Followers

Wednesday, April 9, 2014

tula para kay mam glo

     
mam glo.jpg
       MAHAL KA NAMIN, MAM GLO


Para po sa inyo, mahal naming kaguro,
Ang isang pagpupuring kawangis nito.
Ang nais naming ihandog at ipabaon sa inyo
At isang masagana’t masayang pagreretiro
Ang nais naming iyong kamtin at matamo.

Ang isang tulad ninyong, gurong totoo
Ay dapat iwangis sa diyamante at ginto.
Ang kinang nila’y di basta-basta naglalaho.
Gaya rin ng iyong puso at pagkatao,
Kailanma’y ang halaga’y di magbabago.

Pinupuri ka namin, pagkat ika’y guro
Na may pagpapahalaga sa kapwa-tao
Maging sa edukasyon at pagkatuto
Ng mga mag-aaral ng paaralang Gotamco
Simula pa noon, hanggang sa oras na ito.

Kapuripuri ang serbisyo ninyo, Mam Glo!
Ang inyong ambag sa institusyon ay di biro.
Nagkaroon ng pag-unlad at pagbabago
Dahil sa dedikasyon at pagtitiyaga ninyo
Sa pagtuturo man, maging sa ibang trabaho.

Isa po kayong ehemplo, yan ang totoo!
Pag kayo’y nawalay, mahahapis yaring puso.
Tiyak, buong paaralan ay manlulumo
Sapagkat isa na namang mabuting guro
Ang lilisan at magtatapos sa serbisyo.

Gayunpaman, Madam, kayo po’y humayo..
Kamtin ang ginhawa pagkatapos nito—
Nitong mahabang adhikaing…makatao.
Iyo namang tikman, buhay na bago
Kasama ang pinakamamahal na pamilya nyo.

Dalangin namin, lahat ng ikaliligaya ninyo.
Huminto man kayo sa inyong  pagtuturo,
Nawa’y tigib ng ligaya ang inyong puso
Sana’y inspirasyon, mahugot namin sa’yo
At matahak namin, landasin mong malayo.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...