Panay ang tawag sa akin ni Ion kaninang umaga. Ang daldal. Binida niya ang mga gamit niya sa pag-school niya. Nalungkot lang ako kasi ang bag niya ay hindi Cars, kundi Ben 10. Wala sigurong Cars na bag sa Aklan. Nagsabi rin siya na gusto niyang mag-aral sa Pasay. Nagulat ako! Nagulat nga rin si Emily. Hindi daw niya sinabi 'yun.
Pasado alas-otso ay nasa school na ako. Naglinis ako ng bintana. Nagpunas din ako ng sahig. Umalis ako pasado alas-9 kasi nagtext na si Leo, nasa LRT na raw siya. Bumili muna ako ng lesson plan sa NBS.
Malungkot ako habang nagbibiyahe kami ni Leo papunta sa boarding house kasi hindi ko maibibigay ang hinihingi ni Emily na P2500 para sa books ni Zillion. Hindi na nga ako makakapagbayad ng Smart bill ko kasi kailangang kong unahin ang bills ng kuryente at tubig. Hindi na rin ako makakapag-enroll. Problema ko nga ang pangkain. Sana magbayad na si Mia ng P1000 para may pambili ako ng pagkain at may pamasahe. Nakakahiya naman na tanggapin ko ang pagpapautang sa akin ni Mam Vi, although pumayag na.
Ang hirap pag ako na ang walang pera. Tumulong nga ako kay Ate Ning, ako naman ngayon ang nangangailangan ng tulong.
Umuwi si Leo, bandang alas-tres. Hindi ko siya masyadong na-entertain dahil sa problema ko.
Hunyo 2, 2014
Unang araw ng pasukan. Maaga akong pumasok. Alas-siyete y medya pa lang yata ay nasa school na ako. Sa canteen na nga ako nag-almusal. Inaasikaso ko rin kasi ang pag-print ng form 6 ni Mam Marilyn na sinend niya sa e-mail ko kagabi. Kailangang niyang maipasa ang leave niya kasi nasa Aussie pa siya. Thankful naman siya sa akin.
Ten-thirty, na-meet ko na ang Grade V- Mars. Thirty plus pa lang ang pumasok. Okey naman ang unag araw ko sa kanila. In-orient ko sila ng mga patakaran ko at mga dapat at di-dapat nilang gawin pati ng parents nila. Sinabi ko rin ang mga activities ko na dapat nilang salihan. Tapos, nagpa-Four Fundamentals ako. Sinukat na ko rin ang heights nila.
Sobrang init lang kaya pare-pareho kaming wala sa ulirat. But, all in all, okey naman sila. Sana hindi ako mahirapan sa kanila.
Masaya ako sa araw na ito, kahit wala na akong pera at kahit nangutang na ako ng isanlibo kay Mam Nelly, dahil naging bibo si Zillion sa unang araw niya sa school. Sabi sa text ng kanyang ina: "Gudam, first day of school, ni ion nahiya xa.peo nun huli nag introducethemselves an lakas ng boses,pinalakpakan mga classmates nya.d2 n kmi hauz". Nakakatuwa. Manang-mana sa akin si Ion.
Tumawag pa sa akin. Binida niya sa akin ang pagpasok niya. Sabi ko, "Galingan mo, ha?!" Sumagot naman ng opo. Akala mo ay malaking tao na. Nakakatuwa talaga! Sana nga ay lumaking masigasig sa pag-aaral, gaya ko.
Hunyo 3, 2014
Second day. Napuyat ako kagabi sa sobrang init. Makati pa ang higaan ko. Pero, maaga pa rin akong nakarating sa school. Nakinig lang ako sa Love Radio. Kaya lang dumating sina Sir Erwin at Mam Diana kaya naputol. Nagkuwentuhan na lang kami.
Maaga pa lang, nainitan na ako. Sobrang init ng panahon. Gayunpaman, nagturo pa rin ako sa Math. Na-meet ko na ang Section One. Nag-orient ako ng mga activities at trainorship ko. Marami agad ang naengganyo at natuwa. Nag-magic din ako. Alam ko, magagaya din sila sa mga Section 1 last year. Okey naman sila.
Nagturo din ako ng Filipno sa Section 3. Kaya lang, naubusan ako ng boses. So, tinigil ko. Inuna ko kasi ang orientation. Na-inspire kasi akong mag-inspire sa kanilang magsulat ng diary, as project. Naisabi ko rin ang mga tungkol sa mga clubs, blogs at Wattpad ko. May dalawa ngang pupils na babae na mahilig din magbasa at may dalang Wattpad book. Tapos, nagpapagawa pa sila ng Wattpad account. Ginawan ko naman pag-uwi ko. Gusto ko kasing may share ako sa pagiging writer nila.
Kung malamig lang sana ang panahon, gustong-gusto ko ng magturo para maisagawa ko na ang mga plano ko ngayong school year. Gusto ko kasing maging reading ang writing lovers ang malaking porsyento ng estudyante namin. Siyempre, hindi mawawala ang kagustuhan ko na i-promote ang mga sites ko para ma-follow nila ako. Somehow, makakatulong sila sa paglago ko.
Inspired ako kanina dahil sa text messages ni Emily tungkol sa pagpapakitang-gilas ni Ion. Nagtanong daw ang teacher niya ng names ng father at mother. Malakas daw ang boses niya na parang proud. Pinalakpakan uli siya ng kaklase niya. Tapos, mabilis daw niyang natapos ang activity na drawing of circle. Samantalang ang iba daw ay umiiyak, nanunuod ng gawa ng iba, at kung anu-ano pa. Si Zillion daw ay nakapagpa-check na at gusto nang umuwi. Hehe
Hunyo 4, 2014
Pangatlong araw. Absent pa rin si Mam Rodel dahil sa lagnat. Apektado ang palitan ng turo dahil wala siya. Gayunpaman, nagturo pa rin ako ng matindi Math sa advisory class ko.
Inspired akong mapatuto sila. Nais kung maging masigasig sila sa pag-aaral kaya sinesermunan ko sila habang nagtuturo.
