Followers
Sunday, May 25, 2014
Kung Ako'y Isang Pinuno
Kapag ako ay naging isang pinuno
Magiging mabuting tagasunod ako
Sapagkat ang lider ay alipin din
Nagpapakumbaba't masunurin
Hindi sa sulsol ng mga alipores
Na para lang sa kanilang interes
Kundi sa mabubuting suhestiyon
Ng mga nasa mababang posisyon
Dahil sila'y tunay na may malasakit
At di inisip ang gumawa ng raket.
Kung ako ay magiging isang lider
Mga ahas, bawal sa aking poder
Di ako mag-aalaga ng kadiring linta
Kapagdaka, ito'y magiging dambuhala
Magiging dugong, maging ulupong
Baka nahulog ako sa kanyang patibong.
Kaya, ako ay lubusang mag-iingat
Sa mga taong maaaring mangagat.
Kikilalanin ko ang bawat nagpapansin
Itataboy ang may masamang hangarin.
Sakaling, posisyon ko ang pinakamataas
Bababa ako, makikisama sa mga pantas
Hindi sa mga Hudas, na nangpapanggap
Pipiliin ang wagas, totoo kung lumingap
Sa katotohanan, di ako magbubulag-bulagan
Makikinig sa dalawang panig, at pag-iisipan
Titimbangin, pipiliin ang walang bahid dungis
Pupurihin ang mabuti, bibihisan ang marungis
Susuporta sa pasya ng nakakarami at mabuti
Ngunit, walang halagang bagay ay iwawaksi.
Ako man ang pinunong napili ng marami
Di ko aabusuhin, kaluluwa'y di ipagbibili
Sa kinang ng salapi't handog, di ipagpapalit
Mabuti pang maging alipin, kesa mangupit
Mabuhay ng simple at masaya ay okay na
Mga nasasakupan naman, sa'kn ay tiwala
Iyon ang mahalaga, higit sa kapangyarihan
Aanhin ang pwestong nagiging gatasan?
Kaya ako naging lider, upang maging sandigan
Di upang maging pader-- pader ng katiwalian.
Sana lang, hindi na ako maging isang pinuno
Kung ang gagawin ko lang, sa opisina'y umupo
Dapat ako'y lumilingap, solusyon ang hinahanap
Ideya ng iba, pinagyayaman at tinatanggap
Hindi nakapokus sa mga makasariling misyon
Kundi sa makabuluhang bisyon ng organisasyon.
Sana lang, ako'y di sumunod sa yapak ng iba
Na walang naidulot na ikakabuti ng madla
Kung ang isang pinuno ay inutil at gahaman
Maigi pa, siya'y bumaba sa pwesto, mag-resign.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment