Followers

Sunday, April 13, 2014

Ang Aking Journal -- Marso, 2014

Marso 1, 2014

          Grabeng traffic! Mahigit isang oras ako sa biyahe. Naglakad pa ako mula Buendia hanggang CUP. Na-late ako sa pagpasok. Mabuti na lang ay late din si Atty. Madrona.

          Nag-report ako sa Advanced Administrstion and Supervision. Well-delivered iyon, although mabilis ko lang natapos. Pinalakpakan ako ng mga classmates ko at ni Mam Bal'Oro. I know, nagustuhan nila ang report ko na tungkol sa Decision-making Process. Gayunpaman, masaya ako dahil dalawa na lang ang ire-report ko bago magtapos ang semester.

          Alas-sais na kami nakalabas ng CUP. Natagalan ang report ng mga taga-Cavite. Kaya, nagmadali akong mag-grocery sa Puregold. Mabuti ay nakasakay agad ako sa LRT 1. Nahirapan lang ako pagdating sa Santolan. Kaya kinailangan ko pang mag-FX hanggang Francia para lang mapadali. Nakadiskarte ako kaya naman, nakarating ako ng Bautista ng 8:30. Kaya lang ay di ko na naabutang gising si Zillion. Andami ko pa namang pasalubong sa kanya.

   
Marso 2, 2014

          Sobrang lamig pa rin sa Antipolo. Sumakit na naman ang likod ko kaya kulang ako sa tulog. Gayunpaman, bumangon ako ng masaya, pagkatapos kong magpasalamat sa Panginoon.

          Pinagbigyan ko uli si Ion na manuod ng favorite cartoon characters niya na Cars at manuod ng nursery ryhmes. Ako naman nakapag-type ng test question sa Character Education, pagkatapos niyang magsawa.

          Mga alas-onse, pumasok si Tito Ben. Lasing siya. Di na ako natatakot sa kanya. Okey na kami. Mataas na kasi ang respeto niya sa akin, gayundin ako sa kanya. Di tulad dati na nagtatago ako kapag parating siya.

          Nagkuwento siya ng tungkol kina Tito Melo at Auntie Emol sa Lucena. Nagyayaya din siyang pumunta doon sa December. Pero ang pinakasadya niya ay tungkol sa lupa na kinakamkam ni Auntie Belen. Naiyak si Mama dahil naalala niya ang paghihirap niya para lang makapagtapos ng pag-aaral ang panganay na kapatid ngunit di konting awa ay hindi nasuklian si Mama.

          Na-inspire ako sa istoryang iyon ni Mama. Nais kong isulat at gawing kuwento...

          Nahirapan uli ako sa pagpapaalam kay Ion. Mag-iisang oras niya akong iniyakan. Pero, nang humingi siya ng cereal flakes at gatas ay nagbago na ang isip niya. Nagpaiwan na. Kaya agad akong umalis. Dumiretso ako sa Rancho para bigyan ng pera si Zildjian. Birthday niya bukas. Pampitong taon.

          Binilhan ko muna siya ng maliit na round cake.

          Naawa ako sa kondisyon ng tirahan ng lolo at lola niya. Umusog sila upang umiwas sa widening. Kaya, hindi maganda ang tanawin sa kanila.

          Hindi na ako masyado nagtagal. Nagpaalam na ako pagkatapos ng ilang minuto. Sinigurado ko lang na okey ang dalawa kong anak. Si Zildjian ay maganda ang katawan. Si Hanna ay sobrang slim. Nalungkot ako para kay Hanna kaya sinabihan ko na magbakasyon sa Bautista pagkatapos ng klase. Pero, masaya ako dahil napasaya ko si Zj. Tumalon-talon siya pagkatapos niyang matanggap ang dalawang libo mula sa akin. Kung anuman ang gusto niyang gawin sa pera ay bahala na siya----kung ipanghahanda ba o ibibili ng tablet.

          Pasado alas-8:30 na ako nakauwi.


Marso 3, 2014

          Hindi ako pumasok ng maaga. Pero, maaga pa rin ako nakarating ng school. Nakapagdilig pa nga ako ng mga halaman ko doon.

           Magandang balita ang natanggap ko. Isang sulat kasi ang dumating mula sa RCBC. Pinadalhan ako ng bagong credit card. Tapos, naging P50,000 na ang credit limit ko. Ayos! Makakautang na ako ng DLSR.

          Walang palitan, pero nagturo ako ng volume sa Section Mars.

          Natulungan ko si Sir Erwin na compute-in ang top ten niya. Nagpasalamat siya dahil nawala ang stress niya.


Marso 4, 2014

          Nalimutan kong iwanan ng baon si Eking. Kaya tinext ko siya na mamayang gabi ko na siya bibigyan. Sana huwag magsumbong. O kung nakapagsumbong na ay okey lang. Mabuti nga iyon para malaman nila na wala ng budget. Akala ko nga magpapadala na kahapon kasi tinext na daw ni Ate Ning si Aileen.

          Alas-diyes nang dumating ako sa Gotamco. Iniabot agad sa akin ni Sir Rey ang study permit na pinasa ko sa DO. Nalungkot ako dahil wala pa ring pirma ni Mam Puti-an. Kaya, agad akong nagtanong kay Sir Socao at sinabi ko ang mga prosesong dinaan ko at kung bakit nagkaganoon. Tinawagan niya ang opisina ng superintendent at nakausap ang clerk doon. Maya-maya, sinabi ni Sir na ipababalik niya iyon kay Mang Bernie. Nagpasalamat ako sa kanya. Pero maya-maya, pagkatpos kong maibigay ang permit na pipirmahan, tinawag ako ni Sir at ipinaliwanag kung bakit di pinirmahan. Kulang pala ako ng performance ratings.

          Inasikaso ko ang pagkuha ng ratings ko, pagkatapos kong magturo sa klase ko at habang may ginagawa sila. Naibalik ko naman sa office ang permit pagkalipas ng ilang minuto. Umaasa ako na maibabalik na sa akin ng may pirma na.

