Parang kailan lang, anak
Pagsilang mong naging galak
Namin ng iyong sintang ina.
Parang kailan lang, iha
Himig sa'min iyong uha
Sa araw o hating-gabi.
Parang kailan lang, aki
Tikom oa iyong mga daliri
Mga paa'y di maiunat.
Parang kailan lang, brat
Ika'y wala pang ulirat
Talino mo'y di pa halata.
Parang kailan lang, bata
Ika'y mumunting batuta
Pero anong aming saya.
Ngayong ika'y santaon na
Paglaki'y sige-sige pa
Sana ay maging masigla
Sa paglalaro't pagtawa
Sana ay di maging sakitin
Kalusugan ang sapitin
Sana ay laging masaya
Sumasayaw, kumakanta
Laging bibo at malusog
Sa pag-aaruga ay busog.
Anak, isang taon ka na
Tandaan mong mahal kita.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment