Followers

Monday, April 7, 2014

Ang Aking Journal -- Oktubre, 2013

 Oktubre 1, 2013

          Sobrang busy ako kahapon. Hindi na ako nakapagsulat.

          Naghanda ako ng MTAP powerpoint tapos di ko naman naituro kasi inuna ko ang dry run ng Pinoy Henyo audition. Ayokong mapahiya. Ayoko maging Christmas parlor games na lang ang laro. Di rin pwede ang Christmas presentation na sayaw, sabi nila. Folk dance lang kasi ang sayaw nila. Ano ba ang bagong concept doon?

          Dapat pala nag-MTAP review na lang kami. Natapos ko naman ipraktis ang sayaw nila ng maaga. Di rin naman kami nakaalis nina Lester at Mia sa Zabarte Jollibee para sa 1st birthday celebration ng inaanak namin kay Mareng Joyce. Six na kami nakaalis. Hay, sayang...

          Na-traffic pa kami. Nakarating pa kami sa SM Marikina. Kaya ang nangyari, 8:30 na kami nakarating sa party. Nasobrahan ako sa gutom kaya di na ako nakakain ng husto. Okey lang nakita ko naman si Zillion. Tuwang-tuwa siya nang makita ako.

          Pasado alas-9, bumalik na kami. Parang nakikain lang. Dinayo lang namin si Jollibee. Iba yata ang lasa ng pagkain nila doon. He he.

          Pasado 11 pm na ako nakarating. Mabuti, naisip ni Lester na ibaba ako sa Guadalupe. One ride lang ako. Mabilis ang biyahe..


Oktubre 1, 2013

          Inaantok ako habang naghihintay na dumating ang staff ng Junior Pinoy Henyo. Paano ba naman? Kulang ako sa tulog. Alas-dos ng madaling araw ay nagising ako at nahirapang matulog muli. Na-excite yata ako sa pagdating ng Eat Bulaga staff.

          Dumating na nag mga pupils ko. Maya na ulit...

          Pasaway ang mga bata ko. Tatalikod pa lang ako, kung anong kalokohan na ang gagawin. Magtatayuan. Magsisipa. Mag-iingay. Nakakapagod na nga ang paghahanda ko para sa pagdating ng talent scouts, nakakapagod pa ang magsaway.
Hindi ako nakapagtimpi. Nakaltok ko ang mga ulo ng mga pinakapasaway na estudyante ko.

          Kaya pala, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina, habang hinihintay ang staff ng Junior Pinoy Henyo. Hindi pala magiging positive ang outcome. Disappointed sila sa mga nagpautakan. Isa lang ang nakasagot. Kahit ako nabigo at nalungkot din.

          At nang pinasayaw na ang dancers ko, alam ko na na madidisappoint din sila gaya ng naramdaman ko kay Sir Socao nang tingnan niya ang reheasal namin.

          Verdict time..

          Sakit! Pasok daw kami sa Top 10 Worst School na pinuntahan nila. Wala daw wow-factor ang sayaw. Ang kinukuha daw nila ang pang-worldclass. Grabe! Di man lang nila tinanong kong may props ba na maaaring makapagdagdag ng impact. Di daw laro yun dahil may bubuka ang bulaklak pa. Narealize ko na di nila alam na may hawak silang bulaklak. Kasalanan ko, di ko kasi sinabi.

          Binigyan nila kami ng two weeks para ibahin ang sayaw. Grabe, parang lumubog ako sa kinauupuan ko. Not appreciated na nga, sinabihan pa ng 100% not qualified.

          Ang bigat ng puso ko. Umuwi akong napakalungkot.

          Pag-uwi ko, nagsearch ako ng hip-hop dance na maaaring kuhaan ng idea.. Tapos naisip ko, ayoko na magturo. Nakakapagod. Iba na lang ang magturo. Tutulong na lang ako.

          Nawala ang bigat ng puso ko nang makapagpost ako sa status ko ng ganito:

Gotamco Update:

Mga Batang Gotamco, hindi po natin naabot ang standard ng Junior Pinoy Henyo. Napakataas na ng expectation nila sa mga Pasayenos dahil sa pagkakapanalo ng T. Paez Elem School sa parehong kategorya -- sayaw at pautakan. Kung di man daw natin malampasan ang nagawa nila ay mapantayan man lang natin.Binigyan nila tayo ng dalawang linggo para bumuo uli ng sayaw na may energy at wow-factor.

Wala pang napili sa mga sumalang kanina sa pautakan. Tatlo daw doon ang pwede na, bubunot pa sila ng tatlo pa para magkaroon ng tatlong pares na muling isasabak sa elimination.

Nais nila ang pantelebisyong talento at talino. Kaya, isang hamon ito para sa ating lahat. Hindi ito isang kabiguan, kundi isang pagsubok na dapat lampasan.

Kaya, naghahanap kami ngayon ng hip-hop dancers upang makabuo ng 20 kataong dance group. Sumali ka kung alam mong may ihahataw ka o dahil nasa puso mo ang pagsayaw, hindi lang dahil nais mong makita ka sa telebisyon.

Salamat!

          Dahil dito, mauunawaan ako ng mapanghusgang nilalang.

Oktubre 3, 2013

          Kahapon, nais kong, mahiya sa nangyaring kabiguan.. Pero, pinilit kong makisalamuha sa mga katrabaho ko. Nagtanong nga ang iba at naipaliwanag ko naman ito. Sa tingin ko, naunawaan nila ako.

          Ala-una ng hapon, nagkaroon kami ng audition. Pinasayaw namin ang mga nagpresentang sumali. Andaming gustong makasayaw sa Eat Bulaga, pero hindi lahat magaling. Ang iba, nakisabit lang dahil sa kaibigan. Ang ibammay talent talaga..gaya ngnestudyante kong pasaway, may itinatago palang husay sa robotics. Limang pupils ko din ang napili ko.

          Alas-4 na kami ng matapos. Sobrang pagod ko. Ngunit, masaya naman ako sa naging resulta. Nalungkot lang ako dahil may mga nagtampo pala sa akin dahil hindi napili, kahit pinaunawa ko na na hindi lahat mapipili sapagkat napakataas ng standard ng Pinoy Henyo.

          Hihintayin ko na lang na makakuha ng choreographer ang ka-tandem ko na si Sir Alberto.


Oktubre 3, 2013

          Grabe ang sakit ng ulo ko. Kanin ko pa ito naramdaman, noong habang nagrereview kami sa MTAP. Nang nasa jeep nga ako, gusto ko ng mahiga. Tapos, natraffic pa ako.

          Di ko alam kung ano ang sanhi nito. Basta na lang guhuhit sa ulo ko, habang nagsasalita ako tapos, bibigat na ang ulo ko. At, iyon na. Sobrang sakit na.

          Naisip ko, baka dahil sa projector na ginagamit ko. Baka ung radiation nito ay nakakasama sa akin.. Hmmm..

          Kahit ano pa ang dahilan, abala talaga. Hindi tuloy ako makagawa ng gawaing-bahay..


Oktubre 4, 2013

          Bago mag-alas-nuwebe ng umaga, nasa supervisor's mini-conference room na ako. Ako ang pinakaunang dumating. Hindi naman ako na-intimidate sa presensiya ng ibang supervisor, gaya ni Mam Misalucha dahil punctual ako at nakapostura. Nakablack na long sleeves ako dahil pagkatapos ng School Paper Advisers (SPA) Meeting ay dadaan ako sa Pasay City Hall para sa Silent Protest ng mga teachers upang ibalik ang P3,500 na cost of living allowance namin.

          Pasado nine na ng nasimulan ang pulong. Kokonti lang kami. Walang taga-East District. Nahiya siguro sa ginawa nila sa West District o sa Division of Pasay.

          Napag-usapan lang namin ang dates ng regional contests para sa journalism at broadcasting. Tapos, umalis na ako. Diretso sa city hall. Pagdating ko naman doon, nakita agad ako nina Mareng Joyce, Mam Solayao, Mam Ipanag, Mam Edith at Sir Macahig. Pagkapirma ko sa attendance sheet, nag-photo shoot ako. Magandang scoop ito. First time ko ring sumali sa isang protesta. Enjoy na enjoy ako sa pagkuha ng mga litrato ng mga guro at kanilang mga plakard.

          Dumating si Mayor Calixto, ilang sandali ang lumipas. Nag-yell kami ng "COLA NG GURO, IBIGAY NG BUO!" Feel na feel ko ang pagiging rebelde, lalo na nang, nakiharap siya sa amin.

          Noon ko nakita ang tunay na mayor. Ganun pala siya. Sabi niya sa isang lider namin, "Sino ka? Umalis ka dito!" Tapos, nilapitan na iyong lider namin ng mga kuyog ni Mayor. Grabe!

          Grabe din siya magsalita. Hindi daw niya obligasyon na ibigay ang hinihingi namin dahil national employees daw kami at P1,200 lang daw talaga ang mandated ng COA. Hay! Ayaw niya talagang magbigay.

          Umalis na ako agad dahil off-session iyon. Di ako pwedeng magtagal.

          Pagdating ko sa school, may mga gifts sa akin ang mga pupils ko. Na-touch naman ako. Nagbigay din si Sir Socao. At, bilang ganti, nagbigay din kami ng tig-iisandaan. Quits lang.

          Pinasaya din kami ng GPTA Officers. Pinayakap at pinabati sa amin ang mga bata. May music pa sanang ipapadinig kaso nagka-technical problem yata. Okey lang.

          Tapos, nagsalu-salo kaming Grade 5 teachers sa pagkaing bigay ng GPTA. Sarap! Hinaranahan pa kami ng ilang pupils namin na marunong kumanta. Para kaming nasa Barrio Fiesta.

          Ang saya ng World Teachers' Day Celebretion namin. Simple but memorable.

          Dahil, araw ng mga guro, umuwi ako ng maaga. Di muna kami ng MTAP review. Mabuti at di ako na-traffic.
   
          Thankful ako sa Diyos sa mga biyayang ito..


Oktubre 5, 2013

          Bago mag-alas kuwatro ng umaga, gising na ako. Gusto ko pang matulog pero di ko kayang magpa-late. Sa Ultra ang punta ko para sa World Teachers' Day Celebration. Ayokong magpahintay sa mga kasama. Sobrang aga ko naman, nauna pa ako. Hinintay ko pa si Mam Amy. Nasa kanya ang ticket ko.

          Sa paghihintay ko, nakita ko ang mga schoolmates ko sa RGCC na sina Luis at ang kanyang naging asawa. Nagpalitan kami ng cellphone number. Small world tlaga. Kahapon lang, nagkita naman kami ni Christian Gogolin sa Paco. Sa isang resto daw siya nagtratrabaho. Niyayaya nga akong tikman ang putahe nila. Di lang ako nag-commit.

          Past seven na nagsimula ang program sa DepEd NCR Ground. Boring. Sa screen lang kami nakakapanood ng mga pangyayari sa Ultra o Philsports Arena. Andami sanang performers doon. Nagpa-games at nagpa-raffle naman dito, pero di naman ako nanalo. Mabuti na nga lang may nakasalamuha akong teachers sa Rivera at Apelo Cruz. Maya-maya, dumating naman si Mam Sharon kaya di na masyado boring. Naglibot-libot din kami sa mga booth para makahingi ng freebies.. Enjoy din kahit paano.

          Antagal ng oras. Naiinip kami. Kaya noong bandang 3pm na, sumubok kaming sumali sa bring-me games, kaso bigo na naman kami. Niyaya ako ni Mam Sharon na sumali sa pick-up lines. Ayoko nga, corny ako e. Baka walang tumawa.

          Lampas na alas-5 ng hapon. Overtime na ang celebration dahil sa unclained prizes. Ayaw pa rin naming umalis ng walang panalo. Mabuti hindi na-claim ng iba ang P2000 raffle prizes nila, hanggang P10,000 pa nga. Kaya, nagdesisyon ang prize committee na magraffle ng tig-iisanlibo.

          Antagal naming matawag. Mabuti na lang at marami talaga iyong di na-claim. Natawag kami bago maubusan ng papremyo. Malungkot na sana kaming uuwi.

          Ang saya ng araw na ito, hindi dahil sa napanalunan kong isanlibo, kundi sa experience. Noong 2010, andito rin ako. Pero, sa Ultra kami. Halfday lang ang program at kakaunti ang prizes at performers. Ngayon, bumabaha ng freebies at papremyo. May libre pa ngang Jollibee chicken joy at Coca-Cola drinks.

          Sarap! Sulit ang isang araw! Na-feel ko ang aking pagkaguro. Binigyan talaga nila kami ng tribute.

          Past 8 na ako nakauwi. Medyo masakit na naman ang ulo ko.


Oktubre 5, 2013

          Bago mag-alas kuwatro ng umaga, gising na ako. Gusto ko pang matulog pero di ko kayang magpa-late. Sa Ultra ang punta ko para sa World Teachers' Day Celebration. Ayokong magpahintay sa mga kasama. Sobrang aga ko naman, nauna pa ako. Hinintay ko pa si Mam Amy. Nasa kanya ang ticket ko.

          Sa paghihintay ko, nakita ko ang mga schoolmates ko sa RGCC na sina Luis at ang kanyang naging asawa. Nagpalitan kami ng cellphone number. Small world tlaga. Kahapon lang, nagkita naman kami ni Christian Gogolin sa Paco. Sa isang resto daw siya nagtratrabaho. Niyayaya nga akong tikman ang putahe nila. Di lang ako nag-commit.

          Past seven na nagsimula ang program sa DepEd NCR Ground. Boring. Sa screen lang kami nakakapanood ng mga pangyayari sa Ultra o Philsports Arena. Andami sanang performers doon. Nagpa-games at nagpa-raffle naman dito, pero di naman ako nanalo. Mabuti na nga lang may nakasalamuha akong teachers sa Rivera at Apelo Cruz. Maya-maya, dumating naman si Mam Sharon kaya di na masyado boring. Naglibot-libot din kami sa mga booth para makahingi ng freebies.. Enjoy din kahit paano.

          Antagal ng oras. Naiinip kami. Kaya noong bandang 3pm na, sumubok kaming sumali sa bring-me games, kaso bigo na naman kami. Niyaya ako ni Mam Sharon na sumali sa pick-up lines. Ayoko nga, corny ako e. Baka walang tumawa.

          Lampas na alas-5 ng hapon. Overtime na ang celebration dahil sa unclained prizes. Ayaw pa rin naming umalis ng walang panalo. Mabuti hindi na-claim ng iba ang P2000 raffle prizes nila, hanggang P10,000 pa nga. Kaya, nagdesisyon ang prize committee na magraffle ng tig-iisanlibo.

          Antagal naming matawag. Mabuti na lang at marami talaga iyong di na-claim. Natawag kami bago maubusan ng papremyo. Malungkot na sana kaming uuwi.

          Ang saya ng araw na ito, hindi dahil sa napanalunan kong isanlibo, kundi sa experience. Noong 2010, andito rin ako. Pero, sa Ultra kami. Halfday lang ang program at kakaunti ang prizes at performers. Ngayon, bumabaha ng freebies at papremyo. May libre pa ngang Jollibee chicken joy at Coca-Cola drinks.

          Sarap! Sulit ang isang araw! Na-feel ko ang aking pagkaguro. Binigyan talaga nila kami ng tribute.

          Past 8 na ako nakauwi. Medyo masakit na naman ang ulo ko.


 Oktubre 6, 2013

          Tapos na ang weekend. Pasok na naman bukas. Okey lang, at least nakapagpahinga ako buong maghapon ngayong araw. Nakatulog ako. Nakapagbasa. Nakapag-FB at Youtube. Nakapag-prepare para sa October Quiz at Math Trick or Treat.

          Gusto ko nga sanang mamasyal kasama si Eking kaso nanghihinayang ako sa pera. Mas maigi na ang manatili sa bahay kesa gumastos. Sa ibang araw na lang siguro.

Oktubre 8, 2013

          Andito ako ngayon sa division office. Nag-text kasi kahapon si Mam Fajardo, co-trainer ko sa broadcasting. Nagpatawag daw ng meeting si Mam Normina, kasama ang mga trainers ng East District na nag-akusa sa amin na nandaya. Nauna pa ako sa kanila. Grabe!

          9:00pm. Wala kanina sa meeting namin si Sir Bagsic, ang kagrupo ko at si Mrs.Teresita Bucao, ang culprit ng lahat ng ito. Naging mahinahon naman ang usapan. Na-orient kasi kami ni Mr. Junio, ang DepEd Pasay Alternative Dispute Resolution mediator.

         Ang resulta, nagsulat ng apologies ang mga teachers na nag-accused kay Mam Normina na nandaya. Ayoko sana ng ganun lang. Gusto ko sanang ibalik sa amin ang chance na lumaban sa regional level. Kaso, mukhang suntok sa buwan. Iyon nga ang hinabol nila. Di na nila iyon ibabalik.

         Happy naman kami sa naging resulta. At least, nagkapatawaran na. Si Mrs. Bucao na lang ang problema. Baka magmatigas pa iyon. Bahala siya.
     
         Badtrip ako maghapon.

          Una, disappointed ako sa resulta ng meeting. Pangalawa, pasaway ang mga pupils ko. Mga walang disiplina. Sinabi ko na na ayoko na nagkakalat sila. Matagal ko na sila inalosan ng basurahan. Sa ilalim naman ng upuan nila ngayon itinatapon. Ang iba sa papelan nila tinatapon. Kahit pa nga, inuulit-ulit ko na bobo ang taong walang disiplina, ayaw pa ring gawin ang tama at nararapat.

          At panghuli, ang COMELEC. Disqualified na nga kami na umupo sa election dahil hindi kami botante sa Pasay, sapilitan pa kaming binibigyan ng obligasyon sa darating na barangay election. Pwede na raw umupo, dahil kulang ang teachers. Ang masama, chairman pa kaming lahat. Ayoko ngang mag-serve dahil delikado ang buhay. Napaparatangan pang mandaraya. Minsan pa nga, nakakasuhan pa sa maling di naman sinasadya. Asan ang hustisya?

          Di ko naman kailangan ang pera kung ang isang paa ko ay nakabaaon sa lupa habang ang botohan ay nagaganap. Alam ko kasi na marahas ang mga kandidato kapag barangay election. Mamaya, mabaril pa ako. Yay!


Oktubre 9, 2013

          Di muna ako nag-train sa MTAP. Sinamahan ko muna kasi si Mia sa MOA. Kukuha siya ng Sun WiFi pocket. Gagamitin nia ang credit card ko. Kagabi pa namin ito pinag-usapan.

          Dumating din si Pareng Joel habang naghihintay kami sa pila. Kayamdi na kami alangan sa isa't isa.

          Past seven na yata iyon nang matapos kami. Nag-treat si Mia ng dinner sa Chowking. Doon, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga kaganapan sa school. Unang-una na ang tungkol sa Grade 2. Partikular ang pag-ayaw ni Mareng Joyce as grade leader dahil sa katigasan ng ulo ni Lester. Pinayuhan namin si Mia na wag niyang sundin ang pakiusap ni Lester na i-time in siya kapag late. Bahala siyang ma-late at magbago. Payong kaibigan. Nasa tama kami.

          Napagkuwentuhan din namin ang tungkol sa nakikipag-inuman ng magaling naming co-teacher na si Herminogildo. Nakipag-inuman daw kagabi sa mga pupils niya. Ang nakakatawa pa, nagwala sa may school. Muntik na nga raw bugbugin ng isang kagawad dahil binastos daw ang kapitana. Whatever happened, di ko alam. I believe, ganun nga ang nangyari.

          Isang kasiraan para sa part niya, ganunndin sa principal na siyang nagpasok sa kanya....at sa school na rin.

          Dumaan din kami sa pagiging bago, but we never do that. Shameful!

######
       Nine o' clock in the evening, I was in a jeepney, going home to Paco. I was thinking of my nephew's project (scrapbook). He indirectly told me to do it for him. So, I was so problematic.

       Because of this thought, I haven't noticed that a girl, on her 10 to 12 years, has been given the passengers white envelope each. I just have seen her after I heard her voice. She was singing a popular OPM song, Buko. Seconds later, she stopped and began collecting the envelopes.

       I could see her sweet smile after receiving few peso coins from two or three passengers with golden hearts.

       My heart breaks when she picked out the envelope near my shoes. I never thought that she has given me one. Alas! I lost the opportunity to give alms to the needy. I wanted to give but I never initiated an action. I did not know what happened to me.

       I usually give, especially to those elderly man and woman and persons with disabilities. I also extend help to the children who offers talents in exchange to coins. But, now I failed to give. I hated myself..

       I hated myself even more when I noticed the girl's right feet. It was burnt. And, she could not walk normally.

       My heart breaks in two. I hate my self so much. What is the use of my money if I could not help?!

       What is five peso or more if I lost it in helping a beggar? I could, I knew, earn that amount repeatedly for many times. But, what can a five peso can do to her? Geeh, I am useless jerk! Stingy, I am.


Oktubre 10, 2013

          9:30PM. Pahinga na ako. Nasimulan ko na ang scrapbook ni Eking. Bukas ko na lang itutuloy. Magdidikit na lang ng pictures at magdedesign.

          Nakakubuwisit lang dahil walang signal ang Globe. Di tuloy ako makapag-online. Andami ko pa man din ise-search para sa Math Club namin. Hanggang kelan kaya ito?

          Mabuti pang magbasa na lang muna ng "This is a Crazy World" ni Lourd De Veyra.


Oktubre 11, 2013

          Andaming nangyari ngayong araw.. May malungkot, may masaya. Unahin ko na ang masaya.

          Nagpa-late ako ng pasok kasi TGIF ngayon at last day ng exam ng mga pupils. Past seven na ako bumangon.

          Nagplantsa muna, bago naligo. Habang naliligo, background ko ang pinakasikat na tambalan sa radyo na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper. Hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko sila napapakinggan. They make laugh! Minsan, nahihiya ako sa dyip kasi nakangiti ako at may nakakakita sa akin. Iisipin nilang may sayad ako. Di nila alam. Nakakatawa talaga ang mga balahura at balasubas sa Love Radio 90.7.

          Kaya lang, bad trip naman ako pagdating ko sa school. Akalain mo ba namang salubungin ka ng principal mo at ipakita sa'yo ang mga bata, dancers ko daw na naka-isolate at nagbabasa at nagsusulat sa office dahil nagtakbuhan daw. Grade 4 ang apat dun. Dalawa lang ang pupils ko. Di ko naman inimbita ung apat. Bakit andun?

          Okay lang sana ang ginawa niyang pag-hold at pagbigay ng activity. Angndi ko nagustuhan ay pati ang janitress ay nagsabi sa akin. Nagtanong kung nakita ko na ang mga bata. Aba, kumalat na pala ang issue na tila ba napakalaking kasalanan ko na bakit nagtakbuhan ang mga bata habang ako'y wala.

         Pinakita rin pala kay Mam Nelly at kay Mam Diane. Grabe! Big deal.

         Kung wala ako dapat may nag-accommodate. Wala e! Si Alberto naman, walang pakialam. Siya ang nag-set ng oras na papuntahin ang mga dancers para sa Eat Bulaga, pero di naman niya pinansin ang mga pupils na hindi Grade Six. Ako pa tuloy ang napasama. Minsan lang ako, pumasok ng past nine, napahamak pa.

         Umasa ako na darating ang choreograpers na pinakausap niya sa akin kahapon kasi umuoo sila sa time eh. Umoo din ako kasi di naman ako ang magtuturo. Basta sinabihan ko ang Grade 5 na dancers. Iyon pala, nauna pa akong pumasok.

          Sa inis ko, sinabi kong di na tuloy ang laban. Ayoko ng sumali. Gusto ni Alberto na sumali sa pautakan, kahit walang sayaw. Yun lang talaga ang habol niya. Sorry siya. Hindi pwedeng isa lang. Dapat sayaw at pautakan. Wala siyang magagawa kung ayaw ko na.

          Sabi ko nga, naaabala lang ako diyan. Wala naman akong napapala o mapapala. Napahamak pa.

          Sinermunan ko rin ang mga batang nagtakbuhan. Sabimko sa kanila, dahil sa ginawa nila, wala ng sasayaw sa Pinoy Henyo.
 
          Sinimulan kong gumawa ng bulletin board na pang-Halloween. Ang ganda agad ng mga feedback na naririnig ko mula sa mga bata at co-teachers ko. Sabi ni Sir Erwin, "Very artsitic!"

          Nagulat din ako sa outcome.
 
          Salamat sa mga cartolina na pina-project ko sa mga bata.
 
          Sana dahil doon ay nakaengganyo ako ng mga pupils ko na sumali sa Halloween Party namin.

          4:00PM..After class, pumunta kami nina Sir Erwin at Mam Diana sa World Trade Center para suportahan ang co-teacher namin na si Joanna Carranza sa kanyang laban sa Talent Competition ng Carenderia Queen 2013. Nag-enjoy naman kami sa show, not to mention the free taste coffee sa exhibit doon.
 
          Past 6:30 na ako nakauwi. Sinimulan ko na agad ang scrapbooking. Natapos ko ito at past 9:30 PM. Sulit naman ang effort at sakit sa likod ko sa comment ni Eking na "magayunon".


Oktubre 12, 2013  
 
          Ang sarap matulog kasi malamig ang panahon dahil sa bagyong Santi. Ayaw ko pa sanang bumangon, kaso kailangang makapag-almusal si Eking. Papasok pa siya. Kaya, bumangon ako at bumili lang ng tinapay at kape.

          Wala akong sinayang na oras. Habang nagkakape, nag-search ako sa The Modern Teacher kung paano ba mag-submit ng article. Napagtanto ko na kailangan ko mag-subscribe muna ng kanilang publication para makapag-submit ng artikulo. Gusto ko kasing magamit ko ang writing prowess ko sa career ko as teacher. I know, malaking puntos ang published article sa pagpapa-rank.

          Kaya, agad ako nag-email sa magazine. Tutal, P41 lang naman ang bawat copy nito. Hindi na mabigat. Magkakaroon pa ako ng opportunity na maging full-pledged writer. Sayang naman kung hanggang FB lang ako nakakapag-post o publish. Di naman ito counted.

          Sana mareplayan agad ako..

          Pagkatapos nito, nag-search naman ako kung ano at paano ang Action Research Project. Makakatulong din ito bilangTeacher 3 aspirant.

          Madali lang pala. Parang thesis lang. Nakagawa na ako ng tatlong thesis, wayback my college days. Iyong project ko, project ni Marnellie, na ngayon ay mayor na ng Bulan at iyong project naman ni Obet, barkada ko. I think, di naman ako mahihirapan this time. Tutal, may sinimulan na akong activities like GES MATH CLUB at KAMAFIL. Ang mga ito ang pag-aaralan ko.

          Sisimulan ko na ngayon, pagkatapos nito, ang introduction ng research work ko.


Oktubre 13, 2013

         1pm. Linggo naman kaya nag-almusal kami bandang alas-10 na. Tapos, higa-higa ulit hanggang may time. Sarap nga buhay! Parang life. :)

         Nag-download lang ako ng mga apps sa Play Store. Magaganda ang na-download ko.

         Past one pm na ako nagsaing. Anong oras kaya kami nito kakain!?

         5:50pm. Success! Nakagawa ako ng blog. Blogger na ako. Matagal ko ng pangarap ito. Kaya agad akong nag-post. Pinost ko ang kauna-unahan kong entry ko dito sa diary. Balak kong gawing diary ang blog ko. Ipo-post ko rin lahat ang mga literary pieces ko. Yahoo!

