Followers

Wednesday, April 9, 2014

Ang Aking Journal (Nobyembre, 2013)

Nobyembre 1, 2013

      Undas na. Nasa ibang tahanan ako. Last year, sama-sama kami sa Antipolo. Naghanda kami ng pagkain. Gumawa si Jano ng kunwaring nitso at nagtirik ng kandila doon. Nag-karaoke pa sila. Naging masaya kami noon kahit di kami nakauwi para dalawin ang puntod ni Papa.

      Ngayon, masaya naman ako na nasa Pamilya Moralde o Odavar ako. Welcome naman ako lagi sa kanila. Tinuturing nila akong kapamilya. At para ma-feel ko ang last year's event namin sa Antipolo, bumili kami ng bangus para ihawin. Ayun, nagkaroon kami ng masaya at masaganang salu-salo.

      Alas-dos dumating si Nema Rose at kanyang mga anak. Nagulat siya sa presensiya ko. Sabi niya, "Nandito pala ang pangwalo." Ibig niyang sabihin, pangwalong anak. Itinuturing na nga nila akong kapatid. Ang sarap sa pakiramdam.


     Maya-maya pa, pumunta na kami sa Floral Garden sa Lipa, Batangas. Na-miss ko ang puntod ni Papa. Nadalaw ko nga ang puntod ng iba, bakit hindi iyong sa kanya. Medyo, na-guilty ako. Pinilit ko na lang kalimutan.


     Nag-inom kami ni Epr at ng stepfather niya sa labas ng sementeryo. Sa loob kami ng tricycle nila pumuwesto. Tig-iisa lang naman kaming beer-in-can. Dinamihan ko na lang namin ang kuwentuhan. Napag-alam ko nga sa amain niya na uuwi na sila sa Ilocos pag natuloy na si Shobee sa Korea. Niyaya niya kasi ako na mamasyal sa kanila. Sabi ko, sabay na po kami ni Epr, pag bakasyon.


      Inalok ko na rin si Epr na tumira sa akin kapag umalis na ang Mommy niya sa Carmel. Di niya rin kasi niya alam kung sasama siya sa Ilocos o hindi. Sabi ko huwag siyang huminto sa pagtratrabaho dito. Sabi ko pa nga, mag-aral din siya, gaya ko. Naikuwento ko rin tuloy ang mga tungkol sa work at career ko.


      Tapos, nakipaglaro ako ng baraha sa kanila, kasama ang pinsan nila. Matagal din kaming naglaro. Naging masaya naman kami kahit pitikan lang.



Nobyembre 2, 2013

       Inumaga kami sa paglalaro. Tumigil lang kami nung inantok na kami. Kaya, nahiga kami sa tabi ng puntod. Balewala na ang takot. Ang mahalaga, makaidlip kami.

       Nakaidlip naman ako. Kaso, nagising ako sa sobrang lamig. Mahamog, kaya balewala ang suot kong long sleeves. Sumakit lang ang likod ko. Mabuti na lang nagkayayaan nang umuwi bandang alas-kuwatro.


       Hinintay nila akong makasakay ng bus. Masaya silang kumaway sa akin. Nagpasalamat ako bago ako sumakay at muli ko silang sinilip bago umandar ang bus. Kinawayan ko sila. Alam ko pinahalagahan nila ang pagbisita kosa kanila.


       Natulog lang ako maghapon. Sulit naman. Nabawi ko na ang puyat ko.



Nobyembre 3, 2013

      Alas-otso na ako nagising. Sarap sanang matulog maghapon, pero hindi pwede. May nakababad akong damit. Kailangang banlawan.

      Pagkatapos kong magbanlaw, naglin
is naman ako ng kuwarto. Darating si Eking mamayang gabi kaya dapat naiayos ko na ang room bago siya dumating. Ayaw kong makita niya pang madumi o magulo ang kuwarto namin para gayahin niya ako sa pagiging malinis sa tahanan.
 
      Alas-dos, pumunta naman ako sa school. Naiwan ko kasi doon ang resibo ng tuition ni Eking saka ang enrollment form. Kailangan niya iyon bukas.
 

      Para di masayang ang punta ko, gumawa na rin ako doon ng visual aids sa Math. Nagdilig din ako ng halaman at nag-ayos ng kaunti sa garden. Tapos, umuwi na ako.
   

      Wala na akong pahinga. Pag-uwi ko, nag-encode naman ako ng activity sheet sa Math. At, pinagpatuloy ko ang pagta-type ng nobela kong Dumb Found. Gusto ko na kasing matapos ko munang i-encode ang natapos kong i-handwrite saka ko tapusin ang novel. But, this time, diretso na sa internet. Ayoko na ng manusctipt. Nawawala lang. Andami ko pang, tago-tagong abubot..


Nobyembre 4, 2013

       Maaga akong pumasok, kasi kailangan ko maghanda ng activity sheet sa Math. Di ko pa ito nakapa-print. At kailangan pang ipa-Riso. Tapos, kailangan ko ding maghanda para sa "trick or treat'' namin sa Math Club.

      Nagawa ko naman ang pagpa-furnish ng 130 copies ng activity sheet. Nakapagbihis na rin ako ng costume ko na Math-gician bago dumating ang mga pupils ko. Kaya lang, di naman naghanda angnmga kfficers ko. Ako lang ang nakasuot ng costume. Hindi naman ako nahiya sa ginawa ko. Sabi nga ng mga bata, pogi daw si Sir. Mainit nga lang. Pinagpawisan ako kaya hinubad ko after ng dalawang period.


      Grabe, lumala na ang issue ng pamemeke ng papeles ni Mam Iblasin. May kaso ng inihahain, daw. Kaya si Mareng Lorie ay desidido na maunang maghain ng demanda. Nakaladkad din ang pangalan ko dahil sa mga tula ko. Okay lang, wala naman silang pwedeng ikaso sa akin. Literatura ng mga pinopost ko at hindi paninirang-puri.



Nobyembre 5, 2013

      Grabe ang pangyayari ngayong araw. Nakakatuwa!
   
      Pinatawag ako ni Sir Socao sa closed-door meeting niya with Mareng Lorie at Mam Iblasin. Naintriga din kasi sila sa mga tula ko.
    

      Pagpasok ko pa lang, nakita ko na na okay na yung dalawa. Mugto na rin ang mga mata nila. Ako naman, galit dahil di ko alam na ipapatawag ako, although, nasasangkot naman talaga ako sa issue.
    

