Followers

Friday, April 18, 2014

PAHILIS 27

Kabanata 27

       Apat na taon ang nakalipas mula ng magtapos ako sa kursong Batsilyer sa Agham ng Pangangalakal sa RGCC. Apat na taon akong nakipagsapalaran at nakipaglaban sa rampant discrimination sa Maynila. Ganoon katagal na walang halaga ang bawat pagpupunyagi ko. Lalo ko lamang pinayaman ang mga may-ari ng mga kompanyang pinagtrabahuan ko.

         Sa loob ng mga taong iyon, nagkaroon ako ng pamilya--- na may dalawang sariling anak. Nagkaroon din naman ng hanapbuhay datapwa't ni minsan, hindi ako nagkaroon ng masasaganang pamumuhay dahil sa pagkatamo ko ng aking edukasyon.

         Naitanong ko nga minsan.. Mali ba ang pinili ko?

       Mahirap. Napakahirap mamuhay sa mundo kapag wala kang karera.

         Napagod akong tumakbo at maghabol ng kung anuman sa siyudad. Tinanggap ko na lamang na ang apat na aton ko ay isang kabiguan. Isang pahilis!

        At muli, natagpuan ko ang sarili ko sa sariling lupa. Nagdesisyon akong doon magpayabong. Tutal, isang papaunlad na bayan na ang aming lugar. Maaari naman akong makapag-empleyo.

        Isang araw, mula ng dumating ako doon sa probinsiya, nag-apply agad ako sa isang loan and financing company. That time, mas pursigido at mas confident ako. Kaya nga, sabi ng personnel manager, pumasa daw ako sa written exam. Ngunit, bagsak ako sa moralidad.

        Huh? May ganon?!

        Oo! Bumagsak ako sa moralidad. Immorality daw ng pakikipag-live in.

        Umapela ako. Napilitang magtapat ang nag-i-interview. Gusto daw niya akong i-hire pero hindi maaari dahil Christian company iyon. Kung gusto ko raw, magpakasal muna kami at bumalik sa kanya pagkatapos. Itatago daw niya ang result ng exam ko at ang mga papers ko.

        Natuwa ako, siyempre. Ipinamalita ko iyon. Hanggang sa umabot sa tiya ko. At hanggang sabihin niya na tutulong siya upang makasal ako sa ina ng dalawa kong anak.

        Mas lalo akong natuwa. Para akong tumama sa lotto.

         Lahat sumang-ayon, maliban sa tiyo ko sa Bicol, kung saan ako nakikituloy. Hindi ko alam kung bakit.

         Bago pa mag-Mayo, inalok niya ako na pag-aaralin ako ng kursong Edukasyon. Na-realize ko na iyon ang dahilan kung bakit ayaw niya pa akong matali sa isang babae. Kaya pala tuwang-tuwa siya kapag namamalagi ako sa kanila at malayo ako sa pamilya ko.    

          Ganun pa man, pinag-isipan ko. Hindi agad ako umoo. Isinangguni ko ito sa mga taong nagtitiwala at nakakaunawa sa akin.

          Sabi ng pinsan kong isang taon nang guro sa isang pampublikong paaralan, "Oo, sige na! Kailangan ka ng paaralan." Sumang-ayon rin siya noong magpapakasal ako.

          Sabi naman ni Divina, ang aking kamag-aral na madalas akong sisihin dahil hindi Education ang kinuha ko: "Kasi dapat noon ka pa nag-Education, e!"

          Si Auntie Vangie, na siyang susuporta sana sa mga gastusin sa pagpapakasal ko ay nagsabing "Bagay sa'yo. Susuportahan kita."

          At, ang aking ina ay tuwang-tuwa, gaya nang pagkatuwa niya noong malaman niyang ikakasal na kami.

          Humingi rin ako sa Diyos ng signs. At iyon nga, binigyan Niya agad ako ng sagot. Pinayagan kasi ako ng asawa ko. Kahit mahirap, sinuportahan niya ang desisyon ko.

          Bago nagsimula ang klase, nakapiling ko muna ang pamilya ko sa loob ng isang linggo--- isang linggo, katumbas ng isang school year o dalawang semester.

