Kayrami nating diyalekto. Kayrami na ring naging pinuno. Ngunit, matatag na nga ba ang ating bansa?
Masakit sabihing hindi. Pero, hindi ako papayag na talagang hindi. Kaya, ipagsisigawan ko, "Matatag na ang ating bansa!" Ipagmamalaki kong bigkasin.."Ang Republika ng Pilipinas ay isa nang matibay at matatag na bansa!"
Pilipino ka! Dapat ganun ka rin. Dapat ipagbunyi mo na ang bansa natin ay matatag dahil gumagamit tayo ng maraming wika. Isa na dito ang ating Pambansang Wika, ang Wikang Filipino.
Pilipino ka! Dapat naniniwala kang sa pagkaakroon ng maraming wika ay may kaunlaran.
Hindi ka na magtatanong kung bakit.
Una, nagsulputan ang mga call centers sa Pilipinas. May kaunlaran..
Pangalawa. Nakakapagtrabaho tayo sa iba't ibang bansa, sa Hapon, halimbawa. May kaunlaran...
Pangatlo. Nawiwili sa ating bansa ang mga turista. May kaunlaran...
\\
Pang-apat. Ikaw na ang magbigay-katuturan sa mga punto ko.
Kayrami nga ng ating diyalekto. Kayrami nga ng ating pinun. Lahat ng iyan ay balewala kung iisa lang ang ginagamit nating wika. Titibay ang bansa kung may iba't ibang wika.
Ingat ka lang, ha!? Baka wikang Filipino ay makalimutan mo na. Masama na iyon at hindi nararapat.
Ang ibig ko lang naman ay matatag na bansa--- may pagkakaisa ay may pagkakaunawaan, kahit maraming wika.
Hindi masama ang gumamit ng ibang wika. hindi naman kita pupulaan kung ang pagsasalita mo ay banyaga. Hindi naman ako luluha kung marami kang winiwika. Basta ba, isipin mo rin, kung paano magiging mas matatag ang ating bansa, dahil sa iyong gamit na wika.
Ngayon, pwede mo ba akong suportahan sa aking adhika? Pumalakpak nga ang sumusuporta o sumasangayon sa akin..
Salamat! Salamat sa mga tunay na Pilipino!
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment