KABANATA
26
Pagkatapos ng final exams, sa graduation na nakatuon ang mga
atensiyon namin. Picture-taking na nakatoga, para sa yearbook; pasahan ng
mga projects; graduation choral rehearsal; at emotional talk with close
friends.
Ang Petite Girls ay panay ang tanong sa akin kung ano ang mga
plano ko. Hindi ko alam, ang sabi ko. Iyon ang totoo. Business sana ang gusto
kong pasukin, kaso walang puhunan. So, no choice! Magtratrabaho muna ako para
makaipon.
Sabi ko sa kanila, resort and hotel sana ang ultimate business dream ko, dahil
doon ko (sa palagay ko) magagawa ang lahat ng artistic ideas ko. Agree naman
sila. Pero hindi ko sila nakitaan ng eagerness, kahit pa naringgan ko sila ng
mga salitang ‘sosyo’ at ‘capital’. May kanya-kanya rin kasi silang dreams at
business plans.
Okey lang iyon! Hindi rin naman kasi ako sigurado na magagawa ko ang pangarap
na iyon. Nagsimula na kasi akong mangarap ng isang pamilya.
Oo, ng pamilya!
May gf ako noong panahong iyon. Pareho na kaming nagnanais ng isang supling,
para bang sigurado na kami sa isa’t isa at tila ba kaydaling mamuhay ng
masagana sa isang bansang may bagsak na ekonomiya.
Alam ko, ang paghahangad ng isang pamilya ay nakakaapekto sa pagtupad ng mga
mithiin ko sa buhay…
Rehearsal.. Hmp! Dismayado ako sa chorus naming “Auld Lang Syne’ at “Alma Mater
“ song namin. Nagpraktis din kami ng “You Raised Me up” ni Josh Groban pero
hindi na pinagpatuloy. Masyado yatang mataas.
Wala talagang savor!
Sabi pa nga, magsasaboy pa kami ng confetti after ideklara na graduate na kami.
Nai-propose din ang paghagis ng mga toga at ang pagpapalipad ng kalapati. Pero,
ayun.. walang napagkasunduan. Epekto na rin marahil iyon ng pagiging tenderfoot
ng bagong president ng kolehiyo namin.
Nang sumakabilang-buhay ang dating president, kapatid niya ang sumalo ng mga
responsibilidad ng paaralan. Kaya naman, nanibago siguro siya.
Okey naman siya. Kahit buwan pa lamang ang nakalipas nang nakasama namin siya,
nakitaan ko siya ng pagmamahal sa mga mag-aaral at kanyang responsibilidad.
Mahilig siyang magbigay ng papuri at gantimpala.
Last Chritmas Party namin, nagpalaro siya ng “Trip to Jerusalem”.
Sumali ako. Nakasama ako sa huling tatlong sumasayaw at umiikot sa palibot ng
mga upuan. May diskarte ako. Ngunit, mas mabilis pala ang dalawa. Na-out ako.
Pero, pagkatapos niyon, nilapitan ako ni Sir (President). Pinuri niya ako.
Magaling daw ang diskarte ko. Ako raw sana ang panalo. Sa pagka-speechless ko,
ang nasabi ko lang ay “Oo nga po, Sir.”
Picture-taking..
Hi-tech ang gamit ni Sir. Siya mismo ang photographer. May monitor,
kaya makikita mo ang mukha mo. Tig-dadalawang shots. Isang nakatoga. Isang
hawak ang toga. Take one lang pareho ako. “Ayos!” daw ang sabi niya. Pero para
sa akin, hindi masyado. Pero, okey na rin.
Kilalang englishero ang new school president naming. Lumaki kasi siya
o nagtagal sa States. Pero hindi siya intimidating. Kahit mapalapit ka sa
kanya, hindi ka kakabahan na baka English-in ka. In fact, na-try kong
mapalapit sa kanya kahit sandali. Nagkahalo-halo kasi ang pictures ng Education
students at Commerce students. Wala kasing pangalan iyong iba. Kaya, nagpatawag
siya ng representative ng education upang pangalanan ang unknown pictures.
Napatawag din ako. Funny but it’s true, pareho ulit Froilan ang nandun.
Naayos ang files. Nag-thank you si Sir…
Graduation Day na. Hindi ko alam ang emosyon ko. Halu-halo. Malungkot
ako. Masaya rin naman.
Wala si Mama kaya malungkot ako. Nakababatang kapatid ko lang ang nakauwi para
matunghayan ang graduation ko. Akala ko pa, siya ang aakyat, kasama ko sa
entablado, hindi pala siya.
Super-excited ako. Umaga pa lang, panay na ang plantsa ko.
Alas-kuwatro, nakabihis na ako. Hawak ko ang toga at programme, nang sumakay
ako ng tricycle. May picture-taking pa kami sa stage kaya kailangang maaga ako.
Diyusme! Nag-tour pa ang traysikel na nasakyan ko. Nagsakay pa kasi ng pasaherong
may bagahe at nagpahatid pa sa napakalayong lugar. Naasar na ako.
Tumawag pa nga sa cellphone ko ang kaklase ko. Nasa stage na raw lahat sila.
