Followers

Friday, May 30, 2014

Pamilyang Ayayay

Ag iyong nanay ay tsimay
Sa malaking bahay
Ang iyong tatay ay alalay
Ng isang mahilig sa lagay
Ang kuya mo ay laging high
Sa ilalim ng tulay
Ang ate mo, pasuklay-suklay
Bunot ng bunot ng kilay
Ang bunso nyo'y palaaway
Natuto pang tumagay
Ikaw naman ay tambay
Hari ng sablay.

Ano na 'yan, Ayayay?!
Iyong nanay at tatay
Panay ang hanapbuhay
Kayo naman, pulos pasaway
Kung di adik, tambay
Kung di kikay, palaaway
Hay! Ayayay, ang buhay!

Tingnan mo nga iyong tatay
Pagod na pagod, tulo-laway
Alam mo ba, iyong nanay
Gusto nang mamatay?
Tapos, ika'y patambay-tambay
Pagtulog mo, panay-panay
Ba't di ka gumaya sa Bombay?!

Hoy, pamilyang Ayayay!
Buhay nyo'y walang kulay
Aaw n'yo bang magtagumpay?
Pangarap ay abot-kamay
Kumilos ka lang, Ayayay
Pilay nga'y nagsisikhay
Para lang makamit ang tagumpay
Kayo pa kaya, Ayayay!

Buhay ay magkakakulay
Mapupuno ng saysay
Kumpleto pa naman iyong kamay
Para maghanapbuhay.

Humayo ka, Ayayay!
Kumilos at sumikhay
Kamtin, pangako ng buhay.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...