STORYLINE
Dahil sa pagkaawa sa
asawa, anak at pamilya, mangangako si John na magpapagamit sa Diyos at
hihilinging makalakad na siya upang magampanan niyang muli ang kanyang mga
responsibilidad na napabayaan niya sa loob ng apat na taon.
Diringgin siya ng
Panginoon.
Bitbit ang mga salita ng Diyos at pag-asa, nagsimula siyang maghanap ng
trabaho. Sa unang gabing pag-uwi niya sa mapagmahal pa siyang aaluhin ni
Joanne, ang kanyang asawa, ngunit paglipas ng mga araw niyang pag-uwi na bigo
ay wala siyang maririnig na reaksiyon mula sa partner.
Ilang mga kaibigan ang makikita o makakatagpo
niyang muli sa loob ng matagal na panahon at mag-aalok ng mga masaganang
kabuhayan. Tatanggi siya. Maiisipan rin niyang pumasok sa mga bagay na
labag sa kalooban ng Diyos, ngunit pangungunahan siya ng takot.
Patuloy siyang aasa sa Panginoon at pangako niya.
Hindi niya makakalimutang pinagaling siya Niya. Ngunit, darating ang labis na
kahirapan sa buhay na kung saan, hindi na niya makakayanang tingnan na lamang
na nagugutom at nahihirapan ang asawa't anak.
Hahanapin niya ang mga kaibigang nag-alok sa kanya
ng mabilisang pasok ng pera, ngunit huli na ang lahat. Kaya, ibang mundo ang
papasukin niya.
Magkakamal siya ng pera dahil sa kasamaan, hanggang
sa malimutan niyang nangako siyang magpapagamit sa Panginoon.
Itatakwil siya ng ina at hihiwalayan siya ng asawa, kasama
ang limang taong gulang nilang anak nang tumanggi siyang tigilan ang kanyang
ginagawa.
Mag-iisa siya at mahihirapan.
Unti-unting mauubos o mawawala ang pinaghirapan niya.
Mapapabayaan niya ang sarili at magkakasakit, dahil sa labis na pangungulila.
Maaalala niyang muli ang Diyos pati ang pangako niya. Hihingi siya ng
tawad.
Pipilitin niyang bumangon sa kabila ng karamdaman at
hahayo siya upang gawin ang mga pangitaing ipinakita sa kanya ng Diyos bilang
kapalit ng kanyang pagkakasala.
CREDIT SEQUENCE. INT. MIDDLE-CLASS HOUSE. SALA. ALAS-9:00 NU
Tahimik ang kabahayan. Nagsusulsi si Joanne. Nagko-color
naman ang anak nilang si Marjorie, habang pinagmamasdan sila
ni John na nakaupo sa wheelchair. Hahagurin niya ang mga paang
nalumpo. Palihim siyang tatangis. At, lalayo sa mag-ina. Ipapakita ang malaki
at makapal na itim na Bibliya (may sukat na 13" x 15"), na nakapatong
sa pinasadyang pulpitong nakapuwesto sa side ng sofa.
SEQ. 1. INT. BAHAY NILA. DINING AREA. GABI
Sa kalagitnaan sila ng pagkain..
MARJORIE
Daddy, bakit po laging tinapa ang ulam natin?
(Titingnan lang ni John si Marjorie. He also will look helplessly to
Joanne.)
JOANNE
Nagsasawa na ba ang baby Marge ko?
MARJORIE
Hindi po. Masarap naman po s'ya.. Bakit nga po? Favorite n'yo po ito?
JOANNE
Anak.. mahal kasi ang presyo ng mga bilihin ngayon at sa sobrang mahal..
tinapa na lang ang kayang bilhin ng pera natin.. Hayaan mo pag nagkapera tayo
ng marami, mag-uulam tayo ng chicken joy. Di ba favorite mo yun?
MARJORIE
(There's a smile in her face) Opo! Favorite ko
ang chicken joy! Promise n'yo po, ha?
JOANNE
Promise.
(Marjorie will continue to eat while John and Joanne look at each
other.)
SEQ. 2. EXT. HARDIN. UMAGA
Sa labas ng gate nila, darating ang empleyado ng Meralco..
MERALCO MESSENGER
Joanne Saga po!
(Papaandarin ni John ang wheelchair niya palapit sa gate.)
JOHN
Salamat po!
Disconnection notice ang iniabot sa kanya, saying that the amount due is
P2,080.68. Hahawakan niya ang mga binti at pipiliting iunat. Masakit. He'll try
to stand 3 times. In his 4th attempt, he will fall. Marjorie and Joanne, who
are dressed to leave, are coming.
JOANNE
John! (shouts)
MARJORIE
Daddy! Daddy!
JOANNE
(She will put back John on his wheelchair.) Ano bang ginagawa mo
sa sarili mo, ha? H'wag mo ng piliting tumayo't maglakad. Pinahihirapan mo lang
ang sarili mo. (She's nearly crying.) Hayaan mo ng ako ang gumawa ng mga
responsibilidad mo.
MARJORIE
Mommy, di na ba makakalakad ang Daddy? (No reply from his crying
mother. So, she turns to her Dad.) Ang classmate ko po.. naglalaro
sila lagi ng Daddy niya.. Sana Daddy makalakad ka na para..play na rin tayo.
(Hahaplusin ni John ang buhok ng anak.)
JOANNE
Tayo na, Marge.
(Marjorie will bade goodbye to John.)
SEQ. 3. INT. SALA. SAME HOUR
When John enters the house, he sees directly towards the place where the
Biblia is. He is crying while he is hesitant if he will open the Bible or not.
After a few moment, he'll open it and leave it.
Ipapakita ang Lucas 5:24.
CUT TO:
SEQ. 4. INT. KUWARTO. SAME HOUR
John will dare to stand up again.
Makakatayo siya ngunit nakahawak sa wheelchair. Susubukan na naman
niyang humakbang, but in his second steps, he will fall to his chair.
