Labor Day. Wala nga akong pasok pero wala naman akong pahinga sa pagkamot sa aking skin disease. Buwisit! Ang init pa man din ng panahon. Hindi na nga ako makatulog sa sobrang init, di naman ako pinagpahinga ng galis ko.
Alam ko, pagaling na ako. Natutuyo na kasi ang ibang sugat. Pero, patuloy pa rin ang pag-usbong at panganganak nila. Halos, wala na ngang matubuan ang mga pantal. Nagpatung-patong na sila. Hindi naman kinakaya ng Katialis. Makati pa rin. At, ang sarap kamutin kaya lalong dumarami. Hindi ko naman kasi mapigilan.
Nag-research nga ako. Eczema yata ito. Hindi naman fatal kaya hindi ako masyadong nababagabag. Medyo, nahihirapan lang ako dahil marami akong dapat na pinagkakaabalahan, hindi ang pangangamot. Disin sana ay marami na akong nae-encode na journal entries ko as of year 2006.
Naisip ko ring umuwi na ng Bulan para makapaligo na ako sa dagat. Baka sakaling iyon ang tanging gamot sa galis ko. Kaya lang, iki-claim ko pa ang license ko sa May 5. A-attend din ako ng free seminar ni Bro Bo Sanchez sa Makati tungkol sa freelance writing. Sana lang maging ayos na ang balat ko para matuloy ako. Kasi kapag hindi, malamang hindi ako tumuloy. Sayang naman ang chance na matuto ako kung paano kumita sa pagsusulat.
Mayo 2, 2014
Pasado alas-otso, nag-text si Sir Randy. Pupunta raw sila ng pamangkin niya sa Manila Zoo. Niyaya niya ako. Hindi ko naman siya nahindian kasi matagal ko na siyang hinihindian.
Malapit nang mag-alas-onse nang kami ay magkita. Halos magkasabay lang kaming dumating sa zoo. Inilibre niya muna ako ng lunch sa Jollibee-Harisson, saka kami lumibot-libot sa loob ng zoo. Naging tour guide ako sa kanilang magtiyo. Naalala ko lang si Ion dahil kaedad niya ang batang kasama namin.
Nakapagkuwentuhan din kami tungkol sa mga experiences at bagay-bagay tungkol sa pagtuturo at paaralan.
Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi. Mabuti na lang, dahil kung hindi baka naabutan pa ako ng malakas na ulan.
Mayo 3, 2014
Hindi pa sana ako pupunta ng Antipolo kaya lang napag-alaman ko na hindi pala sa May 4 ang schedule na kinonfirm ko kay Bro. Bo Sanchez. May 1 pala. Tapos na. Kaya, pagkakain ko ng pananghalian, umalis na ako ng Paco. Sobrang init kasi kaya nagdesisyon din akong umalis. Isa pa, gusto ko nang umuwi ng Bulan bukas. Kailangang bisitahin si Mama at iwanan ng budget niya para habang wala si Taiwan ay hindi siya magugutuman.
Alas 3, nasa Bautista na ako. Nangamot na naman ako ng nangamot. Pero, kahit paano ay nakapag-encode ako ng journl entries at nakapagsulat ng kuwento. Thanks God!
Mayo 4, 2014
Maagang namalengke si Mama kaya maaga rin ang lunch namin. Bago mag-alas-dose, umalis na ako sa Bautista para umuwi sa Paco at mag-empake ng gamit na dadalhin sa Bulan. Bandang alas-tres ay nakaalis na rin ako ng boarding house. Matagal lang akong naghintay na mapuno at umalis ang bus. Alas-singko y medya na kami nakaalis.
Hindi ako pinatawad ng kati. Grabe! Sobrang kati. Malansa na ang amoy ng damit ko. Wala akong nagawa kundi ang kamutin ng kamutin. Ang resulta, hindi ako nakatulog ng maayos.
Mayo 5, 2014
Hindi ako nag-text kina Aileen na darating ako, kaya nang dumating ako ay nagulat sila. Pero, gaya ng dati, natutuwa sila sa pagbisita ko. Ang kaibahan nga lang, ngayon ay umuwi akong may galis. Naawa pa sila sa kalagayan ko.
Nang makita nga ni Ate Lorie, inakala niyang kinulam ako. Pwedeng mangyari, naisip ko. Kaya, tumawag ako kay Ion. Nag-usap kami. Tinanong ko kung kelan sila babalik ng Manila. Sabi niya sa Friday. Kaya sinamantala kong magtext tungkol doon. Hindi naman pala totoo. Si Ion lang ang maysabi. Nasabi ko rin na nasa Bulan ako dahil sa galis ko. Panay naman ang suggest niya ng dapat kung gawin. Naisaloob ko na hindi niya ako pinakulam. Sanhi lang talaga ito ng matinding init.
Naglaga ako ng dahon ng bayabas. Gumawa naman ng paraan si Mama Leling na magkaroon ako ng herbal na pampahid na gawa sa dahon ng kasitas at langis ng niyog. Epektibo naman pareho. Medyo natuyo ang mga sugat ko lalo na ang bandang singit. Nawala ang pagtutubig nito. Sana ay tuloy-tuloy na nga ito.
Mayo 6, 2014
Hindi ako pinatulog ng husto ng skin disease ko. Grabe! Hindi na ako natutuwa sa dinaranas ko. Napakahirap matulog!
Pagkatapos kong magkape, pumunta agad ako sa dagat para magbabad. Kaya lang, di ko naman nagawa. Una, dahil napakatindi ng hapdi ng tubig-dagat. Pangalawa, nakipagkuwentuhan sa akin si Tyo Junior, ang kapitbahay namin na matagal na akong kilala. Nabasa ko lang saglit ang katawan ko hanggang matuyo sa init dahil isang oras mahigit yata kami nag-usap. Okey lang naman. Di ko naman talaga kasi kayang magbabad ng matagal.
Pag-uwi ko naglaga ako talbos ng bayabas. Ipinaligo ko ito. Nawala naman ang amoy at medyo natuyo ang mga sugat, ngunit makati pa rin. Pinagpatuloy ko rin ang pagpahid ng kasitas ointment. Ganun pa rin. Napayuhan nga ako ni Ate Lerma na gumamit na agua oxinada. Kaya, bumili agad ako. Hanggang sa di ko na matiis. Nagpa-check up na ako. Si Dr. Manuel de Vera ang papuntahan ko. May psorsiasiform dermatitis daw ako.
Hindi ako nalula sa sakit ko kundi sa mahal ng consultation fee (P700 at may libreng gamot) plus P1000 plus na tig-kokonting gamot. Apat na gamot ang reseta niya, maliban sa binigay. Grabe! Pangmayaman talaga ang allergy. Sana galis na lang ang tumubo sa akin. He he
Di bale na. Mabuti rin ang nagpapakonsulta dahil nalalaman ang tunay na sakit, ang mga bawal kainin at gawin at naiinom ang tamang gamot. Panatag na ako dahil alam ko na ang pagsakit ng suso ko kapag umaalog ay reaksyon lang nito.
Kaya lang, napansin kong maga ang bayag ko. Sanhi rin ba ito ng psoriasis ko? Naku, sana lang matanggal ito habang umiinom ako ng gamot.
Alas-sais, nag-text si Epr. Nasa paradahan na daw siya ng papuntang Polot. Parang gusto naming magkita kami kaya lang aalis din pala siya bukas. Sa Matnog naman siya magsusurvey. Alanganin, sabi ko. Bukas na lang kasi iinom pa ako ng gamot. Di na siya nag-reply.
Nag-text naman si Mareng Lorie.Tuloy daw ang gala namin sa Hundred Islands. Hindi ako makakasama. Di na rin nag-reply pagkatapos malamang May 14 pa ako uuwi.
Mayo 7, 2014
Nakatulog ako kagabi ng maganda. Hindi ako nangati. Umepekto marahil ang Iterax na ininom ko bago matulog. Ang dami ko ngang panaginip, pero tungkol lahat sa Psoriasiform Dermitatis ko. Kumaliskis na rin ang mga sugat ko. Ibig sabihin may magandang epekto ang mga mahal na gamot na nainom ko. Ayos!
Naglaga pa rin ako ng dahon ng bayabas upang ipampaligo. Mabuti na rin ang may herbal treatment pa rin. Kaya lang di ko na nilagyan ng kasitas. Dumidikit kasi sa damit ko ang langis. Asiwa. Ang mahalaga naman ay pagaling na dahil wala ng sugat.
Pasado alas-singko ng hapon, nag-text si Epr. Pinapupunta na ako sa paradahan ng papuntang Polot. Kaya, dali-dali akong naghanda ng sarili. Hinintay namin si Hyde, pinsan niya na nagtratrabaho sa isang pawnshop, saka kami bumiyahe.
Pagdating sa Polot, dumaan muna kami sa bahay ng daddy, uncle at lola niya. Naawa ako sa kalagayan nila. Matatanda na sila. Lahat sila at mapuputi na ang mga buhok. Pero nakita kong masaya sila at nagmamahalan. Okey na iyon.
Tapos, nag-dinner kami kina Tya Linday, tiya ni Epr. Ginisang isda ang ulam. Kaya, sabay lang ang inulam ko. Tiyak ako, mangangati na naman ako.
At, sumugod na kami sa bahay ni Bigit. Sa baba lang iyon ng bahay namin dati. Kaya kahit madilim ay napuntahan namin. May mga kainuman si Bigit. Kakilala din namin. Nagulat ang iba sa pagdating namin. Si Bigit lang ang nakakaalam na darating si Epr. Di nila alam na kasama ako.
Naroon din sina Bolodoy at Rory. Mag-closed friends sila kaya di sila nakitagay sa mga umiinom ng gin bulag. Nakipagkuwentuhan na lang sila sa akin, hanggang sa magpabili na si Epr ng beer. Sterilized milk naman ang ininom ko. Alam nilang may tama ako sa baga. Nalaman din nila ang allergy ko kasi di ko napigilan ang pagkamot kaya nakita nila akong uminom ng gamot sa kati.
Alas-dose na nang matapos silang mag-inuman. Mabuti nga at di na nakabili. Isa pa, sumuka na si Epr. Di na kami pinauwi. Doon na kami pinatulog. Hindi man komportable ay ayos na. Ang mahalaga, nakahiga ako.
Mayo 8, 2014
Nagising ako ng alas-sais. Kahit paano ay nakatulog din ako sa ganoong posisyon at kalagayan. Pinapak lang siguro ako ng mga lamok. Okey na iyon..
Tulog pa si Epr, nang pumunta ako sa ilog. Nagmumog ako at naghilamos. Kinunan ko din ng litrato ang ilog na kinalakhan ko. Nakakamiss.
Pumunta rin ako sa abandonadong bahay namin. Nakakaawa. Para na lang itong ruin ng isang gusaling binomba noong WWII. Nakakaawang tingnan. Pero, hindi iyon nakaengganyo sa akin upang makaisip uli na bumalik sa Polot o kaya magpalipat. Desidido pa rin akong magtagal sa Pasay.
Nagkape lang kami ni Epr at naligo siya, umalis na kami sa Polot. Pa-Matnog siya para sa field work.
Thanks God, okey na ang skin ko. Madami lang ang kaliskis pero di na masyado makati. Kaya, pagkaligo ko, nakaidlip ako. Sarap!
Sayang, di kami matuloy sa Bariis Lake. Ayaw yata kaming ihatid ni Delon. Baka sa Sabado na lang daw. Sana matuloy bago ako umuwi ng Manila. Wala pa akong pictures sa pasyalan. Puro selfie pa lang.
Mayo 9, 2014
Pagkaligo ko, tumulong ako sa pagtilad ng pili ni Ate Ningning. First time kong gawin ang ganung bagay gamit ang itak. Dati kasi, si Papa lang ang gumagawa nun. Ako naman, marunong lang magtilad sa bato.
Nag-enjoy na ako, natuto pa.
Umidlip ako pagkatapos magtilad. Tapos, hinintay ko ang text ni Epr. Tinanong na niya ako kung pupunta ako sa Polot, di lang ako nag-confirm kasi baka matuloy ang pamamasyal sa Bariis Lake. Kaya nang hindi uli natuloy, nagdesisyon akong pumunta ng Polot. Mga bandang 6 PM na ako nakarating.
Natagpuan ko si Epr sa bahay ng Daddy niya. Nalaman ko na uuwi na siya bukas. Tiyempo naman ang punta ko dahil maihahatid ko siya sa terminal.
Pumunta kami sa bahay ni Hyde. Birthday kasi ng anak. Kumain. Tapos, uminom kami. Si Ryan, asawa ni Hyde ang may gusto. Emperador pa naman ang binili. Nakadalawa nga kami kaya medyo dumaldal na naman ako. Sana walang maalala ang kainuman ko sa mga nasabi ko.
Hindi na kami pinauwi nina Hyde kasi delikado daw. Muntik pa akong sumuka. Mabuti hindi natuloy. Kakahiya siguro sa may-ari ng bahay.
Mayo 10, 2014
Alas-sais bumangon na kami ni Epr dahil gising na rin ang mga may-ari ng bahay. Tapos, nagkape lang kami at umalis na. Hindi kami nag-almusal dahil may hang-over pa. Tumuloy kami sa bahay ng lola niya. Doon kami natagalan. Hinintay ko kasi siya na matapos mag-encode. Doon na rin kami nag-lunch.
Nagpaalam si Epr sa kanyang mga mahal sa buhay ng bandang ala-una. Saka kami tumungo sa bahay ni Bigit. Wala siya doon. Mabuti dumating si Aba para hanapin siya. Nagpicture-picture muna kami sa ilog habang wala pa ang sumundo.
Hindi naman sumama si Bigit kay Aba. Pinapunta na lang kami. Picture-picture uli kami ni Epr pagdating doon. Napagtripan namin ang mga view sa niyugan. Remembrance namin sa aming pag-uwi.
Alas-tres, umalis na kami. Bibiyahe pa si Epr pabalik ng Maynila.
Habang naghihintay ng ibang pasahero ng tricycle, nakakuwentuhan ko ang dati kong barkada na si Anthony. Nakasakay ko naman sina Manay Aday. Balita niya na nag-asawa na daw uli ako. He he. Pinapapunta niya ako sa kanila. Ayoko nga..
Bago mag-alas-4, nasa Bulan Integrated Terminal na kami ni Epr. Nakabili na rin siya ng ticket na pang-alas-kuwatro. Ilang minuto lang ang lumipas, nagpaalam na ako sa kanya. Nauna pa akong umalis.
Pauwi na sana ako sa Zone 7 nang makita ako nina Aileen sa may South. Papunta sila ng Bariis Lake. Tamang-tama. Mabuti nakita ako nila kung hindi, di ko pa mararating ang sikat na pasyalan ngayon sa Bulan. Kaya, kahit wala pa akong ligo ay sumama ako.
Nagustuhan ko ang lugar. Although, marami pang dapat i-improve, masasabi kong pwede ng maging pride ng Bulan. Sayang nga lang, lowbat ang tablet ko. Hindi ko nakuhaan ang mga magagandang views. Mabuti na lang may dala si Aileen. Kahit paano ay may kuha ako.
Dumaan din kami sa pier. Nag-picturan kami doon, saglit. Amoy-tae lang kaya di kami nagtagal.
Mayo 11, 2014
Mothers' Day ngayon. Binati ko sa text ang mga nanay na nasa phonebook ko, kasama si Emily. Kaya nang nag-reply siya, kung anu-ano na ang napag-usapan namin. Maghapon, hanggang gabi siya nagparamdam. Natutuwa naman siya sa tingin ko dahil nirereplayan ko. Aaminin ko, gumaan na rin ang loob ko sa kanya. Kaya ko ng makipagbiruan sa kanya.
Maghapon akong pinaginhawa ng aking galis. Bihira akong mangamot. Medyo may good development na. Natuyo-tuyo na ang mga sugat. Kaya lang, nang nag-ulam ako ng alamang, nangati na naman ako. Ang tigas din kasi ng ulo ko.
Mayo 12, 2014
Hindi na naman ako nakatulog ng husto dahil sa kati. Kumain kasi ako ng alamang kagabi. Hindi ko mahindian ang pagkain nito. Ang sarap e.
Naligo ako ng maaga dahil sasama ako sa pagpunta sa Bulusan kung saan gaganapin ang 22nd Summer Vacation Youth Camp ng First Missionary Baptist Church. Eight-thirty daw pi-pick-up-in ng Alsa-Bulan dump truck ang mga campers at staff. Makikisakay kami.
Nakakainis lang dahil antagal dumating ng truck. Past eleven na kami nakaalis. Gusto ko na ngang magsisisi. Kung di lang ako excited na makita ang sinasabi ni Aileen na mini-falls doon sa campsite ay hindi ako sasama.
Mahirap palang sumakay sa dump truck lalo na't punung-puno ng mga bagahe at tao. Mainit kaya di komportable. Pero nang dumating kami sa campsite, nawala ang bitterness ko. Lalo na nang sinalubong ako ng malamig sa hangin na nagmumula sa mga malalamig sa tubig-bukal. Winelcome din ako ng mga tubigmsa batis.
Ang ganda ng lugar! Kung pwede sana akong sumali sa youth camp, mararanasan kong mamuhay ng limang araw sa lugar na iyon. Bagay na bagay sa skin disease ko.
Pagkakain, nag-picture-picture at nag-selfie ako sa palibot. At pagkaraan ng ilang oras, naligo ako sa private pool. Tiyempo namang pwede pang maligo ng libre dahil kinabukasan pa darating ang may-ari.
Na-enjoy ko ang lugar. Kahit malamig sana ay kakayanin ko. Kaya lang huminto na ako nang sumakit ang ulo ko. Marahil sanhi iyon ng puyat. Di bale na, at least naranasan kong maligo sa cold spring swimming pool, na nakatulong pa yata para mas matuyo ang mga galis ko.
Pagkatapos lamigin, nagpainit ako. Tumulong ako sa paggatong o sa pagluluto ng ulam at kanin. Tagapag-paapoy ako. Ayos! Enjoy na enjoy ako. Sulit ang araw ko.
Pasado alas-diyes na kami nakauwi. Past 8 na kasi kami sinundo ni Delon.
Mayo 13, 2014
Ginising
ako ni Aileen. Mg alas-sais iyon ng umaga. Mabuti na lang. Kasi dapat maaga
kaming makapunta ni Ate Ningning sa Legazpi Airport para sa kanyang flight.
Kung nag-text daw ako na uuwi ako, naisabay na lang niya ako sa pagpa-book. Di
bale, binigyan niya naman ako ng P2000. Nakalibre na ang back and forth kong
biyahe.
Alas-diyes y medya ay nasa airport na kami. Pagkapananghalian, pinaalis
na niya ako. Bumili naman ako ng bus ticket. Matagal na panahon din ako nang
huli akong nag-aircon bus. That time, kelangan ko talaga kasi mainit ang
biyahe. Twelve-thirty ang departure. Isa pa, kailangang malamig para di ako pagpawisan
at di mangati.
Maluwag
ang bus. Konti ang pasahero. Solo ko nga sa pandalawang upuan. Ayos! Kaya lang,
sobrang lamig naman ng aircon. Hindi ako nakadala ng jacket. Hindi umubra ang
long sleeves polo ko, kahit dinoble ko ang suot. Kaya naman, di ako nakatulog
ng husto. Ayos lang, basta hindi ako masyadong nangati.
Mayo 14, 2014
Alas-tres
na ako nakauwi sa boarding house. Mabuti nagising si Epr sa missed call ko..
Nakatulog agad ako dahil sa sobrang puyat. Pero, nagising din naman pagkalipas
ng apat na oras.
Past nine,
pumunta ako sa ACLC-Paco para ipa-enroll si Eking. Ibinigay din sa akin ang
class cards niya noong second sem. Nalaman ko na may incomplete siya. Walang
grade ang isang subject. Kaya, tinext ko kaagad siya at si Aileen. Okey lang
pala iyon, sabi niya. Sa June na lang niya gagawin ang project.
Tapos, dumiretso ako sa PRC. Kinuha ko
ang license ko. Mabilis ko lang nakuha. Mas matagal pa ang biyahe.
Sobrang
init! Na-miss ko tuloy bigla ang Bulan at Bulusan. Gayunpaman, thankful ako sa
Diyos dahil pinagaling na niya ako. Medyo kumakati pa ang bandang hita ko. Pero
ang sa dibdib at likod ay hindi na. Nawawala-wala na ang pamumula at
pagkakaliskis. Ilang araw pa ay tuluyan na akong magaling.
Isang buwan
na rin akong may skin disease. Sana ay hindi na ito mangyaring muli. Mahirap
din. Namayat ako dahil hindi makakain ng malaya. Hindi makatulog ng husto sa
pangangamot. Dapat maging maingat na ako next time.
Nag-text nasty
conversation kami ni Emily. Pero nang nagtanong siya kung ano ang status niya,
hindi ko ni-reply. Akala naman niya ay nakakalimutan ko na ang mga nangyari.
Maghintay siya.
Mayo 15, 2014
Nag-text si Epr na hindi muna siya uuwi. Pupunta daw siya sa Antipolo. Hihintay ko sana siya bago ako pumunta ng school. Kaya, maaga akong nakapunta. Kukunin ko kasi doon ang RCBC bill ko.
Alas-diyes, nasa school na ako. Naabutan ko sina Mam Loida, Mam Jing at Mam De Paz. Hindi naman ako nagtagal doon. Kinuha ko lang ang mga bills ko at lumabas na ako. Umakyat muna ako sa third floor para tingnan kung ano na ang lagay ng classroom ko.
Grabe! Ang kapal ng alikabok. Hindi ko ma-imagine kung paano ko ito aayusin at lilinisin. Ang dami pa naman naming abubot ni Mam Nelly.
Tiningnan ko rin ang mga halaman ko. Buhay pa naman. Ang iba ay sobrang lago na. Natuwa naman ako kay Ate Cris. Kahit paano ay inalagaan niya ang hardin ko. Hindi nga lang niya iniingatan ang pagdilig. Nawa-wash-out ang mga lupa sa paso. Ang iba tuloy ay nawalan na ng lupa. Di bale na. Malapit na rin naman ang Brigada Eskuwela. Mahaharap ko na uli.
Alas-onse ako nakabalik sa boarding house.
Maghapong akong nag-encode at nagsulat. tapos, bandang alas-sais, naisipan kong buksan ang site ng Carlos Palanca Memorial Awards. Baka sakaling open na ang submission of entries. Nalungkot naman ako nang makita kong tapos na. Noong April 30 pa ang deadline. Sayang! Bakit ba hindi ko kaagad naalalang buksan ang site nila. Maghihintay na naman tuloy ako ng isang taon.

May 16, 2014
Grabe! Pinahirapan at pinuyat na naman ako ng kati. Magdamag akong nangamot. Nagpabaling-baling. Idagdag pa ang sobrang init. Wala! Wala akong tulog. Tinalo ko pa ang adik.
Tapos, hindi rin ako nakatulog sa hapon. Sobrang init talaga! Mabuti na lang ay naging kapaki-pakinabang ang araw ko. Nakapagsimula kasi ako ng Wattpad stories. Dalawa. Una, ang Red Diary. Pangalawa ang Laugh Trip. Tiyak ako, mae-enjoy ko ang pagsusulat nito. Sana lang marami ang makabasa at mag-like.
Nakatig-tatlong part ako sa dalawang story. Not bad to a beginner. Pangarap ko talagang makapag-publish ng sariling libro. I know, kapag may publisher na naka-spot ng stories ko, sila mismo ang lalapit sa akin para i-publish ang work ko. Sana...
Nag-search din ako kung paano makagawa ng e-book. Napanood ko kasi ang interview ng Truly Rich Club kay Sha Nacino, a writer. She has inspired me. Sayang nga lang dahil hindi ko nasundan kung paano makapag-publish ng e-book.
Instead, nakagawa ako ng website sa simplesite.com for free. Hindi ko naman iyon gusto kasi mukhang hindi ko masu-sustain dahil parang may monthly fee ang site. Okey na ako sa blog at Wattpad. Idagdag pa ang Facebook's group ko na KAMAFIL at ang page ko na Life of Pores. Lahat ng mga ito ay media ko para maibahagi ko ang mga akda ko.
So far, unti-unti ko namang nararamdaman ang pagtanggap ng online readers sa mga literary pieces ko. I just hope mas dumami pa, tulad ng sa iba na umaabot ng libu-libo at milyon-milyon.
Sarap naman sa pakiramdam kung sakaling maransan ko iyon.. Hmmm. Baka mas lalo akong maging inspired sa pagsusulat.
Nakauwi na pala si Epr. Mga bandang alas-sais y medya siya dumating. Isang bag ng santol at mangga ang dala niya. Ipinadala daw ni Mama. Diyusme! Di naman ako mahilig sa maasim. Pero di bale na. Dapat thankful pa nga ako dahil naaalala ako ni Mama. Samatalang ako, hindi ko napadalhan ng pera. Sana, bigyan naman siya nina Jano at Taiwan..
Mayo 17, 2014
Hindi pa rin nawawala ang pangangati ko. Halos, gising na naman ako magdamag. Hay!
Wala na namang butlig o pantal o sugat, pero nangangati pa rin. Ano kaya ito?
Di rin ako makabawi ng tulog sa tanghali dahil sa sobrang init. Mabuti na lang, naaaliw ako sa Wattpad. Kahit paano ay nalilimutan ko ang kati..
Mayo 18, 2014
Patuloy ako sa pagsusulat para sa Wattpad at sa blog ko. Walang nagawa ang init ng panahon at kati ng katawan ko para hadlangan ako. Nakakatuwa dahil maraming ideya ang pumapasok sa isip ko na agad ko namang naisasatitik.
Nag-aalala lang ako na baka pag nagsimula na ang klase ay hindi ko na ito ma-sustain at maipagpatuloy. Ang Brigada Eskuwela pa nga lang bukas ay pinangangambahan ko na bilang isang hadlang.
Ayokong tigilan ang pagsusulat dahil ito ang nagpapasaya sa akin. Dahil dito nagiging matibay ako sa mga problema..
Mayo 19, 2014
Hindi na naman ako nagkaroon ng mahimbing na tulog kagabi. Puyat lagi ako sa letseng kati-kati na ito. Magaling na ang mga pantal at sugat ko. Parang mga balat na nga lang ang makikita sa katawan ko pero bakit makati pa rin? Hindi tuloy mawala sa isip ko na baka kinukulam ako. Mabuti na lang mataas ang faith ko sa Diyos..
Gayunpaman, maaga akong nakarating sa school para dumalo sa parade ng Brigada Eskwela 2014.
Ako uli ang naatasang maging photographer. At pagkatapos ng parada, ako naman ang emcee. Nagawa ko naman ng maayos at maganda ang mga trabaho ko. Ang pag-e-emcee ko ay masasabi kong maganda kahit impromptu. Na-gain ko na nga ang self-esteem ko. Dati-rati ay ayaw ko ng public speaking. Nahasa ito nung college ako kung saan sumasali ako sa impromptu speech. Nanalo pa nga ako ng first place.
Inannyayahan kami ni Sir Erwin kina Mrs. Condeza na mag-lunch. Invited siya nito kaya isinama kami nina Mam Diana, Mam Nelly, Mam Roselyn at Mam Cao. Nalibre ang pananghalian ko. Nabusog pa ako.
Ala-una y medya, mineeting kami ng Mam Evelyn D. Deliarte, ang bago naming principal. First niya akong makilala, gayundin ang iba. Sabi pa niya, "Ikaw pala si Froilan." Parang may nakapagbulong na sa kanya na mahusay at maaasahan akong guro. Nice!!
Sa tingin ko, mabait at okay naman siyang punungguro. Hindi ako mai-intimidate sa kanya.
Pagkatapos ng meeting, nakipagtawanan ako kina Lester at Mam Loida habang naghihintay sa wala. Tapos, si Mam Rodel pala ang hinihintay namin. Niyaya kasi kaming maghalu-halo kina Hannah, estudyante ko last school year. Libre niya.
Pagkatapos naming kumain, nagsiuwian na kami. Alas-singko na ako nakauwi. Pagod at puyat, pero masaya ako sa mga naganap sa buong araw ko.
Mayo 20, 2014
Medyo nakatulog ako ng mahaba. Marami kasi akong naging panaginip. Pero, maaga pa rin akong nagising at nakarating sa school.
Sinimulan ko kaagad ang paglilinis sa classroom ko. Dumating si Jens pagkalipas ng kalahating oras kong paglilinis. Tinulungaan niya ako. Marami sana kaming matatapos na gawain kung nagsidatingan ang mga pupils na nangako kahapon na tutulong sa paglilinis.
Nahiya naman akong mag-utos kay Jens kaya pinatulong ko na lang siya kay Sir Erwin.
Nang dumating si Mam Nelly, siya naman ang katuwang ko. Marami-marami din kaming nagawa. Medyo maaliwalas na ang palibot. Nakapag-floor wax din ako.
Pauwi na kami nga makita namin ang mga kaaway namin. Mga tryador! Ang kakapal ng mukha na magpakita pa sa min. Feeling close ang isa sa new principal namin. NaKAKABUWISIT!
Mineeting uli kami ni Mam Deliarte. Marami siyang sinabi. Nahahanap siya ng chairman para sa INSET. Gusto akong irekomenda ni Sir Erwin pero di naman nabigyan ng emphasis. Nag-iba kasi ng topic si Mam. Sayang, gusto ko rin sana. Gusto ko ring maging speaker.
Nanlibre uli ng halu-halo si Mam Rodel.. But this time, kami lang tatlo nina Mam Diana ang kasama niya.
Alas-sais na yata ako nakauwi.. Sinimulan ko kaagad i-type ang script ko na "Apokalipsis". Ipinost ko ito sa Wattpad ko. Dalawang sequences pa lang ang natapos ko, pati ang storyline.. Okey na yun. At least, nasimulan ko na..
Mayo 21, 2014
Puyat uli..
Pasado
alas-7:30 ay nasa school na ako. Akala ko ay maaga akong makakapagsimula sa
pag-encode ng Learners' Information System. Alas-nuwebe na dumating si Mam
Milo. Siya kasi ang nakakaalam ng username at password ng site.
Pinagtulungan
namin ni Mam Diana ang gawain. Natapos din namin agad ang mga pupils na may
LRN. Kaya lang, kailangan naming i-hang ang mga pupils na wala sa masterlist
dahil hindi namin alam ang gagawin. Thankful na ako sa natapos namin. Konting
dagdag na lang bukas.
Nakipagkulitan na lang ako sa kanya at kay
Mam Gina. Tapos, nag-lunch kami.
Maya-maya,
pumunta ako sa CUP. Akala ko makakapagpa-enroll na ako. June 2-6 pa pala ang
enrollment. Inuuna pala nila ang regular students. Nakakainis ang style nila! Alam
nilang may pasok na rin ang mga teachers sa mga dates na iyon. Gusto lang kasi
nilang makapagbayad pa kami ng penalty fee kapag late. Style, bulok!! Ang init
pa naman..
Bumalik ako sa school. Tumulong ako sa pag-encode ng LIS ng Grade 1. Ginawa ko rin ang sa
Grade 3. Bahala na silang tumanaw ng utang na loob. He he
Nakauwi ako ng
six PM. Antok na antok ako pero pagdating ko, buhay na buhay uli. Andami ko
kasing dapat na i-post sa Wattpad.
Nakakaadik na talaga!
Nag-message sa
akin si Aileen. Ipadala ko daw ang mga pants ni Eking para ma-repair. Nainis
ako kay Eking. Dapat sinabay na niya nung umuwi siya. Gusto talaga akong
alilain. Dadayo pa ako kay Kuya Jape para lang ihatid ang mga litseng pantalon
niya!! Mabuti sana kung andyan lang sa kanto.
Di ako
nag-commit kay Aileen. Sinabi kong titingnan ko kasi araw-araw akong pagod sa
paglilinis sa school. Sana ma-gets nila na ayaw ko. Kunin dapat dito ni Kuya
Jape.
Sinabi ko rin
ang hinaing ko kay Eking dahil sa pag-uutos niya sa akin na tanungin kung kelan
ang pasukan nila. Binigyan ko ng tips---i-text ang kaklase, i-text ang school.
Binigyan ko ng cp number. Sana naman ay alam na niya bago pa sila nagbakasyon..
Haay!
Mayo 22, 2014
Gusto ko pang matulog nang magising ako bago
mag-alas-sais, kaya lang ayaw na ng mata ko, kaya nagkape na ako at nagbukas
ng Facebook. Pagkalipas ng mahigit kalahating oras, umalis na ako. Ikaapat ako sa
pinakamaagang dumating sa school.
Sinimulan ko
kaagad ang trabaho sa classroom. Tapos, maya-maya, dumating si Edrian. Nangako
siyang pupunta. Ayos! May naging katuwang ako. Naipasok niya ang mga upuan.
Dumating din
si Jens. Tulong sila sa pagpunas ng mga upuan. Nag-mop din sila.
Pinauwi ko na
si Edrian pagkatapos. Si jens ay nag-stay pa at tumulong ng konti.
Later,
pinagtulungan namin ni Mam Diana ang daily accomplishment report ni Sir Erwin.
Ginawa ko ang kalahati ng trabaho, nang umalis si Mam Diana bandang alas-dos ng
hapon. At nang matapos ko, saka lang ako nakagawa ng sa akin.
Sinimulan ko
ang bulletin board ko sa Math. Gumamit ako ng recyclable materials like takip
ng mga boteng plastic. Binorder ko sila sa board. Sayang, naubusan ako ng glue
stick.
Pasado alas-singko na ako nakauwi.
Sinimulan ko
naman kaagad ang report ni Sir Erwin sa Brigada Eskwela. As usual, ako na naman
ang naatasan niya. Okey lang. Ibig sabihin, bilib siya sa mga gawa ko..
Mayo 23, 2014
Nauna pang umalis sa akin si Epr. May meeting daw sila. Pero, hindi rin naman ako na-late. Pang-apat nga ako sa mga dumating sa school.
Hinarap ko agad ang paggawa ng report ng Brigada. Naroon din ang maiingay at masasayahin kong mga kaguro. Nagtatawanan at nagbibiruan kami.
Nakatutuwa talaga!
Pero, mas natutuwa ako sa balita ni Sir Erwin at ni Mam De Paz. Malapit na raw akong ma-promote as Teacher 2. Kahapon, sinabi na iyon sa akin ni Sir, di lang ako naniwala. Nang sinabi ni Mam Lolit, saka lang ako naniwala.
Ayos! Magbubunga na ang mga pinaghirapan ko..
Tinutulungan ko si Sir Erwin pero alam ko, natulungan niya rin ako na i-lift ang credentials at potential ko. Minsan kasi kailangan din ng recommendation o sutsot ng iba. Kasi balewala ang husay at galing ng tao kapag di naman siya tipo ng pinuno.
Bago mag-alas-singko, umalis na ako sa school. Pumunta ako sa HP. Nagpadala ako ng P1,500 kay Emily na gagamitin niya na pambili ng uniform ni Ion sa school. Tapos, nagbayad din ako ng RCBC bill ko.
Nagpost muna ako sa Wattpad bago nagbabad at bago gumawa ng report.. Sobra akong busy, pero kinakaya ko. Masaya naman ako kaya alam kong hindi ako mapapagod at mai-stress..
Nakatext ko din ang asawa ni Bigit. Pinag-usapan namin ang buhay may-asawa. Nalaman niya tuloy na hiwalay na kami ni Emily. Pero, ayos lang. Totoo naman, e.
Panay din ang text ni Emily. Noong una, nirereply ko. Nang makulit na, tinigil ko na ang pag-reply. Hindi ko lang pwedeng palampasin ang tanong niya na "kung makakahonor daw si Zillion, pupunta daw ba ako". Oo, sabi ko. Ako daw ang aakyat sa stage.
Nice idea! At least, pareho kaming may inspirasyon...
Mayo 24, 2014
Maaga akong pumunta ng school dahil may closing program daw. Sinabihan ako ni Sir Erwin na ako daw ang emcee. Pero, hindi naman natuloy dahil kokonti lang ang teachers na dumating. Kaya, pinagpatuloy ko na lang ang bulletin board ko. Dumating din ang dalawa naming pupils na sina Jens at Nica. Pinatulong ko sila sa paggupit.
Kaya lang, nakalimutan nilang kunin sa tindahan ang sukli ko sa glue sticks. Sayang iyon, P420 din iyon.. Hu hu. Sana makuha pa namin sa Lunes. Sana mabasa ni Jens ang message ko sa kanya sa FB.
Tinulungan ko din si Mam Joan R sa pagdecorate ng board para sa IN-SET. Nag-letter-cutting ako. Ako rin ang nagdikit.
Sa kanya ibinigay ang chairmanship. Akala namin ni Sir Erwin ay ako ang chairman. Nakalimutan siguro. Okey lang naman. Basta ang mahalaga, speaker pa rin ako. Magde-demo ako ng Filipino lesson plan.
For the first time, pinagluto kami ng principal ng lunch. Nagsalu-salo kaming mga naroon. Pinatikim kami ng malunggay-green mango-pineapple shake niya. Masarap naman! Sana, laging open ang kusina niya para sa amin.
Nakauwi ako ng alas-4. Umidlip ako pagkatapos magmeryenda, pero maya-maya lang, dumating na si Epr. Napurnada ang tulog ko.
