Followers

Sunday, May 25, 2014

Basura


Basura mo na ang halaga ay singko. 
Basura mo, tambak na sa mga ilog ko.

Basurang itinapon mo kung saan-saan
Dulot ay mga sakuna't karamdaman.

Tapos, bakit nagrereklamo ka
Tuwing singit mo'y inaabot ng baha?

Pakaisipin mo nga, iyong mga ginawa
Ni hindi mo sininop, maliit na basura.

Tayo ngayo'y, sa baha ay nalulubog
Nawa'y ikaw ay mamulat at mauntog.

Hindi pa naman huli ang lahat
Linisin mo, sarili mong kalat.

Mag-segragate, mag-recycle kaya,
Upang ang bansa umangat ng kusa. .

Tumulong ka, huwag ng paawa
Kasalanan mo, kung bakit ka binaha.

Basurang itatapon mo kung saan-saan
Babalik sa'yo pati sa buong bayan.

Buti sana, kung apektado ay ikaw lang
Hindi, eh kundi buong nilalang.

Basura ay basura, tao ay tao.
Ika'y di basura, kya magpakatao.

Basura ay talagang basura na
Pero, ituring naman na isang kapwa.

Basura--na may puso at buhay
Maaaring maging iyong kaaway.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...