Magpupumilit pa siya, until he will totally fall to the floor. Tatama
ang ulo niya sa isang matigas na bagay. He'll fall unconscious. FADE OUT.
SEQ. 5. INT. TAXI. NIGHT
Mula sa pagkakaidlip, FADE IN.
Nasa loob siya ng taxi, habang binabagtas naman ang kahabaan ng kalsada.
JOHN
Boss, may kasalubong kang motorsiklo. Babangga! Babangga!
The driver tries not to hit the coming motorcycle but the effect is the
collision to the Meralco post.
John shouts.
(Yayakapin ni John ang anak habang pumapatak ang luha niya.)
SEQ 6. INT. BAHAY NILA. KUWARTO. 12 NT
John shouts and he will be awakened from unconsciousness.
Gagapang siya patungo kung saan basta palayo sa wheelchair.
Joanne with Marjorie enters the room.
JOANNE
John!? Ano bang gusto mong gawin sa katawan mo? Hindi ka ba nasasaktan? (She
helps John to go to bed) Kelan mo ba matatanggap ang kalagayan mo? Ha?
Diyos ko naman..apat na taon ka ng nasa wheelchair.. di mo pa rin ba maalis ‘yang
pride mo? Please naman, hayaan mong ako ang magbalikat ng mga obligasyon mo.
Hindi ako nagreklamo ni minsan, ni naghanap ng luho na di mo kailanman maibibigay,
kasi I understand your situation. Narito ako para pagsilbihan ka, habambuhay.
Mas mahihirapan ang loob ko 'pag nagkakaganyan ka. (She turns away and goes
to the bathroom, crying.)
MARJORIE
(Lalapit sa ama at agad na hihilutin ang mga paa nito.) Daddy..makakalakad ka pa. Maglalaro tayo, di ba?
JOHN
Sana.. sana, anak. Maglalaro tayo kapag nangyari iyon..
MARJORIE
Gusto ko po, Hide and Seek, tapos tumbang preso, tapos luksong
tinik.. (Stops and thinks)...at..ah, basta! Maglalaro po tayo. Kaya
hihilutin ko mga paa mo para magaling ka na bukas..
SEQ. 7. INT. KUWARTO PA RIN. MADALING-ARAW NA
(Babangon ng dahan-dahan si John upang di magising ang asawa't anak.
Sasakay siya sa wheelchair.
(Titingnan muna niya si Joanne at pupuntahan si Marjorie para kumutan.)
(Lalabas siya ng kuwarto.)
CUT TO:
SEQ. 8. INT. SALA. SAME HOUR
(Nasa harapan si John ng pulpitong kinapapatungan ng Biblia. Nakabukas
pa rin ito at nasa chapter ng Lucas.)
(Mapapansin ni John ang LUCAS 5:24. Saka, mag-iisip ng sandali.)
JOHN (VO)
Banal na Diyos.. Salamat! Salamat sa mensaheng ito.
totoo nga palang kaybuti Mo dahil ika'y nagpalakad ng paralitikong tulad ko...
Panginoon, hirap na hirap na ako. (He starts crying.) ..Gusto
ko pong makalakad muli. Buhayin mo ang mga paa ko. Oh, Lord, nagsusumamo po
ako. Kung nagpabaya po ako sa pagtitiwala ko sa kapangyarihan Ninyo..ngayon
po'y pakumbaba akong lumalapit sa Inyo't humihingi ng kapatawaran.. Patawad po,
Diyos ko.. Diyos ko..
SEQ. 9. INT. KUWARTO. UMAGA
(Pagdilat ni John, si Marjorie ang makikita niya na nakangiti at tila kaysaya.)
MARJORIE
Good morning, Daddy!
JOHN
Good morning, baby! Ba't di ka pumasok?
(Joanne enters the room.)
JOANNE
Pinag-usapan na namin ito ni Marge kahapon..
MARJORIE
Opo, Daddy! Next year na lang po kasi..ala po tayong pera ngayon, eh.
JOANNE
Tutal five years old pa lang naman siya..kahit ako na muna ang magturo
sa kanya for the meantime.. Ano kaya kung mag-apply ako abroad?
JOHN
(Quickly look at Joanne) Ha? Di ba sabi mo
hindi ka nagrereklamo? Di na ba sapat ang kinikita mo bilang dealer ng kung
anu-ano at lalayo ka pa ng Pilipinas? Payag na akong pasanin mong lahat ang
Kalbaryo ko pero di ako payag na magtrabaho ka abroad. (Mahinahon pa
rin) Hindi ako nagreklamo ni minsan, hindi ako naghanap...
JOANNE
Pero, sana maintindihan mong lumalaki si Marge. Pahirap ng pahirap ang
buhay dito sa Pilipinas. Saka, maano ba namang malayo ako sa inyo for two of
three years. Ang katumbas naman nun ay kaginhawaan natin, di ba? Besides, ayaw
mo bang maipa-therapy kita?
MARJORIE
Daddy! Daddy! (Holding her Dad's hand) Sige na
po..payagan n'yo na po si Mommy.. Hindi po ako pasaway sa inyo. Hindi po ako
iiyak kahit wala si Mommy.. Sige na, Dad..
JOHN
Sige! Para sa'yo..pag-iisipan ko..
(Marjorie jumps and shouts for joy, so as Joanne. She smiles secretly.)
JOHN
Tulungan n'yo na ako..para makapag-breakfast na tayo..
(Joanne helps John to sit in his wheelchair while Marjorie holds tight
the wheelchair not to move..)
(John will discover that he can bear standing. He steps and steps
again..)
JOHN
Teka, teka.. (in his third attempt)... nakakalakad na
ako! Nakakalakad na ako! Thanks, God! I can now walk. Nakakalakad na ako, anak! (Embraces
Marge)
JOANNE
(Cries for joy) Oh, Diyos ko, salamat po!
JOHN
Nakakalakad na ako! (Turns to his wife and embraces her.)
MARJORIE
Salamat po, Papa Jesus.. pinalakad N'yong muli ang Daddy ko.
(They will group-embrace.)
SEQ. 10. INT. BANYO. TANGHALI
John is quietly and happily shaving his moustache and beards. Nakabihis
na rin siya. Magmumukha siyang 25 sa edad na 29.
SEQ. 11. INT. LIVING ROOM. AT THAT TIME
John enters the room and sees his mother, NINEVEH (50+
years old) and his sister, RINA, (27 years old). Naroon siyempre
ang kanyang mag-ina.
JOHN
Ma!.. Rina! (He will embrace his mother and sister.) Nakakalakad
na uli ako.. Dininig ng Diyos ang panalangin ko.
(His mother and sister can't say anything because their tears of joy are
falling.)
JOHN
Salamat, Ma! at binigyan mo ako ng Biblia noong last birthday ko.
Napakalaki po ng naitulong nito sa paggaling ko. Sana noon ko pa ito binuklat
at binasa..
NINEVEH
Hindi pa huli ang lahat, John.. Natutuwa ako't naniwala ka sa kapangyarihan
ng Diyos. Sabi ko nga sa'yo..manalig lang tayo sa Kanya at sa Kanyang mga
salita't pangako ay hindi tayo makakaramdam ng sakit at pagdurusa. Alam mo bang
napakabuti ng Panginoon? Tinutupad Niyang lahat ang mga pangako Niya.. Kung
naghihirap man tayo physically, mentally, emotionally o financially..dahil iyon
sa kapabayaan natin..
JOHN
Tama po kayo, Ma.. (Practices walking) Bagay po ba ang
lakad ko? O baka di na ako marunong maglakad?
(They all laugh.)
JOANNE
O, siya..siya.. tara na sa hapag. Kainan na!
SEQ. 12. EXT. HARAPAN NG BAHAY. 8 NU
(John is ready for job-seeking.)
JOHN
Alam n'yo ba kung gaano ako kasaya? Ang saya-saya ko! Sana makahanap
agad ako ng trabaho, para guminhawa ang pamumuhay natin. (Faces
Marjorie) At ang Baby Marge ko..papasok uli sa school..para lalong
maging bright.
MARJORIE
Yehey!
JOHN
Promise 'yan. At kay Mommy..promise ko, titigil na siya sa pagiging
dealer ng kung anu-ano..pabango..gamot..sapatos.. Giginhawa na tayo. Makakaipon
na ako para sa ka..ka..
JOANNE (VO)
(Sad) Kasal natin.
JOHN
I gotta go.. Bye, baby. (Kisses his daughter) I love
you!
MARJORIE
Bye-bye, Daddy! I love you!
JOANNE
(She comes near to her husband and buttons her husband's loose button of
polo shirt.) Goodluck! Kaya mo yan. Bye, I love you! (Kisses
her husband.)
SEQ. 13. CORPORATE BUILDING'S INFORMATION CORNER. 9:30 NU
JOHN
(He looks around before he comes to the information corner) Miss, can I talk to architect Glen Calamba?
RECEPTIONIST
I'm sorry, kari-retire n'ya lang, two-months ago.
JOHN
(Dismayed) Ganun ba?! Thank you! (Turns away)
JANITOR
(The 52-year old, with his mop and pail is coming and sees John.) John, kumusta Na? Nakakalakad ka na pala ulit!
JOHN
Oho! Musta na rin ho kayo?
JANITOR
Heto't malakas pa... Ayoko pa magretiro. Marami kasi akong apong
pinapagatas.
JOHN
Okey lang po 'yun. Ang mahalaga, malakas pa ang katawan ninyo.. Si
Architect Calamba ay kar--resign lang po pala.
JANITOR
A, oo! Nung nakaraang dalawang buwan lang. Ako na lang 'ata ang orihinal
na empleyado dito. Lahat bago na, eh..
JOHN
Kaya pala pati receptionist ay bago na rin.
JANITOR
Mag-aapply ka ba uli rito?
JOHN
Sana po..
JANITOR
Bakit naman sana pa? Pwedeng-pwede ka pa rin dito. Mahusay kang
inhinyero..alam ko.
JOHN
Salamat ho! Pero babalik na lang ako.
JANITOR
Babalik ka, ha?
JOHN
Oho! Sige ho! Ingatan n'yo po lagi ang sarili n'yo.
(The janitor will just smile and wave goodbye to
John.)
SEQ. 14A. EXT. MATIBAY BUILDERS. 10 NU
John, holding a broadsheet, looks around and makes
sure the address is right. He enters in the building.
CUT TO:
SEQ. 14B. EXT. MATIBAY BUILDERS. UMAGA PA RIN
John is sitting in front of an executive of the company for an
interview.
Nasa kalagitnaan na sila ng interview.
INTERVIEWER
Then, you do have almost two years work experience. Tell me about the
gap between your working days as engineer and your present day of application.
JOHN
Sir. I had an accident..car accident, where my feet were
devastated. Within four years, I was living in a world of hopelessness.. Sir, I
could offer you my dedication and hard work. Please consider my qualifications.
I don't want to stop working really, but I had to..that was the gap.
INTERVIEWER
According to your supporting documents, you have been a good engineer.
You did well.
JOHN
Thank you, Sir!
INTERVIEWER
But...
(John looks down in disappointment)
INTERVIEWER
...but your dedication and hard work are not enough to be a competent
engineer. We all want here a professional who has an expertise.. I don't say
you’re not an expert but you have to start all over again.. I'm sorry, Mr.
Saga.
JOHN
(Stands up and shakes hands with the interviewer) It's okay, Sir.. Thank you!
SEQ.15. EXT. GINAGAWANG BUILDING. 1:00 PM. SAME DAY
Walang atubiling papasok si John sa gate. He sees a man of 40 plus in
his hard hat..
JOHN
Good afternoon, Sir! Narito po ba ngayon ang contractor nitong building?
CONTRACTOR
I'm the contractor. Can I help you?
