Followers

Saturday, May 24, 2014

Nagkakamali Ka

Kung akala mo..
Nilisan na kita, pati aking sumpa
Na sa iyo ako magpakailan pa..

Kung akala mo..
Nilimot ko na, pag-iibigan nating dalawa
Na sa hinagap ay di ko magawa..

Kung akala mo..
Lumayo ako upang saktan ka
At tumalikod sa ating mga alaala..

Kung akala mo..
Hindi kita inibig at kita'y pinaasa
Na sa buong buhay ko ika'y makasama..

Nagkakamali ka!

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...