Followers

Wednesday, April 9, 2014

Sino Siya?


Sino siya? Hulaan ninyo.
     Nag-aalaga siya ng mga hayop. Mayroon siyang pusa na napakalambing . Mayroon siyang baboy na pinapataba. Mayroon din siyang tuta.
     Ang kanyang pusa ay very sweet talaga. Karinyosa! Kung maglambing ay nakakakilig at kung dumikit sa kanya ay sobrang diin. Grabe ito kung magpapansin. Kahit sino ang maging amo ay kinakaringking.
     Iyan ang pusa ng kilala ko. Trying hard copy cat!
     Ang baboy naman niya ay kasalo niya sa agahan at tanghalian. Kulang na nga lamang pati sa hapunan,ay magsalo pa sila. Baka bukas ay magtabi na sila sa higaan.
    Itong baboy-ramo niya ay kaniya ring pinapaputi. Ayaw na ayaw niyang ito ay naiinitan at naaarawan. Saan man siya magpunta ay sinasama niya. Oink! Malapit na nga silang magpalit ng mukha. Di bale na, malapit na kasi itong maging lechon. Ang sarap nitong isahog sa gisadong lomi.
    Ang kanyang tuta ay napaka-cute talaga. Sa kanya ay napakamasunurin. Parang kadete, "Yes, Sir! ng Yes, Sir!" Ngunit, kayo ay mag-ingat sa tutang ito dahil ito ay pitbull pala. Ang kuko niya'y matutulis. Ang pangil naman ay nakahandang managpang. Kaya, beware of rabid dog. Andiyan lamang ito sa kanyang air-conditioned doghouse. Sosyal, di ba?!
    Sino siya? Nahulaan mo na? Hindi ang mga alaga niya. Clue lamang sila. O, sige, another hint...
    May bago nga siyang alaga--maitim na bangaw. Mahusay daw itong kadiring nilalang. Talentado raw, pero may sira ang ulo. Kung umasta nga itong insekto, akala mo ay dambuhala o higante, iyon pala umapak lang sa likod ng elepante. Lagi mo siyang makikita, not once, but third!
    Gets mo na ba?
    Hindi pa rin?! Zzzzzz!
    Ok sige.. Last na ito..
    Lahat ng alaga niya ay may talent sa pagsipsip, pagpapalapad at pandaraya.
    Sino siya na isang tagapag-alaga ng mga hayop?
    Sirit na?
    Hmmm. Siya si..............
    Bukas ko na lang sasabihin.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...