Followers

Thursday, May 29, 2014

Honey-Bee: REMOTE CONTROL

BEE: Ano ba 'yang pinapanood natin? Boring! Ilipat mo na sa iba..
HONEY: Mam'ya na, pag commercial.
BEE: Yan! Commercial na. Akin na ang remote.
HONEY: O, eto. Salitan tayo, ha?
BEE: Sure!
HONEY: Ano ba 'yang pinapanood mo? Walang patalastas. Lugi ako!
BEE: Hayaan mo na. Pagbigyan mo na ako. Bisita mo ako, e.
HONEY: Ganun ba'yun? Sige, ganito na lang.. akpag nasagot mo ang tanong ko..sayong-sayo na ang remote control.
BEE: Call ako d'yan. Ask me.
HONEY: Ano ang gender ni Tweety Bird?
BEE: Wala bang madaling question? Syempre, lalaki! Ang dali.. Akin na itong remote!
HONEY: Ayoko! Mali ka. Babae po kaya..
BEE: Anong babae? Lalaki s'ya..kasi may bird. Bwehehe!
HONEY: Akin na 'yan! Talo ka!
BEE: Anong talo? Pa'no mo mapapatunayan na babae nga si Tweety?
HONEY: Sus! May Tweety bang lalaki? Ikaw, gusto mo bang mapangalanang Tweety?
BEE: Ayaw!
HONEY: Ha ha ha! Akin na ang remote.
BEE: Teka! teka! Sagutin mo rin itong tanong ko.
HONEY: Sige..
BEE: Sino namang cartoon character ang suplada?
HONEY: Kalokohan mo! Meron ba?
BEE: Meron! Si Hello Kitty ha ha ha. Akin talaga ang remote..
HONEY: Wait! Wait! Bakit mo nasabi 'yan? Ang bait nga ni Kitty, e.
BEE: Mabait ka d'yan! Kaya s'ya tinatawag na Hello Kitty kasi pag binabati s'ya ng mga friends niya ng Hello, ayaw n'yang mag-response.. Get's mo?
HONEY: Nyeh!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...