Followers
Wednesday, April 9, 2014
Dungis
Lahat tayo ay marungis,
Kaya wag magmamalinis
Diyos, di natin kawangis
Siya'y walang bahid dungis.
Lahat tayo'y may kapintasan
Isipan ay tigib ng kasamaan
Idagdag pa ang gawaing iyan--
Mamuna at ang iba'y tingnan.
Dungis mo nga'y tanggalin
Bago ang sa iba ay punahin
Kung siya'y baluktot, 'kaw rin
Mali ang inyong mga gawain.
Pagpuna ay di naman masama
Gawin lang para mali ay itama
Wag upang problema'y lumala
At wag mahamak ang maysala.
Pisngi man niya ay may uling
Salarin, siya'y wag ituturing
Pagbabago niya ay darating
Dungis niya ay bubusilak din.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Agosto 2026
Agosto 1, 2026 Ang sarap sanang matulog! Kundi lang bumusina ang dump truck, hindi ako pa sana ako babangon. Mga 7:30 iyon. Habang ...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...
No comments:
Post a Comment