Kabanata 25
Last
semester ko na iyon with my Alma Mater. Susulitin ko na, sabi ko. Kaya naman,
wala akong inaksayang sandali. Bawat paanyaya ng mga kaklase ko, sumasama agad
ako without further ado, without double thought.
"Punta
tayo kina Ano.", "Sama ka kina Kuwan.", "Ano tayo sa
ano." Oo ako ng oo. Tara ako ng tara, kahit alam kong gastos ang bawat
invitation nila sa akin. Bagama't wala akong pinahindian, dahil ang kapalit
niyon ay walang katumbas na kasiyahan.
Nag-island
hopping kami..
Nag-join sa
mga seminars/workshops...
Naki-birthday..
Naki-dance
party sa school campus...
Nag-volunteer kay Roco at nag-survey ng standing niya as presidential
candidate..
Nag-window
shopping at nag-ukay-ukay...
Nag-videoke
sa bahay ng kaklase..
Kumain ng 'walang
kasawaang' lomi sa paboritong restaurant-carinderia...
At
napakarami pang iba... Lahat ng mga ito ay totoong nagpaligaya sa akin. Kabaligtaran
ito sa naramdaman ko noong first time ko silang makasama. Pero hanggang ngayon,
hindi nila ito alam, kahit ng bestfriends kong "Petite Girls".
And again,
hindi rin nila alam na tinatawag ko silang petite..
May best friend
din akong kasing-height ko. Tinatawag niya akong B1. Siya raw si B2. Kung
titingnan kami, kahalintulad namin ang mga poste ng kuryente.
At pagkasama
ko ang Bisakol kong amigo, para kaming IO o OI..
Marami pa
akong kuwentong barkada pero off-the-wall naman kong isasali kong lahat dito. Gusto
ko lang namang ipabatid o ibahagi na hindi lang naman ako puro aral. Studious
ako, oo! Pero hindi naman all the time ay seryoso ako sa studies. I knew what
makes a boy dull. Kaya, ayoko namang isubsob ang sarili ko sa pagpapakahenyo.
Hindi mangyayari iyon. I believe, limitado ang utak ng tao. Sayang.. baka
mapulot ng iba. O kaya makain lang ng aso. (Laughing out loud)
Seriously...
There were the last
subjects I took up: Mgt 10, Bus Law 2, Mgt II, Elective 1 at CIS 1.
Ang paborito kong
subject ay Elective. Ito ay may description na Business English and
Correspondence, kung saan ay nagsusulat kami ng mga business letters, memos,
press releases at iba pang business correspondence. Every period, iba-ibba ang
activity naman. Let's say, ngayon ay employment letter. Kailangang makagawa ako
ng isang perfect example nito after discussion, na ipapa-check ko before ng
labasan. Mababa na marka pag next meeting pa matse-check-an. Laging mataas ang
grado ko dahil maagap ako. Nag-a-advance ako. Lagi pa akong nako-compliment. Mahirap
lang, kasi lapitin na ko... lapitin ng mga magpapaturo o magpapagawa. Mabuti
sana kung magbabayad, hindi e!. Libre ang karamihan. Thank you lang ang
ibabayad sa akin. Pero okay na iyon kesa wala, ni Hoy, ni Hi.
Gusto ko rin ang
CIS 1 (Introduction to Computer with Word Processing), iyon nga lang, laging
bitin sa oras. Kung kelan gustong-gusto kong pumindot-pindot at i-explore ang
computer, saka naman magri-ring. Time na? Magtatanong pa ako. Para tuloy, wala
akong natutunan. Parang ignoramus pa rin ako sa computer. Sobrang basic naman.
Lugi sa tuition.
Ang dalawang
subjects na ito ay hindi ko malilimutan..
Tungkol naman sa
raket at sideline.. (Hindi po ako pusher, ha..) Binuhay at pinag-aral ako ng
utak at abilidad ko. "Bente-bente lang" ang tawag ko dito. Bente ang
minimum.
Isang essay, bente..
Isang chicken feed
na report, bente rin.
Pag madali lang sa
tingin ko, bente pesos lang din.
Tiba-tiba ako. Lagi
akong paldo. Nakakapag-snack na ako. De-softdrink pa, ha!
