Followers

Sunday, April 6, 2014

Ang Aking Journal--Setyembre, 2013

Setyembre  23, 2013

         Suspended ang klase kanina dahil magdamag na umulan. Salamat kay Bagyong Odette na nakalabas na ng bansa pero nag-iwan naman ng sangkatutak na ulan. Nakapagpahinga tuloy ako maghapon. Facebook lang. Noud ng Youtube videos. Umidlip. Tapos, nag-aral ng math magic at magic tricks using coins and money.
     
          Nagagamit ko ang mga ito sa pagmotivate ng pupils. Interested silang makinig pag alam nilang magmamagic ako. Minsan sila pa nga ang nagyayaya sa akin na magturo o pumasok sa classroom nila. Nakakatuwa!

          Nagbasa din ako ng libro ni Bob Ong. "Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan" ang pamagat. Nabili ko ito noong Biyernes. Ito ang kauna-unahang aklat ni idol na nabili ko. Sayang, kung available sana lahat ng aklat niya, makokompleto ko na ang mga akda niya. Meron na ako ng ABNKKBSNPLAKo. Nahiram ko lang iyon sa pinsan ko pero ayaw na ipasuli sa akin. Di yata hilig ang magbasa..
   
          Pero ako, baliw na baliw kay Bob Ong. Siya nga ang nakapag-impluwensya sa akin. Naisulat ko tuloy ang 'Pahilis' at nasimulan ko ang 'Tisa Ni Maestro'. Ngayon naman, hinikayat niya uli akong magsulat at ipagpatuloy ang pag-jojournal, gaya ng journal niya sa aklat na aking binabasa ngayon.

         Sana ma-sustain ko ang ganitong gawain, kahit busy-ng busy ako.


Setyembre 24, 2013

         Grabe! Di ako nakatulog. Kung kelan malamig. Para kasing may nag-iisip sa akin. Kahit na nga kumikirot ang likod na bahagi ng ulo ko, nakatulog pa rin sana ako. Siguro, excited lang ako magsulat. Naisip ko kasi ang mga journal ko na nakaimbak lang sa isang shoebox. Pumasok sa kukote ko na, why not, i-post ko sa page kong 'Life Of Pores'.

         Good idea! Masimulan nga.. Who knows pagdating ng araw, may kakayahan na akong magpublish ng mga akda ko.

          Naisip ko rin ang mga script ko na malapit ng matapos. Nanghinayang din ako sa mga manuscript ko na nawala lang sa naabandona naming bahay sa Polot. Andami nun. Mga tula. May mga nobela. Essays at sanaysay. Sana, may nagpahalaga ng mga iyon o kaya isauli sa akin.

          Habang iniisip ko kung paano ako makakapag-publish, di pa rin ako dalawin ng antok. Alam ko nangangarap ako, hindi ako nananginip. Masama ba iyon?


Setyembre 24, 2013

          Ang aga-aga kong pumasok para tulungan si Mam Edith sa kanyang demo teaching. Gusto ko ngang umabsent pero nakatanggap ako ng text mula kay Mam Vale, ang West District Filipino Coordinator. Aniya, tuloy daw ang demo sa Gotamco. Kaya, dali-dali akong bumangon at naghanda. Agad din naman akong nakarating ng school. Inihanda ko ang projector. Ako na rin ang nagtype at nagpaprint ng lesson plan niya.

          Bilang Filipino Coordinator, kailangan kong gawin ang mga ito. Wala naman akong reward din, at least nakatulong ako. Alam ko, malaking bahagi ako sa pakitang-turo niya, gaya last year sa demo ni Mam Villaranda.
         
          Kaya lang, natagalan ang dating nina Mam Silva. Pasado alas-dos na, wala pa sila. Nasa Cuneta pa daw sila. Sayang, di ako makakapunta sa meeting namin nina Mam Normina sa division office. Baka may pipirmahan na kaming papel dahil sa reklamo niya sa mga teachers ng East District, na nagparatang sa West District Radio Broadcasting Team na mandaraya kami.

          Hay! Di ko alam kung ano ang uunahin ko. Nagising at pumasok ako ng maaga tapos ganito---- matagal na paghihintay. Ok lang, basta matuloy na ito. Marami pa akong aasikasuhin. Ang advisory class ko, di ko na naaasikaso. Ang MTAPpers din ay kailangan ng i-train. May GES MATH CLUB oathtaking pa sana ako mamaya. Gusto ko na rin namang magsanay ng isang folk dance.