Oktubre 14, 2013

        Andito ako ngayon sa Antipolo. Dumalaw lang ako. Para na rin alamin ang kalagayan ng pamilya ko.

        Wala kasing pasok ngayon dahil may Evangelical Mission ang mga Iglesia Ni Cristo. Occupied and halos buong bahagi ng malalaking kalsada ng Maynila.

        Sa daanan nga, nakita ko ang malawak na kumpulan ng mga tao. Daig pa ang rally. Hiwa-hiwalay sila ng lokasyon. May sa Lawton. Mayroon sa Recto. Meron din sa Pureza.

        Natagalan nga ako ng paghihintay ng dyip. Nag-iba ako ng way. Dapat dyip lang papuntang Cubao. Ang nangyari, sa LRT-Recto ako napadpad. Sus! Malala pala doon ang tao. Noon lang ako naka-encounter ng ganun kahabang pila. Talo ang anaconda sa haba.

        Nateknikan ko rin kaya napabilis ako. Pagbaba ko ng Cubao, ang luwag ng kalsada. Ang bilis lang ako nakarating sa Bautista.

        Nadismaya naman ako sa nadatnan ko. Grabe! Tinuloy pa rin pala ng mga Diokno ang pagpapatayo ng mansion sa may bahay ni Jano. Isang hibla ng buhok na lang, dikit na ang mansion sa kanilang tirahan. No choice, kundi lumipat sila. Ang masaklap, walang perang ibinayad sa kanila. Kaya, sa bahay ni Tito Sam sila ngayon, sisiksik. Maiyak-iyak nga si Mama sa galit. Wala ngang mga puso ang pamilyang Diokno. Makakarma sila..

       Gusto ko sanang mag-stay pa hanggang bukas. Kung di ko lang inisip si Eking. Makakatulong sana ako kay Jano sa pagtatayo niya ng bahay o paglilipat ng mga gamit.


Oktubre 15, 2013

        Eidul Adha ngayon. Declared holiday. Thanks sa mga Muslim!

        Nakapaglaba ako. Nakapag-relax. Nakapag-FB. Nakapag-blog. Sulit ang holiday.  

        Nakapag-post din ako ng mga photographs ko. Nilalagyan ko ang mga ito ng watermark na "pores_graphy" para di maangkin ng iba.

        6:30PM. Nanood ako ng balita. Inabangan ko talaga ito dahil sa 7.2 magnitude earthquake na nangyari sa Cebu at Bohol kanina. Grabeng pinsala Ang idinulot nito. Nawasak ang mga historical churches sa Visayas. Naalala ko tuloy ang huling malakas na lindol na naranasan ko. Last 23 years ago pa ito. Pero, ito na yata ang pinakamalakas na nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas.

       Nagtext sina Emily at Jano bandang alas-otso pa. Di ko kaagad nareplyan kasi nnag-type ako at nagbanlaw ng binabad. Pasado alas-10 ko na nareplayan.

       Sabi ni Jano, "Tol, ok lang b mangupahan na muna kami habang d pa gawa haws ko, d ko bbayaran kuryente, mahahatak na un."

       Reply ko: "Kaw bhala. Bsta hng s carloan. Panay ang tawag..Hiyang hiya n aq." Sabi ko pa: "Byran momung meralco. Mssira angnoangalan ko. Ska need un s business mo. Mhrap n mag-apply uli."

       Patung-patong na ang problema nila. Di ko alam kung paano ako makakatulong. Wala na rin akong perang maipapautang. Matagal pa ako matatapos sa loan ko. Sumabay pa ang pagkawala ng biyahe niya. Nagkamalas-malas na. Ang mga Diokno naman, wala na ngang naitulong, nakasira at nakagipit pa.

       Hay, buhay!

       Si Emily naman, nagtatanong kung pwede ko daw ba siya padalhan ng pambili ng gatas ni Ion. Wala pa daw pampasahod ang amo niya dahil may naaksidenteng estudyante. Ano naman daw? Di dapat ma-delay ang sahod niya kahit may aksidente. Walang kinalaman iyon.

       Kaya sabi ko rin na wala pa akong sweldo. Alam niya naman ang petsa ng sahod ko.

   
Oktubre 16, 2013

         Katatapos ko lang gawin ang video presentation para sa kasal ni Karen kay EJ sa Sabado. Ni-request kasi ni Mareng Lorie na gawan ko sila ng video as a surprise na rin siguro.

         Nagawa ko naman. Ilang oras ko din pinagpaguran at worth it naman. Nagamit ko ang song ni George Michael na "You and I", na ginamit naman sa kasal nina Prince William of Wales at Catherine Middleton. Siyempre, di mawawalam ang tula ko. Makakapagpakilig, makapagpaiyak at makakapagpatawa iyon.

         Sana magustuhan nilang lahat..


Okubre 17, 2013

         Katatapos ko lang tulungan si Eking sa kanyang school works. Pinagawa niya ako ng mga apat na essay na may more than 300 words each. Una, persuasive essay na may pamagat na 'Hot Pandesal'. Sunod, isang narrative essay. Ang titulo ay 'My Autobiography'. Pangatlo, ang 'My Cat', isang descriptive essay. At ang A'MA Computer Learning Center', isa namang informative essay.

        Mabuti nasa kondisyon ngayon ang utak ko..

        Puro ako ngayon sa pagtulong. Kanina lang, tinulungan ko sina Mam Nelly at Mam Diane sa pag-pack ng herbal soap na ipanlalaban ng huli bukas sa investigatory project ng Science. Eight o' clock na nga ako nakauwi.

        Okay lang, masaya naman ako dahil nakatulong ako.

        Naihanda ko rin ang cutouts para sa OctoberTest 2013 namin sa Math Club bukas. Mabuti nga at nagsiuwian ang sampung estudyante kanina na pumasok pa kahit may field trip ang ibang bata. Nagawa ko tuloy ang mga dapat gawin. Nakapag-compute pa ako ng ilang grades ng pupils.


Okubre 18, 2013

         Kokonti lang ang pupils ko na pumasok. Pero, dahil wala si Mam Diana, nasa akin ang pupils niya. Pati ang ilan sa pupils ni Sir Rey ay sa akin iniwan. Kaya naman, kahit wala dapat akong sawayin masyado ay nagkaroon ako ng pasanin. Hindi tuloy ako nakagawa ng maraming gawaing dapat tapusin.

         Gayunpaman, naisakatuparan ko ang OctoberTest 2013 ng GES Math Club. Successful naman ito. Lahat halos ng pupils ay gustong sumali. Pangako ko naman na ipagpapatuloy namin ang pagkakaroon ng quiz bee, buwan- buwan kung maaari.

         Ibinalita ko rin pagkatapos ng awarding na magkakaroon ng quiz bee tungkol kay Andres Bonifacio. Interesado na agad ang marami.

         Sana nga ay maging successful ang lahat ng mga activities ko.

         Ilang minuto lang pagdating ko sa Our Lady of Parish Church, nagsimula na ang entourage nina Karen at EJ. Muntik na akong ma-late. Nagpagwapo kasi ako ng husto. He he. Sinigurado ko na presentable ako at pogi sa picture..

