Followers

Thursday, April 10, 2014

PAHILIS 24

Kabanata 24 

           Linggo ng Wika. Sumali ako upang ipakita sa Student Council na hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Humble pa rin ako dahil nagpakababa ako.

           Nag-first place ako sa “Di-Inihandang Talumpati”. Natalo ako sa “Pagsulat ng Tula at Sanaysay”. Ewan ko ba! Namali yata ang mga hurado.

           Nabasa ko kaya ang mga winning pieces na itinampok sa school organ. Diyos ko! Mas mainam naman ang tula at sanaysay ko. Samantalang ang mga sinulat nila ay parang common na common na. Parang copycat! Gasgas na! Ako? Pinaghandaan at pinag-isipan ko talaga. Bago pa ako sumabak, may nakaabang na sa isip ko. Naisulat ko na ang mga iyon sa memory ko. Alam ko kasi ang tema sa taong iyon. Nasyonal ang theme kaya alam kong ang narinig ko sa balita ay iyon rin ang gagamitin sa aming iskul.

           Nagtampo ako. Bakit hindi nanalo ang tula ko o ang essay ko? Gumamit ako ng mga bagong kaalaman ng mga sikat na taong nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa karunungan nila sa literature, Wikang Filipino, arts (sining) at pelikula. Nangalap talaga ako upang ikonekta sa paksa. Pagkatapos, hindi nila ako pinanalo kahit runner-up lang. It’s unfair!

           Kataka-taka ngang sa impromptu speech pa ako nanalo.. kung saan medyo nalayo ako sa paksa. Naipagtagpi-tagpi ko lang at naisagawa ko ang tamang paraan ng pagtatalumpati.

           Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil feature editor na ako sa school paper namin. Dati, isa lamang akong contributor. Naalala ko pa ngang nabigo akong matanggap sa auditon o bumagsak ako sa examination for feature writing. But now, nababasa ko na ang mga sulatin ko. Nakalinya na ang name ko sa editor-in-chief. Dream come true. Hindi ko man naabot ang ultimate goal ko na maging editor-in-chief, proud na ako sa natamo ko. At least, editor ako! Somehow na-prove ko na may writing prowess pala talaga ako. At ang pieces ko ay may kalidad.

          Intrams. Asan ako? Guess where..

          Ha ha! Wala ako sa eksena. Wala ako sa school ng tatlong araw. Golf kasi ang sport ko. Iyon ang lagi kong isinasagot sa nagtatanong sa akin bakit hindi ako sumasali sa Intrams. At, dahil walang golf course/club sa amin, hindi ako sumali. Isa pa, wala na ring cheering/pep squad.

          October 2, 2006. More or less 20 participants kaming nag-join sa seminar na may theme na “Retailing: A Good Training Ground for Future Executives.” Iyon ay spearheaded ng isang akademiya sa bayan namin. Wow! First time ko iyon. Second time na pala. Ang una kong participation sa seminar ay noong magnininong ako.

          Bilang first participation to a seminar na related sa kurso ko, iyon ay talagang unforgettable. Bidang-bida ang school namin. Ang grupo namin ang halos naging inquisitive. Panay rin ang tanong ko. Bawat pagtayo ko upang magtanong ay palakpakan muna ang maririnig bago ako makapagsalita. Gayundin din pag ang iba kong kasama ang nagtatanong.

          Mind you, naasar sa akin ang speaker. Obvious na obvious ang pagkairita niya sa akin. Lumaki ang mga mata sa pagkayamot. Pero, at the end of the seminar, pinasalamatan kami ng sponsor school dahil kung hindi sa aming partisipasyon, hindi magiging lively ang seminar na iyon.

         Ang sarap sa pakiramdam.. Para akong kalapati. He he.

         Bago ako grumadweyt, nakatatlong seminar ako. Ang pangalawa at pangatlo ay hindi mga ganun ka-memorable sa akin. Ngunit, nagbigay rin naman ng ideas about the subjects.

         Sa pangalawa, naging aktibo rin ako gaya nung sa una. Ngunit sa pangatlo, hindi ko naipakita ang ‘epal-ness’ ko. Andami kaya namin. Graduating students kasi ang mga kasali, kung saan lahat ng kolehiyo at pamantasan ay lumahok.

         Ganyan kakulay at ka-blurred ang curricular ko. Pero, bago ko tapusin, may isa pa akong kuwento.

          Nag-golden years na in service ang Alma Mater ko, pero ni minsan hindi pa sila nagpa-OJT sa mga Commerce students. Kaya, nagplano ako. Gumawa ako ng petition letter. Whereas.. whereas, ang sabi ko. I stated the advantages of an OJT for the graduating students and the disadvantages of not having so. Pinagpirma ko ang mga classmates ko. Pero nang ipabasa ko iyon sa aming dean, hindi siya umayon. Ayaw niya kaming tulungan. Impiedly. Sabi niya, “Makipag-dialogue ka sa president.” Ang gusto ko lang naman ay suporta niya. Willing akong makipag-one on one sa president ng school, pero pinaniwala kami ni Ma’m na ang on-the-job training ay optional lang. It means, hindi responsibilidad ng paaralan na pag-OJT-tihin kami. Sabi pa nga niya, “Pwede naman, e, pero gastos niyo. Ang alam ko kayo ang magbabayad sa kompanya.” Taliwas iyon sa paniniwala at ideya ko. Ang alam ko, compulsory ito. At, babayaran pa nga kami ng company ng allowance.

          Hindi ko alam kung bakit hindi ko na iyon pinursige. Marahil ay nabigo akong makuha ang suporta ng Dean of Commerce.

          Nainis ako ng husto sa kanya. Akala ko pa naman ay napaka-supportive niya sa Commerce students. Pero ayos lang. Nakaganti naman ako sa kanya.

          Sa second sem pa iyon. Abangan..

          Nag-educational tour kasi sila sa Maynila.. Oo, sila lang. Hindi ako sumama dahil wala akong budget. Mas pinili ko pa ang gumawa ng thesis as project ng mga hindi sasama. Tutal pag sumama ako, gagawa rin naman ng narrative report tungkol sa excursion. Mas maganda kayang gumawa ng thesis kesa sa narrative . Mas may thrill.

          Bago nag-sembreak, nag-out-of-town kaming magkakaklase. Swimming sa hot spring ang trip namin. Si Sir Ego ang promoter. Sa lahat ng mga ginawa niya, iyon ang nagustuhan ko. Sumama lahat. Walang naging KJ. Ang saya! Ginabi kami ng uwi.


         Pagkatapos ng lahat ng mga ito… two weeks vacation.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...