Followers

Friday, October 31, 2014

Pores-piration: Favorite Animal

Mommy: "Anak, ano ang favorite mong animal?
Son: "Dog po! Ikaw po?"
Mommy: "Eagle."
Son: "Ah.."
Mommy: "Alam mo ba ang favorite animal ng Daddy mo?"
Son: "Opo! Zebra po."
Mommy: "Hindi."
Son: "Hmm. Yung matangkad po? Giraffe?!"
Mommy: "Hindi."
Son: "E, ano po?"
Mommy: "Chicks!"
Son: "Ah.."

Double Trouble 29

DENNIS' POV

Simula nang mag-iba ako ng style sa pananamit at maging astigin, napapansin na ako ni Krishna. Madalas nga ay mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad niya lang na binabawi. Kaya kanina, nilapitan ko siya.

"Kris, puwede ba kitang ihatid mamaya?" lakas-loob kong tanong. Sinabayan ko na rin ng guwapong ngiti.

Hindi agad siya nakasagot, para kasing may hinahanap siya. Ayaw kong isipin na si Denise ang tinatanaw niya. Wala ang kapatid ko, nasa toilet, kaya nga nakabuwelo ako.

"Sige na," sabi ko pa.

"Tayong d-dalawa lang? Si...si?"

"Oo. Tayo lang. Ayaw kong may asungot. Puwede ba?"

"O, sure!"

Halos gusto kong lumundag sa tuwa. Ang galing ko! Napapayag ko. Yahooo!

Kaya nga nang uwian na, kinausap ko ang kapatid ko. Pinauna ko na. Sinabi ko ang totoo na ihahatid ko si Krishna. Wala siyang kibong tumalikod at umuwi sa bahay. Alam kong masama ang loob niya.

"`Ma, si Kuya, late na po umuwi `yan kanina," sumbong ni Denise kay Mama habang nasa kusina sila. Nasa sala naman ako, nanonood at nag-a-assignment.

"Bakit?" Hindi ako tiningnan ni Mama. Hindi naman galit ang tanong niya.

"Hinatid si... ang kaklase naming babae." Tiningnan naman ako ni Denise. Tila nagsasabing "Yari ka ngayon!"

Ngumiti sa akin si Mama. "Ayos `yan! Binata na kasi kaya nanliligaw na. Matutuwa ang Papa ninyo kapag nalaman `yan."

Boom panes! Walang palag ang tibo kong kapatid. Akala niya malalagot ako. Ang lakas ko kaya sa parents ko.

"Dennis, ikaw, ha, malihim ka na ngayon. Hindi mo sinasabing may nililigawan ka na pala. Sino ang masuwerteng babae? Ipakilala mo naman sa amin minsan."

Nahiya ako kay Mama, pero pinilit kong magsalita para lalong mainis ang kapatid ko. "Si Krishna po, ang bestfriend... yata, ni Denise. Hindi ba , Denise?"

"O, `di ayos! Siguradong sasagutin ka kasi kapatid mo ang bestfriend niya."

Ngumiti muna ako. "Hindi po, `Ma. Ayaw ko po ng gano'n. Gusto ko, sagutin ako dahil... dahil guwapo ako. Joke lang! Gusto ko po `yong sariling sikap ko."

Napatawa ko si Mama. "Tama, Dennis! Kaya galingan mo para makilala ko na siya. I'm sure, maganda siya."

"Nakita n'yo na po siya... Pumunta siya rito dati.."

"Ah, gano'n ba!? Sige, next time, kikilalanin ko na siya nang husto. O, ikaw, Denise, kailan sa `yo may manghaharana?"

Hindi nakaimik ang tomboy. Napangiwi pa nga ito. Taob!

Success! Ngayon pa lang ay para na akong nanalo sa puso ni Krishna. Nakita kong parang binagsakan ng pison ang mukha ni Denise. 


Hijo de Puta: Ochenta y kuwatro

Naging palaisipan sa akin ang panaginip ko kanina. Hindi ko lubos maisip kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi na tuloy ako nakatulog pagkatapos niyon. 

Himbing na himbing si Lianne. Gaya ng dati, nakalilis na naman ang kanyang kumot. Nasilip ko ang mapuputi niyang binti. Lalo lang tumayo at tumigas si Manoy. At dahil wala nang nana na lumalabas sa aking burat, balik sa normal na naman ito. Kaya, nilaro ko ito kahit maaaring magising si Lianne at makita ako. 

Habang binabati ko ang kahabaan ko, iniisip kong subo-subo ni Lianne ang akin. Ang sarap niyang kantutin sa bibig. Napapikit ako at napaungol.