Ako na lang daw ang kulang at hinihintay ako ni Sir. Nang marinig ko ang Sir,
nagmadali ako. Hindi na ako nagpahatid sa school namin. Lumakad-takbo na lang
ako.
Click! Isang click lang pala ang kailangan pero hinintay pa ako ni Sir. Alam ko
naasar sa akin ang ibang kakalase ko. Wala silang magagawa, malakas ako sa
president!
Bago simulan ang graduation, umulan ng napakalakas. Mabuti ay naihanda na ang
alternative room na pagdadausan ng graduation rite kapag ganung masama ang
panahon.
Areglado ang lahat!
Pinagpila na ang mga parents at graduates. Sisimulan na raw ang processional.
Sa buong buhay ko ikatlong pagkakataon ko na ma-experience ang processional.
Unang okasyon ay ang pagtatapos ko sa elementarya. Sumunod ang sa high school.
In my entire academic procession, pangalawang beses akong magmamartsa ng walang
kasamang magulang. Noong high school, tiyo ko ang kasama ko. At nitong college
graduation, wala!
Ang hipag
ko sana ang magpo-proxy kay Mama pero na-late siya. Kaya, hawak-kamay na lamang
kami ng kaklase kong babae na wala ring parent na kasama. Kahit paano, sumaya
ang pagmartsa ko. Hindi pala ako nag-iisa.
Dumating ang hipag
ko nang magsimula na. Siya na rin ang umakyat sa stage nung nag-bow ako at
tumanggap ng diplomang kunwari. Nakakatawa dahil nagkaroon ng bulungan sa loob
ng undivided rooms o hall. "Asawa niya siguro", narinig ko
habang paakyat kami. Pagbaba namin, nginitian ko ang mga mapanuring mata nila.
Hindi pa rin sila makapaniwala.
Graduation chorus
singing na. Doon lang kami sa upuan umawit dahil makeshift lang ang stage.
Hindi kami magkasya. Mabuti na rin iyon dahil emotional ako noong panahong
iyon. Hindi naman ako umaawit. Ninamnam ko lang naman ang katuturan ng mga
awiting iyon. Saka nag-reminisce ako. Naalala ko ang saya at lungkot na
napagdaanan ko; ang hirap at saganang natamo ko: at ang lahat ng tungkol sa
pag-aaral ko.
Naalala ko ang mga
araw na nagsa-sideline ako sa paglilinis at papapaputi ng mga pusit. Paghe-headless
ang tawag doon. Business iyon ng Taiwanese national sa lugar namin. Pang-export
kaya dapat quality. Pasalamat ako dahil hindi nag-conflict sa oras ng pasok ko.
And at the same time, malaki ang income ko, kahit mahirap. Nangitim pa nga ako
dahil malapit kami sa dagat at umiigib kami ng tubig-alat na pambanlaw sa mga
pusit.
Minsan, late na
ako. Hindi ko na minsan magawang magsabon ng maigi. Amoy-pusit ako minsan.
Tapos, kulu-kulubot ang mga daliri ko dahil sa maghapong pagkakababad sa tubig
na maitim, malamig at malansa.
Hindi ko na ininda
dahil nakakatulong talaga sa akin ng malaki. Five pesos per kilo ang bayad sa
bawat malinis na pusit. Tapos, naibebenta pa namin ang mga balat at mga putol
na tentacles. Imbes na itapon o iulam, binebenta ko. Mas kumikita pa nga minsan
sa ganun. Kaya madalas, sinasadya kong putulin ang mga galamay ng mga
malalaking pusit. He he!
Nagsara na ang
business na iyon after ng ilang taong pagbibigay livelihood sa mga tao. Patawad!
Nakaapekto rin ako...
Maluha-luha ako
habang inaalala ko ang mga eksenang iyon. Tumigil lang ako nang sumilip sa
bintana ang barkada at nang magsimula ng mang-asar.
Andami kong
pinagdaanan. Napaka-memorable talaga sa akin ang mga taon ko sa kolehiyong
iyon. Napakarami kong natutunan, both academics at moral lessons.
Hindi man ako
naging Dean's lister (dahil wala naman talagang binibigyan) napakilala ko naman
ang sarili ko. Proud ako dahil kahit paano nakapagbigay ako ng pagkakakilanlan
sa karamihan kong guro.
Bago kami tuluyang
nagkahiwa-hiwalay ng mga kaklase ko, binati ko ang iba sa kanila. Binati rin
nila ako. Nakita ko sa kanila ang ligaya na dulot ng tagumpay. Kitang-kita ko
rin ang saya at pasasalamat ng mga magulang na naroon.
Sayang! Wala si
Mama..
Bago ako lumabas ng
campus na iyon, muli kong sinuyod ng tingin ang kabuuan ng aking Alma Mater.
Nalungkot ako. Mami-miss ko siya. Pero, hindi dapat ako malungkot dahil ang
aral na natamo ko ay parang kaluluwa ng nourishing mother na gagabay sa aking
pagtahak sa magandang bukas.
No comments:
Post a Comment