        Habang kinasal ang dalawa, nalulungkot ako kasi si Emily, prini-pressure ako. Bigyan ko daw siya ng yaya ni Zillion. Di ako nag-reply sa text niyang iyon. Pero, kanina lang habang nasa bahay pa ako, nagtetext kami. Nagpaparamdam siya na magsama na uli kami. Ibinibigay niya sa akin si Ion, basta huwag kong dahil dalhin sa Antipolo. Sabi ko, bawal ang bata sa boarding house. Payo niya, maglipat ng bahay. Kako, mahirap maglipat. Nasabi ko tuloy ang balak kong magpatuloy sa pagma-masteral. Okay naman sa kanya, basta huwag ko lang daw pabayaan si Zillion. Hindi naman ah, sabi ko.

          Pinilit kong maging masaya ang mood ko. Kasal ang dinaluhan ko kaya dapat masaya din ako
.
          Nalimutan ko naman hanggang sa matapos ang kasal.

          Masaya ako sa pagdalo ko ng kasal. Kahit paano ay nakakaranas ako ng socialization. Pinasalamatan pa ako ni Karen sa text. Nagpasalamat din ako sa pag-invite sa akin.

         Nakauwi ako ng mga 10pm.


Oktubre 20, 2013

         Nakatext ko si Paz Fatima Cortejos, ang naging kaklase ko sa RGCC noong kumuha ako ng education units.

         Nagpalitan kami ng mga ideas at kuwento about our craft, which is teaching. Sinabi niya uli sa akin na idolo niya ako. Nakakataba ng puso, pero hindi ko naman iyon binibigyan ng kulay.

         GABI. Habang nanunuod ako ng Imbestigador, naalala ko ang pananakit ko kay Hanna. Hindi lang ito ang unang beses na inusig ako ng alaalang iyon. Hindi ko makalimutan ang kagaguhan ko. Grabe, ang sama ng pangyayaring iyon, hindi lang sa akin kundi marahil pati na sa anak ko.

         Isang umaga, papasok na kami noon. Antagal maligo ni Hanna. Kaya, pinuntahan ko siya sa CR. Nakita ko sa uwang ng pinto ang towel na nasa sahig. Nandiri ako. Ayokong makita ang gamit sa katawan na nasa basang sahig ng paliguan, lalo na't nanggigitata ito. Pinabilis ko siya. Galit na galit na ako. Tapos, tinagalan niya pa niya ang pagpaligo. Pinaghintay ako kaya lalo akong nainis. Kaya naman, paglabas niya, katakot-takot na pukpok sa ulo ang inabot niya sa akin. Nagamit ko ang ulo ng walis tingting na nandoon sa labas. Grabe ang iyak ng anak ko. Naawa din ako kaagad at pinaliwanag ko sa kanya ang kamalian niya.

         Pagkatapos noon, hindi naman siya nagtampo sa akin. Naramdaman ko naman iyon. Kaya lang naman kami magkalayo ngayon dahil sa kagustuhan niyang makasama ang Mama niya at mga kapatid. Siguro hindi naman ang pananakit ko sa kanya ang dahilan. Maaari pang maging dahilan ang pagmamaltratong emosyonal ni Emily ang maging sanhi nito at hindi ang sa akin.

         Sana lang makalimutan niya na ito----pati ang mga pangit na pinagdaanan namin kay Emily. Gayundin ako. Hangad ko na makalimutan ko na ang lahat ng mga iyon. Patawarin sana ako ng Panginoon.

Oktubre 21, 2013

        Alas-otso, nag-text si Mia. Tinanong niya ako kung dadalo ako sa Comelec meeting sa Pearl Manila Hotel. Tinanong daw ako ni Jul. Since, alas-nuwebe ang meeting, hindi na ako aabot. Saka, ayaw ko naman talagang mag-serve sa anumang election, lalo na sa barangay election. Delikado ang buhay. Magulo.

       Kaya, nagdesisyon ako na hindi ako dadalo. Ganoon din ang desisyon nina Mia at Jul. Pinag-usapan na lang namin ang mga posibleng mangyari at sasabihin sa amin. Kakasuhan daw kami kung di kami mag-serve. Maniwala naman ako. Bakit last senatorial election? Kung kelan ko gusto, di naman ako pinayagan ng Comelec. Rejected ako dahil hindi ako botante ng Pasay. Bakit ngayong barangay election lang ay biglang pwede ng umupo kahit hindi botante? Nakakahibang!

       Matatag kami. Sabi namin ni Mia na magiging matatag kami sa desisyon namin.

       Gumawa din ako ng tula tungkol sa pananakot ng mga kasamahan namin. Gusto kong malaman nila na hindi nila kami maloloko. Kung gusto nilang umupo, sila na lang..        


Oktubre 22. 2013

        Hindi na naman ako pumasok. Kailangan kasing maging kapani-paniwala na nagkasakit ako at hindi nagpapalibre sa pag-serve sa barangay election sa October 28. Okay lang na two days akong absent. May service credits pa naman siguro ako to cover up my absences.

       Marami lang akong naka-hang na trabaho just like the documentation ng demo ni Mam Edith na dapat ay kahapon ko ipinasa. Ngayon, magte-text na lang ako may Mam Vale na di ko pa ito maipapasa. Di pa nga ito napirmahan ni Sir Socao. Tapos, sa Huwebes may meeting kami with Mam Silva, Filipino Supervisor. Kailangan din ng Filipino Test Results. Dapat mai-text ko si Mam Nelly na pakisabihan si Mam Amy na ipahanda. Hay..

       Work pa rin kahit absent.

       Umidlip ako pagkatapos kong mapagod a pag-compute ng grade ng mga estudyane ko. Nakapagpadala na rin ako ng pera kay Emily through Cebuana. At, ang maganda, pumayag na sina Sir Socao at Mam Amy na hindi ako umupo sa election. Kailangan lang daw ng written explanation. Ok.. thanks po ang sabi ko. Kalokohan! Bakit ako mag-e-explain?! May kasalanan ba ako. Sila ba nagpaliwanag noong ni-reject kami bilang BEI? Pwe!

       Umalis si Eking, kaya natahimik ang mundo ko. Dumating naman siya agad na hindi pa ako nakatulog. Pero, itinuloy ko anng siya ay naidlip din. Five thirty na nga nang ako'y bumangon para magkape. Ang bilis dumilim.   


Oktubre 23, 2013

        Andaming nangyari ngayong araw. Nakakagigil ang iba. May nakakatuwa din naman. Unahin ko muna ang nakakatuwa.

        Nagpa-riso ako ng activity sheet ko sa opisina. Nagbayad ako ng sixty centavos per copy. Ok lang dahil naibenta ko naman ito ng P2 each. Iyon naman kasi ang presyo sa lahat ng xerox-an. Hindi ko na nga lang ikukuwento kung paano ako nahirapan sa paglalakad makahanap lang ng xerox-an na naniningil ng less than one peso each copy.