JOHN
(Smiles shyly) Nabasa ko po kasi sa tabloid na...
CONTRACTOR
Well..akin na ang bio-data o resume' mo.
(John hands down his bio-data. the contractor quickly reads it.)
CONTRACTOR
So..you are an engineering graduate with one year and eleven months work
experiences..
JOHN
Yes, Sir!
CONTRACTOR
Mr. Saga..I am looking for a mason.. I think, you're an overqualified
one to be hired.. I'm sorry.. (Hands back John's bio-data)
JOHN
It's okay. Thank you, Sir! (Turns away,
down-shouldered)
SEQ. 16. EXT. KALSADA NG SIYUDAD. SAME DAY.
Malungkot at bagsak-balikat na lalakad patungo kung saan si John. He
will still look around to search for Job Vacancy.
He will hear the voice of Marjorie, saying "Yeheey!" and
Joanne's voice saying "Goodluck! Kaya mo 'yan!"
Titigil ang isang modernong black car sa unahan ni John at susungaw ang
driver, na si RAUL , na nasa 29 din ang edad.
RAUL
John Saga! Sakay na.
JOHN
(Merry) Raul!?
RAUL
Hindi ka pa rin nagbabago. Laylay-balikat ka pa ring maglakad kapag...
Anong problema?
JOHN
(Still standing) A..e.. Nag-a-apply ako.
RAUL
Nag-a-apply? (Laughs a bit) Since,
high school, determinado ka na talaga.. Sakay na, baka makatulong ako..
They are in the middle of eating and conversation.
SEQ. 17. INT. FIRST-CLASS RESTAURANT. AROUND 5 PM.
They are in the middle of eating and conversation.
RAUL
Pa'no 'yan? Panibagong challenges na naman sa pag-a-apply.
JOHN
Oo nga eh! Ang hirap, Pare. Pero, di ako susuko.. Kung kailangang kong
magsimula sa mababa, okay lang.
RAUL
(Laughs soudly, but short) Hanga ako sa
detemination mo. But..do you think, kaya mong i-bear ang pagiging unfair ng
kalakalan ngayon sa mundo? Hindi na patas ngayon ang laban. So, kelangan mong
mandaya.
JOHN
Anong ibig mong sabihin?
RAUL
Simple lang! Like me, nagnenegosyo ako ng mga nakaw na sasakyan. (Looks
around and lower his voice) Buy and sell! Binibili ko sa mga
carjackers in low prices then after a bit of changing..pera na! See? Look at me
now! Aakalain mo bang isa lang akong mangongopya at mangongodigo noong high
school? Diskarte lang, Pare..para umasenso.
JOHN
No! Hindi ko 'yan magagawa..in Jesus' name, Raul..hindi!
RAUL
(Laughs again, but this time..sarcastic) Magkakandakuba ka pero di mo pa maaabot ang mga pangarap mo.. kapag
ganyan ang principle mo. Come on, John! Patibayan lang ng loob 'yan!
JOHN
We're two different people, Raul. Kailangan ko nang magpaalam. (Stands
up)
RAUL
(Stops John) Wait! (Magbubukas siya ng attache
case. Nakatayo pa rin si John at handang umalis. Ilalabas niya ang bundle ng
pera.) Take these money. Tulong ko sa'yo at sa mag-ina mo.
JOHN
Thank you.. pero I can't accept that money.
RAUL
Sige na! H'wag mo na lang isipin na galing ito sa masama.. Isipin mong
galing ito sa mabuti..kasi kusang-loob kong ibinibigay ito sa'yo.. (Takes
the hand of John and puts the money on his palm) Keep it and use it
when you need it.
JOHN
(Gives back the money to Raul) No! Salamat na
lang. Di ko talaga matatanggap 'to.
RAUL
(Kibit-balikat si Raul na ibabalik ang pera sa attache case.. At
ilalabas ang isang calling card.) O, sige.. call me na
lang pag kailangan mo ng tulong.
(John accepts the calling card. Raul pats his
shoulder.)
SEQ. 18. EXT. BUS STOP. 6:00 PM
Punuan ang bus kaya mahihirapan at matatagalan si John sa pag-aabang ng
masasakyan pauwi.
Sa isang dipa ang layo, isang 25-anyos na lalaki ang tingin ng tingin sa
kanya. Maya-maya, lalapit ito.
JAYSON
Wan?!
JOHN
Jayson! Kumusta? Sa'n ang punta mo?
JAYSON
Sa trabaho. Ikaw? Balita ko naaksidente ka raw.
JOHN
Oo! Pero, heto..nagsisimula uling maghanap ng trabaho.
JAYSON
Ha? Mahirap mag-apply ngayon.
JOHN
Mahirap talaga.. (Sad)
JAYSON
Ako nga, nagsisi ba't pa ako umalis dun sa probinsya natin..
JOHN
Oo nga! Ba't ka pa lumayo, e, hamak namang nakakaangat ang buhay n'yo
dun.
(May titigil na bus at haharang sa dalawa.)
(The bus moves forward.)
JAYSON
Rumaraket lang ako, gabi-gabi.
JOHN
Anong raket?
JAYSON
Gigolo ako, Wan. (Pabulong)
(John laughs.. Jayson looks at him from head to foot.)
JAYSON
Pwede ka dun!
JOHN
(Laughs again) Pambata lang yun. Twenty-nine na ako. Sa
tingin mo ba may papatol pa sa akin?
JAYSON
Oo naman! Sa tindig at tikas mo..baka talunin mo pa ang kita ko.. Malakas
ang kita dun, Wan. Mag-e-enjoy ka na, kumikita ka pa.
JOHN
Hindi na, Jayson.. Malaswa.
JAYSON
Anong malaswa? Hindi ka naman pasasayawin ng hubad kung ayaw mo. Na sa'yo
yun! Ang gagawin mo lang ay makipag-sex sa mga matrona at bading na mapepera.
JOHN
Yun nga, e! Imoral, para makipagniig ka sa hindi mo asawa..lalo naman sa
pareho mong lalaki. In Jesus' name.. Ayoko.
JAYSON
Fine! Wala akong magagawa. Iba tayo ng prinsipyo.
Pero, pag talagang gipit ka na, puntahan mo lang ako sa Nokturnal Gay Bar..sa
Quezon City.. Sakaling magbago ang isip mo..doon lang ako tumatambay,
gabi-gabi.. Anytime, Wan. (Pats the shoulder of John)
SEQ. 19. INT. LIVING ROOM. 7:00 PM
Marjorie and Joanne are sitting in a long sofa, closed together. They
are watching TV, when John enters in a frustrated aura.
The daughter comes to his father happily and hugs him.
John sits beside Joanne with Marjorie.
JOANNE
Hayaan mo.. Bukas, makalawa, baka matanggap ka na.. Kung muli kang
pinalakad ng Diyos, why not di na Niya tayo muling bigyan ng ikabubuhay..
Pasasaan ba't giginhawa tayo..
MARJORIE
Daddy..kain po tayo. Hinintay po talaga namin kayo ni Mommy..
JOHN
(Tries to be happy) Talaga? Anong ulam natin?
MARJORIE
Chicken po!
JOHN
Talaga? Halika na nga't nagugutom na rin ako..
SEQ. 20. INT. SALA PA RIN. 8:30 PM
John is lying down on the long sofa while massaging his legs. Joanne and
Marjorie are also there.
JOANNE
Sumasakit ba uli ang mga paa mo?
JOHN
Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwala na biniyayaan ulit ako ng
Panginoon ng isa pang pagkakataon na makalakad. I almost lost my hope.
JOANNE
Tama si Mama..talagang hindi nagpapabaya ang Diyos.
MARJORIE
Daddy! Daddy! Totoo po ang sabi ni Lola.. Mahal na mahal po tayo ni
Lord..
JOHN
Opo! Tulad ng pagmamahal ko sa'yo.. I love you, baby!
MARJORIE
I love you, too, ! I love you, Mommy!
JOANNE
I love you, too, Marge!
(Marjorie comes between her parents and embraces
them both.)
SEQ. 21. INT. SALA NG BAHAY NG INA NI JOHN. 2PM
Nineveh is reading the Bible, when John enters the room.
JOHN
Good afternoon, Ma! (Kisses her mother's cheek)
NINEVEH
Kumusta ang pag-a-apply mo?
(John couldn't answer his mother's question.. He sits in a sofa.)
NINIVEH
Ok lang 'yan, anak..'Wag kang titigil.. Mabait ang Diyos. Sabi nga Niya,
pakakainin Niya ang nagugutom, paiinumin naman ang nauuhaw.. Kumatok ka lang sa
pinto Niya't ika'y pagbubuksan. Prayer lang, John. Manalig ka sa mga nakasulat
dito. (Itataas ang hawak an Bible)
JOHN
Tama ka po, Ma! Pero, pa'no kung..pa'no kung matagalan bago ako
matanggap sa trabaho? Pa'no kung hindi na?
NINEVEH
'Wag mong sasabihin 'yan. Walang imposible!
JOHN
Ayoko pong dumating sa point na magreklamo na si Joanne at magsawa sa
pagtayo bilang ako.
NINEVEH
Hindi mangyayari 'yun. Mahal na mahal ka ni Joanne. Handa siyang
magtiis..
JOHN
Si Marjorie..di na siya nag-i-school.. Ma, ayoko ring pabayaan ang
pangangailangan niya.
NINEVEH
Sabi ko nga sa'yo..umasa kang makakapagsimula rin kayo tulad ng dati..
Basta't may faith ka at may gawa..
JOHN
Mayroon ako nun, Ma..pero kulang yata dahil heto't bigo pa rin.. Kung
kelan..kung kelan natanggap ko na si Joanne sa puso ko. Nakahanda na akong
pakasal sa kanya. Ngunit, pa'no nga kung wala akong trabaho?
NINIVEH
Iibahin ko ang usapan.. Nalalapit na ang
pamamanhikan ng kasintahan ni Rina.. Sa wakas, lalagay na rin siya sa tahimik.
SEQ. 22. INT. KUWARTO NINA JOHN. EVENING
Nagpapalit si John ng damit, nang papasok si Joanne.
JOANNE
Kain na! Naghain na ako.
JOHN
Galing ako kina Mama.. dun na rin ako kumain..
JOANNE
Ganun ba? Kumusta
JOHN
Wala pa ring suwerte..
JOANNE
Don't worry..may mga paa ka na ulit ngayon kaya hindi imposibleng
guminhawa tayo..
JOHN
Na-meet ko nga pala ang kaklase ko nung high school at ang kababata ko
sa probinsiya noong nakaraang araw.. Si Raul, businessman na ng mga carjacked
na sasakyan.. Si Jayson naman..gigolo.
JOANNE
Wala ka bang pastor na kilala? Puro yata imoral ang mga friends mo, ah..
JOHN
Nangangailangan din sila..kaya sila ganun.
JOANNE
Kahit pa! Maraming paraan para mabuhay.
JOHN
Binigyan ako ng calling card ni Raul..
JOANNE
Hay, naku, John! For God's sake, wag na wag!
JOHN
Ayaw mo bang umalpas tayo sa kahirapan?
JOANNE
Di bale na. Wag ka lang malugmok sa kasamaaan.. Matakot ka naman sa
Diyos. Ako ang payagan mong mag-abroad at sinisigurado ko sa'yong giginhawa
tayo.
(Hihiga na si John sa kama at magtatalukbong ng kumot.)
JOANNE
Manalangin ka muna bago ka matulog nang bigyan ka
ng magandang kaisipan.
SEQ. 23. EXT. HARDIN. HATING-GABI
Nakaupo si John sa isa sa mga garden set. Nakatingala siya sa langit na
punong-puno ng mga bituin. Maalala niya ang Lucas 5;24 at ang umagang nagpabago
sa buhay at anyo niya.