          Past 2:30, dumating ang mga FS students na may dalang pansit, biko, sliced bread at coke. Last day na kasi nila kahapon, kaya nagpameryenda sila. Tiyempo naman dahil wala pa kaming minereyenda.

          Nakaka-touch ang mensahe ni Mam Ruth para sa akin, na isinulat niya sa isang card. Nagpasalamat uli siya, gayundin ako.

          Nagpicturan din para souvenir.

          Bago mag-uwian, nag-away ang dalawa kong pupils na sina Monette at Rodolfo. Pinalabas ko ang umiiyak na si Monette. Hindi ko alam na tungkol pala sa ninakaw nilang relo sa Star City ang pinag-aawayan nila. Kinausap namin sila. Maya-maya, ipinatawag ko ang nanay ni Rodolfo, na tiyempo namang naroon para sunduin ang kanyang anak. Hindi niya alam ang bagay na iyon.

           Grabe! Paano nila nagawa iyon?! Terible.

           Wala pa ring text mula kay Aileen na nagpadala na siya. Nagbayad na ako ng bill sa kuryente at tubig. Baka isipin nila na malapit ng magbakasyon si Eking kaya di na sila magpapadala. Naku naman..
   
     

Marso 5, 2014

          Naglaga ako ng kamote para ibaon sa school. Tinapay naman ang inalmusalan ko. Okey na iyon para tipid. Wala pa rin kasing padala para sa budget namin ni Eking. Nagtataka na nga ako. Ni text wala..

          Ash Wednesday. Nagkaroon ng misa sa school. Nagpalagay sila ng abo sa noo. Ako, wala. Sabi ko sa kanila, Muslim kasi ako. He he

          Natapos kong ayusin ang honor roll ng Grade V Section Mercury bago ako magpa-recess. Very thankful si Sir Erwin. Nakita naman niya kung paano ko inayos at ginawan ng paraan sa mabilisang kilos. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

           Pagkatapos ng klase, naisipan kong sumama kay Mam Diana at Mam Jing sa pagpunta ng Baclaran. Sumama na rin si Sir Erwin. Natagalan kami sa paglalakad. Andaming tao, gawa ng Ash Wednesday. Gayunpaman, nakabili si Mam Diana ng damit ng anak niya para sa graduation. Nakabili din ako ng mga sando namin ni Ion at polo ko.

          Pasado, alas-otso na ako nakauwi.

          Sardinas lang ang binili kong ulam para ipakita kay Eking na ubos na ang budget namin. Nainis ako sa arte niya nang di siya kumain nito. Okey lang, di naman ako ang magugutom.



Marso 6, 2014

           Nag-almusal kami ng kanin at tortang giniling sa kabila ng pagkainis ko dahil wala pang padala. Ayaw ko rin namang maramdaman niya ng husto ang pagkainis ko. Isa pa kailangan ko ring mag-almusal ng maaga.

           Nagpa-test na kami sa mga pupils namin. Medyo maingay pa rin pero nakagawa ako sa card nila. Naging photographer din ako sa Supreme Pupils Government Debate. Tapos, natanggap ko na ang pirmadong permit to study ko. Sobrang saya ko dahil natapos na ang pinagkaabalahan ko ng ilang araw.

          Nag-message si Aileen sa FB na nagpadala na siya ng 10k. Nagpasalamat ako. Kaya naman, pagkatapos ng klase ay nag-grocery ako sa Shopwise. Pasado, alas 7:30 na ako nakauwi. Nanuod pa kasi ako ng mime artist sa Harisson Plaza. Somehow, nawala ang stress ko sa kakatawa.

          Sa sobrang pagod ko kaya nahiga muna ako bago ipinagpatuloy ang pagtapos sa card ng mga pupils ko. Alas-onse na ako nakatapos ng grades. Number of days present na lang. Bukas, Form 137 naman ang gagawin ko. Hay!


Marso 7, 2014

          Natulog uli ako pagkagising ko ng bandang alas-7. Kaya naman, alas-otso y medya na ako bumangon. Nag-text pa man din si Mam Diana na may meeting kami at nagsisimula na. Nagmadali tuloy ako.

           Napasarap kasi ako sa mga panaginip ko. Ang gaganda ng eksena at mga lugar doon. Kakaiba. May flyover pa nga na gawa sa coco lumber at kawayan. At ang nakakabilib, sa Polot pa itinayo. Nakakita rin ako ng mga tae. Naisip ko nga na baka pera ang ibig sabihin niyon.

           Pasado alas-diyes na ako nakarating ng school. Patapos na ang meeting. Tungkol lang naman sa NAT at school assignment namin. Sa Blessed Elena Academy ako naka-assign, kasama si Sir Erwin. First time ko sa private school.

          Second day ng test. Pasaway pa rin ang mga bata, kahit pinapunit ko na ang mga papel nila. Busy pa naman ako sa mga forms at cards.

          Uwian na nang dumating ang nanay ni Jansen. Nag-usap kaming tatlo. Naluha pa nga sa una ang Mama niya. Binigyan ko na lang ng take-home test para di na pumasok sa Lunes. Sobrang kulit na kasi.

          Pasado alas-sais na ako nakapag-out.


Marso 8, 2014

          Maaga akong gumising para tuparin ang pangako ko kay Sir Rey na tutulungan ko siya sa pagkuha ng mga litrato sa mga scouts na dadalo sa Day Camp. Nakarating ako doon bago mag-alas-syete. Naroon na ang mga scouts kaya sinimulan ko kaagad ang pagdokumento ng kanilang mga gawain. Sayang nga lamang dahil hanggang alas-diyes lang ako. Kailangan ko pang pumasok sa masteral classes ko.

          Nagpasalamat naman si Sir sa tulong ko. Nagpasalamat din ako sa almusal.

          Nag-report ako sa Legal Aspects of Education, kasama ang mga kagrupo ko. Enjoy naman. Nakakatuwa dahil mabilisan naming ginawa.

          Nag-report din ako sa Current Issues in Education. Nakuha ko ang atensyon ng classmates ko nang ginawa kong motivation ang nangyaring sa akin noong nag-journalism training ako. Mali daw ang ginawa ko. Okey lang naman na sinabi nila iyon. Alam ko naman na nagkamali ako kaya nga itinama ko sa pamamagitan ng paghingi ng sorry sa mga pupils ko kahit na di kami nagkausap ng parent ni Yannah. Ang mahalaga, natuto ako.

          Alam ko, nagustuhan nila ng report ko kaya sila nagbigay ng kanilang kuro-kuro. I think, di nila ako makakalimutan.

          One hour lang, pinauwi na kami. Kaya, maaga akong nakauwi sa Bautista. Nakapag-grocery pa nga ako sa Libertad. Naabutan ko pang gising si Ion at nakita ko kung paano siya natuwa sa mga pasalubong ko pati sa presensiya ko. Sayang nga lang dahil ang sakit ng ulo ko. Wala ako sa mood na lambingin siya.


Marso 9, 2014

           Nakapagpahinga ako maghapon kahit dumating sina Gie, France at Courtney bago magtanghali. Nakatulog kasi kami ni Ion. Napagbigyan ko rin siya sa panunuod ng Cars at nursery ryhmes.

           Iniyakan muna uli ako ni Ion bago siya pumayag na iwanan ko siya. Pero, hindi na ganun kalakas at katagal. Mas tanggap na niya ngayon ang pag-alis ko. Kaya bago mag-6 ng gabi ay nakaalis na ako. Alas-8 naman ako nakarating sa bahay kung saan naroon ang tamad kong kasama, na hindi man lang nagwalis ng sahig at nagtapon ng basura.

           Sana umuwi na agad siya pagkatapos sa Bulan ng klase. Nakakarindi. Mabuti pang wala akong kasama.


Marso 10, 2014

          Wala ako sa mood ng pumasok. Masama kasi ang pakiramdam ko dulot ng nagbabadyang sipon. Mabuti na langnat konti lang ang pumasok na estudyante ko. Hindi sila masyadong nakapagpasaway, kaya nasamantala ko ang oras para makagawa ng mga paperworks. Masakit lang sa kamay. Tapos, naglaba pa ako pag-uwi ko. Tambak! Grabeng pasakit!

          Nag-message si Ate Ning sa FB. Kailangan niya daw ng pambayad sa utang niya sa isang tao dahil sa kuryente. Kailangan niya ng kinse mil. Sa akin siya nanghihiram, kapalit ng panghahawakan kong Deed of Sale ng bahay niya. Hindi naman ako interesado sa lupa at bahay niya. Gusto ko lang sana makatulong.

          Sinabi ko na 8K lang ang pera ko sa banko dahil ang iba ay budget ko, ng mga anak ko at ni Mama. Nahihiya daw siya pero nangungutang pa rin kahit 10K. Nabagbag naman ako at kahit paano ay nakatulong naman siya sa akin noon. Kaya, pahihiramin ko siya ng sampung libo sa Linggo. Tatanawin daw niyang malaking utang na loob.



Marso 11, 2014

          Hindi ko inagahan ang pasok ko. Wala naman kasing pasok ngayon ang mga bata. NAT ng Grade Three ngayon. Gagawa lang ako ng mga forms.

          Ang alaga ko naman ay di pumasok. Paano ba namang hindi e, hindi naglaba ng uniform niya. Asa lang. Kanina ko lang nabanlawan. Basang-basa pa kaya di niya talaga maisusuot. Tama lang yan sa kanya. Tamad siya eh. Alam niya naman na busy at pagod din ako lagi.

           Pagdating ko sa school, nilapitan ako agad ni Sir Socao. Tinanong ako kung nasabi daw ba ni Sir Erwin kahapon ang tungkol sa gallery. Umoo ako. Nagpakita din ako ng willingness na gawin ang kanyang utos. Kaya, pag-akyat ko, minadali ko ang mga paperworks. Hinintay ko rin si Mam Rodel.

          Nang dumating si Mam, saka lang ako kumilos. Maya-maya, tumulong na rin si Sir Erwin at Sir Joel. Tapos, nakumpleto kami. Ang resulta ay nakapagsimula kami ng magandang bulletin boards.

          Past 5, na kami umuwi. Dumaan muna ako sa National upang bumili ng mga materyales sa gagawing gallery ng mga pictures ng Gotamco nang wala pang covered court at nang mayroon na.

          Dumating na si Epr, pasado alas-siyete ng gabi. May makakausap na ako. OP na naman ang isa. He he
         


Marso 12, 2014

          Bago umalis ng boarding house, sinabi na sa akin ni Epr na aalis din siya pagkapananghali. Sa opisina ang punta niya. Si Eking naman ay nauna pa sa akin. Alam ko na pupunta siya kay Kuya Jape.

           Pagdating ko sa school, sinimulan ko kaagad ang paggawa ng bulletin boards. Tinulungan ako nina Sir Erwin, Sir Joel at Mam Nelly. Si Mam Diana naman ay tumulong sa akin sa pagtapos ng Form 5 ko. Nakakainis lang ang mga bata dahil pumasok pa. Sinabi ko na wala ng pasok, pumasok pa rin. Sinisipag pa rin. Maingay lang naman at magulo sa classroom. Abala pa sa ginagawa namin.

          Maghapon kaming gumawa, pero nakikita na namin ang ganda ng output. Unti-unti rin nadadagdagan ang ideya ko. Dalawang araw pa ay matatapos na namin ito ng tuluyan, bago i-present sa Lunes.
 
          Nakauwi ako ng maaga. Nauna pa ako kay Eking.