       Maganda ang income-an sa ganitong activity. Nagustuhan na ng mga bata. Natuto pa sila.

       Nakakagigil dahil may dayaang nagaganap sa Gotamco. Natuklasan kasi ni Mareng Lorie na si Mam Iblasin ay mayroong certificate na gawa-gawa lang. Pirmado pa ni Sir Socao. Akalain mong naging facilitator pala siya ng IN-SET, samantalang walang naganap na seminar noon dahil labu-labo pa ang grade assignment, gawa ng pagpalitan ng principal. Kasalukuyang nagse-semiar din noon ang mga Grade 1 sa K-12, kasama nga si Ms. Iblasin.

      Obvious na dinaya nila ang lahat ng guro. Hindi man ako ang apektado, isa naman ako sa nalinlang at maaaring mabiktima sa susunod kapag hindi namin ito isiniwalat. Nagplano ako ngbmga sasabihin para sa aming professional meeting. Isasama ko ito sa listahan ng mga dapat pag-usapan.

      Ininis din ako ni Mam Batula. Nagpagawa siya ng written explanation kung bakit ayokong umupo sa election. Gumawa ako at itinype pa nga ng clerk na si Jing. Tapos, sasabihin lang sa akin sa i-address na lang daw kay Sir Socao, huwag sa Comelec. Tapos, noong ipapa-print na namin ni Mia ang may correction na sulat, sinabi ng clerk na sorry daw sabi ng principal. Gawin daw namin ng sarili namin. Bigla akong kinuluan ng dugo. Umalis agad ako ng opisina at niyaya ko si Mia. Halika na Mia, ang arte nila. Sabi ko. Buwisit! Hindi naman talaga kami dapat na gumawa ng written explanation dahil di naman iyon alam ng Comelec. Gumagawa lang sila ng sarili nilang batas. Halata namang pinapaikot nila kami.

       Puwes! Humanda sila.. Malapit ng sumabog ang bomba.


Oktubre 24, 2013

        9am. Nasa sa school na ako sa ganitong oras. Nakipagkuwentuhan ako kay Mam Sharon. Sinabi ko sa kanya ang kadayaan ng principal namin at ng kaaway niyang si Mam Belle. Tapos, kay Mareng Lorie naman. Pinag-usapan namin kung paano niya o namin io-open up ang issue. Nagdesisyon siyang gawin ito ng nakaharap ang mga co-teachers namin para mas nakakahiya silang manloloko.

       Andaming kabulastugan sa school. Si Ninang naman, hino-hold ang certificate ni Mam Diana. Samantalang wala naman siyang itinulong sa pagkapanalo niya. Sus! Grabeng mga ugali..

      12N. Nagpaalam ako sa mga kagrupo ko na aalis ako upang makipag-meeting with others Filipino coordinators.

      2pm. Saka lang kami nakapagsimula. Napag-usapan ang Gawad Parangal para sa mga nagpakitang-turo. Nagplano na rin kami ng Christmas Party namin. This time, mas marami na kami. Sana mas masaya na.

      Past 5pm, nakabonding ko sa pag-uwi sina Pareng Joel at Mareng Mia, hanggang sa HP. Bumili kasi ako ng flask drive. On the way, pinag-usapan namin ang nga baluktot na gawain ng pinuno at mga alipores niya. Grabe! Galit na rin sila sa mga abusado naming kaguro at pinuno. May inihahanda nga silang petition para sa ulikbang linta.

      6:30pm. Nakauwi na ako. Aalis na pala si Eking bukas ng madaling araw. Sasabay siya sa truck ni Kuya Jape. Kaya kailangan na niyang pumunta doon.

      Kumain muna kami. At inihatid ko. Hindi na ako nagtagal doon. Nag-iinuman sina Kuya Jape. Andami ko pang gagawin. Nainis lang ako dahil nakita ko ang kabastusan ni Eking. Paano ba naman?! Puno ng plema ang likod ng nilalagayan ko ng kutson. Mabuti na lang ay hindi sa foam. Kung alam ko lang kung paano siya pahiyain, ginawa ko. Tamad! Sobrang tamad. Di man lang makatayo para iluwa sa lababo ang virus niya. Kaya pala, ilang araw ko ng naaamoy ang kuwarto na maasim. Sa tuwing darating ako galing sa school, maaamoy ko ang malansa, na nakakasukang amoy. Sabi ko nga sa kanya kagabi, amoy maysakit. Di man lang niya naisip. Tapos, ang lagkit ng sahig, na animo'y pinunasan ng pulot. Kadiri talaga. Nakita ko pa ang gilid ng higaan niya. Pulos mapa. Sipon niya. Doon niya sinisinga, niluluwa at dinudura. Kadiri talaga.


Oktubre 25, 2013

        Ang bilis lang matapos ang School Paper Advisers' Meeting. Nagbigay lang ng guidelines. Binigay din ang dates at venues ng mga contests sa Regional Journalism. Okay lang naman. At least, nakasalamuha ko doon sina Mam Fatima ng JRES at Mam Rechie ng PVES, mga nakasama ko sa broadcasting. Pinadala lang sila ng school nila as proxies.

        Dahil maaga pa, naisipan kong dumaan sa City University of Pasay para mag-inquire. Mabuti na lang at napadpad ako doon. Hanggang October na lang pala ang enrollment para sa post studies. Namili na ako ng mga subjects ko at tinext ko si Sir Randy. Bukas na lang daw siya pupunta.

       Naglinis kami ni Mam Nelly sa room namin. Itinago namin ang mga gamit at nilinis ang kuwarto. Natapos ko naman agad kaya may time na sana akong magpaenroll. Kanina kasi di ko nadala ang clearance at iba ko pang requirements. Kaso, nawili naman ako sa pakikipagkuwentuhan kina Pareng Lester, Mia, Mareng Janelyn, Mareng Lorie at Pareng Joel.

       Pinag-usapan namin ang mga masamang sistema at kaganapan a Gotamco. Nagplano at nagkaisa kami na itutuloy ang laban. Nakisali din si Sir Erwin. Nagbigay siya ng mga payo sa amin kaya medyo lumakas pa ang aming loob.

       Napuno din ng tawanan ang hapon naming iyon. Nakauwi ako ng late na. Pero okay lang. Naipakita ko naman sa kanila ang aking buong loob sa pakikipaglaban sa mga mandaraya. Nakakatulong din ang mga tula ko na double meaning.
    

Oktubre 26, 2013

        Dapat mag-eenroll ako sa City University of Pasay, kaya lang wala silang pasok. Kaya, pumunta na ako sa MOA. Masyado akong maaga pero okay lang dahil nakahingi na ako ng number para sa pag-claim ng ticket.

        Tinext ko na si Mia. Sabi ko kailangan nilang pumunta ng maaga dahil ayaw magbigay ng tatlong number. Naghanda na siya agad.