Tapos, nagturo din ako ng Filipino sa Section 3. Pinasulat ko sila ng mga pangungusap. Nakakaawa sila dahil isa lang ang nakagawa sa tamang oras. Transferee pa, galing sa Laguna, ang kaisa-isang nagpasa. Wee! Matinding turuan ang dapat kung gawin sa kanila. Nakakadismaya. Mabuti na lang may ilan-ilang inspired makinig at malaman ang mga tungkol sa Wattpad ko.
Sa Section Mercury naman. Hindi kami nag-Math. Filipino naman ang tinuro ko. Sinimulan ko sa apat na kasanayan sa Filipino--ang pakikinig, pagbabasa, pagsasalita at pagsusulat. Iniisa-isa ko ang kahalagahan at koneksyon ng bawat isa, hanggang sa mai-relate ko ang kakayanan kong makapagsulat ng mga akda. Marami sa kanilang ang na-inspired na magsulat at sumali sa mga trainings ko at sa mga contests na sinasalihan ko. Nakakatuwa. Nakasulat naman sila ng isang talata tungkol sa "Unang Araw ng Pasukan". Nakapili ako ng isang maganda na pwedeng i-post sa KAMAFIL.
Dahil wala ng palitan ng turo, nag-stay ako sa klase ko. Pina-memorize ko ang ilan ng Vision ng DepEd. Since, hindi pa sila ready, naisip kung ipahula sa kanila ang edad, date and month ng birthday ko. Exempted na sila. Ipinahula ko rin ang bilang ng asawa ko, sabay, joke lang. Hanggang sa nagustuhan nilang magkuwento ako. Ikinuwento ko sa kanila ang ilan sa mga bahagi ng buhay ko, kasama ang ilang bahagi ng akda kong "Pahilis". Interesado ang karamihan. Kaya lang, excited ang iba na malaman ang buong kuwento kaya, nag-iingay sila. Itinigil ko lang dahil paos na ako. But, all in all, na-isnpired ko naman sila.
Nag-garden muna ako bago ako umuwi. Kaya lang nakalimutan kong ipasok sa bag ang tablet ko. Nakauwi na ako nang mapansin kong wala ito sa bag. Kaya, binalikan ko sa school. Grabeng pagod ko. Gumastos pa ako sa pamasahe. Pero, di bale. At least, hindi nanakaw. Akala ko kasi nadampot ng pupil ko o nakuha sa bag ko habang nasa biyahe ako.
Eight na ako nakabalik..
Hunyo 5, 2014
Inspired sana akong magturo sa advisory class ko. Gusto ko rin sanang magturo sa ibang section, lalo na sa last section, dahil hindi ko pa sila nami-meet. Kaso, ayaw ni Sir Erwin na magpalitan kami kasi wala daw si Mam Nelly. Kaya, kami na lang ni Mam Diana ang nagpalitan. Nagturo ako sa klase niya.
Nagturo ako ng Filipino sa klase ko para di masayang ang araw. Gaya ng itinuro ko sa Section Earth ang topic ko. Basic. Ang kaibahan ng kataga, salita at parirala ang ititnuro ko sa kanila. Napansin ko kasi na nahihirapan silang sumulat ng pangungusap. Kahit nga ang Section 1.
Nagagamay ko na ang advisory ko. Unti-unti ko na silang nahahawakan sa leeg. Unti-unti ko na ring nalalaman ang mga pangalan nila. Sa Sabado, ang mga magulang at guardians naman nila ang kikilalanin ko. First parents-teachers meeting namin.
Alas-singko y medya. Nauna na kami ni Mareng Lorie sa Seaside. Birthday ni Mareng Joyce. Nagpakain siya. Kami naman ni Mareng Lorie ang unang nag-out kaya kami na ang naghanap ng lugar at namalengke. Ilang minuto lang, andun na rin sina Lester, Mia, Mam Ana, Mam Edith at Mam Basil. Dumating din sina Pareng Joenard at Josh nang magkakainan na.
Mabuti na lang at wala na akong kati-kati.. Nakakain na ako ng hipon, isda, calamares at tahong. Nabusog ako.
Alas-7;45 na kami natapos. Manonood sana kami ng sine nina Mia at Lester, kaya lang10:30 pa ang schedule ng Maleficent kaya sabi ko, hindi na lang ako sasama sa kanila. Gagabihin ako ng pag-uwi. Saka, wala na rin akong budget.
Nakauwi ako ng boarding house ng bandang alas-nuwebe. Okay lang, at least nakalibre ang dinner ko. Next time na lang ang mga susulatin at ii-encode.
Hunyo 6, 2014
Bago mag-time, naiabot na sa akin ang memo ng meeting ng mga Filipino coordinators. Ala-una ang simula. Sa Division Office. Unang meeting namin ito sa Sy 2014-2015. Alam ko na trabaho na naman ang pagmi-meeting-an namin.
Tama ako! Trabaho nga. Andaming ipapasa. Work Plan. Accomplishment report. Test Questionnaires. Ang gusto ko lang gawin ay ang journalism, broadcasting at school paper.
Excited na ako sa mga activities ko ngayong taon. Sana matuloy ang mga comprehensive training para sa school paper advisers. Gustong-gusto kong matuloy ang Tambuli namin.
Kaya nang makabalik ako sa school, nagpa-try-out ako ng English Radio Broadcasting. Sa Section 1 ako nagsimula. Wala akong nagustuhan. Kaya, sinubukan ko si Josaiah. Nagustuhan ko ang pagbasa niya. Kaya, pwede ko siyang hugutin anytime na wala akong mapiling Grdae 5 o 6.
Paglabasan, trineat kami ni Mam Diana ng dinner sa Chowking. Nakalibre uli ako. Sarap ng buhay! He he. At dahil nakatipid ako, nakapagpa-install na rin ako ng Microsoft Office 2010 sa halagang P250. Hindi nga lang 2013, pero okay na. At least, makakapag-encode at magagamit na namin ang printer.
Hunyo 7, 2014
Alas-nuwebe pa lang ay nasa school na ako. Te-test-ingin ko kasi ang printer kung magpi-print na dahil nagpa-install na ako kagabi ng Office 2010.