      Tinanong agad ako ni Sir tungkol sa friendship namin na Mare, pinapalabas niya na nagsabwatan kami. Na kaya ako nagpopost ng tula ay dahil dinidikta ni Mare. Ito ang litanya ko: "Yes, Sir, we're close friends, but I have my own mind!" Nanginginig naman ako sa galit. Pinaliwanag ko na hindi lang naman ako ngayon lang gumagawa ng tula. At hindi lang tula ang kaya kong gawin. Marunong din akong magpuri ng tao. Nagkataon lang na nakakarelate sila kaya pakiramam nila ay patama sa kanila.
     

      Then, tinanong niya ako kung galit ako sa kanya. Sinabi ko, oo. Sinumulan ko sa time na kung saan tiningnan niya ako after sabihin ni Mam Diaz na, "Paano naman po mananalo ang mga bata? Kung multiplication ay ginagamita pa nila ng kamay." Nasaktan akonng sobra dahil feeling ko sinisisi niya ako. Sabi ko, Action speaks louder than voice. Hindi daw niya alam iyon. Kaya nga, dinibdib ko rin, kako, dahil hindi mo sinabi. Kaya, sinimulan ko pa ng isa pang sama ng loob ko.

      Tungkol naman sa kakulangan niya ng suporta sa mga activities at clubs ko. Ipinaalala ko sa kanya na nagsabi ako sa kanya but laidback siya. Never din siyang nangumusta kung ano na ang status ng groups ko. Hindi ko na nga naringgan ng papuri o commendation, ni support wala.


       Kailangan daw sabihin ko pa dahil busy siya. Sinabi ko na nga, di naman niya ako pinansin. Iba ang pinansin niya. Ang mga taong di naman nakakaangat ng standing ng paaralan.
    

       Hindi ko alam kung paano ko naisip ang mga salitang aking binitiwan. Ang alam ko lang, marami akong nais baguhin sa administrasyon, na matagal ko nang kinikimkim. At ang oras na iyon ang nagbigay ng daan para maibulalas ko ang aking mga hinaing.
     

       Marami akong sinabi na alam kong nagbukas sa puso niya. Unang-una ang promosyon. Sinabi ko na hindi ko hinahangad iyon, in fact tinago ko nga ang profile ko para di masama sa ranking. Ang gusto ko lang ay suporta para madevelop lalo ang mga bata. Hindi ako nagpapansin. Suporta at unity ang dapat para sa maganang programa.
    

        Sinabi ko rin na hindi siya nagrereach out at nagbibigay ng time para kilalanin ang iba dahil nakapokus siya sa mga taong malapit lang sa kanya. Hindi siya naka-react sa sinabi kong iyon.
      

       At ang pinakahindi ko makakalimutang pangungusap na tinuran ko ay "Alam mo po Sir, kung may taong maasahan ninyo, isa po sa mga iyon." Agree naman siya, pati si Mare. Tapos, pinaalala niya sa akin na once sinabihan niya ako na maaari akong magskip from teacher 1 to master teacher 1. At ang nakakatuwa, ipinakikilala niya pala ako sa ibang teacjers sa school as a candidate for master teacher 1. Proud ako, sabi ko but hindi pa iyon ang priority ko. Selfless ako ngayon because ako ay walang asawa at kasamang anak. Pinaliwanag ko din kung bakit ako magmamasteral. Secondary na lang ang salitang promotion.
    

       Hay, marami pa akong nasabi sa kanya na tiyak akong nagbigay sa kanya ng matinding impact. Nangako naman siya na susuportahan na niya lahat ng programa ko. Lumapit lang ako sa kanya.
       

       Nag-sorry na rin siya sa akin. Ako, hindi..
      

       Tuwang-tuwa sa akin sina Sir Erwin, Mam Diana at Mam Nelly, gayundin si Mareng Lorie, na tumawag pa, at sina Joel, Mia at Lester.
     

       Yes! Para akong nanalo sa contest.


Nobyembre 6, 2013

       Hindi ko napigil kagabi ang sarili ko na hindi magkomento sa post ng mayabang kong co-teacher na si ______. Sabi niya, "Baka kung ako na ang magpass ng papeles for promotion ay magpatayan na kayo." Sabi ko naman, "Bakit naman? Paki-explain. Exaggeration naman yata kung magpatayan dahil sa promotion." Nag-reply pa sya ng mas nakakainis. Pero, kaninang umaga ko na lang nabasa dahil matagal siyang nakasagot. Well said na lang ang nasabi ko. Kung mas maaga sana niyang sinabi kagabi baka nasabi ko pang hindi kami magpapatayan, siya ang papatayin namin.
   

       Ang yabang niya. Loser naman siya. Wala nga siyang papeles na ipapasa, paano naman siya mapo-promote? Ambisyoso!

       Nag-usap-usap kami nina Mareng Lorie at Mareng Janelyn. Pagkakaisahan namin siya dahil hindi siya mabuting halimbawa ng mahusay na pakikisama. Inunahan niya na kami. Binaboy niya rin ang pagkatao niya. Sanggano ba kami para magpatayan?!


       Dahil sa post niya at comments ko, controversial na naman ako. Si Mareng Lorie kahit galit na galit sa nag-post, di rin maka-post o makapag-react sa post. Basta ako, kaya ko siyang banggain. Nasa hulog ako magsalita. Siya ay iskwater ang pananalita.



Nobyembre 7, 2013

       Nakakatuwa ngayong araw kasi ang mga naging pupils ko na sina Gisselle at Ramiel ay humirit ng picture sa akin. Para tuloy akong artista. Kaya, nag-pose-pose uli kami. Noong Nov. 4, Monday, nag-pictorial kami sa Halloween-themed bulletin board na ginawa ko. Kanina naman ay sa Buwan ng Pagbasa board. Nakakatuwa pa, pati si Sir Rey ay naki-pose din sa akin, hehe. Nagtinginan tuloy ang mga pupils namin. Sikat!

        May issue namang pinagdadaanan ang grupo namin. Pinagbintangan si Mareng Lorie na prinovoke daw siya ng grupo. Kaya, pinag-usapan namin iyon sa text. Tapos, tumawag pa siya. Naniwala naman ako sa kanya. Mali ang sinabi ni Mam Bel kay Mareng Janelyn.


        Kaya bukas, mag-uusap kaming grupo.



Nobyembre 8, 2013

       Walang pasok dahil sa supertyphoon Yolanda. Signal #2 sa Metro Manila. Wala namang ulan.
     

