Followers

Wednesday, April 9, 2014

Totoo Po Ba Ito?

Totoo po ba itong nabalitaan ko?
Guro'y kakasuhan kapag di umupo
Bakit wala ba sila karapatang humindi?
Mga obligasyon ba nila'y inyong inintindi?
Hindi niyo man lang sila inuunawa
Na sila'y may gagawing mas mahalaga.

Karapatan din naman nila na bumuto
Gayundin ang mamimili ng presinto
Matinding dahilan nila, sana inyong makita
Huwag lamang ang inyong mga haka-haka
Alam nilang ito'y pagserbisyo sa barangay
Ngunit, sila ba'y malaking kawalan? Hay!
Marami namang nais umupo, maging BEI
Bakit hindi po sila ang inyong isanay?
Siguro, mahusay din sila sa ganitong serbisyo
Hindi lang dapat silang mga guro, ang ituro.

COMELEC, totoo po ba itong sabi-sabi
Pag guro'y di umupo, tiyak sila'y magsisisi?
Kaso'y inyong ihahain, kanilang haharapin
Kawawang makabagong bayani, isang salarin!
Wala na ngang magandang dulot, kinawawa pa
Si Mam... si Sir...wala ng nagawang tama
Tsk tsk! Nasaan ang kalayaan? Ang hustisya?
Mga pinuno'y gamit nila'y impluwensiya
Upang kawawang nilalang...masintensyahan
Huwag naman po agad silang husgahan.

Kung nais, bukal sa loob silang magseserbisyo
Kung ayaw umupo, hayaan nyo silang nakatayo
Huwag mamilit, sapagkat bunga nito'y papait
Bawat isa'y magkakaroon lamang ng hinanakit
Kung nais niyo namang tumulong, sige po..
Ituloy po ninyo, huwag lamang sila ipagkanulo
Masama iyan, gawain ng diyablo sa impyerno
Kaya, maging maunawain, ika'y magpakatao
Sa eleksiyon, sila ay hindi nakakahadlang
Matutuloy naman ito kahit sila'y tumayo lang.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...