Natagalan ako. Magdadalawang oras yata bago ako nagkapag-print. Okay na rin. At least, nagawa ko. Natapos ko tuloy ang Math bulletin board ko.
Ala-una, ginanap ang Parents-Teachers Meeting. May konting program. Ako ang itinuro ni Sir Erwin kay Mam Deliarte. Ako daw ang mag-emcee. Hindi ako nakahindi. Gusto ko naman kasi. Gusto kong mahasa ang speaking ability ko. Gusto kong ma-expose sa maraming tao para pagdating na kailangan kong humarap sa big crowd ay handa na ako.
Nagawa ko naman ng mahusay at walang kaba.
Pagkatapos, nagkanya-kanyang meeting na. Halos mapuno ang upuan sa silid namin. Maraming dumalo. Nagpakilala muna ako. Saka ko sinabi ang mga dapat sabihin. Tulad ng dati ang mga sinabi ko. Pero this time, may dagdag na. Idinagdag ko ang redaing advocacy ko pati ang mga clubs na dapat saligan ng mga anak nila. I'm sure, ako lang ang guro na naringgan nila ng mga iyon.
Nag-elect din sila ng officers at nagkasundo na mag-aambagan ng P60 para makabili ng dalawang ceiling fans. Nakakatuwa naman. At least, hindi sila kuripot.. Hindi na rin ako mag-aabuno.. Ayoko na, sabi ko sa kanila.
Umuwi na ako pagkatapos kung linisin ng konti ang classroom. Inasikaso ko ang mga ipinagawa sa akin ni Fatima. Na-email ko na rin sa kanya pagkatpos ng isang oras. Tapos, nag-text kami.
Tumawag naman si Ion, pero hindi naman maayos ang mga sinasabi niya. Walang magandang balita mula sa kanya. Ginagamit lang siya ni Emily. Kaya hindi ko na pinasin. Nag-concentrate ako sa pagsulat ng classroom essay.
Hunyo 8, 2014
Nakabawi ako ng puyat. Pasado alas-8 na kasi ako bumangon at nakapag-almusal. Kaya naman, nagkalakas ako ng katawan na maglinis ng kuwarto. Naglipat ako ng mga gamit. Medyo, gumanda at lumuwang. Nagbabad din ako ng mga labahan ko.
Hinihintay ko ang text ni Mia kasi iimbitahan niya raw ako sa The Feast. Hindi niya ako tinext. Mabuti na rin 'yun kasi tinatamad akong umalis. Andami ko kasing dapat i-encode. Isa pa, kung natuloy ako, baka hindi ko nakausap si Fatima. Tumawag kasi siya.
Nag-text-converse din kami pagkakain, na nauwi lang sa tampuhan.
Hunyo 9, 2014
Maaga akong pumasok para mag-print ng Katitikan ng Pulong na dinaluhan ko noong Biyernes. Pinapirmahan ko rin ito sa principal saka kinausap ang mga guro sa Grade 3 para sa kanilang bahagi. Tapos, kinausap ko na ang mga co-teachers na magti-train ng journalism. Ako na ang pinamahala ni Mam Evelyn kaya ako na ang nag-assign ng aming category. Nawala na sa akin ang cartooning, kapalit ng editorial writing. Isinalin ko na rin kay Mareng Lorie ang Broadcasting English. Pero, akin pa rin ang Lathalain. Gusto kong maranasan din nila ang naranasan ko. Saka, ayoko masabihan na minopoloize ko ang mga kategorya.
Kahit sobrang init ng panahon, inspired pa rin akong magturo. Nagsidatingan din ang mga magta-try out sa broadcasting ng bandang alas-dos, kaya naglagare ako. Nagkaklase at nagti-train.
Nakakuha pa ako ng isang radio broadcaster sa Filipino- Marijo. Sa English naman ay si Josh ay si Vie. Magiging puspusan na ang training simula bukas.
Pagkatapos ng try-out, nagturo ako sa last section. Nakuha ko ang atensyon nila sa motivation ko. Okey naman sila. Sana, ma-maintain ko iyon. Nag-magic trick pa nga ako.
Sobrang pagod ko. Maghapon akong umakyat panaog sa third floor. Ang hirap ng malayo ang classroom. Malamig kasi sa library kaya doon kami magti-train lagi.
Sa sobrang pagod at antok ko, wala na ako sa mood makipagtext kay Fatima. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magtagal ang usapan namin. Siya ang dahilan kung bakit ako kulang sa tulog kanina.
Hunyo 10, 2014
Maaga akong nakarating sa school. maaga kasi akong nagising. Hindi naman ako napuyat. Nasarapan ako sa tulog kasi umulan kagabi. Lumamig ang panahon.
Nagsulat ako ng lesson plans at naghanda ng learning materials. Nag-print din ako ng accomplishment report ko na ipapasa ko kay Mam Silva. Hindi ko nga lang natapos ang pag-print ng work plan dahil time na.
Inspired pa rin akong magturo. Medyo, nahirapan ako dahil sobrang init. Nakakatuyo ng utak. Pero, nakuha pa rin ng mga bata dahil sinimplihan ko ang paliwanag.
Sa Section Mercury, mas napadali ko ang pagtuturo. Naunawan agad nila. Kaya, as a reward, nag-Math magic ako sa kanila ng 1089. Namangha sila. Ang galing daw. Akala ko nga ay alam na nilang lahat. Hindi ko na hinintay ang reaksyon nila. Nag-good bye na ako agad upang magturo naman ng Filipino sa Section Earth.
Sa Section 3, nakukuha ko na ng pakonti-konti ang kiliti nila. Medyo alam ko na ang kanilang atensyon. Na-inspire ko na nga iba. May nagpakita na ng mga diary. At ang nakakatuwa, may bumili na ng libro. Wattpad book na "Diary ng Panget". Madalas ko kasing banggitin ang tungkol sa Wattpad ko. Sabi ko pa nga, nangangarap din akong maging libro ang Red Diary ko. "Meron na, Sir", tanong ng isa. Wala nga, sabi ko. He he. Excited.. Sana lang, sumikat at mabigyan ako ng chance ng isang publisher.
Bago natapos ang period ko sa kanila, tatlong pupils ang nagsabing gawan ko sila ng Wattpad account. Later, kinuha ko ang names nila.