Malapit nang pumulandit ang katas ko nang magsalita si Lianne. "Sana nagtago ka man lang.." Mahinahon niyang sabi pero sarkastiko. Nakaupo na siya sa kama.

Bigla kong itinago si Manoy. At, hiyang-hiya akong bumangon para lapitan siya at mag-sorry. Pero, nagtalukbong na siya ng kumot.

"Sorry, Lianne." sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya. "Hindi ko naman intensiyon na bastusin ka." Dinampi ko ang kamay ko braso niya. Ginalaw niya ito, hudyat na tanggalin ko ang aking kamay.

"Lumayo ka sa akin!" Nanginginig ang boses niya.

"Sorry na. Kahit tingnan mo man ako sa mata. Hindi kita kayang bastusin. Nadala lang ako sa.."

"Nadala? Oo, nadala ka! Isang gabi.. hindi mo na mapipigilan ang sarili mo.. ako na ang..."

"No! I won't do that! Mahal kita, e!" Tumayo na ako at tumungo sa kusina. Nagtimpla ako ng kape ko. Hindi pa rin lumabas ng kumot si Lianne. Ang hula ko, umiiyak na siya.


Hiyang-hiya ako sa nangyari. Gayunpaman, hindi ako magbabago kay Lianne. Sana hindi niya ako katakutan.  Malibog lang talaga ako pero hindi ako manyakis.

Redondo: Magician

"HeLo, muztA kn? InviTe k nMin sa HallowEEn costuMe parTy. JoiN k n pls." Text ito ni Riz.

"Sorry..Di aq Pwde." Reply ko. I'm wondering kung paano niya nakuha ang cellphone number ko. Pero, di na ako nagtanong. Ang duda ko, binigay ng isa sa mga kaibigan ko.

"BKit? Meron k? Jeje. KJ nmaN ntO. SsmA nga sna GiO, tpoS kw hnDi.."

"BgLaan nmN kC.."

"Khit n. Mmayang gbi p nmN e."

"San b Yn?"

"S subdVsion nmin.. Cge n. pra mg-enJoy nmN aq.."

May meaning ang reply niya. Hmm. "D k b mg-eenJoy pg wLa ako?"

"BasTah..suMama ka." 

"WaLa akong costume.."

"SuS! prblema b un?! kUng ayaw my dhilan. kung gsto may parAan."

"di aq ppyagan ni Dddy.." Pilit akong lumulusot. Ayaw ko kasi talaga. Kasi, pag nalaman na naman ni Dindee na kasama ko siya, baka maging sanhi naman ng aming tampuhan, or worse, ng break up. Hu hu. I don't want that to happen.

Gayunpaman, sadyang maparaan si Riz. Tila, nadala niya ako sa emote-emote niya. Napapayag niya ako. All of the sudden, naghahalungkat na ako sa damitan ko. Naghanap ako ng damit na pwedeng maging costume o pwedeng i-recycle.

Naiisip ko ngang suutin ang bahag na ginamit ko sa Mr. Campus Personality. Natawa ako. Hapon na ng makapagdesisyon akong maging magician sa party. May long sleeves na white kasi ako at black slacks at tsaleko. Then, bumili ako ng magician hat at wand sa NBS. 

Pagdating ni Daddy, nahirapan din akong magpaalam. Mabuti pumayag..


Thursday, October 30, 2014

Redondo: Nakaka-miss

Maaga pa ay gising na ako. Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. 

Pagkatapos kong mag-toothbrush, naggitara ako ako. Strum lang. Hindi ako kumanta. Tulog pa si Dindee. Ayaw ko siyang magising. Si Daddy naman ay naliligo na.

Nalulungkot talaga ako kaya pati ang tugtog ko ay malungkot din. 

"Ang lungkot naman, Nak!" si Daddy. Natapos na siyang maligo.

Nagulat ako. Nginitian ko lang siya at tinuloy ang pagtugtog ko. 

Sinabayan ko si Daddy sa pag-almusal. Maya-maya, lumabas na si Dindee. Binati ko siya ng napakalambing. Ganun din siya sa akin at kay Daddy. Niyaya ko na siyang mag-almusal din.

Ramdam ko pa rin ang kalungkutan habang kumakain kami, lalo na nang inihatid ko siya sa airport. Ang higpit ng yakap ko sa kanya. Ganun pala ang pakiramdam kapag iniwan ka ng mahal mo.

Bumalik ako sa bahay na mabigat ang loob. Para akong nakalutang sa hangin. Parang ayaw ko nga munang umuwi sa bahay dahil lalo ko siyang ma-miss. Gayunpaman, namalayan ko na lang na nakauwi na ako. 

