Followers

Sunday, May 25, 2014

Ang Papel


Papel, papel, saan ka nanggaling?
Pagkakayari sa'yo, ang galing!
Dulot' halaga mo'y walang kapantay
Gamit sa opisina, eskwela at bahay.

Ang papel na tulad mo, kapuri-puri
Makapal, manipis, anuman ang uri
Ika'y papel, papel ng aming buhay
Sa edukasyon, ikaw ang karamay.

Pero, sino iyang isang papel diyan
Kung makaasta, animo'y malaman
Yay! Nagpapalapad ng sarili
Pakiramdam yata'y malaki ang silbi.

Epal yata siya, kaibigang papel
Utak at kilos nama'y tila nadiskarel
Akala niya, siya na ay magaling
Sus! Wala pa naman narating.

Lapis at papel, magkapartner
Pero, iyang isang mapapel..
Dapat sa kanya'y ipakansel
Isa siyang sakit, isang kanser.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...