          To make the story short, unang araw na ng pasukan...

          Kuntodo porma ako sa unang pasok ko sa dalubhasaang iyon. Wala kasi akong maisuot kaya napilitan akong mag-pink long sleeves polo, black leather shoes at maong pants. Confident ako sa get-up ko. Pero noong tumabi ako sa mga classmates kong mga first year ay nagsilayuan sila sa akin. Naalibadbaran yata o na-OP. Parang narinig ko pang sinabi nila, "Teacher ba iyon?" Pero, pagkatapos akong interbiyuhin ng propesora namin kung bakit ako nag-shift ng career, naglapitan uli sila sa akin. Nagsipagtanong na tungkol sa course at school ko dati. Palibhasa, first day din nila sa school na iyon, ganun din ang nararamdaman nilang intimidation at kaba. Wala pa rin silang mga kaibigan.
     
          Kakatwa..

          Ang propesora ko sa first period ay datihang guro na doon. Kilala na niya ako. Gayunpaman, sarcastic siyang nagtanong kung bakit nag-Education ako. I told her the truth. English, huh! Mabuti na lang, hindi niya ako tinanong kung bakit naka-long sleeves ako.

          Nagkamali yata ako ng pagpili ng sked. Two hours kasi ang vacant period ko. At since, wala pa akong friend, nasa bench lang ako. Hinahagod ko ng tingin ang kabuuan ng kolehiyong iyon, pati na ang mga nagdaraaang mga estudyante. Nagbabakasakali rin naman akong makakita ng kakilala.

          Hindi naman ako nagmukhang-tanga kasi nang nagsawa ako sa pag-sightseeing, nagsulat ako ng article na iko-contribute ko sa school organ, kung saan naging feature editor ako.

          Para madagdagan ito at para umabot sa quota na 30,000 words, narito ang naisulat ko habang vacant ko noon:                                   

       Commerce? Or Education?

       Many years ago, I have been in that skeptical state of mind, wherein I have found two in equilibrium scale. Both courses are interesting and profound.

       If only I could take them up at the same time, I would. However, I had to select only one. Thus, it confused me so much. I weighed them thoroughly.

       Education.

       I like it! I’m affectionate to children. I love going to school. I have the passion for teaching. Therefore, I must be an educator.

       Commerce.

       I know, there are plenty of job opportunities in the business world. I could be an office clerk. Maybe I could find much better job title in a big company through hard work and perseverance. Being a manager of a banking institution was my ultimate target. And, putting up my own business was my personal choice and my passion.

        Many times, I asked myself. Education or Commerce? Commerce or Education? Still, I don’t know. Hence, I sought advice. My cousin wanted me to be teacher like her, as well as my grade school classmate. They both have seen potential in me as a pedagogue. Knowing that it is the noblest profession, I was still in chaotic state of thinking. 

        Commerce or Education?

        After a long deliberation, I finally opted Bachelor of Science in Commerce. The childish and cowardly factor I considered was being free from Licensure Examination for Teachers. The truth was LET weakened my confidence. To fail in that exam would be a saddening and frustrating experience. It’s such a shame if I could not pass it.

        Four years, I took up the course seriously and wholeheartedly. Without regrets and worries, I graduated. After many years of odyssey, I was still unfulfilled in my chosen career. Success has been bitter to me. Self-actualization was very stingy.

        It was eight years ago when I first stepped on the Alma Mater’s ground. And one day, I came back to her. But that day, my mind was in order. Dilemma has no chance to stir up my head. Determined, I realized that BeED is my greater choice and that… teaching is my calling.


         Taking up Education course, I could say now that I’m satiable with this, not because I’m getting older and I must succeed in this field whether I like it or not but because the country is in need of a devoted. Clever teacher like me. This is not to raise my own chair. Indeed, it is the certainty of me that I could be an asset of the government and be of great help to the children, whose futures are dependent on teacher.

             Pinamagatan ko i ong “Dilemma’. Coincedence uli. Inabot na kasi ako ng dilim sa bench dahil sa vacant period.

          Nagkita kami ng kapitbahay namin pero hindi rin nagtagal ang aming pag-uusap.