          Hindi talaga ako masyadong busy. He he
         
          Gusto ko namang gawin ang lahat ng ito kaya no regret.

          Gabi: Wala pa si Eking. Nagpractice pa ng sayaw nila sa Accquintance Party nila sa September 28. May time tuloy ako,magdownload ng mga folk dance, gamit ang laptop ko at Globe Tattoo niya. Mabuti mabilis ang internet, kaya nakarami ako. Sa wakas, marami na ang koleksiyon ko ng katutubong sayaw. Ang kulang na lang ay time para maituro at maipasayaw sa mga bata.

         Sana bukas masimulan ko na maghanap ng mga dancers. Maaga sana akong makauwi galing sa JRES. Di ko naman kasi pwede palampasin ang oportunidad na maging Quiz Master sa division level ng Science Quest.. Ayokong tanggihan si Sir Socao. Kaya, konting tiis lang at time management.


Setyembre 25, 2013

          Hindi naman ako naging quiz master sa Division Science Quest kanina sa JRES. Paano ba naman?! Pinalitan agad kami ng Science coordinator nila. Sayang ang effort kong gumising ng maaga. Naging tanga lang kaming lima doon. Pero, okey na din iyon. Socialization na rin dahil nakita ko ang mga kasamahan ko sa broadcasting.

          Past eleven, nasa school na ako. Andaming pupils sa classroom ko. Napunta sa akin ang boys ni Mam Balangue. Maingay. Mabuti kaya kong sawayin.

         Tapos, nagpakain ang mga FS students. Sarap ng buhay. Libre ang meryenda. Nakatulong pa sila sa bulletin board ko. Sayang.. Hindi ako nakapagbigay ng souvenir sa dalawang studeng teachers. Last year, nabigyan ko si Joeralyn ng apple papier mache na may message. Binigyan niya rin ako ang key chain na may pangalan ko, chocolate, mamon, juice at picture namin.

         Sa sobrang busy ko, di ako nakapaghanda ng souvenir. Di ko alam n magtatapos na sila ng field study. Di bale, baka sa amin pa rin sila mag-PT. Habol ko na lang. Better late than never.


Setyembre 26, 2013

          Ang gulo at ang ingay ng classroom ko. Wala pa naman ako sa mood. Ilang araw na kasi akong pagod at puyat. Andami kong ginawa at gawain, kaya delubyo ang klase ko pagpasok ko pa lang. Gusto ko na sanang sumigaw para malaman nila na dumating na ako galing sa meeting. Napansin ako ng iba pero karamihan patuloy pa rin sa mga ginagawa nila.
 
          Napatilyahan ko nga ang iba dahil sa sobrang ingay nila. Madalas ko naman gawin na tanggalan sila ng konting patilya tuwing nagpapasaway. Sanay na sila sa hapdi, kumbaga.

          Grabe! Ginawa nilang playground ang silid-aralan. May mga nagbahay-bahayan. May mga nakahiga pa. Ang nakakapagtaka pa, kay mga unan sila.

          Parang inantok ako bigla. Kaya, di ko na inalintana ang ingay. Umidlip ako sa mesa. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nahimbing. Paggising ko, andoon na si Mam Macalino. Hindi naman ako nagtaka.

          Sumunod lumibot ako sa classroom. Magulo pa rin. Tapos, biglang pumasok ang dalawang lalaki. Mga edad kuwarenta ang isa. Ang isa naman ay nasa kalagitnaan ng 50 at 60. Nakakimono ito....at may samurai!

          "Gusto mo tagain ko ang kamay mo?! Gusto mo?" May Japanese diction pa siya. Nakakatawa ng konti pero nakakagimbal. Hindi ako nakapagsalita at parang ipinapaubaya ko pa ang kamay ko. Handa na akong ipautol ito. Marahil, lolo ito ng estudyanteng pinatilyahan ko kanina. Ang bilis niyang makapagsumbong. Nagtext siguro.
   
          Alam kong hindi niya naman ako kayang putulan ng kamay. Isa pa, pinipigilan siya ng kasama niya. Anak niya siguro iyon at ama naman ng estudyante ko.

          Ang bilis ding nakalabas ng dalawa. Tumawa pa nga ako, dahil parang nagbiro pa ang hilaw na Hapon. Pero ang totoo, grabe ang kabog ng dibdib ko. Hinarap ko ang klase ko.

          "Tingnan niyo na. Ayusin niyo naman ang mga sumbong ninyo!" Galit na galit ako. At sa sobrang galit ko, humagulgol ako sa ilalim ng kumot ko. Tinapik-tapik naman ako ni Mam Ana. Sabi niya, "Tahan na, Froi."

          Nagising ako. Lumuluha.

          Pasado alas-sais na pala ng umaga. Kailangan ko pang banlawan ang binabad ko kagabi..

          Hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip na iyon. Para kasing totoo at pwedeng magkatotoo.


Setyembre 26, 2013

          Wala si Mam Rodel, si Sir Joel at si Sir Rey kanina. May kahalong ibang section ang mga pupils ko kaya medyo maingay na naman. Pero, nagturo pa rin ako ng division of decimals. Nagturo din ako sa Character Education.

         Ang lesson ay tungkol sa pagbabahagi ng talino at talento. May diarymp ngang sample sa libro. Kaya, naalala ko ang mga journals ko. Inilabas ko ito at ibinahagi ko sa kanila. Gusto nga nilang basahin. Di lang ako pumayag.

          Binasahan ko rin sila ng entry ko kanina. Iyong tungkol sa panaginip ko kaninang umaga. Nag-iba ang mga emosyon nila. Tapos, sinabi ko na maaari ngang mangyari iyon kaya ingat sila sa pagsumbong.

          Dahil dun, nakita ko ang nobelang kung may pamagat na Dumb Found. Hindi pa ito tapos, kaya nilabas ko at sinimulang i-encode habang may ginagawa namang diary ang mga bata ko. Na-inspire ko ang karamihan, pero ang mga bobito ay hindi. Nagpasaway lang. Kainis! Waepek ang mga effort ko.

         Hay, sana marami akong ma-touch na buhay. Sana magawa kong writer ang lahat...

         Kaya nga, pinu-push ko nga ang KAMAFIL ko dahil alam ko sila ang mga numero unong interesadong maging manunulat. At hindi nga ako nagkamali. Nanumpa sila kanina. Nag-meeting at nagplano din kami. Interesado din sila sa Journalism training every Saturday. Salamat, may maiiwan din pala akong legacy kahit paano.. Feeling contented.


6Setyembre 28, 2013

          Kahapon, puro trabaho na naman ako. Turo ng lesson. Turo ng kabutihang-asal sa mga mag-aaral na pasaway. Walang na kasasaway sa mga praning na estudyante. Tapos, nagturo pa ako magsulat ng diary o journal. Nag-MTAP din ako sa umaga. Naka-projector pa para maengganyo sila mag-aral at magreview ng maayos.

          Hapon, kahapon, nagpractice ako ng mga magsasayaw sa Eat Bulaga, pupunta na kasi ang staff ng Junior Pinoy Henyo sa Martes, October 1 para tingnan at mag-audition para sa pautakan.

         Gabi, nagpunta naman kami ni Eking sa St. Luke's Quezon City para kunin ang padala ng Mommy niya sa katrabaho niya doon na nagpaopera. Pagkatapos, bumili kami sa Quiapo ng mga pang-costume niya sa acquintance party. Nakaapagod. Nagutuman din kami. Siguro pasado nine o' clock na kami nakauwi. Ayos lang basta maging masaya ang pamangkin ko at ang ina niya.


Setyembre 29, 2013

          Alas-diyes, pupunta sana ako sa Antipolo dahil Linggo naman at birthday ni Jano, kaso nag-reply siya nang binati ko na nasa binyagan silang mag-anak. Kaya, naglaba na lang ako at naglinis. Magpapahinga na rin dahil may pasok na naman kinabukasan.

          Ala-una, kumatok ang landlady namin ni Eking, may kasama. Titingnan sana ang kuwarto. Nasabi ko na kasi na hanggang Oct. 13 na lang kami kasi lilipat na ang pamangkin ko sa Bicol.

          Noong isang gabi, narinig ko sa usapan nila ng Tita Aileen niya na dito na uli siya. Tatapusin niya na lang ang course nia dito sa ACLC-Paco. Natuwa naman ako dahil pinagkatiwalaan niya pa rin ako. Makakatulong din ito sa plano kong mag-aral uli. Kahit paano ay nakakatipid ako dahil sa binibigay na budget sa amin ni Ate Ningning. Kaya, lang madadagdagan ang trabaho ko. Isasakripisyo ko ang mga advocacy ko para ma-develop ko ang talents ng mga estudyante ko. Pwede rin, gagawin ko na lang tuwing weekdays ng hapon.

   
 






     

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...