..."
Nahulaan agad iyon ni Mark. Natawa silang pareho.
"Okay! Let's go!"
Maingat at excited na nagmaneho si Mark patungong Tagaytay. Sa wakas, matutupad na nila ang pangarap nilang mamasyal together.
Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Zero visibility na ang kalsada, kaya itinigil at pinarada ni Mark ang sasakyan sa ligtas na lugar.
"I missed the old days," wika ni Julie.
Agad na naalala ni Mark ang nakaraan, kung saan masaya silang naglalakad sa gitna ng ulan. Walang iniisip na anuman kundi ang ligayang hatid niyon sa kanila.
Sumandal si Julie sa balikat ni Mark at ikinawit naman nito ang kamay sa dating nobya. At, tahimik nilang pinagmasdan ang patak ng ulan sa wind shield.
Pagtila ng ulan, muling nagmaneho si Mark. Dinala niya si Julie sa isang restaurant na nagse-serve ng Filipino cuisines. Alam na alam pa rin niya ang mga paboritong pagkain ng dating nobya.

Habang kumakain, naikuwento ni Mark ang mga plano niya para sa kanyang mag-ina.
"Ang suwerte ng pamilya mo sa 'yo, Mark. Isa kang ulirang asawa 't ama," wika ni Julie.
Ngumiti lamang si Mark.
"Sayang... Ako sana ang nasa katayuan ng asawa mo." Hindi naitago ni Julie ang kanyang kalungkutan.
"That's life! Some people come in your life as blessing, others come in your life as lessons. I'm sure, mabuting asawa rin ang kasama mo ngayon. So, you're still blessed."
Ngumiti muna si Julie at bahagyang tumango. "Yes, it's true! Isa sa mga reasons ko kung bakit ako nagkipagkita sa 'yo is to thank you." Uminom muna siya ng tubig at nagpunas ng mga labi. "Thank you because I've learned my lesson. Thank you because with you, I would never see how blessed I am for having my family." Inabot niya ang kamay ni Mark. "I think, we have to free each other now..."
Tumango-tango lang si Mark. Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ni Julie.
"Let's close the chapter of our past and open the new one..." dagdag pa ni Julie. Binitiwan na niya ang kamay ni Mark. "Masaya na tayong pareho sa kanya-kanya nating buhay..."
"Oo, Julie," ang tanging tugon ni Mark. Tanggap niya ang closure na iyon. Nalulungkot lamang siya sa ideyang tatalikdan na nila ang nakaraan nilang masaya at makulay para sa pagbabagong-buhay.
Bago sila umuwi, dumaan muna sila sa People's Park in the Sky. Sa huling pagkakataon, natupad nila ang matagal na nilang pangarap.
Sa isang lugar doon, na may overlooking, masuyong niyakap ni Mark si Julie, habang ito ay nakatanaw sa malayo.
"Kung may pagsisisihan man ako sa buhay ko..." sabi ni Mark. "...ito ay hindi kita madadala uli rito."
"It's okay, Mark. Save the best for last. Sa pamilya mo na lang ituon ang buhay mo." Kumawala siya sa mga bisig ng dating nobyo at hinawakan ang isang kamay. "Hindi ba'y sinabi ko sa'yo sa chat na hindi naman kita aagawin sa wife mo?"
Tumango si Mark. Naisip niya na tama si Julie. Kay buti pa rin niya.
"I think, wala namang masama sa ginawa natin ngayon. I never had you and I never took your heart. I just asked a portion of your time."
Namalayan na lamang nila na magkayakap na pala silang dalawa. Luhaan.
"Please, tell your wife that I'm sorry..." Yumugyog ang mga balikat ni Julie.
Tinapik-tapik naman ito ni Mark. "Don't be sorry. Hindi na niya ito malalaman..."
Masaya nilang tinapos doon ang kanilang pagmamahalan. Sapat na ang dalawampung taong paghihintay na sila ay magkayakap at magkasamang muli nang matagal.
Tahimik at maligayang nagmamaneho pabalik ng Manila si Mark, habang mahimbing namang natutulog sa front seat si Julie. Pasulyap-sulyap siya sa dating kasintahan. Hindi pa rin kumukupas ang kagandahan at alindog niya. Napakapalad ng napangasawa niya, naisaloob niya.
Nang naipit sila sa trapiko, nagkaroong muli sila ng pagkakataong mag-usap.
"Salamat nga pala!" sabi ni Julie.
