Followers

Wednesday, April 9, 2014

Mga Laro ng Lahi



               Patintero. Tumbang-preso. Luksong-tinik. Siyato. Piko. Sipa. Kapitang Bakod. Trumpo. Holen. Saranggolahan. Tansing. Sungka. Taguan. Habulan. At marami pang iba. Ito ang mga laro n gating lahi---mga larong kinagisnan n gating mga magulang, n gating mga ninuno. Ito ang nagbigay-kulay sa pamayanan at sa kanilang kabataan. Ito ang mga natatanging larong na may tatak Pilipino.

               Hindi man kasali ang mga larong ito sa Olympics, bahagi pa rin ang mga ito ng ating kultura. Sa gitna ng modernisasyon, huwag nating hayaang matabuan ang mga laro ng lahi ng mga makabagong laro upang manatiling buhay ang kultura ng Pilipino. Laruin natin ito at ipakilala sa mga susunod na henerasyon.


               Darating ang panahon, makikilala ang mga larong ito sa pandaigdigang palaro. Kaya, ngayon pa lamang ay ipaalam natin sa lahat na ang mga larong Pinoy ay nananatiling buhay at nagpapasaya sa mga kabataan ngayon.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...