Marso 13, 2014

          Pasado alas-onse, nasa Blessed Elena Academy na kami ni Sir Erwin. First time ko doon. First time ko rin magbantay ng NAT sa private. Kinakabahan ako sa una pero nang ma-meet ko ang mga pupils ay nawala ito. Mababait sila at tahimik. Walang ingay. Di tulad last year na nabantayan ko sa RPES.

          Pasado alas-4 ay nakabalik na kami sa school. Agad kaming gumawa ng gallery para sa exhibit sa Lunes. Pagod na pagod ako dahil sa kabubuhat ng mga halaman na ide-design. Pero, ayos lang dahil nakita ko ang maganda kinalabasan o kalalabasan ng mga bulletin boards nang madekorasyunan ito ng mga halaman at handicrafts at tela.

          Pasado alas-6 na kami umuwi ni Mam Nelly.


Marso 14, 2014

          Kahit napuyat ako kagabi ay naghanda ako ng maaga sa pagpasok. Excited kasi akong tapusin ang gallery na ginagawa ng Grade V teachers. Kaya, pagdating ko sa school, ginawa ko kaagad. Siyempre, nagdilig muna ako ng mga halaman.

          Maghapon akong gumawa. Mabuti at tinulungan ako nina Mam Diana at Sir Joel. Tapos, nai-set up namin ang exhibit bandang alas-kuwatro. Ang ganda ng resulta. Marami ang nagandahan. Hindi rin ako makapaniwala na kaya kong gawin iyon.

          Alas-sais bente nang umuwi kami ni Mam Rodel. Nag-print pa kasi ako ng ibang pictures na galing kay Mam Lopez. Napagod ako pero satisfied.


Marso 15, 2014

          Maaga akong nakarating sa City University of Pasay, kahit tamad na tamad akong pumasok. Iyon pala ay wala si Atty. Madrona na siyang first period professor ko. Kung alam ko lang na wala siya, sana ay natulog ako hanggang 10.

          Ang resulta...tatlong oras akong tumambay sa school. Antok na antok tuloy ako.Inaliw ko ang sarili ko sa FB, music at Candy Crush, pero inantok pa rin ako.. Sayang ang oras...

          Hinintay ko rin at ng mga kaklase ko sa Advance Administration and Supervision si Dr. Bal'oro pero hindi dumating bago mag-alas-dos, kaya nagkasundo kaming umuwi pagkatapos pumirma sa attendance sheet. Dali-dali naman akong bumiyahe pa-Antipolo. Sumasakit na naman kasi ang ulo ko. Sa Puregold Cogeo na nga ako namili.

          Pagdating ko sa Bautista, dinedma ni Ion ang mga pasalubong ko. Kakaiba ang kinilos niya. Hindi siya excited sa mga dala kong pagkain at laruan. Naglaro lang siya ng toy cars niya. Ilang minuto rin iyon bago siya kumain. :)

          Natulog kami ni Ion. Ako, nagtagal sa higaan hanggang gumabi. Tapos, saka ko sinabi kay Mama ang tungkol sa pagsanla ni Ate Ning ng kanyang bahay at tungkol sa pagtira ni Epr sa boarding house ko. Okey naman. Wala namang problema sa kanya.


Marso 16, 2014

          Dumating si Ate Ning bandang alas-diyes y medya. Matagal kaming nagkuwentuhan kaya inabot siya ng alas-dose. Naibigay ko sa kanya ang sampung libo. Iniabot naman niya sa akin ang Deed of Sale ng bahay at lupa niya sa Paenaan.

          Kailangan kong pag-ingatan ang dokumentong iyon...

          Dumating si Flor Rhina mga alas-3 ng hapon. May dala siyang spaghetti at pininyang manok, kaya may masagana kaming meryenda.

          Maya-maya, dumating naman sina Jano at Gie. Dumaan lang. Nainis ako sa tanong ni Jano kung tapos na daw ang pagbayad ko ng loan. Sabi ko, dalawang taon iyon. Gusto na naman yatang mangutang. Diyusme! Ni hindi na nga nagbibigay ng kabayaran sa utang niya. Tapos, nagyayaya pang mag-Batangas. Gusto pa yatang ako pa ang gumastos. Sabi ko, walang budget. Sana man lang sinabi niya na imbitado ako. Hindi iyong hihingian pa ako ng ambag. Di man lang ako makalibre. Andami nila, samantalang kami lang ni Ion ang sasama, plus na lang si Mama... Grabe.

          Gustong sumama ni Ion sa akin. Iniyakan na naman ako. Pero, maikli lang dahil niyaya ni Mama na manguha ng sampalok. Aba, nagba-bye agad sa akin. Ang bilis magbago ng isip. Mas pinili pa ang sampalok. He he. Ayos lang. At least di ako nahirapan.

          Pasado alas-4 ako nakaalis ng Bautista.. Nagmamadali akong makauwi dahil maglalaba pa ako.

          Isang nakakapanlumong pangyayari ang naganap sa akin sa Recto. Nanakaw ang cellphone ko sa bulsa ng sling bag ko, habang nagsa-soundtrip ako. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko namalayang nabuksan ang zipper ng bag ko. Naiwan ang earphone sa tenga ko. Ni hindi ko matukoy ang kumuha nito.

         Wala akong nagawa kundi umuwing malumbay. Nagmadali na lang akong bumiyahe para matawagan ko ang Smart upang ipa-block ang plan ko.

          Natagalan lang ako itong maipa-block dahil busy ang hotline kapag landline ang gamit ko. Pero nang bumili ako ng sim at nakisalpak sa cellphone ni Epr ay nakontak ko na. Successful naman ang barring ng account ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi na magagamit ss text at call ang number ko. Nagamit man ng magnanakaw, saglit lang. Nanghinayang lang ako sa pictures na nakuha ko kanina sa Bautista at sa LRT. Sunset pa naman iyon.

          Nanghinayang din ako sa memory card, siyempre sa ibabayad ko para sa bill na darating mula April hanggang December. P3000 din iyon.. Sayang, pati na ang mga contact numbers doon. Di bale na.. Mag-iingat na lang ako sa susunod. I've learned a lesson. Ang Manila ay puno ng masamang-loob.



Marso 17, 2014

          Inspired pa rin akong pumasok sa kabila ng nangyari kagabi. Kaya lang nanibago ako sa pagkawala ng cellphone ko. Nasanay ako sa may tinitingnan ng oras. Gayunpaman, maaga akong nakarating sa school. Nahing maingat na rin ako sa pagdala ng bag ko.

          Ngayon ang turn-over ceremony ng covered court kaya busy ang lahat. Inayos ko ang exhibit namin dahil hinigaan ng mga pusa. Mabuti na lang at hindi nagkandalaglagan ang mga nakapasong halaman.

          Naging photographer uli ako. Ewan ko ba kung bakit masaya akong kumukuha ng picture ng iba at maligayang ipinopost sa FB. Siguro ay mapagpahalaga lang talaga ako sa bawat moment ng isang tao o gawain. Ang di lang maganda sa pagiging photographer ay ako naman ang walang kuha. Mabuti na lang may ibang photographer.. :)

          Nagustuhan daw ng mga principals at uba pang matataas na opisyal ng DepEd Pasay at ji Congresswoman Emi Calixto-Rubiano ang exhibit ng Grade Five. Nagpakuha nga sila ng litrato doon. Kaya naman, sulit ang pagod ko.

          Nagpasalamat ng marami sa akin si Sir Socao pagkatapos. Binati din ako ni Mam Amy. Nakakataba ng puso dahil na-appreciate nila ito.

          Pagkatapos ng kainan, nag-cross check kami ng forms. Ayos, natapos na ang forms ko. Medyo maraming palpak pero light lang naman. Nagagawan ng paraan.

          Nai-ready ko na rin ang classroom nanpagdadausan ng Classroom Recognition, sa tulong ni Mam Rodelmat ng mga babaeng pupils ko na pumasok. Inihanda ko na rin ang mga medals at ribbons. Tiniyak kong napangalan ang bawat isa at walang malilimutan. Hindi ko nga lang natapos lagyan ng pangalan ang ribbons dahil dinagdagan ko ang awards na ibibigay, pero bukas ay okey na ang mga iyon.

          Sa pag-uwi ay naging alerto ako. Iyon ang panlaban sa mga masasamang-loob. Dapat di sila mabigyan ng ideya na may mahalagang gamit o malaking halaga ka sa iyong bag o katawan. Dapat ay hindi sila hainan ng nanakawin.


Marso 18, 2014

          Moved on na talaga ako. Nasanay na ako ng walang cellphone. Mabuti na rin ang walang katext. Isa pa, tumigil na rin ang kakamiscol ng PSBank sa akin. Halos araw-araw kasi akong tinatawagan para sa loan ko. Nakakainis lang. At least, wala na silang contact sa akin. Tutal binabayaran naman ni Jano ang monthly due.

         Almost ready na ang lahat para sa Classroom Recognition namin. Nagpapapractice na lang ako ng sayaw at doxology para sa Gawad Parangalmsa March 25. Naatasan din ako ni Ninang Elsa na sumulat ng valedictory address ni Sabino. Expected ko na iyon. Ako kasi ang sumulat ng talumpati ni Rosemarie Torres last year. Napaiyak ko ang lahat naiyak nga rin ako.

         Pag-uwi ko, sinulat ko agad ang talumpati ni Sabino Bacay. Maiksi at simple lang ito. Hindi man maiyak ang mga makikinig ay siguradong mababagbag.


Marso 19, 2014

           Tinanggap ko ang paghingi ng tulong sa akin ni Mareng Lorie. Nahirapan kasi siyang sagutan ang take-home final exam niya sa masteral. Medyo mahirap nga, pero tinanggap ko pa ring ng walang pag-aalinlangan, gaya ng pagtulong ko sa paggawa ng exam ni Mam Julie sa subject nqa magkaklase kami. Kaya, pag-uwi ko, hinarap ko ito. Nagpaload pa ako para magkainternet ako. Alam ko kasi na sa internet ko lang makikita ang mga kasagutan. Tama nga ako. Pero, medyo ginabi ako ng husto, bago ko iyon natapos. Sabagay, isiningit ko pa kasi ang paglalaba.

   
Marso 20, 2014

          Maghapon akong gumawa ng styro letter-cuttings para sa Recognition at Graduation Day. Madugo ang gawaing iniatas sa aming mga Grade 5 teachers, pero okay lang dahil enjoy naman ako. Saka, tinutulungan naman kami ng mga pupils namin. Sila rin ay masayang tumutulong.

          Pag-uwi ko, ginawa ko naman ang script ng 2014 Gawad Parangal. Isa kasi ako sa emcee nito. Kasama ko si Mam Loida. Ako din kasi ang pinagawa niya kaya no choice ako kundi sumulat ng script. Gusto ko sanang impromptu ang mag-e-emcee ko para masanay ako..pero hindi pwede.

          Medyo patapos na nang huminto ako sa pagsulat. Bukas ko na lang itutuloy.


Marso 21, 20014

          Maaga akong umalis sa boarding house para maaga akong makarating sa CUP. Hindi naman ako nabigo. Sarado pa nga ang Cashiers' booths nang dumating ako. Hindi naman ako natagalan. Nagbukas naman agad pagkalipas ng ilang minuto.

          Nakita ako doon nina Mam Arcel, Mam Vanessa at Mam Ivy. Binati ko sila sa nalalapit nilang graduation.

          Maaga rin akong nakarating sa school. Kaya, nakagawa ako ng styro letter-cutting.

          Halos tapos na kami sa gawaing iyon. Magkakabit na lang ng mga cuttings. Tumulong na lang ako sa rehearsal.