Yuyuko siya.
JOHN
Diyos ko! Salamat po! Napakabait Ninyo.. (Stops)
JOHN (VO)
Alam ko pong may plano Kayo para sa akin. Kung hindi man ako matanggap
sa tarabaho.. I know, higit pa dun ang ibibigay Mo.. Nagtitiwala po ako sa
pangako Ninyo.. Bigyan N’yo lang po ako ng lakas ng loob upang mapaglabanan ko
ang mga kabiguan. Lord God, gamitin mo tuloy ako para maipahayag sa mundo ang
mga salita Ninyo.. Ano mang calling N’yo ay nakahanda akong gampanan para sa
kaluwalhatian Niyo.. Salamat po, Panginoon. (He opens his eyes and
stands up.)
SEQ. 24. INT. KALSADA. MORNING
Nagsasangag si Joanne. Papasok si John na nakabihis panlakad.
Magbabatian sila ng “Good Morning!”
JOANNE
‘Yan ang dyaryo. Ibinili na kita. (Turns off the gas
stove) Teka, ipagtitimpla pala kita ng kape.
JOHN
(Maagap) No! Ako na. It’s time para ako naman ang
kumilos para sa inyo at para sa sarili ko.
JOANNE
Well.. Bahala ka! (Babalik uli sa pangsasangag)
John starts..but he notices that they have no coffee and sugar. They
also have no milk or coffemate. He checks the grocery cabinets, it is empty. He
checks Marjorie’s milk can..it is nearly empty. When he turns away to get a
cold water in the fridge, he sees the posted bills of Meralco, of Maynilad, of
PLDT and of Skycable..
JOHN
Joanne, alis na pala ako. Kelangan kong magmadali.. Bye!
JOANNE
Pero, di ka pa nag-aalmusal.. John, mag-almusal ka muna..
(John is already gone in the room.)
JOANNE
Hay, salamat, Diyos ko! Determinado si John.
SEQ. 25. INT. SALA. AT THAT TIME
Nagbabasa kunwari si Marjorie ng Biblia, na nasa pulpito.. Makikita nya
ang Daddy niya.
MARJORIE
Daddy!
JOHN
Aalis na ang Daddy.
MARJORIE
(Sad) Aalis na naman po kayo..
JOHN
Opo, Baby.. kasi maghahanap ng pera si Daddy. Anong gusto mong
pasalubong?
MARJORIE
Manggang hinog po..
JOHN
Wag ka ng malungkot, ha? Sige na..smile na ang baby. Ano ang gusto ni
Marge ko?
MARJORIE
Kasi po..gusto ko po sanang matutong magbasa po, e..
JOHN
(Looks at the Bible) Kaya pala nandun ka kanina.. O, sige..promise
ko, tuturuan kitang magbasa ng Bible..
MARJORIE
Kelan po?
JOHN
Kapag nakaraos na tayo, anak..kapag may pera na tayo..
MARJORIE
Bakit po? Kailangan po ba yun para matutong magbasa?
JOHN
(Smiles) Basta, promise! Bye-bye! (He kisses
Marjorie's cheek and leaves, but Marjorie is still standing there and unhappy.)
SEQ. 26. EXT. KALSADA NG SIYUDAD. RUSH HOUR.
Maglalakad si John sa kahabaan ng kalsada. Wala na sa ayos ang
long-sleeves polo niya. Laylay na rin ang mga balikat.
MONTAGE: Ipapakitang muli ang mga eksenag
nag-a-apply siya at binigo siya ng mga employer. Ipapakita rin ang mga eksenang
inaalok siya ng mga kaibigang may maling paraan ng paghahanap-buhay.
Makikita niya sa isang di kalakihang carinderian ang karatulang
"Wanted: Dishwasher". Hihinto siya at mag-iisip.
Maglalakad siyang muli..
SEQ. 27. INT. PAMPASAHERONG BUS. GABI.
John is sitting at the back of the bus..thinking of something.
Hindi niya napapansin ang patingin-tinging ale, na nasa
40 na ang edad. Maya-maya..
ALE
Excuse me.. alam ko malaki ang iyong suliranin.. (Ilalabas ang
isang Biblia) Sabi ng Bibilia, sa Juan 6:37: "Lalapit sa akin ang
lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit
sa akin." Ginoo, ilapit mo ang sarili mo sa Panginoon at ang lahat ng mga
bagabag mo ay magiging kasinggaan ng papel, hindi ka Niya bibiguin. (She
looks for her tracts and hands down one to John). Tanggapin mo ito..
Dumalaw ka sa church naming. Nariyan sa likod ang address.. Sige, Ginoo, ako'y
bababa na. (Stands up ang prepares herself.)
JOHN
Sige po, ingat po kayo.. (Starts to read
the tract)
SEQ. 28. EXT. KALSADA PATUNGONG BAHAY NI JOHN. NIGHT.
Sa may labas ng tindahan, may limang lalaking nag-iinuman. Sila ay sina
KA MANDO, na medyo panot at mataba: RICO, na may kulng ng isang ngipin ang
pang-itaas: BETONG, na maputla at payat: RUBEN, na maitim at may malaking nunal
sa panga: at ENTENG, na may itsura, pero tanga. Their ages are 45, 38, 36, 32
at 30. respectively.
Papalapit na si John sa umpukan.
RICO
Mga pre, si Juang Lumpo, parating na.. Yayain n'yong tumagay..
ENTENG
Ba't mo tinatawag na Juan Lumpo..eh..
RUBEN
(Babatukan sana si Enteng) Tanga ka talaga!
Siyempre kasi nalumpo siya sa loob ng apat na taon.. Nakalakad lang ulit.
ENTENG
Alam ko kaya.
RUBEN
Alam mo pala,e!
ENTENG
Ibig kong sabihin..dapat John Lumpo.. John, pangalan niya, eh!
KA MANDO
Sssh! Tumigil kayo..
(John is one step apart from them)
KA MANDO
Daan muna.. Tagay ka!