          May dalawa akong kaklase noong Commerce student pa ako na enrolled din doon, pero wala pa sila. Okey lang, at least nadala ko naman ang suot ko.

          Sa sem na iyon, limang subject ang kinuha ko. Limang professors din ang nakasama ko buong semester. Limang subjects, pero apat na interviews lang ang pinagdaanan ko. Una nga iyong sarcastic interview sa akin ng tila bang hindi ako welcome sa teaching world. At para bang hindi niya alam ang kalakaran sa private companies.

          Sa apat na iyon, ang pinakagusto ko ay ang interview ng isa sa mga paborito kong teachers noon doon. Sa tingin ko hanggang sa mga oras na iyon.

          Pamilyar daw ako sa kanya. So, I related some of my experiences with her classes. At dahil principal na siya ngayon sa isang elementary school at fluent siya sa international language, I spoke in English. My classmates were intently listening.

          Bakit raw ako nag-change ng 'heart'. She laughed a bit. Kako, "As you said, Ma'am, four years ago, that a student like me must be a teacher." Hindi niya iyon maalala. Pero, sa tingin ko, hindi niya iyon dinenay. Then, she says, "Yes, four years is not a long time." Hindi pa raw huli ang lahat para sa akin.

          Nabagbag ang damdamin ko. Napakasarap!

          Ininterbyu niya rin ang ibang mga unit-earners na gaya ko. Hindi pala ako nag-iisa sa hangaring makapagturo, kahit napaglipasan na ng panahon.

          Isa pang interview ang nangyari. But that time, may halong introduksiyon na mula sa aking spinster na propesor. Siya ang Arts teacher ko noon.

          Pinakilala niya ako sa mga kaklase ko as varsity player ng basketball dati. Whoa! Napanganga ako. Hindi ako nakapagsalita.. hanggang iyon na talaga. Hindi ko na siya kinorek. Tutal may height naman ako. But the truth is hindi ako ni minsan sumali sa Intramurals. Hindi ako sporty, e.

          Ang dalawa kong professor ay wala lang! Hindi nila ako masyado pinansin. But, nang lumaon, ako na ang isa sa mga malalakas o suki sa recitation.

          Hindi nagtagal, nagkaroon na ako ng mga kaibigan. At siyempre, sila ay mga unit-earners din. Kami kasi ang magkaka-age level. Besides, kinailangan kami ng mga undergrad students. Ang tingin nila sa amin ay mga matatalino, which is not true. Magkakapantay lang ang mga utak namin dahil pareho lang ang subject na pinag-aaralan namin. Oo nga't may propesyon na kami. Pero sa propesyong iyon kami magaling. Kumbaga, nagsisimula pa lang kami. Mas lamang nga sila kasi may foundation na ang mga utak nila ng education subjects.

           Gayunpaman, hindi kami nagpahuli sa mga regular students. Kaya naman, madalas kaming maging bulung-bulungan. Naiinggit kasi sila sa lakas ng dating namin sa mga professors. Hindi kami sipsip. Pero, pansinin kami ng mga propesor. Pabor sila lagi sa amin. Subalit, hindi sa lahat ng oras pabor sa akin ang mga pagpansin at pagbigay ng atensiyon ng mga guro. Andun 'yung kami ang uunahing pagrereportin. Kami ang unang tatanungin ng mahirap na tanong. Gayunpaman, ginawa kong lahat para hindi sila ma-disappoint. Minsan, I mean, madalas,, madalas akong magpapansin sa isang subject o proefessor. Siya kasi ang mahilig mag-recorded recitation. May code pa siya:

             (.) (kapag nagtanong ka sa reporter)
              (*) (kapag nag-additional information ka o kapag nasagot mo ang tanong na hindi nasagot ng reporter)

            Madalas akong star (*) kasi may nakahanda akong impormasyon na related sa topic. Many times akong pumunta sa harapan at nagsulat-sulat sa board, nag-drawing-drawing at nagkuwento-kwento.

            Marami din akong dots (.) na naipon, kasi palatanong ako. Alam ko din ang sagot minsan. Gusto ko lang maging lively ang discussion at siyempre, gusto kong mataas ako sa recitation.