Since, malapit na
kaming grumadweyt, nadagdagan ang mga gawa. Minsan, parang gusto kong ayawan,
pero sige pa rin ako. Hindi ko hinindian ang narartive report na ipinagawa sa
akin ng kaklase ko na sumama sa educational tour, kahit mahirap dahil hindi ako
nakasama. Pagkatapos kong ma-interview ng chronological na nangyari sa tour
nila, nagdagsaan pa ang nagpagawa sa akin. Siguro, mahigit limang narrative
report ang ginawa ko nang sunod-sunod. Tig-P120 bawat isa. not bad!
Kahit ganung
sabay-sabay nagsidatingan ang gawa ko, nagawa ko ng maayos. Satisfying naman. Nagtiwala
sila sa akin kaya ibinalik ko lang sa kanila.
Kumita rin ako sa
Elective. Bente pesos rin ang bawat business letter. Nakakatawa, dahil hindi ko
naman halos sarili ang words ng mga sinulat ko para sa kanila. Nag-research
lang ako. Sa municipal public library at sa campus library, hindi nila marahil
batid kung gaano kahalaga ang dalawampung piso. Well, salamat sa kanila, dahil
dun, kumita ako.
Tapos, tumatanggap
pa ako ng gawa mula sa labas. May contact kasi ako--- barkada ko na nag-aaral
sa computer school. Libre na ang sa kanya basta may dala siyang gawa.
Practical, di ba?!
Bago pa kami
nag-graduation, lumabas na ang last issue ng school paper na "The
Rover" sa taong iyon. Dalawa ang featured pieces ko doon. Ang "Thirty
Pesos" at ang "Commercial Trip'. Very proud ako dahil 'unedited' ang
mga sinulat ko o hindi halos nagbago. In short, tama ang composition.
Gramamatically right.
Ang "Thirty
Pesos" ay tungkol sa seminar na sinalihan ko. Trenta pisos lang kasi ang
registration kaya iyon ang titulo ko. Hindi ko malilimutan ang opening
paragraph ko: ""What is really the worth of thirty pesos now
days?" Iyon lang. Ang second paragraph ay ang mga kasagutan. "For the
parents, it is worth one and a half kilo of rice. For the texters, it is worth
a prepaid load. And for the students, it is worth blah..blah...blah. "Next
paragraph, binida ko na ang school namin. Ikinuwento ko na ang mga detalye ng
seminar, pati ang papuri at palakpak na natamo namin.
Samantala, ang
"Commercial Trip'' ay tungkol naman sa educational tour ng mga classmates
ko, headed by the Dean of Commerce. Ako ang pinagkatiwalaan ni Ma'am na sumulat
ng trip nila dahil marahil nakatunog siya sa raket ko. Ayun!
Pero, ayos lang dahil hindi
naman siya nabigo sa akin. Almost unedited uli ang gawa ko. Superb!
Nailahad kong lahat ng mga
lakad nila at ang mga napuntahan nilang lugar sa Maynila at kalapit-bayan nito.
Naikonekta ko rin ang sarili ko sa tour nila nang sabihin ko sa bandang huli
na: "In fact, my close girl friend bought a souvenir and she presented it
to me. She's nasty, huh! It was a wooden genetalia keychain." Hindi ito
ang exact lines pero ganito ang ibig kong ipakahulugan.
Almost perfect na ang gawa
ko. Pero nang ilang beses ko ng binasa, may kulang pala. Nakalimutan kong isama
si Ma'am Dean na siyang nag-organize ng tour at nararapat ko talaga siyang
i-include dahil sa bahay nila tumuloy ang mga kaklase ko, for free.
Well, nakaganti na ako sa
ginawa niyang pagbabalewala sa petition naming makapag-OJT. Kwits! Pero, hindi
ko iyon sinasadya. Nakaligtaan ko talaga. Ang nangyari kasi.. nakulangan ako ng
oras dahil sa dami ng raket ko. Last two minutes na nga nang iaabot ko sa
managing editor (yata iyon). Mabuti nga't naihabaol at tinanggap.
I am sorry..
Successful ang
editorship ng school namin sa taong iyon. No wonder, pinatawag kami ng adviser
namin. Binati kami. For the first time in the history of the school paper, kami
raw ang pinaka-the best. She thanked us truthfully. At wag ka, inabutan kami ng
sobre. Herewith, may P20 bill na bagong-bago at napakalutong at napakakintab na
P5 coin, for the job well done raw. Noon niya lamang iyon ginawa. Proud siya sa
amin, aniya.
Overwhelming talaga,
kahit shoe-string lang ang laman ng envelope. Para sa akin, tantamount iyon ng
P25,000. Red letter para sa writing career ko ang sandaling iyon. Sayang lang
at ga-graduate na ako. Nais ko sanang isulat iyon pero alam ko may
magpi-feature noon. (Hindi ko lamang alam kung sino ang ipinalit sa akin as
feature editor.)
Kuwentong raket uli..
Dahil sa dami ng mga
gawaing tinanggap ko, kinapos din ako halos sa paggawa ko ng thesis namin.
Kasalanan ko e. Masyado akong naging gahaman sa pera. Masyado ko yatang
napraktis ang business na pinag-aaralan namin.
Group project ang thesis
namin, pero dahil nahihirapan ako pag may ka-grupong pasaway o walang
contributon, mas ginusto ko na lang na pag-ambagin na lamang sila ng tig-P150.
Pito yata kami sa grupo, kaya nakalikom ako ng P900. Iyon ang pinanggastos ko
sa fare expenses, photocopy expenses. Miscellaneous expenses at food (he he)..
Hindi pa kasama ang pagpa-print ng final copies at pagpa-bookbind. Abunado pa
nga yata ako eh. Ang hirap kaya mag-research, mag-interview at bumuo ng isang
complete thesis.
Hindi naman kami nahuli sa
due date of passing. Hindi ko lang naipabasa sa mga kagrupo ko bago ko ipasa
kay Ma'am. Exam kasi namin iyon. Final exam.
Kinabahan ako ng todo nang
nagsalita na si Ma'am: "Get one half sheet of paper. Crosswise."
Parang alam ko na ang type ng final exam namin. Pinagpawisan ako ng malamig.
Pero, hindi sa takot para sa sarili ko kundi para sa groupmates ko at sa thesis
namin.
Inuna ng teacher namin ang
exam ng mga sumama sa tour. Hindi ko naintindihan kung ano ang ipapaliwanag
nila. Kinakabahan kasi ako. feeling ko, kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko
ay nakatunog si Ma'am sa ambagang naganap, pati sa bayarang nangyari sa
narrative report. Ntakot ako ng labis sa thesis dahil ideya ko iyon. Ako ang
naunang nang-alok sa kanila na magbigay na lang ng pera kesa tumulong
physically.
"Explain your
thesis!" Iyon ang exam namin. Napanganga kaming lahat. Mas mahirap iyon
kesa sa pag-explain ng tour. Hindi ako makatingin kay Ma'am, lalo na sa mga
kagrupo ko.
Hindi naman nagsalita si
Ma'am ng kung anu-ano..
Kahit alam ko ang
explanation, parang nagka-memory gap ako. Naawa kasi ako sa anim kong kagrupo.
Hindi nila masyadong alam ang thesis na ginawa ko. Oo nga't alam nila ang title
pero hindi iyon sapat upang maipaliwanag nila ang nilalaman ng proyekto.
Naramdaman kong nangangapa
sila lalo na iyong isang pala-absent. Hindi ko iyon naipakita sa kanya bago ko
pinasa. Ni hindi rin yata alam ang title.
Natapos namin ang exam nang
walang imik si Ma'am. Nanibago ako, kaya lumabas agad ako pagkatapos kong
mapuno ang kalahating putol ng yellow paper. Maya-maya pa, nagsunuran na ang
mga kagrupo ko. Hindi naman ako sinisi. Nagtanong lang sila tungkol sa thesis.
Noon lamang nila naintindihan ang project namin.
Baligtad!
Nakalusot ako. Nakalibre
kami sa sermon at kahihiyan. Mabuti na lang. Kung binuking kami o
nabuking kami, tiyak wala akong mukhang ihaharap kay Ma'am. Baka, first time
akong mapahiya dahil sa cheating.
Sabi sa Bibliya:
"Surely oppression maketh a wise man mad; and a gift destroyeth the heart
(Ecclesiastes 7:7)' Ang matalinong mandaraya ay inihahalintulad sa isang
mangmang. At ang panunuhol ay nakakasira sa dangal ng tao.
Patawad po!
No comments:
Post a Comment