          Pag-uwi, dumiretso ako sa Robinson's Manila. Tumungo ako sa Smart Center upang. magpapalit ng simcard na kasama sa nanakaw kong cellphone. Agad namang napalitan pero kailangan kong bumili ng cellphone.

          Desidido na akong bumili ng cp kahit Cherry lang kaya naghanap ako ng ATM machine para mag-withdraw. Kaya lang, bago ako nakapag-withdraw, nasabit ako sa makulit na agent ng Philippine Prudential. May gift daw. Alam ko na iyong. style nila pero sumama pa rin ako kasi mabilis lang daw. Napasubo ako. Forty-fives minutes pala. Akala ko magpi-fill up lang ako ng raffle ticket na pangako nila. Iyon pala, strategy lang para mahikayat ako na mag-start ng life insurance. Maganda naman kaya sumali ako. Nagbayad ako ng P370 at insured na ako for one year.

          Hindi na ako bumili ng cellphone kasi alas-8 na.

          Problema ang salubong sa akin ni Eking. Naniningil pa ang ACLC. Alam na alam ko na fully paid na ako, pero may kulang pa daw ako na P2770. Eh, sobra pa nga ang binayad ko. Hinanap ko ang mga resibo pero, kulang pa ng dalawa.

          Isa pang problema ang naganap. Nag-black out ang laptop ko. Nagcha-charge pero walang ilaw ang screen. Naiinis ako. Lahat na lang ng gadget ko ay nabulilyaso. Hindi pa nga ako nakabili ng cellphone, bumigay pa ang laptop. Paano na ang mga files ko?

          Kung masakit sa loob ang pagkanakaw ng cellphone ko, mas masakit ang pagkasira ng laptop ko. Una, mas mahal ito kesa sa cellphone. Pangalawa, alaala ko ito sa kabutihang-loob ni Mam Glo, na siyang nagpautang ng pera para mabili ko ito. Pangatlo, kailangang-kailangan ko ito sa pagtuturo at pagsusulat ko. Andami kong dapat i-encode at i-print. Andaming files na hindi ko na mapapakinabangan.

          Nakakalumbay..


Marso 22, 2014

          Maaga akong dumating sa CUP. Suwerte pa ako dahil wala si Atty. Madrona. Pinakuha niya lang sa secretary niya ang research paper namin. Kaya, pagkapasa ko, pumunta ako sa Harisson Plaza. Nakapag-withdraw na kasi kami ni Mam Julie ng sahod namin. Makakabili na ako ng bagong cellphone.

          Nakabili ako ng Cherry Mobile. Okey naman. May TV, radyo, camera, wifi, dual sim pa. Mura lang. Sa halagang P1500, ay hindi ko paghihinayangan kapag nanakaw uli. Masaya na uli ako.

          Tapos, naipaayos ko pa ang laptop ko, sa halagang P150. Akala ko ay matindi ang sira at gagastos ako ng mahal. Ayon sa umayos na IT, lumuwag lang daw. Lalo akong sumaya. Nabawi ko na ang lungkot ko kagabi. Akala ko ay katapusan na ng Lenovo ko.

          Pagkabili ko ng cellphone at pagkapaayos ng laptop, pumunta ako sa Gotamco. Nagdilig ako. Sadya ko ring mag-print ng script at pictures ng mga anak ko. Pero, bago ko nakapag-print, isa na namang kapalpakan ang nangyari. Kinain ng printer ang USB cord ng portable speaker ko na ipinatong komsa printer. Kinain? O na-shoot doon nag ipinatong ko. Basta! Malas talaga. Ang ginawa ko, ginupit ko na langnang cord para maisalba ang printer. Sayang man ay okey lang. At least hindi masisira ang bagong biling printer.

          Nakapag-print pa rin ako. Salamat sa Diyos!

          Pasado, alas-sais ay nasa Bautista na ako. Natuwa si Ion sa pagdating ko at sa mga pasalubong ko. Pero, may inuna niya ang pagnuod ng nursery rhymes.

          Naawa ako kay Mama, masama ang pakiramdam dahil sa sipon. Siguro ay napapagod na rin sa pag-aalaga kay Ion. Kung may ibang paraan pa nga lang ako, hindi na siya mahihirapan.


Marso 23, 2014

          Dumating si Flor Rhina pagkatapos kung magupitan si Ion. Inutusan siya ni Mama na mamalengke kaya nakapag-ulam kami ng masarap na tinola.

          Nakapagpahinga ako ng husto sa taas kahit medyo mainit. Namalayan ko na lang na alas-singko na, kaya nagmadali akong nagbihis at nagpaalam kay Ion. Hindi na ako nahirapan magpaalam. Hindi na siya umiyak at humabol. Ayaw din naman kasi niyang umuwi sa Caloocan kaya ayaw niyang sumama. Pinangakuan ko na lang siya na isasama ko sa pagbalik ko.

          Pasado alas-otso ako nakauwi. Tumawag naman si Paz Fatima dahil ipapaliwanag niya sa akin ang ipinagagwa niyang accomplishment report. Nagtatanong nga ng bayad. Sabi ko naman na hindi ako naniningil.

           Agad-agad ay nag-research ako ng sample nito at nagtanong sa kanya ngbmga info. At, pagkatapos ng tatlong oras ay nakatapos ako ng 3 pages kasama ang cover page. Okey na. At least nakapagsimula na ako. Huwebes pa naman ang deadline niya.



Marso 24, 2014

          Pumunta ako sa school ni Eking. Inalam ko kung bakit naniningil pa ng P 2770 gayong nagbayad na ako. Napag-alaman kona hindi pala P15k plus ang tuition niya kundi P18k plus. Kaya pala.