Nagtext si Emily. Nakabili na daw siya ng mga gamit sa school ni Zillion. Gustong-gusto na daw talagang mag-aral. Natuwa naman ako.
Bukas naman, makikipagkita ako sa mga anak ko kay Mj. Susunduin ni Flor. Kasama din si Mama. At sa Sta. Lucia Mall kami magkikita. Sana hindi na killjoy si Zj.
Mayo 25, 2014
Pasado alas-diyes ay nasa Sta. Lucia East Mall na ako. Naghintay ako ng isa o mahigit na oras kina Flor. Sinundo pa kasi nila ni Nonoy si Mama. Okey lang, basta makasama siya. Siya naman talaga ang nais kung bigyan ng treat kasi hindi kami nakapag-celebrate ng Mothers' Day dahil nasa Bulan ako.
Pasado alas-onse na sila dumating. Si Yoshimi ay kasama. Mabuti rin at nakasama si Zildjian. Kaya lang, nagsuka daw sa jeep. Nakakaawang bata. Mahina sa biyahe.
Agad kaming naghanap ng kakainan. Gusto ni Flor sa Mang Inasal o kaya sa isang eat-all-you-can na restaurant, kaya lang apat na bata ang kasama namin. Hindi nila maa-appreciate ang mga pagkain. Sa Jollibee kami napadpad.
Pagkakain, niyaya ko sila sa Great Image Studio. Nakita ko iyon habang naghihintay sa kanila. Nagustuhan ko ang quality ng mga pictures na nasa display nila kaya gusto kong maranasan iyon. Hindi ko first time, pero first time ko with my kids and my mother.
Mahal nga lang ang binayaran ko. Tatlong shot ang mapi-print. Isa naman ang mapi-frame sa 11''x14'' sa halagang P2500. Plus, nagbayad ako sa soft copy. P100 each. Whew! Andami kong gastos. Pero, okay lang. Masaya naman kami lahat sa moment na iyon..
Ipinabigay ko din kay Mama ang P4000 na hinihiram ni Ate Ning. Binigyan ko rin sina Hanna at Zildjian ng tig-P1000 para sa kanilang school needs. Five hundred lang ang binigay ko kay Mama kasi naubos na. Two hundred na lang ang natira sa akin. Nagulat ako! Ubos na.. Mabuti ay makakauwi pa ako. Gusto ko na sanang singilin si Mia sa kulang niyang P2000..
Umaasa akong matutuwa si Mj sa ginawa ko sa mga anak namin. Sana naman ay magamit nila ang pera sa totoong pangangailangan ng mga bata. Ayokong gagamitin lang nila sa pagkain nilang lahat.
Nakauwi ako bago mag-alas-4. Dumating na si Epr..
Mayo 26, 2014
Unang araw ng INSET. Hindi ako ang unang dumating, pero hindi naman ako late gaya ng iba.
Photographer uli ang rule ko.
Half-day lang ang seminar namin, may time pa kaming maglinis sa classroom namin. Pero, hindi ako naglinis kasi wala si Mam Rodel. Ang malala, nagpatulong si Sir Erwin sa pag-print ng report niya sa Brigada. Nakakainis dahil maraming technical error. Expired na ang Microsoft Office ko kaya di ko natapos. Nagha-hang naman ang computer ni Mam Deliarte. Kaya ang resulta, iba-iba ang itsura ng bawat pages.
Okay lang.. di naman iyon ang ipapasa. Dadalhain lang ni Mam sa meeting niya bukas. Nangako naman akong tatapusin ko ang report, gamit ang Open Office na dinownload ko for free. Kaya lang, di pala user-friendly. Hindi ko natapos.
Hindi ko na pala naabutan si Epr. Nag-text na lang siya na iniwan niya ang susi. Pasado 5:30 na kasi kami nakalabas ng school ni Sir Erwin. Nalungkot ako. Nakakalungkot palang mag-isa..
Mayo 27, 2014
Hindi rin ako late sa second day ng INSET.
Photographer uli ako. Mas masaya at mas kuwela ako kasi dumating si Sharon. Pinakilig ko uli ang mga kasamahan namin. Kinulit-kulit ko siya. He he. Nakakatuwa. Feeling teenager lang ako.
Mabuti, dumating na si Mam Diana. Ipinagawa sa kanya ni Sir Erwin ang karugtong ng report. Tumulong din si Mam Milo. Nakaalis tuloy ako kasama si Mareng Lorie, Lester at Mia pagkatapos ng INSET.
Sa MOA kami. Nakigamit kasi si Mare ng credit card ko para makabili ng Lenovo VibeX na worth P21,800. Nilibre muna niya kami ng lunch sa Chowking.
Panay din ang tawanan namin. Ang kulit! Napagtripan namin ang dummy phone sa Lenovo. Nag-selfie kami kahit di pa namin nabili. Blinuetooth pa nila sa CP nila..Saya!
Pasado alas-tres na kami nakabalik sa school. Di na ako nagtagal doon. Umuwi na ako.
Mayo 28, 2014
Medyo tinanghali ako ng pagpunta sa school, pero hindi pa rin naman ako nahuli. Nakapag-almusal pa ako. Kasalo ko sina Mareng Lorie at Pareng Joenard.
Ang saya-saya ng araw ko. Ang kukulit kasi namin nina Sir Erwin, Mam Diana, Mam Loida at Mam Vi. Panay ang tawanan kahit umaawit ng National Anthem at doxology. Tapos, nang nag-exercise na, humataw kami. Napaka-energetic namin! Nanalo pa nga ako ng chocolate sa parang dance contest ni Mareng Lorie.
Attentive naman kami nang nag-talk na si Mam Deliarte. Maganda kasi ang topic niya. About multiple intelligence. Tapos, maganda pa ang strategies niya.
Bukas, ako naman ang speaker. Hindi pa ako nakatapos ng paghahanda. Magkukuwento lang naman ako. Ayoko kasing i-discuss ang lesson planning sa Filipino kasi di naman makaka-relate lahat.
Dapat sasama ako kay Christian Gogolin sa pagbisita sa dati naming kaklase na si Christopher Guilas sa Sta. Mesa. Alam ko mag-iinuman lang kami doon. E, gusto kong mapaganda ang talk ko bukas kaya nagdesisyon akong di na sumama.
Ang kulit ni Christian. Nanghihingi ng ambag. Maya-maya, nangungutang pa ng P500. E, wala na nga akong budget. Baka nga, di na ako makapag-enroll sa masteral. Mahinahon akong nagre-reply. Nagpapaliwanag. Wala talaga akong mapapautang. At kung meron man, di ko siya pauutangin. Magpapainom ako pag gusto ko.
Naglinis ako ng konti sa classroom ko. Sinimulan ko ring ayusin ang garden ko. Tapos, gumawa din ako sa bulletin board. Nang mapagod na ako, nang-asar na lang kami ni Sir Erwin. Si Mam Diana ang biktima namin. he he. Enjoy!
Past 4, nasa boarding house na ako. Sinimulan ko agad ang paggawa ng powerpoint. The Art of Teaching ang topic ko. Gumamit ako ng mga quotes about teacher that inspires. Doon iikot ang topic ko na pakukulayin naman ng mga activities ko last school year with my pupils.
I hope it turns out good and highly-commended..
Mayo 29, 2014
Alas-siyete, nasa school na ako. Nauna pa ako sa chairman ng INSET na si Mam Joan at pangalawa kay Tita Lolit. Hiniram ko agad ang projector na gagamitin ko sa powerpoint na inihanda ko kagabi.
Akala ko, hindi ako makakapag-talk kasi nag-malfunction ang projector. Mabuti, nag-play ilang minuto pagkatapos akong tawagin ng emcee. Ako ang first speaker. Konti pa lang ang mga naroon. Pero dahil nagmamadali, inumpisahan ko na.
Nag-thank you muna ako kay Mam Lolit dahil sa pagsalin niya sa akin ng Filipino coordinatorship. Pinuri ko siya bilang good mentor. Then, sinimulan ko na.
Wala akong kakaba-kaba sa dibdib. Tila, sanay na sanay na ako sa pag-i-speaker. Nakatulong ito sa akin ng husto kaya napaganda ko ang mga salitang binibitiwan ko. Taglish ang ginamit ko. Naroon si Mam Evelyn kaya mas ginanahan ko.
Nakita ko sa kanila na interesado sila sa topic ko na 'The Art of Teaching" dahil nagkukuwento ako ng mga ginawa ko bilang teaching na ma-art. Humanga sila sa akin.
Sayang nga lang, na-miss ng iba. Na-miss ng mga ka-grade level ko. Mabuti na lang narinig at natunghayan ni Mam Diana. Puring-puri niya ako. Naka-relate daw siya.
Si Mam Vi naman ay pinuri ko rin pagkatapos niyang maka-relate. Sabi ko, isa siya sa mga nakapag-inspire sa akin. Humble pa rin siya, pagkatapos.
Ang principal naman ay nag-alok na bibigyan ako ng magic tricks nang masabi kong nagma-magic ako during Math classes. Nakakatuwa dahil natuwa sila sa talk ko.
I'm so proud of myself. I just hope, hindi iyon ang huli kong speaking engagement. I want to talk in a large crowd. I want to talk because I want to inspire. I want to talk because I have something to say.
Pagka-lunch, pumunta na ako sa classroom. Naroon na rin si Mam Rodel. Hinarap namin ang bulletin board. Half-done ko na ito. Satisfied ako sa outcome.
Gayunpaman, binigo naman ako ng printer ko. Ayaw mag-print. Antagal ko sa harap ng laptop. Andami ko pa namang gustong i-print. Ang hula ko, dulot ito ng expired na Microsoft Office ko kaya ayaw mag-print. Buwisit! Wala pa naman akong pera para magpa-install.
Mayo 30, 2014
Last day na ng INSET. Closing Ceremony na nga. Kaya, excited na akong tanggapin ang unang Resource Speaker certificate ko. Pumangalawa nga akong dumating. Inspired pa akong nagwalis sa library kung saan kami nagse-seminar.
Kaya lang, hindi natuloy ng 8 AM ang closing kasi may meeting si Mam Evelyn. Hindi naman ako nainis kasi busy naman ako sa pagsulat. Nakipagkulitan din ako. Bumilib naman si Mam Loida sa akin dahil nakapagsulat daw ako kahit maingay. Sabi pa niya, pwede daw akong tumalon from Teacher 1 to Teacher 3. Hindi niya sinabi ang dahilan pero nahulaan ko. Dahil nagalingan siya sa akin----lalo na kahapon. Nakakatuwa naman ang sinabi niya. Nakakataba ng puso..
Natuloy ang closing at meeting ng pasado alas-dos. Nakagawa na ako sa classroom ko. Ipinagpatuloy ko ito pagkatapos ng pameryenda ni Mam Evelyn na malunggay shake at cup cake.
Inalala pa niya ako. Baka daw hindi ako uminom. Patatabain niya ako. He he. Ayos! Bet niya ako. Tama si Mam Rodel. Sabi niya rin sa akin, gaya ng sinabi ni Sir Erwin na."I like him". Sabi daw iyon ng principal. I deserve it.
Pasado alas-6 na kami lumabas ng school. Na-tarffic ako kaya pasado alas-7 na ako nakauwi. Pagod na pagod at gutom na gutom na ako. Mabuti may take-home akong pagkain.
Gayunpaman, masayang-masaya ako sa mga na-achieve ko this week. Bago pa magsisimula ang klase ay marami na akong mapahanga at napasaya. Sana kahit kapos ako sa pera ay patuloy akong maging aktibo at masipag.
Mayo 31, 2014
Kagabi pa lang, plano ko nang hindi pumunta sa school. Andami ko kasing labahan. Masakit pa ang likod ko. Malamig na naman kasi kaya sumasakit na naman. Isa pa, parang pagod na pagod na ako. Two weeks akong pumapasok dahil sa Brigada Eskwela at INSET.
Mabuti na lang, alas-otso ako nagising. Kahit papano ay nakabawi ako. Napansin nga ni Auntie Vangie ang picture ko sa FB. Lubog daw ang mga mata ko. Mag-rest daw ako nang sinabi ko ang dahilan.
Pinuri niya rin ako nang makita ang pictures ko noong nag-talk ako. Sabi niya: "Bagay na bagay sayo naging teacher ka Sir Froi! for me that's a great job ever! congrats to you,keep it up!"
Maghapon kaming magkatext ni Leo. Hindi natuloy ang pagpunta niya dito sa bording house kasi nag-OT siya. Baka bukas matuloy na.

IN-SET backdraft |

No comments:
Post a Comment