"For what?"
"For this and... and alam mo na 'yon!"
"Hindi ko alam," maang ni Mark.
"Basta!" sumungaw ang matamis na ngiti sa mga labi ni Julie. "Keep it up, Mark. Continue your good deeds to everyone especially to your family. God bless! Hanggang dito na lang talaga tayo."
Gustong tumulo ang mga luha ni Mark.
"Stay faithful with her, kasi doing it ay parang ginawa mo na rin sa akin. I hate men na hindi marunong maging faithful."
"Yes. I will do it." Gumagaralgal ang boses ni Mark. "Hanggang sa muli. Ingat ka lagi. I still love you."
"I love you and I always will, pero 'di na katulad dati," sagot ni Julie.
"It's time na nga, na magwakas na tayo sa ganito..." Lalong nahapis ang puso ni Mark. "After this, puwede na ba kitang i-block sa Facebook?" Hindi na niya naitago ang kanyang mga luha kay Julie. "Hindi ko gusto 'to, but gagawin ko."
Saglit na nag-isip si Julie. "Okay! Wala namang problema sa akin... I told you, I have no intention to ruin your relationship. I just came back to remember our past. Thank you for sharing this with me!"
Niyakap ni Mark si Julie. "Thank you! Thank you very much, Julie. If this is the end, I have to say goodbye."
"Bye," malungkot na sagot ni Julie, pagkatapos maghiwalay ang kanilang mga dibdib.
"The most painful part of life is letting go," dagdag pa ni Mark, bago siya tuluyang nag-concentrate sa pagmamaneho. Si Julie naman ay saka lamang nag-on ng kanyang cellphone.
Mayamaya, biglang napahagulhol si Julie. "O, my God! You're so good..."
"Why?"
Hindi kaagad na-explain ni Julie ang nakita mula sa Facebook. Kailangan niya pa itong makumpirma. At, confirmed nga. Pinasabog nga ng mga terorista ang MS Mall bandang alas-dose ng tanghali.
"My Jesus! Muntikan na tayong madamay. Thanks, God!"
Hindi pa rin makapaniwala si Julie sa nangyari. Thankful siya kay Mark. "It's a sign na dapat na nating ayusin ang mga buhay natin, Mark. Love your family. And, I will love mine..."
Natahimik sila pagkatapos niyon. Pareho silang naawa sa mga biktima ng pagpapasabog. Naisip naman ni Mark na tama ang asawa niya. Life is short.
Ibinaba ni Mark si Julie sa sakayan ng taxi. Pagkuwa'y pinaharurot niya ang kanyang sasakyan pauwi. Na-miss niyang bigla ang kanyang mag-ina. Malaki ang naitulong ng pagkikita nila ni Julie. Dahil dito, mas na-appreciate niya ang halaga ng pamilya at ng buhay. Mas lumalim rin ang pagtitiwala niya sa Panginoon.
Alas-siyete na nang makarating si Mark sa kanilang tahanan.
"Good evening, Sir," malungkot na bati sa kanya ni Yaya Megring. "Wala pa po sina Ma'am Amanda at Van..."
"Ha? Saan sila nagpunta?" Saka lamang naalala ni Mark ang kanyang cellphone. Dinukot niya ito sa kanyang bulsa at binuhay.
"Sa mall po," nanginginig na sagot ng katulong. "Nagpasama si Van."
Hindi iyon narinig ni Mark dahil mabilis siyang maglakad.
"Sir?" pasigaw na tawag ni Yaya Megring.
Nasa hagdan na si Mark. Huminto siya.
"Sa MS Mall daw sila pupunta..." Ngumuyngoy na si Yaya Megring.
"Sa MS Mall? Sigurado ka?" Tila may tumambol sa puso ni Mark.
Tumango lamang si Yaya Megring.
"O, my God!" Hindi maihakbang ni Mark ang mga paa paakyat, habang may kinokontak.
Ilang beses niya itong dinayal. Pati nga ang numero ni Van ay sinubukan niyang tawagan, pero parehong cannot be reached. Napaupo siya sa hagdan. Gusto niyang sisihin ang sarili.
"Amandaaaa! Ivaaaan!" Um-echo sa kabahayan nila ang mga pangalan ng kanyang pinakamamahal na tao sa mundo. "I'm sorry..." Bumuhos ang masagang luha ni Mark.
Inalalayan siya ni Yaya Megring patungo sa kanyang kuwarto. Pagkatapos, pinakinggan na lamang nito ang kanyang pagtangis.

"O, Diyos ko, para saan pa ng blueprint na ito, kung wala na sina Amanda at Van? Bakit po? Bakit sila pa?"

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...