JOHN
Hindi na po..
BETONG
Sige na.. Matagal na panahon ka ring nakakulong sa bahay n'yo tapos
tatanggi ka pa sa grasya. Tagay na!
JOHN
Hindi po talaga.. Hindi po ako umiinom ng alak. Sensya na po..
KA MANDO
O, sige.. di ka namin pipiliting uminom..pero, umupo ka muna sandali at
samahan mo kami.
(Rico gives him a seat while others agrees or seconds the motion to Ka
Mando)
JOHN
Pero, di po ako magtatagal..
KA MANDO
Walang problema.
RICO
Mag-toast tayo, mga pare sa paggaling uli ng mga paa ni John! (Itataas
ang baso niya at magsusunuran ang lahat maliban kay Ka Mando.) Para sa
muling paglakad ni John.
RICO, BETONG, RUBEN & ENTENG
Para sa muling paglakad ni John (Toasts)
KA MANDO
(Not quite angry) Ano ba kayo? Hindi 'yan
ang dapat nating pag-usapan..
ENTENG
Ano kaya? (Thinks)
RUBEN
Wag ka na mag-isip.. wala ka nun!
BETONG
Mahirap bang maghanap ng trabaho?
JOHN
Sobrang hirap po.. Gusto ko na ngang sumuko.. Kaso, naisip ko ang
mag-ina ko.
RICO
Mabuti't nakakaraos kayo sa araw-araw..
JOHN
Nakakaraos naman po.. kaya lang talagang hirap na hirap. Minsan wala,
minsan meron. Magpapaalam na po ako.. (Stands up)
ENTENG
(Stops John) Do not going..we are..
RUBEN
(Spanks Enteng) Ingles-ingles ka pa.. Manahimik ka na alng.. Wag muna, John..para namang
di tayo magkapit-bahay nyan.. Upo ka muna.. Pwede kaming makatulong sa problema
mo.
RICO
Oo! Solve lahat ng problema mo 'pag kami ang kasama mo.
JOHN
(Don't know what to say) Hindi po kasi ako
umiinom ng alak, e..
RUBEN
Hindi 'yun ang ibig naming sabihin..
ENTENG
Pagtutulakin ka lang namin ng droga..
RUBEN
Pakialamero ka! Sapakin na kita, e! Hayaan nating si Ka Mando ang
magsalita..
JOHN
(Abruptly) Hindi na! Alam ko nagbibiro lang kayo.. Sige,
mga pare..
ENTENG
Sanda..
KA MANDO
Sige na..umuwi ka na.. pag-isipan mo..
(John nods and leaves.)
SEQ. 29. EXT. GATE NG BAHAY. GABI.
Madilim ang buong kabahayan nina John.
Pagtapat ni John sa gate, matitigilan siya sa maabutang dilim sa loob at
labas ng bahay.
He runs quickly inside the house.
CUT TO:
SEQ. 30. INT. LOOB NG BAHAY. SAME HOUR.
John enters the house.
JOANNE
(Sitting in a single sofa) Kumusta ang lakad
mo? May magandang balita ba?
JOHN
Ano 'to? Bakit..?
MARJORIE
(While she is watching the candle's tears) Daddy, pinutol po ng Meralco ang kuryente natin kanina.. Ang dilim-dilim
po pag walang kuryente.. hanggang kelan po tayo walang kuryente?
JOHN
Hayaan mo, Baby Marge..Bukas, may kuryente na tayo.
MARJORIE
Talaga po? May trabaho na po kayo?
JOHN
(Hindi makasasagot kaya lalapitan ang anak.) Pasensiya na, ha? kasi di agad nakapagtrabaho si Daddy. Pero, (Turns
to Joanne) ..sinisikap ko.. Sorry kung umabot tayo sa ganito..
JOANNE
Maghahain na ako.. Sumunod na kayong mag-ama..
Sa maliit na opisina sa loob ng unit, nagliligpit si Raul ng mga gamit niya. Papasok ang 38-anyos na katulong.
SEQ. 31. INT. MIDDLE-CLASS CONDO UNIT. UMAGA
Sa maliit na opisina sa loob ng unit, nagliligpit si Raul ng mga gamit niya. Papasok ang 38-anyos na katulong.
KATULONG
Sir Raul.. John daw po. Hinahanap kayo.
RAUL
Ah, si John..Papasukin mo.
KATULONG
Sa'n po? Dito o sa sala?
RAUL
Dito na lang.
(She turns away. Raul continues his activity.)
(John enters.)
RAUL
John! Tuloy ka. (Stops doing) Upo ka. Anong atin?
JOHN
(Settles himself in a seat) Hindi na ako
magpapaliguy-ligoy.. I'm here, para tanggapin ang inaalok mo sa akin..
RAUL
Yun ba?
JOHN
Oo! Tama ka.. Unfair ang mundo. Ang hirap..
RAUL
(Sits infront of John) Unfair ang mundo.. oo!
Pero, you will come to a point na mare-realize mo na..There is purpose for
everything. Kelangan mo lang unawain at tanggapin ito.
JOHN
Hindi kita maunawaan..
RAUL
(Smiles) Noong isang araw lang nagkita tayo.. Inalok
kitang subukan ang business ko.. Then, you declined.. At ngayon, narito
ka..asking me para subukan ito. How ironic?!
JOHN
So..you are trying to say that..?
RAUL
Oo! Parte ito ng tinatawag na change.. Lahat nagbabago.. Pasensiya na..
Kahapon lang, na-realize kong mali ang ginagawa ko.. Tama na ang pagpapakasama.
Naisip o..marami nga kong pera..pero, masaya ba ako? Hindi! Hindi ako naging
maligaya sa salapi't kayamanan ko.. Kulang pala ito para maging maligaya ang
buhay mo. Makamit ko man ang buong yaman sa mundo, kung sinusunog naman ang
kaluluwa ko sa impiyerno, aanhin ko pa ito? Hindi ba?
JOHN
(Sad) magbabagong-buhay ka na?