            Ang pagpapansin kong iyon ay hindi laging positive. We really can't please everybody. Kung marami ang natutuwa, may mga naaasar din. Hindi ko naman iyon ginagawa para mang-apak ng kapwa. E, bakit iyong ibang reporter, naiinis? Sila na nga ang tinutulungan, sila pa ang galit. Kesa naman sa parang hearing lang ang report nila..

            Ang ibang reporter, thankful naman sa akin dahil, at least daw naiintindihan ang topic niya. Naiilibre ko pa siyang sumagot ng mga mahihirap na tanong gaya ng "Why does blah blah?" o "How does blah blah blah?".

            Mayroon ding naiinis na hindi reporter. Miron lang naman sila. Ewan ko ba sa dalawang bading na iyon! Mga inggitero. Nagsa-side comment pagkatapos kong magpakitang-gilas. Inggit lang sila kasi hindi nila kaya. Pulos lang sila kabaklaan.

      Gayunpaman, patuloy ako sa pagpapapansin, lalo na't alam kong numero uno kong fan si Sir. Siya ang labis na natutuwa kapag bumibida ako. Abot sa tenga ang smile niya. Para na rin kasi siyang nag-discuss.
               
            One time, sinadya kong hindi kumibo. Wala naman akong mabigat na problema noon. Gusto ko lang malaman kung ano ang eksena kung wala ako. Ayun! Panay ang tingin nila sa akin, na tila bang nagsasabing "Hoy, Froilan! Ikaw na!" Hindi nga nakatiis si Sir, tinawag niya ako.

        Kaysarap talagang mag-aral! Masaya. Makulay. Hindi ka mapapagod, lalo na kapag isasapuso mo ang pag-aaral.

             Oo! Isinapuso ko talaga ang pag-aaral, dahil last chance ko na ito. I am not getting any younger. Kung hindi ko pa aayusin, kelan pa?

             Kaya naman, kahit impromptu akong pinagre-report ng old-maid kung teacher, kinaya ko. For the sake of grade. Para matuto din. Advantage sa akin 'yun kasi ako ang may hawak ng libro. Kung makikinig lang ako sa pagbasa ni Ma'am, malamang hindi ko mauunawaan.

             Dahil teaching na ang gusto kong gawin in my entire life, lahat ng activities na binibigay ng titser ay pinag-iigi ko, gayundin ang quizzes. Kahat ng topic ay pinapasok ko sa kukote ko, dahil alam kong magagamit ang mga iyon in the near future.

             Sumali rin ako sa mga paligsahan noong "Linggo ng Wika", specifically sa pagsulat ng tula at sanaysay. Nauyam lang ako sa mga opisyal na nagpabaya sa mga entries ng mga kalahok at mga awards para sa mga nanalo.

              Ako raw ang nagwagi sa pagsulat ng sanaysay. Pangalawang gantimpala naman ako sa pagsulat ng tula. Hindi nila ini-report sa school newspaper ang sa sanaysay. Hindi pa nila binigay sa akin ang medal at certificate ko sa tula. Nawawala daw. Ano iyon? Sinadya? Nawala na ang mga entries ng sanaysay, kung saan, ako ang first placer, pati ba naman ang medal at certificate, nawala rin! What the heck!? Anong klaseng mga pinuno kayo? Ibinalik niyo sana ang registration fee ko. Ako na lang sana ang bumili ng sarili kong medalya at nagpagawa ng sertipiko. (Biro lang!) Sayang naman kasi ang pera at effort ko.

              Nadala na tuloy akong sumali sa mga activities.. Kaya noong Intrams, hindi ako sumali. He he. Wala naman talaga akong balak. Ang mga kaklase ko lang ang mga mapilit. Kinukuha ba naman akong basketball player, e, hindi nga ako naglalaro niyon. Noon pang high school ako huling naglaro. Sabi ko na lang, "Hindi ako pwedeng mapagod. Kaoopera lang ng appendix ko." Lumusot naman ako pero sinisisi ko ang old-maid kong propesora. Mali ang pakilala niya sa akin, e. Varsity player ba naman!

              Isa pang nakakalulang pangyayari.. Tsk tsk!

