Ano ba ito? Bilang mga mambabasa,
mananalumpati at manunulat, ano ba ang dapat nating malamang tungkol dito?
Mahalaga bang malaman natin ito?
Nitong
Agosto 15, taong kasalukuyan, inakusahan si Senador Vicente “Tito “ Sotto III ng pladyirismo nang magtalumpati siya
kaugnay ng RH Bill na kanyang tinututulan, gamit ang ilang pangungusap sa “blog’’
ni Sarah Pope, isang manunulat na nakabase sa
Estados Unidos, nang mapansin ito ng mga kaomentador na sina Vincent D.
Bautista at Miguel Syjuco. Umani siya ng mga batikos at nagtamo ng sakit sa
kalooban. Ayon sa kanila, kinopya ng senador
ang mahabang bahagi sa “blog” at eksaktong-eksakto.
Sinadya man o hindi ang pagkakatugma ng talumpati niya mula sa orihinal
na akda ni Sarah Pope, isa pa rin itong kaso ng pladyirismo dahil tahsan niyang
kinopya ang mga pangungusap, salita sa salita at walang pagbanggit sa may-akda.
Opo!
Ang pladyirismo ay isang pagsira sa batas ng pamamahayag at pagsusulat, isang
pang-akademikong pagsisinungaling at isang uri ng pagnanakaw. Ang isang
manunulat o mamamahayag na tahasang ginamit, kinopya o binigkas ang akda o
sinabi ng iba ng walang kaukulang paalam o pagkilala sa orihinal na may-akda ay
labag sa batas ng dyurnalismo. Ang taong lumabag nito ay hindi nararapat na
tawaging manunulat, mananalumpati o mamamahayag.
Bilang
mambabasa, mahalagang malaman natin kung ang binabasa natin ay produkto ban g
pladyirismo o hindi. At bilang mananalumpati , manunulat o mamamahayag, maging
responsible tayo sa paggamit ng akda ng iba. Hindi masamang kilalanin ang tunay
na may-akda. Mahalagang malaman nating lahat na ang pladyirismo ay isang
masamang gawain na dapat iwasan.
No comments:
Post a Comment