RAUL
(Nods) Hahanapin ko ang ama ko sa Amerika. Panahon
na para makilala ko siya.
JOHN
Napatawad mo na pala siya..
RAUL
Twenty-nine years akong nag-asam ng paternal love..at ngayong may pera
na ako upang hanapin siya..di ko na iyon pakakawalan pa..
JOHN
Tama ang desisyon mo.. You deserve to be happy. I have to go.
RAUL
(Shakes hands with John) I'm sorry..
SEQ. 32. INT. KUSINA. 11 AM.
Joanne is cooking..
John enters and goes towards the fridge. He open it and sees the
containers filled of water.
Joanne notices John's presence.
JOANNE
Andito ka na pala.. Nagugutom ka na ba? Sandali na lang ito..
JOHN
Wala pa rin.. Nag-apply ako as sales rep sa isang motor sales company,
pero ang sabi.. inappropriate daw ang profession ko.. Pinilit ko pa nga, e.
Sabi ko nga..kung sa sales talk lang..magaling ako dyan.
JOANNE
Sssh..Wag ka na maghanap ng trabaho.. Ako naman. Mahina na ang kita sa
pagde-dealer ng mga beauty products at food supplements. Magtra-trabaho ako,
here or abroad..
JOHN
Anog gusto mong palabasin? Na..
JOANNE
Ano ka ba? Hindi iyon ang iniisip ko..Gusto ko lang makatulong.
JOHN
Hindi! You'll stay here. Ako ang maghahanap-buhay, dahil ako ang
lalaki.. Responsibilidad ko ang buhayin kayo.. Kung gusto mong makatulong,
maraming paraan. Hindi sa paraang sinasabi mo.
JOANNE
Sige! (Sarcastic) I'll stay
here.. Titiisin ko ang makitang nagugutom si Marjorie...na walang gatas..na
walang vitamins..na walang lahat! Magtitiis kami hanggang makapagtrabaho
ka...hanggang dilat na nag mga mata natin.
JOHN
(Shouts) Hindi ko hahayaang mangyari yun!
JOANNE
Then, patunayan mo..
(John keps quiet, Joanne starts preparing the table.)
(Marjorie enters.)
MARJORIE
Mommy, gatas. Gusto ko po ng gatas..
(Joanne looks at John sharply..)
SEQ. 33. NOKTURNAL BAR. NIGHT
Tinantiya ni John ang paligid ng gay bar. Makikita niya ang
paglabas-masok ng mga parokyanong bading at matrona.
Maya-maya, lalapit siya sa chubby security guard.
JOHN
"Gandang gabi ho! Andyan ho ba si Jayson?
SIKYU
Jayson? Jayson Bobiro ba?
JOHN
Oho! Pwedeng makausap?
SIKYU
Pwede sana.. ang kaso wala na siya rito..
JOHN
Ho? Asan na ho sya?
SIKYU
(Sad) Kahapon, kinuha't dinala siya ng mga medical
people..
JOHN
Ho? Bakit ho?
SIKYU
HIV positive siya...bago raw makahawa.
JOHN
E, sa’ng ospital po siya dinala? Alam nyo ho ba?
SIKYU
Hindi ko alam.. Walang nakakaalam..
JOHN
Ganun po ba? Salamat ho! (Leaves sadly)
SEQ. 34. EXT. KALSADA PATUNGO SA BAHAY NI JOHN. GABI
Sa labas ng tindahan, nag-iinuman uli sina Ka Mando, Rico, Betong, Ruben
at Enteng.
John is coming.
KA MANDO
Dadaan si John..
(Magtitinginan ang apat na kaumpukan..)
KA MANDO
Walang magsasalita. Hayaan n’yo ako. Magandang gabi sa'yo, John!
JOHN
'Gandang gabi naman po!
KA MANDO
Daan ka muna.
(Enteng gives him a seat.)
JOHN
Mukhang gabi-gabi 'ata kayo masaya't nag-iinuman..
KA MANDO
Tama ka! Di ba, sabi namin sa'yo, mawawala ang problema mo kung grugrupo
ka sa amin. Tulad ngayon, laylay na naman ang mga balikat mong uuwi. Mabuti
sana kung likas na maunawain ang misis mo..at maiintindihan ang mga kabiguan
mo.. Alam mo John? Darating ang araw na susuko ang asawa mo sa kakaasa na isang
gabi, uuwi kang masaya dahil natanggap ka na sa trabaho.. Wag mo nang hintayin
'yun. Ganito.. sumama ka sa aamin. Giginhawa ang buhay nyo.
JOHN
Po? Magtutulak po ba talaga ng droga?
KA MANDO
Depende..
JOHN
Depende?
KA MANDO
Kung papayag ka...ipapaliwanag namin sa'yo ng klaro ang mga dapat mong
gawin.. Sure hit ito. Pera agad ang kapalit sa bawat kilos at galaw mo..
Tingnan mo kami ngayon.. Easy-easy lang.. Walang problema sa pera.. Todo-buhos
sa inom.. Lahat ng pangangailangan mo, mabibili mo.
JOHN
(Bubuntong-hininga) Pa'no po ako makakapasok sa grupo n'yo?
(Magtitinginan ng makahulugan ang mga lasenggo.)
SEQ. 35. INT. SALA. ALA-UNA NG UMAGA
John enters the house. He lits his lighter and sees first the Bible. He comes
to the direction of it and takes it up. Mabigat.
JOHN (VO)
Ama, hindi ko po kailanman malilimot na binigyan Niyo akong muli ng
pangalawang pagkakataong makalakad. Salamat! Salamat, pero, Diyos ko..ilang
beses akong nagpakumbaba at humingi Sa'yo ng ikabubuhay ng pamilya ko.. Bigo
ako.. Wala na pong ibang paraan tulad sa alam ko.. Patawad, Oh, Diyos ko..para
rin po ito sa mag-ina ko.. Patawarin Niyo po ako.
No comments:
Post a Comment