Followers

Tuesday, April 8, 2014

PASASALAMAT at PAGPUPUGAY



Sa dalawang taong, ikaw ay nanungkulan
Iyong pinabuti ang mahal nating paaralan
Responsibilidad, inakto ng may kahusayan.

Ramdam namin ang iyong mga hangarin
O ang mga damdaming, nais mong sabihin
Mananatili ka sa mga isipan at puso namin
Yan ang tangi naming handog, iyong baunin.

Salamat sa'yo, butihin naming punongguro
Ang iyong pamana, ikinalulugod ng Gotamco
Lahat kami'y maligaya, sa iyong pamumuno
Ang mga pagbabago, kahanga-hangang totoo.
Maikli man ang panahong iyong sinerbisyo
Ay makabuluhan naman, iyong mga proyekto
Talagang lahat kami sa iyo ay sumasaludo.

Paglisan mo'y aming kalungkuta't kawalan
Ang isang tulad mo, dapat panghinayangan
Aming magagawa, magpaalam na lamang
Lahat umaasang kami ay iyong babalikan
Asahan mo rin namang ikaw ay pagbubuksan
Mga puso't isipan namin, ikaw ang laman.

Malayo pa ang iyong lakbayin at mararating,
Anuman ang naranasan mo sa aming piling,
Batikos at suliranin, hinarap ng buong galing
Umurong ay di mo ginawa, bagkus tumindig
Hinusgahan ka pa nga nila't nawalan ng tinig
Ang mga ito, balewala, pagkat di ka nagpatalo
Yan ang lider, umaangat pa rin dahil may puso.

Kami, sa'yo ay nagpapasalamat at nagpupugay
Ang iyong mga nagawa ay mananatiling buhay!



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...