       Gayunpaman, thankful ako dahil nakapagpahinga ako. Nakapagsulat din ako ng kuwento. In fact, natapos ko ang part 2 ng "Si Sir Gallego". Whooah! Naiyak ako sa sarili kong akda. Tiyak ako magugustuhan uli ito ng Section 1. Sila nga ang inspirasyon ko kaya ko nagawan agad ng part 2 ang una kong akda.

       Habang may mga nais makinig at magbasa ng mga akda ko, patuloy akong magsusulat.
   

       Sabi nga ni Aila, bakit daw hindi ko i-publish ang mga kuwento ko. Nagpaplano nga ako pero di ko alam kung paano ko sisimulan. Sinimulan ko kagabi ang pag-alam kung paano sumali sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. At, kanina, nakuha ko ang mga impormasyong kailangan ko. Kaya, sa mga susunod na araw ay maghahanda na ako ng ipapasa kong artikulo.


Nobyembre 9, 2013

       Five-thirty ng umaga gising na ako para maghandang pumasok masteral class ko. Pero, pagdating ko saCity University of Pasay, wala palang pasok. May nakapaskil na note. Nakakainis! Wala namang ulan. Nasayang lang ang pagod, oras at pamasahe ko.
   

      Relaxation na naman ako buong maghapon. Okay lang, bawi na lang sa susunod na Sabado.

      Tinapos ko na ang pagsulat ng "My Favorite Book", isang essay na isasali ko sa Philippine Star. Sinabi ko dito na ang paborito kong aklat ay ang akda ni Bob Ong na "ABNKKBSANPLAKo". Binanggit ko rin dito ang ang aking educational autobiography na "Pahilis".


      Ready to be e-mailed na ito. Hinihintay ko lang mabakante ang laptop ko. Gamit pa kasi ni Eking. Hindi ko pa kasi na-edit sa tablet ko ang font style at space. Hindi ko pa rin nabilang ang number of words.


     Umaasa akong magagawa ko ito on time o bago mag-due date.



Nobyembre 11, 2013

       Nakabihis na ako kahapon para sa arts seminar sa Philippine Heart Center, nang nag-text si Pareng Joel. Sabi niya, hindi daw sila tuloy ni Mareng Janelyn dahil nanlulumo pa sila sa nangyari sa Visayas dahil sa supertyphoon Yolanda. Wala pang komunikasyon si Mare sa kanyang kamag-anak.
    

       Hindi na rin ako pumunta. Nasa kanya kasi ang registration form. Pumunta na lang ako sa Antipolo. Inimbitahan kasi ako ni Jano noong Biyernes. Birthday ni Kurt noong Nov.8, maghahanda daw. Hindi ako makakapunta, sabi ko. Pero, nakapunta pa rin ako.
     

       Mag-aalas-dose na ng dumating ako sa Bautista. Walang tayo kaya tinext ko si Jano. Pinapunta niya ako sa inuupahan nilang bahay sa Boso-boso.

      Alas-kuwatro, nagsimba muna sila sa St. Anthony Of Padua Church. Naghintay lang ako sa labas.


      Pagkatapos, kumain kami sa Jollibee-SM Masinag.


      Pasado alas-nuwebe ng gabi na ako nakauwi.


      Masaya ako dahil nakasama ako sa kanilang pagdiriwang. Nakasama ko pa ang aking ina. Nalaman ko rin na nakaalis na pala ang asawa naTaiwan. Nasa Cyprus na. Naisip ko, mabuti naman kung ganun. Giginhawa na rin ang kapatid ko.


      Sina Jano naman, nakautang ng panghulog sa sasakyan na tatlong buwan ng di nahuhulugan. At nakabalik na rin siya sa Skyland, isang cargo business. Makakabawi na sila sa hirap ng buhay.
     

      Salamat sa Diyos!


Nobyembre 11, 2013

       Nag-meeting ang mga grade leaders kanina. Marami ang napag-usapan nila. Isa na rito ang tungkol sa nomination for Outstanding Teacher. Nakakatuwa dahil ino-nominate daw akomni Sir Climacosa. Ako daw ang unang naisip niya. Pinahalata ko naman na gusto ko ang gagawin niya. Matagal ko ng nais maging nominee sa mga ganyang award. Sana naman ay gawin niya.
   

      Kaya naman, inspired akong magturo. Binasahan ko uli ang mga pupils na section 1ng kuwento ko, na sequel ng "Si Sir Gallego". Nagustuhan uli nila iyon. Bitin daw sabi ng iba.
  

      Lalo kong pagbubutihan ang pagsulat ng akda para sa kanila. Nakaka-inspie talaga. Sana mapansin naman ito ng mga kasamahan ko.


Nobyembre 12, 2013

      Naging inspirado ako ngayong araw sa pagtuturo. Hindi ako napagod. Naging masigla ang aking talakayan dahil nagpatawa ako. Ramdam ko na hindi lang sila natuto, nagsiyahan pa. Gayunpaman, may mga mag-aaral pa ring walang pakialam sa kanilang utak. Madalas ko tuloy masabi na laman nila ang kanilang kukote, wag puro sa tiyan.
     

      Naisama ko rin sa talakayan ang mga kahabag-habag na pangyayari at kaganapan sa Kabisayaan, lalo na sa nasalanta ng husto ni Yolanda. Naiiyak ako tuwing naalala ko ang mga eksena na ipinakita sa telebisyon. Nais kong ipaalam sa mga bata na napaksuwerte nila dahil nakakapag-aral pa sila ngayon habang ang ibang bata at nakakaranas ng matinding hamon ng buhay.

       Nagbasa uli ako ng kuwento sa Section 1. Ang kuwentong pinagpuyatan ko kagabi na "Ang Kariton" ang binasa ko. Nagustuhan nila kahit bitin. Marami ang na-carried away. Kaya sinabi ko sa kanila na habang nagugustuhan nila ang mga kuwento ko ay patuloy akong magsusulay.
    

       Pasado alas-9 y medya ngayong gabi, nag-email ang blogger na Saranggola Blog Awards na hindi makakasama sa patimpalak ang kuwento kong "Si Lola Kalakal". Pasalamat pa rin ako sapagkat napag-alaman ko ang paraan para mapansin ang kakayahan kong magsulat. Hindi man ako nakaabot sa tamang oras ng pasahan ngayon, susunod na taon ay sisikapin kong makasali sa takdang panahon. Nais ko kasing maging tanyag na manunulat.


Nobyembre 13, 2013

       Wala sina Sir Rey at Sir Joel kaya medyo magulo ang classroom ko dahil sa mga pupils nila. Although konti lang at halos mga babae, maingay pa rin. Sadya lang nakakahawa ang ingay at gulo ng advisory class ko.

      Nakakasawa nga magsaway. Paulit-ulit. Maya-maya lang may tatayo at mangugulo. May parusa na ngang patilya at masasakit na salita ay ayaw pa ring magsitigil. Grabe talaga! Kakaiba ang mga ugali. Maling-mali ang paraan ng pagpapalaki sa kanila ng mga magulang nila.
     

      Hindi lang naman ako ang nahihirapan, gayundin ang iba, gaya ni Mam Rodel at Mam Balangue. It means, sila ang may problema, hindi ako. Minsan nga ayaw ko ng mag-stay sa classroom ko. Mas gusto ko pa sa ibang section o kaya sa meeting. Nakakarindj na kasi ang mga ugali, lalo na ng mga lalaki, na animo'y haliparot sa likot at daldal.

       Gayunpaman, di pa rin ako nauubusan ng pasensiya at pag-asa na one time ay magbago sila.



Nobyembre 14, 2013

       Alas-otso ng umaga kanina, habang nasa dyip ako at nakikinig ako sa paborito kong istasyon ng FM radio, na Love, ay narinig kong nanghihikayat sina Nicole Hyala, Chris Tsuper at dalawang pang DJs na tumulong para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda. Kanina lang nila iniba ang kanilang programa. Supposedly, Tambalan iyon. Pero kanina, nagmistulang AM radio sila. Ang galing! Naengganyo tuloy akong magbigay.

       Kaya, pagdating ko sa school, gumawa ako ng box na may nakasulat na "Barya Para sa mga Biktima ni Yolanda". Masayang inaprubahan iyon ng grade leader namin. Wala ang principal kaya tinuloy ko na ang panghihikayat sa mga pupils na magbigay. Nakalikom naman ako ng mahigit tatlong daan sa tatlong seksiyon.   


      
Nakakatuwa! 

      Naisip ko ring magbigay ng mga damit. Kaya sinabihan ko ang mga mag-aaral na magdala bukas dahil sa Linggo ay ihahatid namin sa MBC ang mga donasyon nila. Isasama ko ang mga pinuno ng KAMAFIL at GES Math Club. Gustong-gusto nila.

      Tapos, tumugma pa ang lesson ko sa Character Education na "Ano ang kampanya?" Nagbasa kami ng tula na nagsasabing tumulong ang bawat isa, ngayon na.


      Ang taas na sana ng kaligayahan ko nitong hapon, kaya lang, nagpasaway ang mga estudyante ko, habang binabasahan kk sila ng akda kong kuwento. Nainis ako sa ingay ng iba na parang hindi interesado. Nakakaapekto sa ibang nakikinig at sa akin na nagbabasa. Kaya, tinigil ko at sinabihan silang wala silang silbi. Mabutimpa ang Section 1, tahimik habang nagbabasa ako. At, sila pa ag pursigidong magsulat pa ako ng part 3. 


      Habang pinalilista ko ang mga maiingay, tinatapos ko naman ang artwork ko na sinimulan ko kahapon. Natapos ko naman dahil tumahimik sila hanggang mag-uwian.
      

      Pag-uwi ko, na-inspired uli ako na gumawa ng fund-raising drive dahil sa post ng Grade 6 pupils na nagbebenta ng tie dye shirts na gawa nila mismo. E, nagbigay kasi ako ng ideya sa isa sa kanila noong isang araw, bilang paghahanda sa contest na sasalihan niya at ni Mam Rodel. Naisip ko din na ibenta ang artwork ko. Kaya, pinost ko ang picture niyon at nilagyan ko ng caption na "ARTWORK FOR SALE "Yolanda broke he Earth Oil Pastel in Illustration *Proceeds will be donated to the typhoon victims"
      

      Sana may bumili para madagdagan ang pera na ipapadala ko...namin.


Nobyembre 15, 2013

       Dumagsa ang mga relief goods mula sa Grade V Pupils. Naglagay ako ng table sa labas at nilagyan ko ng karatula na may nakasulat na "Tulong para sa mga Nasalanta, Mula sa Gr. V". Nag-picturan pa kami. Nakakatuwa dahil matagumpay ang intensiyon kong makatulong. Marami pa nga sanang gustong magbigay. At mas marami ang nais sumama sa MBC sa paghahatid ng mga goods sa Linggo.

      Sana maging matagumpay ang aktibidad namin at nawa'y makarating ang mga ibihigay namin sa mga taong nararapat makatanggap nito.
    

      Pumunta ako ng Division Office bandang 12:30 ng hapon sa pag-aakala kong kasama ako sa meeting ng coordinators ng Filipino. District coordinators lang pala. Sabi kasi sa akin ni Mam De Paz ay ako daw ang dumalo. Di ko naman napansin ang "To:". Okay lang, isa lang naman ang nakaalam na pumunta ako.

      Nagliwaliw muna ako bago ako bumalik sa school. Tumambay ako sa Wellcome Mall habang ninanamnam ang Frutas shake. Nakabalik ako sa school mga bandang 2:30.


      Dahil nangako ako na maglalaro kami ng "Basa-Basa Din Pag May Time", naglaro nga kami. Mabilis lang natapos. Kaya, naglaro ulit kami sa classroom ng tanong na nakakalito gaya ng: "Baka, Baka, Baka. Ano ang iniinom ng baka?" Sabay-sabay nilang sinigaw na "gatas".


       Ginawa ko din ang Math riddle. Enjoy na enjoy sila kahit maingay. Di na lang ako nainis.

Nobyembre 16, 2013

      Ang sarap matulog. Parang ayaw ko pang bumangon kaninang 5:30 ng umaga. Pero, pinilit kong idilat ang mga mata ko para makapaghanda sa pagpasok. Ginusto ko ito e, kaya dapat pagtiyagaan ko. Or else tatamarin na naman akong ipagpatuloy ang masteral ko.

      Nakarating naman ako sa CUP on time, pero antagal kong naghintay. Wala pa ang mga prof. Kakabuwisit! Last Saturday, wala ng pasok. Pati ba naman sa 2nd Saturday ay magulo pa rin ang schedule. Ang labo nila! Tapos ang masaklap pa, hindi ako qualified sa first period na subject ko na Seminar on Thesis Writing (TS 101). Pre-requisite pala nito ay ang Fundamental of Research. Kaya, lumabas ako kasama ang kakilala kong teacher sa CES,na kapareho ko ang problema. Nagsabi kami sa Dean, but di niya pa nasolusyunan ang problema. Bumalik daw kami sa Lunes. Letse! Bakit paghihintayin pa kami.


       Hinanap naman namin si Dr. Navarra dahil alam namin na approchable siya. But then, pag-uusapan daw nila ng dean. Wala kaming nagawa. Kaya, nagkuwentuhan na lang kami. Napag-usapan naminmang potential ko na sinabi ni Sir Socao. Sayang daw at pinalampas ko. Initiative ko na lang daw. Dapat raw ay di ako nagpatumpik-tumpik. Naghinayang naman ako. Kaya lang, tapos na. Kaya nga nag-enroll uli ako.


       Pagkatapos, nakita ko si Mam Julie L. Magkaklase pa kami sa isang subject. Natuwa pa kami ng malaman namin. Pero, nalungkot dahil kaklase din pala namin si Mirando. Bakit ba nagkataon pa?!! Okay na sana na kami lang eh. Small world talaga.


       Dahil maliit lang ang mundo, nakita ko rin ang schoolmate ko sa RGCC na si Riza Gragas. Sa Las Pinas siya nagtuturo. Sayang, di kami magkaklase.


       Mahabang paghihintay uli dahil wala ang prof ko sa Legal Aspects of Education. Nagpasa lang kami ng index card. Sayang ang oras. Tapos, 3rd subject na sana. Ang kaso naman, nag-meeting naman ang mga propesor. Kaya, 3 pm na kami nakapagsimula. Nag-orient naman si Dr. Bal'oro at nagbigay ng course outline.


       Pagkatapos, nagkita kami ni Mam Julie. Sumama ako sa kanya sa last period niya. Kinausap ko si Dr. Yan na tanggapin ako dahil rejected ako sa Seminar on Thesis Writing. Mabuti at pumayag naman. Ang bait niya talaga. Napaka-approachable.


       Maaga naman kami pinauwi dahil wala pa kaming topic na pag-uusapan. Kinuha lang ang names namin at nag-assign ng reporter sa Sabado. Ayos!



Nobyembre 17, 2013

      Pasado alas-otso ng umaga, nasa school na ako para ihatid ang mga relief goods na nakalap namin noong Biyernes. Nagkasunudan lang kami ng dalawang pupils ko na sina Maria at Kassiel. Akala ko nga marami ang sasama. Nalungkot ako ng bahagya dahil baka maiilang ako sa dalawa. Pero, noong papunta na kami, hindi naman ako naramdama ng pagkailang. Nagtatawanan at nagbiburuan pa nga kami. Kaya lang, mas masaya sana kung marami.

     Naibigay naman namin kaagad sa guards ang mga goods at cash. Pero, di ko na nagawang magtanong kung maaari kaming magpa-picture sa mga DJ na naroon. Isa pa, di naman kasi iyon ang sadya namin. Okay lang. Nagpa-picture na lang kami sa tambak ng mga goods. Background kumbaga, para maniwala ang mga nagbigay na nakarating sa kinauukulan ang donation nila.


     Mas marami nga akong naibigay. Cash na P500, plus ang mga damit at pantalon. Okay lang. Masarap naman sa loob.


     Para makumpleto ang lakad namin. Tapos, nagyaya pa sila sa Harrison Plaza. Kaya, para mas masaya sila, nilibre ko sila ng pagkain. Sa tingin ko, sapat na ang mga ginawa ko para sumaya sila. Di rin ako nabigo sa aking pagtulong. Nagastusan ako pero naging magaan naman ang loob ko.

     Tapos, naghiwa-hiwalay na kami. Sila, nag-window-shopping. Ako naman, namili. Bumili ako ng shoes. Luma na kasi ang Chuck Taylor ko. Mura lang ang nabili ko. Halagang P350 lang. Nagustuhan ko lang dahil 50% off at kulay pula. Bumili rin ako ng red slippers.
    

     Dahil matatagalan sina Emily at Ion, nagbaka-sakali ako sa National Bookstore kung may stocks na ng Bob Ong books. Suwerte, meron. At lima pa. Kaya, kumuha ako ng tig-iisa. Matagal ko ng gustong makumpleto ang mga akda niya. Dream come true.

   
  Gift ko na ang mga iyon sa sarili. Di na muna ako bibili ng Converse at long sleeves polo.
    
     Pasado ala-una na dumating sina Ion. Miss na miss namin ang isa't isa. Kaya, si Emily ang pinabili ko ng pagkain. Kinausap ko siya. Ang daldal na niya. Kaya lang inuulit at pinapahaba pa rin niya ang mga salita. Sana magbago pa ang pananalita niya.

      Naawa din ako sa kanya. Ang payat. Parang di kumakain. Ganun din ang ina.
   

      Lalo na akong naawa sa anak ko nang kumain na siya. Halatang sabik sa spaghetti. Ang bilis, ngumuya. Nakakatakot baka mabulunan.
   

      Panay ang salita ni Emily. Iuuwi na daw niya si Ion sa Aklan kaya mag-open na lang daw ako ng bank account para kay Ion, para di na kami magkita. Ano iyon? Magbibigay ako tapos di ko makikita ang bata.

      Di ako nag-comment. Hanggang sa nabilhan ko na si Ion ng t-shirt at long sleeves polo, wala kaming salitaan tungkol doon. Si Ion kasi ang pinapansin namin. Nakakatuwa kasi marunong ng mamili ng gusto niya. Salawahan pa. Nakakita ng Cars na damit, ayaw na ng polo. Tapos, nakakita naman ng Tom and Jerry, ayaw na uli ng Cars. Ang suma tutal, dalawang piraso ang nabili ko sa kanya. Ang Tom and Jerry at ang long sleeves polo. Okay lang naman. Gusto kong mamahalin ang suot niya, dahil hindi ko iyon natikman noong bata pa ako.
    

      Marami pang dapat na bilhin kay Ion. Sumbrero. Sapatos. Sando. Shorts. Briefs. Etc. Isunod ko na lang after mabilhan ko sina Hanna at Zildjian.
     

      Binigyan ko sila ng two thousand. Sinabi ko kay Ion na ibili niya ng pagkain. Dinig iyon ng ina.
     

      Ang saya-saya ko na kahit ilang oras ko lang nakasama ang anak ko.
     

      Pag-uwi ko nag-text si Emily. Lagi daw ako mag-iingat. Ang ginagawa ko daw ay para sa mga anak ko na ako naman ang aani balang araw. Pag napatapos ko raw si Ion, siya naman daw ang tutulong sa akin dahil ama pa rin naman daw niya ako.
      

      Tama naman. Pero, di na ako nag-reply.


Nobyembre 18, 2013

       Nakakatamad man ang Lunes ay pinilit kung pumasok. Nagpakasipag din akong magturo kahit ang mga estudyante ay pabandying-bandying lang. Ayoko rin kasi na mapulaan ako. Sinimulan ko na naman kasi ang advocacy ko na kumalampag ng mga tao lalo na ang mga estudyante, gaya ng ginagawa ni Donya Ina. Kanina nga ay naka-relate si Sir Rey at ang iba pang Fb friends ko.
     

       Sinimulan ko ito noong isang gabi. Kung si Donya Ina ay gumagamit ng "Paki-explain" o Na-explain ko na" at laging may Lab U!sa dulo, ako naman ay may laging mga "Tsk tsk!" sa hulihan ng aking sermon. Sana makilala din ako at ang mga post ko.


Nobyembre 19, 2013

      Masaya at masigla akong nagturo ng Solving Word Problems Involving Circumference Measure. Una, sa advisory class ko. Malinaw na malinaw ang pagkakaturo ko, ngunit nganga pa rin ang karamihan. Sadyang mahihina na ang kukote ng bagong henerasyon ngayon. Nakinig naman sila. Tila pinapasok lang sa isang tainga at ipinalabas sa kabila.
  

     Sa Section One naman, kailangan ko muna magpatawa para makuha ang atensyon nila. Sinabi ko sa kanila na "Every thing in this world is Math. Every thing you do, from the time you wake up till the time you sleep is Math. I am your Math teacher. Therefore, I'm your everything" Sabay, joke!
      

     Mainipin sila kaya kailangang bilisan ang turo. Katulad din ang iba sa kanila sa advisory class ko. Nganga! Okay lang, at least nakakain na ako ng lunch habang may seatwork sila.
     

     Ang Section 3 naman, na siyang pinakamahirap patahimikin, pakalmahin at turuan, ay kailangan ko munang gulatin at gamitan ng dahas upang makuha ang atensyon. Makikinig naman ang iba, pero ang karamihan lalo na ang mga lalaki ay hindi makikinig.
    

      Madalas pa nga, di sila uma-attend. Gumagala lang sila sa baba. Kanina naman, nagtjlug-tulugan ang mga mokong. "Call eter agent ba kayo? Napuyat. O baka macho dancer. Ang kakapal ng mukha. Ginawa pang tulugan ang school." Kako. Pero, walang tinablan. Matindi talaga ang kakapalan ng mukha. Babae lang ang gumagawa at iilan-ilang lalaki.
    

     Ang hirap magturo. Parang utang na loob ko pa sa kanila na makinig sila. Ako pa ang nakikiusap na sila ay makinig. Kung hindi nga lang ako labis na nagpapahalaga sa edukasyon, ay never akong mamimilit na makinig sila o mag-aral ng mabuti.


     Kaso, ito yata ang kapalaran ng isang guro. Magturo ng kaalaman at mamilit na matuto ang mga mag-aaral. Wala pa dyan ang pagtuturo ng kagandahang-asal.
     

     Diyusme! Religion teacher nga ay sumusuko sa kanila. May nag-aaway habang may katekista sa silid. May nagkakara y cruz. May nakatayo. May nakataas ang paa. May nagkukuwentuhan ng hindi tungkol sa Diyos. Grabe! Nakakasuklam na mga ugali. Nagtatanong tuloy ako. Kasalanan ba ng guro o ng magulang?
  

   
Nobyembre 20, 2013

      Kagabi pa lang naisip ko nang um-absent sa klase ngayon. Kaya kanina habang nilalamig ako sa ilalim ng kumot ay nagdesisyon akong lumiban sa klase. Nakakatamad kasi. Saka, parang kulang ako lagi sa tulog. Gusto kong magpahinga buong araw para makabawi sa ilang linggong puyat at pagod. Ayoko rin namang abusuhin ang katawan ko dahil ako at ang mga anak ko lang naman ang kawawa.
  

      Gayunpaman, kahit absent ako, hindi pa rin naman pahinga dahil gumawa ako ng household chores. Di rin naman maasahan ang kasama ko sa bahay. Wala rin siyang pasok ngayon pero di ko man lang mautusan o di man lang magkusa.
  

      Nagbanlaw ako ng binabad ko kagabi. At, nagbabad uli ng makapal at mabigat na blanket. Hay, bakit pa kasi kailangang maglaba.
    

      Mabilis ko namang natapos ang mga gawain. Nakanoid pa nga ako ng telebisyon, nakapag-internet. Nakapagsulat ng Part 3 ng "Sir Gallego" at nakapagbasa ng Stainless Longganisa ni Bob Ong. Nakaidlip din ako after lunch. Tapos, basa uli hanggang matapos ko ang libro. Sayang iniwan sa school ang apat na bago kong bili. Magsusulat na lang ako nito magdamag at mag-i-fb.


Nobyembre 21, 2013

       Pumasok na ako. Inspired ako magturo kaya lang wala na namang palitan kaya medyo nahirapan na naman ako dahil nasa akin ang ibang pupils ni sir Rey na busy sa rehearsal ng Investiture. Kaya, nakapagsermun na naman ako. Ang titigas kasi ng ulo. Ayaw gumawa. Ayaw mag-recite, samantalang ang dadaldal nila.
     

       Gayunpaman, super happy ako buong araw dahil nakakatanggap ako ng magandang feedback sa aking mga sinusulat at pinopost sa fb. Isa na rito sina Che Gibaga, Cristy Garlan at Kittie, etc. Andami ko ring Likes na natatanggap. Nagiging controversial din ang "Tsk tsk!" posts ko. Maraming estudyante ang natatamaan pero hindi nagagalit.


       Nagkuwento rin ako ng part 3 ng kuwento ni Sir Gallego sa Section1. Nabitin na naman sila. Patunay nito na nagandahan sila at gusto pa nila ng kasunod. Lalo tuloy akong nai-inspire.


Nobyembre 22, 2013

       Hindi na ako pumunta sa school para mag-time in. Nasabi ko na kahapon kay Mam Rodel na didretso na ako sa Division Office para sa Gawad Parangal sa mga nag-demo teaching. Pasado alas-onse na ako umalis sa bahay. Tumuloy muna ako sa CUP para ayusin ang subject na na-reject dahil sa pre-requisite.

