Followers
Sunday, April 13, 2014
Dahil Ako ay Guro Mo
Kapag pinagalitan kita, tiyak may kasalanan ka
Kung hindi ka maingay, baka wala kang gawa
Kundi ka man lumabas, lugar mo ay puro basura
Hindi ka nga nangopya, sagot nama'y itinama
Nakaupo ka nga, kaya lang ikaw ay humihilik pa.
Sino ang matutuwa? Gawa mo ba'y nakakatuwa?
Kapag kita'y senermunan, sana'y makinig ka naman
Kung kita'y nasigawan, alam mong ako'y nakukulitan
Kung patilya mo'y nabawasan, kulang pa nga iyan..
Sa labis mong daldal, dapat nga'y dila mo'y tabasan,
Tumigil ka naman minsan, upang laway di magtalsikan
Ano ba ang iyong napapala sa pakikipagdaldalan?
Kapag grado mo ay bumaba, o kaya ay di tumataas
Huwag ka ng magtanong, alam mong ika'y di pantas
Wala kang ginawa, kundi ang lumabas ng lumabas
Minsan, nagpapaalam ka, kalimitan nama'y tumatakas
Sa gawaing iyan, malamang sa sahig ikaw ay madulas
Dahil madalas na napapahamak ang may ugaling Hudas.
Kapag ako sa'yo ay nagagalit, ako'y nagmamalasakit
Kapag ako sa'yo'y naiinis, nais kong magtapon ng gamit
Ngunit, hindi ko ginagawa, ako na lang ay nag-iimpit
Ugali mong baluktot at pangit ay aking itutuwid ng pilit
Respeto at paggalang, huwag naman sa akin ay ipagkait
Dahil ako ay guro mo, maunawain.. pogi at mabait.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment