Followers

Sunday, May 25, 2014

Guro, Bayani Ka Raw

Guro, sabi nila, bayani ka raw

Pagkat, oras at pawis, inaalay

Sa bawat mag-aaral, araw-araw

Oo, tinuran nila'y siyang tunay.

 

Bayani ka nga, guro ng bayan

Hinuhulma mo, mga kabataan

Tinutuwid, baluktot nilang gawain

Upang matahak, tuwid na landasin.

 

Hindi lang husay sa pagtuturo

Kundi sa dedikasyon at tiyaga

Kami sa 'yo ay sumasaludo

Nagpapasalamat nang buong puso.

 

Ngunit bakit ika'y ginaganito?

Pahirap, pasakit… ibinibigay sa 'yo

Ng gobyernong makasarili't sakim

Balewala, inyong mga hinaing.

 

Bayani ka raw, mapanglingkod

Bakit iba ang sa inyo ay turing?

Kapos ang sahod, labis ang pagod,

Benepisyo ay salat, nakakapraning!

 

Bayani ka nga dahil ika'y inaapi

Kaltas sa buwis, pagkalaki-laki

Pasuweldo naman, walang silbi!

Ang nangyayari, ka'y namumulubi.

 

Bayani ka, guro naming mahal

Ang nararapat ibigay dapat sa 'yo

Huwag apihin, itaas sa pedestal

Sapagkat bayani ka, ika'y guro.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...