Followers

Wednesday, April 9, 2014

Kabalintunaan ng Buhay

....Nakakatuwa talaga ang buhay. Hindi lahat ng hinahangad natin ay natutupad. Hindi rin lahat ng pinangarap natin ay nagaganap. Minsan, matatagalan pa. Kadalasan, lagi tayong bigo sa paghihintay ng kasagutan sa mga hiniling natin. Halos araw-araw pa nga, may dumadagsang problema. Kaya patong-patong na ang ating pasanin. Ang tawag diyan ay pagsubok.
....Napakasarap mabuhay! Minsan, paggising natin napakaganda agad ng bati sa atin ng Gintong Araw. Pakiramdam natin, lahat ng tao ay masaya at nakangiti. Kaya naman, ang buong maghapon natin ay tila isang panaginip. Hanggang sa pagtulog, nasa puso't isip pa rin natin ang mga bagay at taong nagkapagbigay sa atin ng ligaya at ngiti. May pagkakataon namang hindi mo naman hiningi sa Diyos, pero binigay Niya. Ang tawag dito ay biyaya.
....Napakasaklap din naman minsan ng buhay. Hindi na nga tayo biniyaan, sinubok pa tayo nang husto. Kulang na lang ay pasanin natin ang Kalbaryo. Naiisip nga natin madalas, parusa ba ang mga ito o pagsubok pa rin? Hindi lang minsan tayo nakakagawa ng masakit at masamang bagay sa ating kapwa kaya madalas din tayong nasasaktan, nahihirapan at napapasama. Ang mapait pa, doble o triple pa ang kapalit o ganti ng langit. Ito ba ang karma?
....Ang buhay man natin ay puno ng pagsubok, ang mga biyaya ng Panginoon naman ay mas marami. Kung karma man ang ating inaani, kasalanan natin ito sapagkat hindi natin pinasasalamatan ang bawat biyaya, maging pagsubok na ibinibigay Niya sa atin.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...