          Nag-text naman si Eking nang nasa school na ako na nagbayad na siya dahil nagpadala na si Aileen. Di niya sinabi kagabi. Alam ko naman na inabot sa kanya ni Kuya Jape. Okey lang naman. Kaya lang nagtext pamsi Ate Ning. Tila ba nagdududa siya kung bakit humingi pa si Eking ng 3 libo. Di ko na lang nireplayan. Ipapaliwanag ko na lang kay Eking pag-uwi ko. At, ginawa ko naman. Sana siya na ang magsabi.

          Natuloy ang blow-out ni Mareng Lorie sa Seaside Paluto. First honors kasi ang anak niya. Kasama namin sina Mia, Lester, Mam Julie, Mam Joan R. at V, Mam Solayao, Mam Barata, Mam De Paz at Mareng Joyce.

          Nag-enjoy ako sa seafoods at pagkanta. Sarap!

          Pagdating namin sa school, agad akong tumulong sa pagtapos ng stage decoration. Nakakakahiya dahil halos malapit ng matapos. Pero satisfied kaming lahat sa gawa namin. Simple ngunit elegante ang resulta.

          Nag-text si Emily. Kukunin niya na daw si Ion. Nainis ako kaya nagpalitan na naman kami ng mga di magagandang salita. Pero, pilit niya akong bininiro.

          Paano ba namang di ako magagalit e ayaw pang aminin na namayat si Ion sa pangangalaga niya. Tapos, iuuwi si ion sa Aklan tapos hihingi ng tulong sa akin. Nakakayamot. Nagrereklamo sa binibigay ko pero siya di man lang mabilhan ng brief ang anak ko.

          Natapos ko na ang accomplishment report ni Paz Fatima. Gusto niya akong bayaran. Hindi ako pumayag.
       

Marso 25, 2014

          Recognition Day. Kahit 3PM pa ang 2014 Gawad Parangal ay nasa school na ako ng bandang 10 ng umaga. Kaya naman, nakasama ako sa kainan ng Grade 3 teachers. May nag-blowout kasi sa kanila. Nakasama din ako sa free lunch ni Mam Vi. Kasama namin sina Sir Erwin at Mam Loida, na partner ko naman sa pag-emcee.

          Pasado alas-tres nagsimula ang recognition. Naka-pink long sleeves polo ako na may bow tie, kaoartner ng brown semi-slacks, semi-maong pants at red shoes. Napakapresentable ko sa suot ko, sa pakiramdam ko lang. It gives me confident.

          Hindi ko first time mag-emcee. Pero, ito ang unang pagkakataon na mag-e-emcee ako sa Gawad Parangal, na ganito kapormal. Hindi ako nakadama ng kaba at intimidation.

          Naging succesful ito kahit medyo napahaba ang programa. Ayos! Naging matagumpay ang pagiging emcee ko. Sana ay kunin uli ako sa mga susunod na program.

          Nagpasalamat ang ibang parent ng Grade 5 honor pupils sa aming mga teachers. Ang iba naman ay humirit na ng category sa broadcasting. Nakakatuwa dahil gusto pa ng iba na kami ang maging guro nila sa Grade 6.

          Nakauwi ako ng pasado alas-7:30 ng gabi. Wala pa si Eking. Hindi naman nagtext. Alas-onse y medya na siya dumating.



Marso 26, 2014

          Pagkarating na pagkarating ko sa school, nalaman ko ang nangyari sa practice ng graduating pupils. Imbes na makisimpatya ako sa galit ng principal ay natuwa ako. Nakakatuwa naman kasi ang samahan ng mga Grade 6. Akalain mong pinagpipirmahan nila ang kanilang uniform. Remembrance, kumbaga. Pinagalitan sila ni Sir at kanya-kanyang adviser pero ako ay lihim na natuwa sa ideya. Kudos sa nakapag-isip niyon.

          Kaya pala hindi ako pinansin Sir Socao nang binati ko. May nangyari pala.

          Gayunpaman, hindi ako nainis sa kanya. Kaya, sinimulan ko na ang pag-decorate ng stage. Nagsitulong na ang mga kasamahan ko. Buong maghapon na kaming gumawa...ng masaya. Nag-picture-picture din kami.

          Mag-aala-sais na kami natapos. Nakakapagod, pero kuntento at masaya kami sa resulta ng aming gawa. Tiyak, marami ang magagandahan sa gawa namin.

          Dumating ako sa boarding nang wala pa si Eking. Tinext ko siya at nag-reply ng late. Nasa San Andres daw siya dahil nagpa-practice sila ng cheerdance. Okey! Akala ko ay nakikipag-inuman lang siya.


Marso 27, 2014

          Pagtatapos 2014. Maaga ako sa school, although, wala na kaming gagawin. Required pumasok ng maaga para mapunan ang 8 hours working hours.

          Alas-kuwarto impunto ay nagsimula na ang programa. Confident uli ako sa outfit ko--- blue long sleeves at brown pants na may red bow tie at eye glasses, in short outfit ni Vhong Navarro.

          Successful ang program. Masaya akong nanuod. Kumain din kami sa blowout ni Sir Socao habang di pa tapos ang bigayan ng diploma. Nagtatawanan kami doon. Tapos, pinakinggan ko ang talumpati ni Sabino. Hindi niya iyon nabigyan masyado ng emosyon, pero okey naman dahil wala siyang nalimutan at binawas.

          Sumunod na nangyari ay picturan. Nag-selfie ako kasama ang mga pupils ko na isa-isang lumalapit sa akin para magpa-picture kasama ako. Nakakataba ng puso dahil di nila ako kinalimutan.

          Nang makauwi na ang mga graduates at magulang nila, kaming mga teachers naman ang nagpicturan. Ang saya! Di tulad last year na di ako nakasama masyado sa mga pictures dahil di ako confident sa suot ko. Saka, nagmamadali akong umalis noon para magbantay kay Ate NingNing sa St. Luke's.

