Followers

Sunday, May 25, 2014

Panalangin Para sa mga Pilipino


O, Ama naming mahabagin
Purihin ang pangalan mo,
Pananampalataya namin
Di titinag kahit anong bagyo
Salamat sa tibay at lakas
Biyayang kaloob mo sa amin
Di kailanman magwawakas
Kami ngayo'y iyong dinggin.

Si Yolanda ay mapaminsala
Mga nilalang mo'y nagdurusa
Tulungan Mo kami, maawa ka
O, Panginoon kami ay ibangon,
Sa pagkalugmok, sa pagkabaon
Bigyan Mo po kami ng pag-asa
Masilip ang mga ulap at langit
Sugat sa puso, paghilumin
Upang ganda nitong mundo
Muli naming makita't mahipo.

Wala kaming makakapitan, Ama,
Ikaw lamang, wala ng iba pa
Hindi ang aming sarili o kapwa
Ikaw, O, Hesus, ikaw lamang
Salamat pong muli sa Inyo
Sa pagdinig sa mga hiling na ito.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak
At ng Espiritu Santo, Amen!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...