Followers

Friday, May 23, 2014

Ang Tisa Ni Maestro 8

Bumiyahe kami papuntang Caloocan. Bitbit namin ang kaunting damit at gamit, karampot na halaga ng pera at sangkatutak na pag-asa. Mas masaya kaming bumiyahe kaysa noong huli naming biyahe. Hanggang sa matanaw namin mula sa bintana ng bus na sinasakyan namin ang karatulang ”Wanted: Tutor.” Agad kaming pumara at bumaba. Nag-inquire kami tungkol sa trabaho kahit bagsak kaming pareho sa mga qualifications.  Below 30 years old. Female.

                Hala! Bagsak… Pero hindi ako sumuko. Pinilit ko. Ang asawa ko ang ipinagsiksikan ko. Mabuti naman at nahabag ang kausap namin. Binigyan ang asawa ko ng tsansa na magpasa ng mga requirements. Hindi pa man sigurado ay napakalaki na ng pasasalamat namin sa Maykapal. Naisip namin, masuwerte pa rin ang anak namin sa sinapupunan.

                Para nga kaming sina Maria at Husep nang dumating kami sa bahay nila. Parang hindi tahanan ang nadatnan namin. Parang tirahan ng mga hayop at insekto o mas malala pa, bahay ng mga lamang-lupa. Subalit hindi namin iyon ininda. Pinaghandaan namin ang interview ng asawa ko bukas pati ang kaniyang resume. 

                Kinabukasan, naganap ang interview at briefing! In short, tutor na ang asawa ko! Yahoooo! Ang suwerte talaga naming tatlo. Sa sabsaban man kami nakatira, hindi naman damo o dayami ang aming kakainin.

                Dalawang araw ang lumipas, ni-request ng asawa ko na pati ako ay mag-tutor sa tatlong magkakapatid, lalo na sa Math, sapagkat iyon daw ang forte ko. Hindi naman nag-disagree ang mga amo namin. At siyempre, hindi rin ako humindi. I have no right to do so. Tuwang-tuwa ako, in fact, para akong nanalo sa jueteng.

                Kumikita na kami, nag-e-enjoy pa sa ginagawa namin. Magkasama kasi kami sa trabaho. Nabibili pa namin ang gusto naming kainin, since malapit sa palengke ang lugar ng mga tutees namin. ‘Tapos, nakatutulong pa kami sa hipag kong walang hanapbuhay. Para din tuloy siyang nakatanggap ng balato mula sa napanalunan ko sa jueteng.

                Sad part is we have to say goodbye to our tutees dahil Abril na. Wala nang pasok. Nalulungkot din naman sila. Kaya nga sana raw ay kami pa rin ang tutor nila sa June. Hindi kami nangako sapagkat nilalakad ko na noon ang mga papeles ko sa paaralan ng ninong naming principal. Nag-demo na nga ako at nag-written exam. Mas gusto kong gumamit ng tisa sa pampublikong paaralan kesa sa pribado. Naunawaan naman ako ng amo namin.

                 Aminin ko, hindi ako nahirapan sa part time job namin. Mas nahirapan ako sa ugali ng hipag ko. Hay, buhay! Pinakain ko na mga sa palad ko, kakagatin pa ako. Walaang utang na loob!

                Umalis kami sa sabsabang iyon. Kaniya na ang “manger” niya. Bumalik kami sa bahay ng kuya ko o sa lugar ng pamilya at kamag-anak ko. Naroon ang aking ina kaya malakas ang loob ko. At siyempre, may konting ipon kami.  

                Subalit ang ipong iyon ay hindi sasapat sa mga gastusin. Naglalakad pa ako ng mga papeles. Nagkadautang-utang na nga kami dahil sa pagkuha ko ng lisensiya sa Legazpi City. Kaya naman, nagtinda kami ng mga prutas-- mangga at kasoy. Walang perang puhunan. Namimitas lang ako ng hinog o hilaw na bunga ng mga prutas sa ibaba, presto, may paninda na ako. Hindi kami nase-zero. Lagi kaming may pang-ambag sa pagkain at pambili ng tubig. Tiyaga at sipag lang ang puhunan. Mabuti at game ang asawa ko sa ganoong hanapbuhay.

                 Bago maubos ang mga bunga ng prutas, naging customer namin si Pokwang. Bumili sila ng halagang P100, pero hindi na siya nagpasukli sa P500. Grabe! Ang bait niya! Ang suwerte namin sa araw na iyon. ‘Di namin iyon makakalimutan. ‘Di namin siya kakalimutan.

                 Lahat ay may katapusan. Kahit nga ang pamumunga ng mga bungang-kahoy. Sana pati ang kahirapan ay matapos na.

                 Datapwat patuloy pa rin kami sa pagtanggap ng pagsubok. Nariyan ang kinakapos ako sa pamasahe at panlakad ng papeles. Nariyan ang patuloy na paghahanap namin ng bahay na paanakan.

                 Bumalik kami sa bahay ng pinsan ng asawa ko dahil wala kaming mahanap na upahang bahay, malapit sa paaralang papasukan ko. Tanggap na ako. Iyon lamang ang pag-asang nakikita ko. Ngunit wala na kaming pera upang kumuha ng mahal na kuwarto. Lagi pang one month advance at one month deposit. Nakiusap na nga kami na sana one month deposit lang. Sana guarantee ko na lang ang trabaho ko sa school na iyon.

                 Mukhang pera ang mga landlady-- ayaw pumayag. Mukhang mas gipit pa kaysa sa amin. Naalala ko talaga sina Joseph at Mary sa kalagayan naming iyon.

                 Kaya ang bagsak namin ay doon sa bahay na inuupahan ng pinsan ng asawa ko. Libre kami sa upa, kuryente, at tubig. Malayo-layo nga lang sa paaralan ko. Okey na kesa sa kalsada kami o sa kariton kami matulog. Ayoko namang totohanin ang biro ko na gagayahin ko si Efren PeƱaflorida. Siyempre, gusto kong magturo sa public school at tumira sa kahit di-gaanong magandang tahanan.

                 Sa kabila nito, hindi ko pa rin nalilimutan ang mga responsibilidad ko sa mga anak ko. Nagkalayo-layo man kami, ako pa rin ang ama nila. Natigil man ang suportang pinansiyal ko sa kanila, alam ko darating ang panahon, ako pa rin ang magbibigay niyon sa kanila.

                 Ang drama na yata ng salaysay kong ito...  Napalihis pa yata sa topic. I’m sorry. Hindi pa nga ito tapos. Akala niyo ba, doon na manganganak ang asawa ko? Hindi! Ibinalik ko siya sa pamilya ko. Iniwan ko siya roon isang buwan bago siya nanganak. ‘Di ko kasi kaya silang alagaan habang ako ay nagtatrabaho pa.

                 Sumatotal, ang Bethlehem namin ay Antipolo City.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...