Training naman ng journalism at broadcasting. Medyo ayos na ang training. Maagang dumating si Mareng Lorie, kaya iniwan ko sa kanya ang mga bata, habang nagpa-recess ako at nagturo ng Filipino sa Section 1.
Okay naman ang Filipino period namin. Tinanong ko pa sila kung gusto nilang basahin ko sa kanila ang Lola Kalakal ko at ang kuwento ni Roy. Excited sila sa mga kuwento ko. Mas gusto daw nila ang kuwento ni Lola Kalakal dahil narinig nila ang salitang misteryoso.
Naasar naman ako kay Hermingildo dahil nagdala ng bata na isasali niya sa broadcasting. Transferee. First honors daw sa school niya. Mahusay daw sa broadcasting. Sinabi ko na nga na nakahanap na ako, pinapunta pa rin niya. Epal talaga. Gusto pa yatang makisawsaw.
Hunyo 11, 2014
Alas-otso nasa school na ako. Nagsulat ako ng lesson plan sa Filipino. Naghanda din ako ng visual sa Math. Tapos, nag-record ako ng mga quizzes at assignments ng mga pupils. Ang bilis lang ng oras, pasukan na ng mga bata.
Pero, bago nagpasukan, tumawag si Ion. Ang daldal. Pero, ang haba pa rin kung magsalita. Hindi agad nasasabi ang gustong sabihin. Pinalo daw siya ni Mama niya. Hindi na daw siya titira sa Pasay. Pero, nang tinanong ko kung gusto pa niyang pumunta sa Manila Zoo at kay Mc Queen (sa Toy Musuem 'yun), gusto pa rin daw niya.
Si Emily naman panay ang text. Wala pa daw PE uniform at book si Ion. Di ako nag-comment. Wala akong pera eh. Bahala na siya dumiskarte.
Inspired na sana akong magturo. Kaya lang, pagkatpos ng recess, wala na namang palitan. Hindi ko tuloy mababasahan ng Lola Kalakal kong kuwento ang mga Section 1. Naghinayang din sila.
Nag-train uli ako ng lathalain at broadcasting. Nakakainis lang si Isaiah. Hindi naman makasulat ng editorial. Naturingang first honors.. Tsk tsk. Nawiwili kasi sa laro sa cellphone. Imbes na magsulat, naglalaro.. Bahala na. Kung di kami mananalo, e di hindi. Lugi siya. Baka hindi siya maging top 1.
Bukas, nasa MOA ako kasama sina Sir Erwin, Mam Balangue at iba pa para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Di ko alam kung ano ang magaganap. Ang gusto ko lang ay may service credit na one day.
Hunyo 12, 2014
Nagising ako bandang alas-3 ng umaga dahil sa iyak ng baby sa ilalim ng kuwarto ko. Kaya, hindi na ako nakatulog ng husto.
Alas-kuwatro, bumangon na ako at naligo. Pasado alas-singko naman ng dumating ako sa MOA. Masyado akong maaga kaya wala pang makainan. Nagkape lang ako sa Julie's at bumili ng tinapay. Alas-sais pa dumating si Sir Erwin at Mia. Maya-maya, dumating naman si Mam Diana at Roselyn.
Antagal pa bago nagsimula ang flag raising. Alas-otso y medya na yata iyon nang magsimula. Kaya naman, panay na lang ang tawanan namin. Panay din ang picture ko. Napagtripan din naming magpa-picture sa mga mascot. At nang matapos ang program, nagpapicture din kami sa emcee, sa bass band at sa soldier-like na mama.
Nakakatuwa! Panay ang tawanan namin. Kalayaan talaga!
Past 9:30 natapos ang program. Ang bilis lang. Matagal pa ang paghihintay.
Bago kami umuwi, nagtingin-tingin din kami ng lapt0p at cellphone. Nagustuhan ng dalawa ang Sony Xperia C2. Makikigamit sila ng credit card ko. Kaya lang, kailangan ko pang ipa-replace kasi ginunting ko sa pag-aakalang pareho iyon ng gold card na pinadala nila sa akin.
Naidlip ako pagkakain ko. Nangungulit sana si Paz kaya lang sabi ko antok na antok ako, kaya wala siyang nagawa. Isa pa, pinatay ko ang cellphone ko. Ayaw ko rin kasi na dumating agad si Eking. Nag-text siya kaninang alas-siyete. Andito na raw siya sa Manila. Kaso, nasa MOA ako. Nag-stay muna siya kay Kuya Jape.
Paggising ko, nag-text naman kami ni Paz. Maya-maya, binigo niya ako. Di daw siya in-love sa akin. Sinungaling! Pakipot lang. Bahala nga siya. Huwag siyang maghahabol sa akin pag di ko na siya i-text. Ramdam ko naman kasi na mahal niya ako, ayaw pang sabihin.
Alas-sais, dumating na si Eking. Damit lang ang dala niya. Binigay agad ang budget namin.
Hunyo 13, 2014
Nine-twenty ang pasukan namin dahil may meeting kami with the principal at 1PM. Maaga naman akong nakapasok kahit nagbanlaw pa ako ng mga binabad ko.
Nagpa-summative test lang ako sa advisory class ko tapos tinulungan ko si Mam Diana sa kanyang demo. Kinuhaan ko siya ng video gamit ang laptop ko. Ipapasa niya kasi sa masteral professor niya.
Bago iyon, naasar ako kay Warak o Eps. Nagpahiram ba naman ng camera. Inutusan pa ang pupil niya at trainees niya sa photojourn. Although, sa school naman ang camerang hinihiram niya ay wala siyang right para gamitin iyon. Una, ayaw ni Mam De Paz. Inis sa kanya. Kaya nga ako ang madalas na may hawak nun. Pangalawa, dapat siyang mag-provide ng personal niya dahil trainer siya.
Sa sobrang inis ko, prinangka ko siya. Sabi ko, dapat may sarili siya dahil trainer siya. Meron naman daw ang pupils niya. Kanya daw. Kaya nga... Wala lang siyang pambili. HIndi ko naman inaangkin yung camera. Sadya lang talagang mainit ang dugo ko sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sa mga pupils ko dati.