              Nire-recruit ba naman ako na sumali sa Mr. Intrams! Diyos na mahabagin! I can't imagine myself wearing a trunks while ramping. Sa isip ko lang iyon pwedeng gawin, not in public. Saka, wala akong 'k', as in katawan. Por pabor. Babatuhin lang ako ng instant 3 in 1 coffee para nerbyusin ako. He he!

              Pero, deep inside, gusto kong ju-moin. Proud naman ako dahil in-approach ako ng gay recruiter. Kilala niya ako na vocal sa klase. Pero, di ba niya naisip na may swim wear competition? Kung saan hindi ako pwede. O imposibleng manalo. Nainsulto ako, konti!. Konti lang.  
                     
       Sa isip ko, sabi ko. "Pwede naman akong sumali. Sa school uniform, casual attire, sports attire. ethnic attire, formal attire, talent at Q and A portions lang ako pwede. Kunwari naiwan ko iyong trunks ko. He he.

         Kaloko talaga ang bading na iyon! Proud na proud sa akin. Nagkita ba naman kami sa lamayan at nagkaharap sa inuman. Tapos, panay ang English niya sa akin. Pinupuri niya ako. Kaya ayon, naglabasan ang mga English ko. Nagkomento tuloy ang mga kainuman namin nang tumalikod sila.

            Haay! Mahirap din pala ang may alam. Napapahiya din.

             Isa pang halimbawa nito ay ang pag-iringan ng dalawang kong kaklase. Isang regular student at isang unit-earner. Magaling na reporter ang una, dahil alam niya ang topic niya at sinasali niya ang lahat sa discussion. Pero itong isa, magaling ding magpuna at magkomento. Mali raw ang tinuran ng reporter. Ayun, nauwi sa palitan ng maaanghang na salita, in front of us. Nasali tuloy sila sa comics page ng aming school newspaper. Mga sikat!
           
             Marami akong natutunan sa semester na iyon. Natuto akong maglihim ng edad. Pag tinatanong nila ako, sabi ko "19".Hindi naman kasi halata. Isa pa, para din akong regular student  dahil nakauniporme ako.

          Natuto rin akong gumawa ng lesson plan at i-demo ang ginawang plano. Naiwasan ko rin ang sobrang panginginig tuwing nasa harapan ng klase. May stage fright pa rin pero nabawasan.

            Nakagawa din ako ng big book dahil sa pagdemo ko. Parte daw iyon ng pagiging guro. As a teacher, dapat maging resourceful at artistic.

             Hindi ko makakalimutan ang sandaling iyon, dahil umani ako ng papuri at paghanga. Sa likod kasi ng malaking story book, nag-sign ang mga kaklase ko. May nag-thank you dahil na-inspire ko raw sila. May nagalingan sa akin. May nagbigay pa ng cellphone numbers.

          Sayang nga lang, hindi ko maipakita 'yung big book sa inyo. Hindi ko madala, e. Sobrang laki. He he.

             Natuto rin akong suriin ang bawat estudyante. Heto ang ilan sa mga halimbawa:
             *Cute Ba? -- Sila ang mga mag-aaral na pumasok lang yata sa iskul para magpa-cute. Pa-cute sa chicks/boys. Pa-cute din sa professor. May dalawang uri ito. Ang pa-cute lang talaga at ang pa-cute na may alam.
             *Tabi-Tabi Po! -- Sila naman ang mga palakaibigan lang tuwing may quiz at tuwing exam. "Tabi tayo", ang madalas nilang dialogue. ngunit, madalas ding maglaho pagkatapos nilang makopya ang mga sagot mo.
             *Objection, Your Honor! -- Para silang prosecutor. Matatalino kasi sila, pero wise. Ayaw nilang naiisahan. Kaya naman, ang ideya mo ay gagawing mali. Susuportahan pa nila ng mas mahabang eksplanasyon ang ideya nila.


             *Tulfo -- Para silang kamag-anak ng mga Tulfo. Mga commentator sila. May katulad sila ng mga 'Objection, Your Honor', maliban sa isang maling gawain --- ang pagkomento ng patalikod. Mabuti pa ang tunay na Tulfo, harapan kung tumira.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...