Followers

Saturday, April 19, 2014

PAHILIS 28

Kabanata 28

            Sa halip na huminto na sa pag-aaral at bumalik sa pamilya, nag-enroll uli ako sa apat na Education subjects, pagdating sa second semester. Pero, siyempre, dinalaw ko muna ang pamilya ko sa Antipolo City nang mag-sembreak. Kumuha ako sa kanila ng panibagong lakas at inspirasyon, dahil ang mawalay sa kanila ng ilang buwan ay hindi biro. Ang thanks God! He provided my children’s needs.

            Last sem, dumating sa punto na tinanong ko ang sarili ko. Makasarili ba ako? Bakit ngayon pa ako nagpalawak ng kaalaman kung kelan kailangan ng mga bata ang suporta ko?

            Gusto ko na noon sumuko at umayaw. Magtratrabaho na lang ako. Pero hindi tinulot ng Diyos. Kaya, kahit masakit, kinaya ko. Tutal, para din naman ito sa kanila pagdating ng panahon.

            Resume of classes..

            Hindi na ako ganun kamahiyain. At home na ako, kumbaga. Vocal na rin ako sa pag-meet at pag-greet sa mga kapwa ko unit earners lalo na ang mga baguhan o tinatawag naming second batch.

            Mas marami ang unit earners na nag-enroll noong 2nd sem. At grupo din sila. Gayunpaman, nilapit ko ang sarili ko sa kanila. Tutal magkakaklase rin naman kami halos sa lahat ng subjects.

            Di naglaon, lumawak o dumami ang kaibigan ko. Two circle of friends sana. Miyembro ako sa first batch na tinatawag ding ‘Inseparables’ at madalas din akong makasama sa second batch. Ang galing ko! Friendly..

            Sa pag-aaral naman kasi, kelangan din ng mga kaibigan. Kapalitan ng kuro-kuro. Kakopyahan. Kausap habang nabo-boring sa guro. At kakuwentuhan ng mga bagay-bagay at buhay-buhay. Madalas ko ngang ikuwento sa kanila ang mga anak ko. Pero, madalas nagtatawanan at nagkukulitan kami. Laughter is the best medicine, ‘ika nga. Pag nababagot ka during report ng kaklase mo, kelangan mo ng gamot—which is laughter. Kaya, ultimo diction ng reporter ay hindi makakatakas sa tawanan. Kawawa ang boring na reporter, ginagawang pulutan.

            Hindi naman ako pintasero. Nahahawa lang ako . Alangan naming umiyak ako habang humahagikhik ang mga kasama ko. Pangit, di ba? Sabi nga, “If you can’t beat them, join them.”

            Ganyan talaga..

            Gantihan lang ‘yan. Malamang, kapag ako naman ang nasa harapan, ginagawa din akong laughingstock ng mga nakaupo. Pati siguro, pagtalsik ng mga laway ko ay bilang na bilang nila.

            It’s alright! That’s life!

            Kaya nga para maiwasan ko na maging pulutan ako, pinagbubuti ko ang bawat report at demo ko. I see to it na minimum lang ang flaws at mistakes ko.

            As Education students, required kaming mag-demo ng lesson plan. Preparasyon ito para sa pagsabak namin sa realidad.

            May isang subject kami na “Teaching Reading” ang scope at ang propesora namin ay nag-assign ng pares ng demo teachers-students bawat meeting. In other words, the whole semester ay nakinig lang kami sa storytelling. Umakto kaming mga bata, nag-pretend na bago pa lang kaming natutong magbasa. Pabor naman sa iba kasi hindi na sila kailangang mag-pretend. He he.

             Naging pabor sa akin nang ma-assign akong mag-demo sa bandang kalagitnaan ng sem. Napag-aralan kong mabuti ang lesson plan ko. Naiwasan ko ang posibleng katatawanan. Nakagawa ako ng unique na materials.

             I realized na if you are ready, hindi ka kakabahan. At, pag nagawa mong hindi kabahan, the result will be commendable, lalo na’t you have had enough time to prepare.

             Kaming mga unit earners ay may unity at cooperation. Tulungan kami sa quiz, sa exam, sa report at sa iba pa. Kailangan naming magkopyahan kapag quiz kasi kapag hindi namin ginawa, lugi kami. Rampant ang cheating doon! Iyon ngang late comer, kompleto ang mga sagot. Walang blangko. Kami pa kaya na maagang pumasok. It’s unfair!

             Haay! Minsan formality na lang ang pumasok ka sa iskul, pero ang totoo ayaw mo naman talagang mag-aral.