Nang bumaba ako, andun siya sa principal. Nanghihiram nga. Sabi tuloy ni Mam, i-surrender ko ang camera pag di gagamitin. Nainis ako. Kanya na! May tablet naman ako. Buwisit! Epal talaga..
Mabuti na lang masaya pa rin ako habang nagme-meeting kami. Tawa kami ng tawa nina Mam Diana at Sir Erwin. Di kami nakinig masyado. Mas enjoy kaming magtawanan.
Pagkatapos, pumunta kami sa RCBC para i-report ang credit card kong nasira. Kaso, sarado na. Nalungkot sila kasi di pa sila makakakuha ng Xperia.
Umuwi na kami..
Gabi, habang nagwa-Wattpad ako, nakilala ko si Gelay. Siya ang nakipag-chat sa akin. Thirteen lang siya. Panay ang tanong tungkol sa akin. Hanggang dumating sa point na matawag ko siyang Wattpad pamangkin. Ang mas magandang nangyari ay nang makaisip ako ng idea. Gagawin kong story ang Wattpad Pamangkin. Ang pinakamaganda naman ay nasimulan ko kaagad. Nakasulat ako ng isang kabanata.
Salamat sa Wattpad. It inspires me more...
Hunyo 14, 2014
Maghapon akong nag-Wattpad. Ka-chat ko kasi si Gelay, ang aking Wattpad pamangkin. Natapos ko rin ang siyam na kabanata buong araw. Unti-unti niya rin akong nakilala.
Nakakatuwa naman ang isa kong pupil na Grade Six na ngayon. Panay ang mensahe at comment sa picture ko. Na-inspired ko daw. Ako daw ang the best teacher para sa kanya. Huwag ko daw siyang kakalimutan. Panay ang I miss you at I love you. Nakakataba ng puso. Marami na nga pala akong na-inspired. Nag-promise din siya na mag-aaral mabuti at susundin ang mga bilin ko.
Masaya din ako ngayon dahil 1000 plus na ang nakabasa ng Red Diary ko.
Hunyo 15, 2014
Maaga pa lang ay nag-Wattpad na ako. Inspired akong mag-update ng stories ko, lalo na ang Red Diary kasi patuloy na tumataas ang bilang ng readers ko. Kahapon ay 1000 plus na. Ngayon araw ay umabot na ng 1200 plus. Nakakatuwa. Nakikita ko nang maghi-hit ang story na ito. I hope matupad ang pangarap ko.
Nakausap ko uli ang Wattpad pamangkin ko na si Gelay. Kaya lang, kailangan naming tumigil sa pag-chat dahil nagpasama sa akin si Eking sa Robinson's para bumili ng sapatos. Nakabalik naman kami bandang alas-dos y medya pero umidlip ako kaya di ko kaagad na-update ang My Wattpad Pamangkin.
Maraming nag-like sa tula kong "Tatay, Ama, Papa, Daddy". Marami ding bumati.
Si Zillion naman ay pinatawag ni Emily sa akin para batiin ako. Medyo, nabulol lang sa Happy Fathers' Day, pero perfect naman ang I love you niya. Sabi pa niya, gusto pa rin daw niyang pumunta sa Manila Zoo. Natuwa ako. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang zoo.
Hunyo 16, 2014
Maaga akong pumasok para mag-lesson plan. Nakapag-update na rin ako ng story ko sa Wattpad. Tapos, nakapag-selfie pa kami ng dalawa kong pupils. Pangako ko kasi iyon kay Alyssa kahapon. Tinupad ko lang. Na-miss nila ako kaya nagsalihan na rin ang iba nang uwian na sila.
Nag-Filipino muna ako sa Section 1 dahil gusto na nila marinig ang kuwento ni Lola Kalakal. Binilisan ko ang lesson namin kaya nakapagbasa ako ng dalawang chapter. Natuwa sila. Akala nila ay tunay na pangyayari.
Inspired na sana ako, kaya lang nasira ang araw ko dahil sa mga sumbong sa akin ng Grade VI-2 na pupils ko last year. Madalas daw silang sabihan ng bobo ni Warak at magtatanong kung sino ang teacher nila nung Grade V sa Math. Doble ang kasalanan niya. Una, bullying sa mga bata. Pangalawa, pagku-question sa kakayahan ko.
Ang yabang niya! Ayaw naman sa kanya ng mga pupils namin. Kung alam lang niya kung ano ang sinsabi sa kanya ng mga bata. Una, pangit siya. Pangit pa ang ugali. Ano na lang siya?
Sinumbong ko siya sa mga kaguro ko sa Grade 5 at kay Mam De paz. Nagkuwento rin si Tita ng kapangitan at kayabangan ng taong tinutukoy ko.
Grabe! Nanginginig ako sa galit! Mabuti wala si Mam Deliarte kasi gusto ko na siyang ireklamo. Plinano ko ring kausapin siya at iharap sa Grade Six bukas para isa-isahin ang mga batang inalimura niya. Kaya lang, pinayuhan ako ni Sir Erwin na magpakumbaba dahil ang taong ganun ay hindi worth it.
Nai-release ko na rin ang galit ko by relating it to my co-teachers.
Na-i-relate ko na rin ang pangyayri sa Section 1 upang mag-aral si sa Math. Sa gayong paraan, hindi sila sasabihan ng bobo ng kanilang guro pagdating sa Grade 6 at hindi na rin itatanong sa kanila kung sino ang guro nila ng Math V.
Sa Section 5, hindi ako nakapagturo ng lesson ko dahil magulo sila at maingay kaya nagsermon at nag-inspire uli ako. Gaya ng dati, ikinuwento ko sa kanila ang ilan sa bahagi ng buhay ko. Nabagbag ko ang karamihan kaya umaasa akong bukas ay matututo na sila.
Nagkuwentuhan naman kami nina Aila, Marijo. Caren at Jens bago mag-uwian. Natagalan tuloy akong nakauwi. Pero, okay lang dahil nalaman ko ang tungkol sa mga kasamaan ng Math teacher nila. Naibahagi ko din sa kanila ang mga hinaing ko at mga kakayahaan kong gantihan siya pero di ko naman itutuloy. Sabi ko, pag di na nila kaya ang masamang salita, ireklamo na nila.