          Nakauwi ako ng bandang alas-8. Natawa ako nang makita ko ang red bow tie ko sa leeg ko. Sumakay pala ako ng jeep na may suot na bow tie. Kitang-kita dahil nakasando ako at naka-varsity jacket. Nakakatawa! Malamang marami ang nakakitang pasahero. Marami din ang natawa.


Marso 28, 2014

          Maagang nagising si Epr kaya maaga rin akong nagising at bumangon. May meeting siya sa opisina nila.

          Alas-otso, nasa Gotamco na ako. Agad kong sinimulan ang pagtanggal ng mga styro letter-cuttings na dinikit namin sa entablado. Wala pa sina Sir at Mam Rodel. Natapos ko ng tanggalin lahat ay wala pa rin sila. Kaya nag-staynna lang akomsa opisina kung saan malamig at naroon ang mga Grade 3 teachers.

          Alas-dose na dumating si Sir Erwin. Magla-lunch na sana ako nang yayain niya ako sa may classroom ni Mareng Janelyn at Pareng Joel. Pinakain kami ng pagkaing dala ng pupil nila. Nakalibre kami ng lunch. May kuwentuhan at tawanan pa.

          Tapos, sa opisina uli kami tumambay. Ilan sa mga teachers ay naroon. Pinag-usapan namin ang issue na kinasasangkutan ni Sir Socao. Gusto naming tulungan siya pero wala kaming nagawa kundi hintayin ang aksyon niya. Nagtawanan na lang kami sa gitna ng kontrobersiya ng Gotamco laban sa mga traydor na magulang o GPTA officer.

         Uuwi na sana ako nang mayaya ako ni Mam Baes sa foundation ng mga rape victims, kung saan may mga estudyante siya sa ALS. Kasama din namin si Pareng Joel, Sir Erwin at Mam Leah G. Nagkainan kami at nagtawanan uli. Mayntake home pa kaming doughnuts ng Starbucks.

         Pasado alas-kuwatro na yata ako nakauwi. Wala si Eking. Kaya nakaidlip ako ng konti kahit sobrang init. Six-thirty na ako bumangon para magmeryenda at maglaba.

          Seven-thirty naman dumating si Epr. Ilang minuto, dumating naman si Eking pero umalis din kaagad. Di siya nagpaalam. Busy pa naman ako sa pagsusulat ng take home final examination. Naglalaba pa ako.


Marso 29, 2014

          Napuyat ako sa kahihintay kay Eking. Akala ko nung una ay nag-computer lang sa labas. E hindi umuwi. Alas-niwube na dumating. Di naman nagsabi kung saan siya natulog. Di na rin ako nagtanong. Ang mahalaga ay buo siya at di ako masisisi ng ina niya. Umalis na rin ako ilang minuto pagdating niya.

          Nagpasa lang akomng exam ko kay Mam Bal'Oro. Pinaghintay niya muna ako ng kulang-kulang isang oras. Mabuti dumating ang dalawa kong kaklase. Nakisabay na ako.

          Pasado alas-onse ay nasa Gotamco ako. Nagdilig lang ako ng mga halaman ko sa taas at sa baba. Pasado alas-dose na ako nakalabas ng school.

          Pagkakain ko sa isang karinderia na malapit sa Gotamco, tumungo ako sa Harisson Plaza para magpalamig. Pinagpawisan kasi ako sa pagdilig at pag-igib. At pagkabayad ko ng Smart bill ko, bumiyahe na ako patungong Antipolo.

          Pasado alas-4, nasa Bautista na ako. Di na masyado mainit kaya, umidlip ako sa taas pagkatapos magmeryenda. Nakatulog naman si Ion ng mahaba-haba. Binantayan ko siya hanggang siya ay bumangon.

         

Marso 30, 2014

          Umiiyak si Ion kapag binibiro ko na isasama ko siya para ibalik kay Mama niya. Ayaw daw niya. Nakakaawa naman. Na-trauma daw yata doon sa ayaw ng Mama niya at ng tomboy niyang tiya. Sabi ni Mama, nagkuwento daw sa kanya na umiyak ang Mama niya at nagtago sa hagdan. Sabi pa daw ni Ion, "Sana di na mangyari 'yon." Grabe..

          Excited siyang sumama sa akin dahil promise ko sa kanya na isasama ko siya sa school namin.

          Alas-singko, umalis na kami ng Antipolo. Kainis lang dahil, inuubo pa si Ion. Natuyuan yata ng pawis nang natulog kami sa sofa. Baka kung ano pa ang isipin ni Emily.

          Alas-8:30 na kami nakarating sa boarding house. Wala na si Epr. Ayos lang dahil mainit at masikip. Makakatulog si Ion ng maayos.



Marso 31, 2014

          Pasado alas-nuwebe ay nasa school na kami ni Ion. Di rin nagtagal ay dumating na sinamYssabela at Caren. Nakipaglaro na sila sa anak ko.

          Ang likot niya. Takbo ng takbo. Hinahapo pa naman. Pero hinayaan ko na lang dahil masaya naman siya pati ang mga kalaro niya.

          Pasado alas-kuwatro na namin nasimulan ang Classroom Recognition 2014 dahil may mga late. Gayunpaman, naging matagumpay ang pagbibigay ko ng awards sa kanila. Halos pumunta lahat ng mga awardees at magulang nila. Nakita ko din ang kasiyahan nila nang i-announce ko ang pitong magiging Section 1 sa Grade 6. Nalungkot lang ako dahil di sila lahat maaaring maging Section 1. Ipinaunawa ko na lang ito sa kanila.

          Pasado alas-singko na kami nakalabas ng school. Nakatulog na nga si Ion sa dyip. Napagod ng husto. Ang hirap bumiyahe ng may kalong na tulog na bata, isama pa ang bag. Di pa naman nag-text si Emily kung kukunin niya na ba si Ion o hindi. Nag-text lang siya nang nasa boarding house na kami. Bukas na daw niya kunin dahil wala siyang pamasahe.





       

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...