       Naghintay ako ng kulang-kulang isang oras. Tapos, ang bilis lang din ako nakaalis. Hindi na raw pwede mag-change. Di ako naunawaan. Internal na lang daw. Bahala na. Papasok na lang ako ng 4 to 7 pm sa Current Issues. Kung di ma-credit, bahala sila.


       Nag-text na si Mam Edith habang nasa CUP pa ako. Tapos, nag-text din si Mam Vale. Important person pala ako. Hinahanap. He he. Kaya pala ako hinahanap kasi, need ng bouquet para kay Mam Edith. Mabuti na lang naisipan ni Sir Socao na cash na lang ang token.


       Okay naman ang program. Hindi ko man ramdam ang feelings na pinaparangalan, alam ko na napakasaya niyon sa pakiramdam. Sana minsan ako naman ang makaranas nito.


       Dumaan pa ako sa school. Tapos, umuwi na rin pagkauwi ng mga bata.



Nobyembre 25, 2013

       Alas-7:30 na ako nagising. Epekto ng pagkapuyat ko sa kakaisip kay Mam Ludilyn. Gusto ko siyang maging girl friend, kaya hindi ako nakatulog after kong jumingle sa madaling araw. Ang resulta, nakatulog ako hanggang ganyang oras na hindi ko nagawa since June. Kailangan ko kasi pumasok lagi ng maaga dahil two rides ako to school.

       Nagmadali akong nagluto. Nagplantsa. Nag-type pa nga ako ng activity sheet sa Math. Mabuti na lang at sadyang mabilis talaga akong kumilos.


       Hindi naman ako na-late. Past 9 nasa school na ako.


       Agad akong nagsimulang mag-lesson plan kaya lang na-shock ako sa comments ng isang liker sa post kong "Mga Uri ng mga Estudyante ng Gotamco page. Nakakapanliit. Nakakanginig ng laman. Bobang matanda. Hindi ako natakot. Sinagot ko siya. I copy-paste the introduction of my essay. Then, the conclusion. Finally, I answered her, "I'm a preying mantis".


       Hindi pa ako natahimik, pinakita ko pa kina Karen at Mareng Lorie. Wala naman daw masama sa essay ko. Oo nga naman, in fact, highly-commended ito kagabi. Nag-sorry pa nga si Jethro Cuello dahil isa daw siya sa mga iyon. Aminado pa siya na siya ay tipaklong. Bakit ang bobang iyon ay nag-react na tila di niya alam ang scenario sa public schools ng Pilipinas. Ang sarap niyang bastusin dahil binastos niya ako. Pero, pinayuhan ako na Mare na i-hide ko na lang ang comments niya. I-block ko na lang daw. Gusto ko sanang magkasagutan kami pero naisip ko, it's a waste of time. Sinunod ko na lang siya.


       Narito ang mga sagot niya sa mga replies ko:

       MariaEden Pollock-Boersma Hindi ito isang panghuhusga o pangungutya / This is not a judgment or ridicule... The closing line is the best.... "Tama na nga! Marami pa sana. Kaya lang nangangati na ako". / It's enough! There is more but I'm itching already" NO it's not judgment or ridicule... it's both! Shame on you Froilan... you don't deserve to call yourself a teacher.16 hours ago · Like

      MariaEden Pollock-Boersma You are not a Preying Mantis.... you are the worse kind of a pest that need to be terminated!7 hours ago · Like
  

      MariaEden Pollock-Boersma By the way.... are you afraid for more negative comments so you took out the Like / Comments / Share buttons?6 hours ago · Like

      MariaEden Pollock-Boersma So in the years that you teach you put the children in the box and you pick the one that worth enough teaching! If you practice and apply your comparison to a child daily and for whatever years you are teaching you must be an artist to make a child fee...See More

       Shinare pa niya ay naglagay ng caption na:
         

       This is outrageous and disgusting.... and this is posted by a school? All children are surely different but you don't have the right to compare them with the bugs! Young children are vulnerable and depends on how strong the child personality is, you can mold him or her to a bad or a good person! Kids do or don't do what they see at home, at school and on the street and with the technology they see more than they need to see and this comparison is certainly not something that kids should read!As a teacher and a school you don't need to look for a negative side of the child! Look for a positive side of the child and work with the skill that a child can handle! If a child is hard to handle he might have problem at home! If a child read slow he or she might have Dyslexia. For every child and their behavior needs different approaches! But No need for name calling or hang a tag on each child.... name calling is bullying.... bullying don't need to come from a teacher's mind and I certainly don't understand how a school can allow to post this! Don't forget that your page is read world wide!

        He he. Ang husay niya! Napanginig niya ang laman ko. Sino ba siya? Mabuting tao ba siya para pagsabihan ako ng ganyan? I did not write that beautiful essay to ridicule the children but to aware the readers about the reality of modern students. She is not in the right place to criticize me because she hasn't experienced the 21st century teaching. I'm regarding my pupils as my children. I can prove that! She should come and investigate me.


        Well, I am still challenged to write. Hindi ako titigil dahil lang sa komento ng isang makitid na tao. Kung may isa o dalawa man akong negatibong kritiko, I'm sure mas marami akong tagahanga. At sila ang dapat kung maging inspirasyon. Hindi ito isang kabiguan kundi isang tanda ng kasikatan. He he. Ngayon pa lang ay binabato na ako, na wala pa ngang bunga, how much more kapag namunga na ako?!


        Sorry siya, she's banned! Pumunta siya dito sa Pilipinas para makita niya ang sagot. Baka, magsorry pa siya sa akin. (Hmm. Hindi imposible.)



Nobyembre 26, 2013

       Napuyat ako kagabi sa kakaisip ng nangyari kahapon sa post ko. Nayayamot pa rin ako sa taong nagkondena ng sanaysay ko. Kahit humingi na ako ng tawad sa Diyos, still, I had sleepless night. Naging malumbay ako hanggang, pagpasok ko. Kaya lang ako naka-move on ay dahil kina Nicole Hyala at Chris Tsuper. Parang naka-relate ako sa mga sinabi nila. Iyon na yata ang sign na hiningi ko kay Hesus.

       Kaya naman, nang hinarap ko na ang klase ko, inspired na ako. Maganda na ang mood ko. Pinag-usapan namin ang Christmas Party. Tapos, nagturo ako ng malinaw. At bago iyon, nakipagkuwentuhan pa ako kay Mam Diana at Mam Amy about children and parents attitude towards child abuse. Naging topic namin ang mga karanasan ng mga kaguro namin sa kamay ng mga magulang na mapagsamantala sa kahinaan ng mga guro. Naka-relate ang issue ko dun sa critic ko pero di ko na sinabi. Okay na. At least tumigil na iyong mahaderang hilaw na Australyanang iyon.
    

      Naging busy na lang ako sa pagtuturo at pagsingit ng paper mache projects ko. Gumagawa uli ako ng mga figures out of paper. Magbebenta daw si Mam Nelly sa Araneta Coliseum. Sa exhibit. Baka sakaling kumita pa kami. Para na rin mapakinabangan ko ang talento ko.


Nobyembre 27, 2013

       Habang naliligo ako, naalala ko si Zillion. Naawa ako sa kanya noong huli kaming nakita dahil payat siya. Hindi ganoon ang katawan niya noong magkakasama pa kami. Naisip ko na baka hindi na siya nakakakin ng husto, tulad dati na sawa-saw siya sa pagkain. Kapag gusto niyang kumain, magbubukas lang siya ng ref at mamimili doon ng gusto niyang kainin.
  

       Hindi naman ako mag-iisip ng ganito kung hindi nag-text si Emily na nanghihiram siya ng pera para makapag-register siya sa Licensure Examination for Teachers. Sabi niya, hindi daw kasi kaya ng sahod niya. Meaning, pati ang pagkain nila ay kinakapos din. Napansin ko naman sa mga katawan nila ni Ion. Nakakaawa.

       Gayunpaman, binigo ko si Emily sa kanyang munting hiling. Kayang-kaya ko siyang tulungan. In fact, naisip ko na regaluhan ko siya ng pera para nga sa registration fee ng LET. Malaking kaalwahan naman kasi kapag nakapasa siya at nakapasok sa public school. Bukod sa malaki na ang sasahurin niya, ay hindi na niya ako masyadong aasahan financially.


      Binigo ko siya, hindi dahil gusto kong gumanti sa ginawa niya sa akin o gusto kong pahirapan din siya, kundi para turuan siya na tumayo sa sariling paa, dahil iyon ang dapat, iyon ang sinabi niya nang kinuha niya si Zillion.


      Nakakalungkot lang dahil nararamdaman ko ang paghihirap nila at epekto nito kay Ion. Ayaw niya naman kasing ibigay sa akin ang bata. Kaya, hangga't di siya sumusuko, hindi rin ako magpapalit ng prinsipyo.
   

Nobyembre 28, 2013

       Mabilisan kaming gumawa ni Mam Rodel ng bulletin board na Reading Month dahil kailangan ni Sir Erwin ang narrative report. Hinihiram nga niya ang mga pictures ko sa Buwan ng Pagbasa kaya lang di ko pinahiram dahil baka kailanganin ko rin. Ayoko naman na ako pa ang magmukhang gaya-gaya. Kaya, I suggested na magsagawa na lang kami ng mga kunwariang contests.
     

      Habang gumagawa kami ni Mam Nelly ng bulletin board, si Mam Diana naman ay nagpagawa ng bookmark. Pagkatapos ng bulletin board, sinimulan agad ang reading competition. Panay ang kuha ko ng pictues habang nag-gre-graded recitation naman sa advisory class ko.

      Ang bilis namin makagawa ng presentasyon. Masaya si Sir, kaya nagpa-Mc Float siya. Kaya lang, ako pa rin ang pinagagawa niya ng report niya. Hindi ko tinanggap. Si Mam Diana ang gagawa. Ako na nga ang nag-picture at nag-upload, ako pa ang gagawa ng narrative.. hmm. Saka, busy din ako. Bukas may "Tabak o Utak". Masama nga ang pakiramdam ko. Nakakaramdam na naman ako ng pananakit ng dibdib at likod. Tagusang sakit. Sobrang napapagod na naman ako. Ayoko magpakamartir.



Nobyembre 29, 2013

       Napuyat ako kagabi. Hindi na naman ako nakatulog pagkatapos kong umihi sa madaling oras. Kaya tuloy, alas-8 na ako nakabangon. Hindi naman ako na-late. Nakapagsulat pa nga ako ng lesson plan. Tapos, natulungan ko pa si Mam Diana sa paggawa ng report ni Sir Erwin ng Reading Month.
   

       Kokonti ang pupils ko kaya di ako masyadong napagod sa maghapon. Meron pa rin nagpapasaway pero di masyadong maingay. Saka, marami silang ginawa. Isinagawa na rin namin ang "Tabak O Utak". Isa itong tagisan ng talino na may hawig sa Tama O Mali, na tungkol lahat kay Andres Bonifacio ang mga tanong. Naging matagumpay naman ito. Marahil ay first time pa makaranas ang paaralan ng ganitong patimpalak. Sayang nga lang at hanggang Grade 5 ang nakakaranas ng mga ideya ko.


Nobyembre 30, 2013 

      Tinext ako ni Mam Joan Villaranda, mga alas-dos ng madaling araw. Pero, alas-8 ko na ito nabasa. Niyayaya niya akong mag-volunteer ng repacking ng relief goods sa DSWD. Umuo agad ako. Pero, nang nag-aalmusal na ako, nagdadalawang-isip ako dahil naalala ko ang issue ni Dinkee Soliman, Secretary of DSWD. Ayaw ko ang isyu pinapalitan niya ang canned goods na donated ng ibang bansa. Ngunit, naisip ko nakapag-commit na ako kay Mam Jo. Ayaw ko na mawalan ng isang salita, kaya nagmadali akong maglaba.

       Bago ang pinag-usapang oras, nahanap ko na ang bahay ni Mam Jo. Halos magkasabay lang kami ni Mam Baes. Tapos, hihintayin na lang namin ang pagdating ni Mam Julie. Nauna na nga si Mam Vi.


       Habang naghihintay, nagkuwentuhan kami.


       Dumating na si Mam Julie, pero nagtext naman si Mam Vi na wag na raw kami pumunta dahil marami ng volunteers. Punong-puno na. Nalungkot ako kasi nasayang ang oras at effort ko. Pero di ako nagpahalata.


       Hinintay namin si Mam Vi. At maya-maya, masaya na kaming nagkukuwentuhan tungkol sa pinapanood at sa mga isyu sa paaralan. Nakatutuwa ang mga pangyayaring naganap at nagaganap sa school. Dagdagan pa ng kuwento ni Mam Vi, habang kumakain kami ng inorder ni Mam Jo sa Mahal Kita Inn. Na-realize ko tuloy na hindi pala sayang ang oras at effort ko. Hindi lang ako nabusog, napuno pa ng kasiyahan ang puso ko. Masarap palang tumawa.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...