Hunyo 17, 2014
Ako ang dumalo sa West District Math Coordinators' Meeting sa JRES kaninang 9 AM, instead na si Mam Julie. Ako kasi ang in-assigned niya as her assistant. Mabuti naman dahil naka-meet ako ng ibang teachers. Nai-share ko tuloy sa kanila ang bitterness ko sa Math. Nalaman nila ang pinagdaanan ko kahapon at noong si Sir Soocao pa ang principal. Naunawan nila ako kaya ayaw ko na ng Math.
Nang natapos ang meeting namin, dumaan ako sa RCBC Bank. Nagbayad ako ng bill ko at gusto ko sanang ipa-close ang credit card ko na ginupit ko na. Naengganyo ako ng call center agent na huwag ng ipa-close dahil marami daw akong priveleges dahil good payer ko. Kaya, nagpa-replace na lang ako ng card.
Hindi kami nagpalitan. Hindi ako nagturo. Gumawa ako ng minutes of the meeting at list of Math Teachers. Umikot din ako sa kanila para papiramhan ang minutes. Importanteng malaman nila na may Survey Test para sa Math Teachers.
Nalaman ko sa pupil ko na nalaman na ni Warak na nagsumbong sa akin ang mga bata. Mabuti naman aware na siya. Kung hindi, nanganganib ang permanency niya.
Hunyo 18, 2014
Maaga uli akong pumasok para magawa ko ang mga dapat kong tapusin at simulan. Nakapagpapirma ako ng minutes of the meeting. Tapos, nakapagsimula ako ng Form 1.
Inspired akong magturo sa Math. Fraction na kami. Alam ko, maraming natutunan ang dalawang section dahil matatatas ang nakuha nila sa quiz.
Nakausap ko uli ang ilan sa mga pupils ko na nagsumbong sa akin. Natatakot daw sila. Nagalit uli ako dahil tianatakot sila ng Warak na yun! Kaya sabi ko sa kanila, huwag silang matakot dahil, walang matatanggal sa kanila. Si Warak ang matatanggal dahil di pa siya permament sa school.
After class, dumating na ang credit card na pina-replace ko. Ang bilis! Kahapon lang ako tumawag, meron na agad response..
Since, narinig nina Sir Erwin at Mam Diana, dumiretso na kami sa MOA para kumuha ng Experia C. Antagal namin doon. Wala ng stock. Tapos, natagalan uli dahil, hindi pala pwedeng 24 months. As a result, ako lang ang nakakuha ng Experia M2. Di sila kumuha, kasi kulang na ang credit balance. Pangalawa, mahal ang monthly.
Masaya ako dahil medyo advanced na ang cellphone ko, pero malungkot ako dahil naging padalus-dalos na naman ako. Baka kulangin ang budget ko..
Eight-thirty na ako nakauwi. Na-disappoint ako sa cellphone ko dahil, di ko naman pala magagamit ang broadband sim ko. Akala ko pwede akong mag-internet doon. Di bale na, maganda naman ang camera.
Hunyo 19, 2014
Medyo tinanghali ako ng pasok dahil nagsulat pa ako ng lesson plan pagkagising ko. Nag-update ako ng Wattpad story ko. Pero, hindi naman ako na-late.
Umaga, kakuwentuhan ko ang ilang pupils ko dati na sina Patricia at Coleen. Nagsumbong sila ng mga hinaing nila kay Warak. Grabe! Hindi pa rin tumitigil ang lalaking iyon. Nakakapuno. Pag ako napuno na ng husto, gagawa na ako ng hakbang para i-reklamo siya. Gugustuhin ko na siyang maparusahan sa kasamaan ng ugali niya.
Hindi na kami nagpalitan pagkatapos ng recess dahil nag-meeting sina Sir Erwin at Mam Rodel. Nagturo ako ng Four Fundamental Operations. Sinabi ko na pagbutihin nila ang Math dahil ito ay forever at everywhere. Binigyan ko din sila ng idea tungkol sa nangyayari sa Grade 6 ngayon.
Unti-unti ko nang nadidiskubre ang features ng Xperia ko. Grabe ang camera nito, kuhang-kuha pati pores ng mukha ko. Nakakatakot tuloy mag-selfie..
Hunyo 20, 2014
Pumasok uli ako ng maaga. Nag-type at nag-print muna ako ng lathalain ni Jens saka ako nga-record ng mga quizzes ng pupils ko. Tapos, inabangan ko na ang pagdating ng mga parents ko. Nagpatawag kasi ng meeeting ang HPTA President.
Konti lang ang dumating. Wala pang sampu. Abala lang sa akin. Pero, ang maganda, nakabili na kami ng Standard orbit fan. Si Mang Bernie na ang nag-pledged na magkakabit dahil siya naman ang agent.
Sa Section ko at Section 1 lang ako nagturo. Wala kasi si sir Erwin at Sir Rey. Ala-una naman dumating ang huli. Okey naman ang araw ko. Nagkapag-gardening pa ako. Gusto ko sanang magbasa ng kuwento sa advisroy class ko kaya lang may halong pupils, mga galing kay Sir Rey. Mga pasaway masyado kaya ayoko.
Nainis din si Mam Diana kay Warak dahil sinabi ang dati niyang pupils na si Anvy na nagsipsip lang daw kaya nakapasa. Nagsumbong naman ang una na tumanghod daw sa mga pupils na pinagpoposter niya. Nainis din daw si Sir Joel G.
Marami na ang naiinis sa kanya. Hindi lang ako. Epal kasi siya. Nananakit. Pisikal at emosyonal. Kakaibang nilalang. Bitter ang childhood.
Hunyo 21, 2014
Kahit Sabado, maaga pa rin akong nagising. Kakainis nga e. Di man lang ako makatulog ng mahaba-haba. Pero, okay lang dahil pagkatapos kung maglaba, puro na ako Wattpad at blog. Nakapag-update ako ng mga stories ko. Nakapag-encode din ako ng mga literary pieces at marami pang iba.
Umidlip din naman ako pagkapananghali.
