Followers

Friday, May 23, 2014

Payong Kaibigan


Kaibigan kita, kaya di kita kakampihan
Mali ka, kahit saang man anggulo tingnan
Huwag ka ng magtampo at magdamdam
Ginawa nila'y para sa kabutihan mo naman.
Kabutihan ng lahat, kabutihan ng paaralan,
Ang masamain ang tama, isang kamalian
Ang itama ang mali ay isa ring kalikuan.

Ito'y isang payong kaibigan lamang
Sana'y ito ay iyong paglimi-limian
Sarili'y tanungin, bakit ka nagkaganyan
Dili baga'y ikaw ay may pagkukulang?
Dedikasyon, binigay mo ba ng puspusan?
Kung oo, sila sa iyo ay may pananagutan,

Kung hindi, magbago ka na aking kaibigan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...