             Well, hindi ako iyon! Iba nag pananaw ko sa edukasyon. Bakit pa ba ako nag-aral uli kung hindi ko ito seseryosuhin? Bakit nga ba ako nag-e-earn ng units kung useless lang din?

             Kaming lahat na mga unit earners ay talagang marurubdob ang mga hangarin na magtagumpay na sa pangalawang propesyong pinili. Ang isa nga sa amin ay fifty years old na. Pero, nangarap pa ring magtagumpay, makapagturo.

             Easy-go-lucky din naman kami minsan. Pag vacant time, nagba-bonding kami. Tawanan. Kainan.

             Pero ako.. seryoso ako pagdating sa curricular activities. Kaya nung nilapitan ako ng mga officers ng English Club at inalok na sumali sa literary contests, di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad din akong nagbayad ng registration. Ngunit, sa sobra yatang pagkaseryoso ko, nawalan ako ng kalaban. Nag-back out daw. May nagsabing “Natakot sa’yo.” Bakit? Multo ba ako? Tsk tsk. Sayang, hindi natuloy ang English Week. Nasobrahan yata sa plano si Mr. Prsident a.k.a. “May Meeting Kami”.

             Mabuti na lang nag-paid off ang hangarin ko na mai-contribute ko ang article ko sa “The Rover”, ang school newspaper namin. Seryoso kasi ang mga staffs nila doon. Proud ako na natanggap at nai-publish ang essay ko na Dilemma’.


         Nakaka-proud isipin na ang boses ng isang unit earner ay narinig at nabigyang-pansin upang magbigay ng inspirasyon at ng pananaw sa buhay. Hindi ako nanghihikayat na piliin ang pagtuturo kesa sa pagkokomersiyo. Ang akin lang, maikintal ko sa kanilang mga isipan at puso na ang pagtuturo ay hindi alternatibo sa kabiguan, kundi isang misyon at bokasyon.

         Ang artikulong ito ay ang pinaka-the best kong naisulat na nailathala, so far.

         Maliban sa pagtuturo, nais ko ring i-develop ang writing prowess ko. All teachers must be writers. Sana. Dahil number one task ng mga guro ay magsulat. But this time, sana magsulat sila galing sa puso. They can inspire more children/learners if they can write from the heart.

         You know what I mean…

        Kaya nga kapag magbabasa ako ng isang textbook, ang una kong tinitingnan at binabasa ay ang Author’s Profile. Hanga ako sa mga guro na sumusulat ng libro para sa mga mag-aaral.

        And, it is not impossible for all teachers..

        Speaking of writing, halos buong dalawang semester ako nagsulat. Katakot-takot na pagsusulat. Andiyan ang pagsulat ng mga lectures. Panay din ang sulat ko ng mga LET reviewer. Grabe! Halos kopyahin ko na ang mga libro.

        Wala, e! Kelangang magtiyaga para pumasa. Tumatanggap pa nga ako noon ng mga sidelines. Kaya lang hindi na masyadong ganun kadalas. Makunat magbayad ‘yung parokyano ko. E. Mas okey pa nga ang mini-employment agency ko. Five hundred ang minimum income ko. May tatawag na emplotyer sa akin at magpapahanap ng yaya o katulong. Presto! Pera agad kapag nagustuhan ang binigay ko.

        Nakaraos din ang dalawang sem ko, kahit P20 lang ang binibigay na allowance sa akin ng tito ko. Malaki ang naitulong ng mga sidelines. Nakaka-join pa nga ako sa mga bonding ng grupo. Madalas kami magkainan. Mag-inuman. May kantahan pa.

        Pag vacant lang naman namin iyon ginagawa. O kaya pag-uwian..

        Sarap talagang mag-aral! Nag-enjoy na, natuto pa.

        Kaya lang, kapos pa rin ako sa kaalaman kumpara sa regular Educatuon student. Hindi ko kasi kayang lahatin ang education subjects. Thirty units lang ang nakuha ko.

        Confident, pero kabado ako sa darating na eksaminasyon. Parang hindi pa ako handa. Gayunpaman, I was grateful to my uncle and his family for the financial support, as well as to my parent-in-laws and my children’s mother for the understanding. Without them, I could not finish two semesters.

         Salamat po sa inyong lahat!

         And of course.. kay God. Salamat, dahil napagtanto ko na ang pahilis na buhay ay hindi sumpa, kundi, isang biyaya.





(Sundan ang Book 2 at alamin kung anong uri “ANG TISA NI MAESTRO”.)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...