Followers

Sunday, May 25, 2014

Tao Po Kami

Tao naman po kami, DepEd 
Hindi bagay, hindi rin hayop 
Kami po'y nagtapos ng pag-aaral,
Para sa bata'y magturo at gumabay
Di po pambubully, aming iniintindi.

Bakit sinama mo pa kami
Sa Anti-Bullying Law?
Ibig sabihin ba nito
Ka-level nami'y mga mag-aaral?

Kaypait naman ng buhay namin
Nagpapakabuti kami, ngunit minamasama pa
Kayo kaya ang lumagay sa puwesto namin
Kayo kaya ang magturo habang nagsasaway.

Pag-isipan naman sana ninyo
Ang bawat programa at batas na ipatutupad
Isama naman ninyo ang mga guro
Sa inyong mga prayoridad..

Tao rin po kami, gaya ng prinoprotektahan ninyo
Kabutihan nila, pinahahalagahan ng bawat guro
Higit namin silang kilala, mula ulo hanggang paa
Kaya huwag naman kayong mapanghusga
Kung kami ay nakapanakit ng pasaway na bata.

Tao po kami, may puso at may kaluluwa
Mam-bully ng mag-aaral ay di naman magagawa
Hindi iyan pangako, kundi naging kultura na
Dahil ang bawat guro ay may pusong ina o ama.
Kami ay nahahapo rin, gaya ng magulang nila.

Anti-Bullying Law laban sa amin
Hindi na kailangan, tanggalin na
Bagkus, bigyan kami ng dagdag na sahod
Upang edukasyon maging de-kalidad

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...