Patuloy pa rin sa pagdami ang readers ng stories ko na "My Wattpad Pamangkin" at "Red Diary". Ang huli ay umabaot na sa 1600+ reads ngayong araw. Soon, makakadalawang libo na ako.
Hunyo 22, 2014
Nag-internet lang ako, halos maghapon. Umidlip lang pagkakain ng lunch. Ayaw naman kasi ni Epr na umalis kami. Niyaya ko siya nung Friday na pumunta sa Ilocos, sa Mommy niya. Ayaw naman niya. Hindi ko siya maintindihan.
Hindi ko rin siya maiwan dito sa boarding house. Pwedeng-pwede sana akong pumunta sa Antipolo at dumalaw kay Mama.
Okay na rin iyon. Andun pa naman si Taiwan. Hindi ako masyadong nag-aalala. Wala pa rin kasi akong sahod. Kukulangin ako pag bumiyahe ako ng bumiyahe. Kailangan ko ngayong magtipid dahil P3000 plus ang monthly bills ko sa RCBC dahil sa laptop at cellphone. Mayroon pa akong Smart bill.
Sana lang bumalik na sa dati ang Cost of Living Allowance namin.
Sa sobrang pagtitipid, dalawang beses kaming nakabili ng ulam. Bumili na pala si Epr, tapos bumili pa ako. Mabuti na lang di panisin ang nabili ko. Pwede pang maalmusalan bukas. Mabuti na rin lang na nagpadala sina Papay Benson ng bigas kay Kuya Jape. Makakabawas sa gastusin namin.
Hunyo 23, 2014
Medyo maaga akong nakarating sa school kaya nakapag-print pa ako ng Math riddles na ginamit ko as motivation sa advisory class ko. Naisulat ko rin ang Chapter 31 ng My Wattpad Pamangkin. Naiyak ako ng konti dahil dito malapit nang maka-i-publish ang unang story ni Gelay. Grabe, na-carried away ako sa fiction ko.
Nag-text si Emily. Humihingi ng padala. Pambili daw ng PE uniform at books. Tapos, humihingi rin ng panghanda ni Ion. Pero, hindi ko bibigyan ng malaki. Sabi ko, isanlibo lang ang kaya ko. Mabuti hindi siya nagalit. Away na naman siguro kami.
Hindi kami nagpalitan. Sinimulan ko kasi ang paggawa ng booth sa Nutrition Month. Gusto kong manalo kami kaya inagahan ko ang paggawa.
May hitsura na ang booth namin na gawa sa tatlong chart stands na siya ring ginamit namin noong turn-over ceremony ng covered court para sa exhibit.
Magpapadala na sana ako through Palawan Pera Padala express, kaya lang cut-off na. Past 5:30 na kasi ako nakarating. Bukas na lang daw sabi ni Emily. Sana di ko makalimutan bukas ng umaga..
Hunyo 24, 2014
Nag-encode ako ng LRN ng mga pupils ko. Hindi pa nga lang natapos. I also need to get their parents' names para matapos ko na ang Form 5.
Absent si Mam Rodel. Nagpa-laboratory daw siya. Nakipagpalitan ako ng klase kahit dalawa silang absent. Hindi nga lang ako masyadong nakagawa sa bulletin boards. Pero, nakapag-story-telling ako sa Sections 1 and 3 as springboard ko sa "Uri ng Pangngalan''.
Nagbasa din ako ng dalawang chapters ng Idolo sa advisory class. Gusto sana nila na mag-magic ako pero nang marinig nila ang kuwento, nakinig na sila. Nagustuhan nga nila. Akala nila ay totoong nangyari sa akin. Ikaw yun, Sir! sabi nila. Hindi nga ako, sabi ko naman. Bukas daw uli.
Nakauwi ako ng maaga kahit dumaan ako sa Robinson's para bumili sana ng casing ng new cellphone ko. Kaya, nakapag-encode ako ng marami-rami. Kaya lang, nakipag-chat ako sa pamangkin ni Divina Robelas, na si Maniline. May proposal daw siya sa Climate Change Literacy Program. Interested din ako kaya nagbigay ako ng chance na tulungan siyang makapasok sa school ko. Sana makarating siya soon..
Hunyo 25, 2014
Pagdating ko sa school, nag-record ako ng quizzes at assignments ng pupils ko. Hinarap ko din ang Nutrition Month Bulletin Boards namin. Kulang ang oras. Pero okay na. Marami-rami na rin ang nagawa ko.
Nagturo ako maghapon. Halos walang pahinga. Nagbasa ako ng "Idolo" Chapter 2 sa Section 3 as spring board ng lesson ko. Sa Section 1 naman ay di ko nagawa dahil lack of time na. Humihirit naman ang advisory class ko ng Part 3 ng "Idolo". Di ko naman napagbigyan dahil okupado ako sa pagtuturo sa ibang section.
May nagkuwento naman ng mga kabalbalan at kasamaan ng ugali ni Warak. Tatlong Grade 6 pupils ang lumapit sa akin para ikuwento iyon. Nakakagigil talaga ang ugali!
Ang hirap i-handle ang Section 5. Pasaway na sila pagdating sa period ko. Last period na kami kaya disturbed na sila. Ayaw ng makinig at gumawa. Pero, hindi ako susuko. Gusto ko silang matuto.
Hunyo 26, 2014
Paggising ko bandang ko, bandang alas-sais, masama ang pakiramdam ko. Masakit ang likod ko. Pero, bumangon ako para magbanlaw. Habang nagbabanlaw, nag-iisip na ako kung papasok o hindi. Napagdesisyunan kong umabsent pagkatpos kong magsampay.
Nagka-runny nose ako. Kaya pala masama ang pakiramdam ko. Naisip ko ang Math Survey Test namin bukas. Hindi ako pwedeng matuluyan. Tinamad lang naman ako kanina pero kaya ko pa naman sanang pumasok. Pero, kapag matuloy ito sa trangkaso, hindi ako makakapag-test.
Despite sa nararamdaman ko, nakapag-update pa rin ako ng mga stories ko sa Wattpad at nakapag-encode. Marami-rami rin akong nagawa sa loob ng maghapon. Worth it naman ang pagliban ko sa school.
Hunyo 27, 2014
Five-thirty, bumangon na ako para maghanda sa pagpunta sa PZES for the Math Survey Test. Masama pa rin ang pakiramdam ko. Naisip ko ngang huwag pumunta pero hindi ko ginawa. Baka pagalitan ako. Ako pa man din ang Assistant Math Coordinator ng GES habang nasa leave si Mam Julie.
Maaga akong nakarating sa Zamora. Sabi 8AM ang simula. E, 8:30 na nakapagsimula. Filipino time talaga.
Medyo mahirap ang test. Pero, parang familiar. Iyon din yata ang exam namin years ago. Kaya naman, hopeful ako na makakakuha ako ng mas mataas na score doon.
Ten o'clock na natapos. Nakijoin ako sa Grade 2 teachers sa pag-lunch sa Chowking. Lunch muna bago, pasok sa school.
Pagdating ko naman sa school. Tuwang-tuwa ang mga pupils kong kokonti. Nag-uwian daw. Mas mabuti nga dahil wala ako sa mood sa pagsaway at pagturo. Nahihirapan akong huminga dahil sa plema na madikit pa sa dibdib ko.
Instead, gumawa ako sa bulletin boards namin ng Nutritin Month. Halos, matapos ko na. At bago, mag-uwian. Nakipagkuwentuhan naman ako kina Sir Erwin at Mam Diana. Dumating din ang memo na nagsasabing may meeting bukas ang mga school paper advisers. Natuwa ako, pero nainis ako sa mga hinihingi. Ura-urada. Work plan daw sa journalism at kung anu-ano pa.
Pero, pag-uwi ko, ginawa ko agad ang mga hinahanap nila. Ayos na. print na lang bukas. Dadaan ako sa school bukas. Mag-e-encode din ako sa Form 5 ko at LIS namin.
Hunyo 28, 2014
Pasado alas-nuwebe, nasa school na ako. Gumawa ako sa Learners Information System. Mabagal ang net kaya di ko natapos. Nang ginawa ko naman ang Form 5 ko, di ko rin natapos. Andaming walang birth certificates. Nag-print din ako ng mga work plans na isa-submit sa meeting. Muntik pa akong ma-late sa meeting..
Meeting. May categories na nadagdag sa journalism. Collaborative Writing at Science Reporting. Interesado ako sa una, kahit sa pangalawa. Pero, plano kong ibigay kay Mam Diana ang Science Reporting. Magseseminar kami sa July 9 to 11.
Natapos ang meeting ng bandang 4:00. Dumiretso na ako sa Antipolo. Pasado alas-sais naman ako nakarating. Wala si Mama. Si Taiwan lang ang naabutan ko. Sa taas daw, sabi niya. Wala naman. Dumalo pala sa birthday party. Kasama niya ang mag-anak ni Jano.
Ibebenta na ni Jano ang L300 namin. Nahihirapan na raw siya sa paghulog. Pero, ibibili uli niya ng second hand. Pumayag naman ako.
Nakipagkuwentuhan ako sandali kay Mama. Kahit paano ay na-update ko siya at nabigyan niya ako ng mga nangyari nang wala ako.
Hunyo 29, 2014
Pasado alas-siyete y medya, umalis na ako sa Bautista. Nag-worry ako sa alaga ko. Baka hindi pa nag-almusal. Di rin kasi nag-aalmusal si Epr bago umalis. Pagdating ko naman, alas-nuwebe na, nag-almusal na raw siya.
Nag-update ako sa Wattpad ko. Natutuwa ako dahil malapit na naman mag-3000 reads ang 'Red Diary' ko. Ang 'Pagsubok' naman ay may humihingi ng next chapter, kaya sinisimulan ko na ang Chapter 10. Tinuloy ko rin ang Chapter 9 ng Dumb Found para naman sa RED_PEN blog ko.
Umalis si Eking kaya nasolo ko ang bahay. Gabi naman dumating si Epr, kaya nakapaglinis din ako ng konti at nakaidlip. Very productive na ang araw ko.
Hunyo 30, 2014
Pasado alas-nuwebe na ako nakarating sa school. Medyo, nabitin ako sa mga gawain ko. Pero, nakapag-enter kami ni Mam Diana sa LIS. Nakapag-print din ako ng Minutes of the Meeting na dinaluhan ko noong Sabado. Nakakuha ko din ang test questionnaire kay Mam Joan R. Medyo disappointed lang ako kay Karen dahil hindi niya talaga tinapos kagabi ang sa kanya. Nahiya tuloy ako kay Mam Vale.
Maghapong wala ang principal kaya di ko napapirmahan ang 'minutes'. Hindi ko rin tuloy na-disseminate ang info. Nasabihan ko lang si Sir Joel K. Sina Sir Erwin at Mam Diana ang kasama ko sa training ng collaborative writing at Science Reporting sa July 9-11. Nagtext naman si Mareng Lorie nang pauwi na ako na interesado siya dahil sinabihan siya ni Mam De Paz. Umuo na lang ako.
Nagturo ako maghapon, maliban sa last section. Nag-overtime kasi si Mam Rodel doon. Wala naman akong binasang kuwento ko dahil wala ng time. Alam ko, naghihintay ang mga pupils ko na ituloy ko ang pagbabasa.
Late na rin ako nakauwi sa boarding house dahil nagpasama si Sir Erwin sa HP na magpa-install ng Microsoft Office sa kanyang bagong laptop. Nangarag tuloy ako sa pag-encode ng stories, journal at summative tests ko. Nagbabad pa ako ng mga damit namin ni Eking. Okay lang, mabilis naman akong kumilos kaya kahit paano ay nagawa ko ang lahat bago ako antukin.
I just hope, hindi ako magkasakit dahil sa sobrang pagod. Marahil ay tinulot ni Lord na hindi ako makapag-enroll sa masteral dahil ngayong buwan hanggang Oktubre ang mga buwang may pinakaabalang araw. Andaming contests, program at gawain. Di ko pa nga nahaharap ang KAMAFIL at GES Math Club ko. Hay! Kakayanin..
No comments:
Post a Comment