        Habang naghihintay sa kanila ni Pareng Joel, naglp-brunch na ako sa Chowking. Doon ko nakita ang post ng Gabay Guro na list of winners sa kanilang daily question. Naalala ko na sumali pala ako. May nasagot pala akong tanong, kaya clinick ko ang link na pinost nila. At, I was surprised to see my name on the number one slot. Nanalo ako. October 19 pala ako sumagot. Ang saya ko. Nakaka-proud dahil napili ang sagot ko. Di ko akalaing mapipili ako dahil sa dami ng sumali.

        Nahiwalay ako kina Mia dahil kailngan ko i-claim ang ticket ko sa ibang booth. Kumain muna sila kasama ang mga pinapatamaan ko sa aking mga tula. Reunion yata nila. Mabuti naman nahiwalay ako. Baka ma-out of place lang ako.

        Mabuting-mabuti dahil nakilala ko ang tatlo sa mga co-winners ko sa iba't ibang date, na sina Mam Imee Torres, Mam Karen aka Elle Guru at Mam Mari Lynne. Nag-picture picture kami. Sama-sama naming clinaim ang mga token at snacks. Sama-sama kami hanggang matapos. Nagpalitan kami ng fb account. Ang saya na nga dahil sa grandyosong tribute sa amin ng Gabay Guro, ang saya pa dahil nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Bago nga kami naghiwa-hiwalay, sabi namin na sama-sama pa rin kami next year..

        Nakita ko rin si Tita Merly. Unang pagkikita namin, doon pa. Suwerte talaga..

        Sulit ang araw ko ngayon. Di man ako nakapagpa-enroll, naligayahan naman ang mga mata ko sa mga star-studded na program kanina. Di man ako nanalo ng prize, nanalo naman ako ng kaibigan at experience.


Oktubre 27, 2013

        Five thirty, bumangon ako ng pilit para sa Palarong Pinoy 2013 ng KAMAFIL. Di na nga ako nakapagligpit ng higaan sa kamamadali. Pero, pagdating ko sa CCP, wala pa ang mga bata. Dumaan pa nga ako sa school para kunin ang medals, kadang at sipa. Siguro, kalahating oras din akong naghintay bago dumating ang iba.

       Konti lang ang dumating. Di nakabuo ng 6 na grupo na may 4 na miyembro. Kaya ang ginawa ko ay ginawa ko na lang 2 grupo. May mga dumating pa pagkatapos ng karera ng kadang.

       Enjoy naman ang mga bata. Enjoy din ako sa kakatawa at kakakuha ng litrato.

       Naglaro sila ng kadang, luksong baka, luksong tinik, sipa sa paa, braso at palad, tumbang preso, patintero at Doktor Kwak-Kwak. Nagpa-cheering competition din ako.

      Over-all: successful ang palaro ko. Malamang di nila iyon makakalimutan sa buong buhay nila.

      Pagkatapos, nagkitankami ni Mia sa MOA. Nakigamit siya ng credit card ko para bumili ng Levi's pants ng Papa niya.

      Tapos, dumiretso na ako ng Antipolo.


Oktubre 28, 2013

      Iniwan sa akin nina Jano si Kurt. Wala kasi ang yaya niya. Umuwi ng Bicol para bumoto. Si Gie, may pasok. Si Jano naman, naghatid-sundo ng mga botante. Inarkela ni Itoy na tumatakbo bilang Brgy. Kagawad.

     Okay lang naman. Di naman ako nahirapangnmag-alaga. Pumupoo lang kaya ako ang naghugas. Nang nakaboto naman si Mama siya naman ang nagpaligo.

      Bago mag-alas dose nakaboto na rin ako. Pagkatapos kong bumuto, umuwi na ako sa Paco. Mabilis lang ang biyahe kaya nakauwi ako ng maaga. Nakaidlip ako.

       Gabi, nagligpit ako ng mgadamit ko. Nakapagpagupit din ako. Ang sarap talaga mag-isa, nagagawa ang gusto. Walang istorbo.


Oktubre 29, 2013

        Sinikap kong di ako mabagot sa kapipila sa City University of Pasay. Gusto ko na kasing maipagpatuloy ko na ang master's degree ko. Kahit medyo natagalan ako sa assessment step ay natapos ko pa rin pagkatapos ng isa't kalahating oras. Natuwa ako sa patience ko. Siguro ay inspired lang akong makatapos. Excited na rin akong magkaroon ng bagong kaibigan.

        Pagkatapos nito, pumunta ako ng school para maglinis ng classroom ko. Alam ko na madumi at magulo ang room ko kaya di na ako nagalit sa gumamit nito kung sino man sila. Basta naglinis na lang ako. In fact, ready na ang silid ko sa Novembr 4.

       Kaya lang, napansin ko ang basurang iniwan ng mga botante sa Gotamco. Kaya pag-uwi ko, ginawan komito ng tula. Kinondena ko ang mga baboy na botante.


Oktubre 30, 2013

        INSET daw namin pero wala namang nag-talk o nag-demo. Mabuti na rin iyon. At least nakapunta ako sa JRES para ipasa kay Mam Vale ang ibang forms ng demo ni Mam Edith. Nakabalik din ako agad at nakapag-fill-up ng samu't saring kaikikan ni Sir Socao. Paulit-ulit na forms.

        Nagparinig pa si Mam Belle sa grupo namin. Nasira tuloy ang hapon ko. Kung nandoon lang si Mareng Lorie, tiyak ako away iyon. Malamang kawawa siya sa amin. E, galit na galit din si Mareng Janelyn. Nagtimpi lang siya. Ganun din ako.

        Grabe magparinig. Akala mo siya pa ang naapi. Siya na nga itong nandaya, siya pa ang mataas ang boses at malakas ang loob maggalit-galitan. Tigas ng mukha ng mga kasamahan ko. Mana sa lider namin na kunsintidor.


Oktubre 31, 2013

        Pasado alas-otso nang dumating ako sa school. Naroon na sina Mareng Lorie. Nag-voice out na rin siya ng tungkol sa issue ng dayaan. Hindi ko na aabutan.

        Wala pa naman doon ang kalaban niyang guro. Okay nga rin para di ako madawit. Tama na iyong nagsusulat ako ng tula na nagpapasaring sa mga kabuktutan ng mga kaguro ko. Ayoko rin naman ng maraming kaaway at kakonprontasyon. Tama na sa akin ang maging makata sa katauhan ni Makata O., na kinaiilagan ng mga taong liko.

        Habang naghihintay ng uwian o text ni Epr, nagsusulat ako ng kuwento. Ipagpapatuloy ko ang pagsulat dahil kagabi napuri ni Auntie Vangie sa kuwento kong ipinost ko sa FB na pinamagatan kong "Si Sir Gallego". Sabi niya, mahusay daw akong magsulat. Ipagpatuloy ko daw baka sakaling maging matagumpay akong manunulat.

        Nagsulat din ako sa isang bar sa Mayapa, Calamba, Laguna habang naghihintay kay Epr. Nauna kasi akong dumating sa kanya sa tagpuan namin. Nakakain at nakainom na ako ng isang bote ng light beer, nang siya ay dumating. Mahaba-haba rin ang naisulat ko.
     

     

     
     
   
     

   


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...