Dalawang oras ang lumipas, tumawag na si Dindee. "I'm home. I miss you!"

"I miss you too, Dee. Kelan ka babalik?"

Tumawa si Dindee. "Balik agad? Di ko alam. Basta, text at tawagan na lang tayo lagi. Be happy..kahit wala ako sa tabi mo."

"Opo. Kumusta mo ako kay Tita."

"Oh, sure.. behave ka dyan." Tumawa uli siya. "Ingat! Ilove you!"

"I love you, too!"

Panay ang text namin ni Dindee maghapon. Andami naming napag-usapan. Namasyal daw kasi siya kina lola at lolo. Tapos, nakipagkuwentuhan siya sa pinsan kong si Karrylle, best friend niya. na-miss ko tuloy ang mga kamag-anak ko.

Nakaka-miss si Dindee. Malungkot ang bahay kapag wala siya.

Wednesday, October 29, 2014

Redondo: Empake


“Sino ang kausap mo kanina?” tanong ko kay Dindee paglabas ko sa banyo.

Tiningnan niya muna ako. Nakatapis lang ako ng tuwalya. “Magbihis ka muna kaya. May sasabihin ako sa’yo.” malungkot niyang sagot. Hawak pa rin niya ang cellphone.

Nagmadali akong nagbihis. Alam ko may problema siya.

“May problema ba, Dee?” Umupo ako sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at kinulong ko sa mga palad ko.

“Miss na miss na ako ni Mommy.”

“Ganun talaga! Miss mo na rin siya siyempre.”

“Oo, Red..”

“So, bakit ka malungkot?” Wala akong ideya kung bakit niya ikinalulungkot ang bagay na iyon.

“Hindi ko kayang malayo sa’yo, Red..”

“What do you mean?”

“Pinauuwi niya ako.” Yumuko siya. “Ayoko sana.”

“Ayaw ko ring mawalay sa’yo kahit isang araw..pero you have to.” Niyakap ko siya. “Sige na. Pumapayag na ako.”

Mas mahigpit ang yakap niya sa akin. “Mami-miss kita. Sana kasama kita.”

“Sana nga, pero..wag na. Hindi na papayag si Daddy. Hindi rin kasi uuwi si Mommy.”

“Kaya nga, e.”

“Huwag ka ng malungkot..Ilang araw lang naman iyon..” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Sinapo ko ang mga pisngi niya ay dinampi ko ang mga labi ko sa mga labi niya. “I love you! Lagi kang nasa isip ko.”

Ngumiti na si Dindee. Nginitian ko rin siya ng napakatamis. Hindi niya alam na ikinukubli ko lang ang  kalungkutan ko. Ayaw ko ring mawalay sa kanya kahit ilang araw lang.

Bahala na, kakayanin ko.


Ngunit, kanina..habang nag-eempake siya ay sobrang down ko. Pakiramdam ko ay ilang taon siyang malalayo sa akin. Nakakalungkot.

Tuesday, October 28, 2014

Redondo: Pang-apat

Alas-onse ay nasa venue na kami ni Dindee kung saan gaganapin ang awarding ng journalism contests, kasama ang sinalihan kong radio broadcasting. Naroon na rin si Riz, ang trainers namin at iba ko pang ka-team. 

Ramdam ko ang tensiyon, hindi lamang ng awarding kundi pati ang dedmahan nina Dindee at Riz. Hindi nagpakabog ng girl friend ko. Pumulupot agad siya sa braso ko. Pilit niya akong kinakausap tungkol sa venue at iba pang bagay na maaaring mag-divert ng atensiyon ko para kay Riz. 

Kahit hindi naman niya sabihin o iparamdam, hindi ko naman talaga balak na masaktan siya. Kaya naman, siya lang ang kaharap ko. Kuntodo sagot ako sa mga katanungan niya na ang iba ay nonsense na.

Mabuti na lang ay nagsimula na agad ang awarding. Umingay pa lalo ang paligid dahil sa mikroponong gamit ng emcee.

Inabangan naming lahat ang awarding para sa radio broadcasting. Inaasam namin na masungkit namin ang unang pwesto o kahit ang pangalawa at ikatlo para makapasok kami sa national level. 

Karaka-raka'y tinawag ang team namin. Pang-apat kami. Masaya na malungkot kaming umakyat sa entablado para tanggapin ang aming medalya at sertipiko. Gayunpaman, our trainers cheer us up. "Okay lang yan! At least, nanalo tayo. Bawi tayo next time." sabi ng isang trainer.

Tama! Pang-apat man kami, una naman ako s apuso ni Dindee.

Niyakap ako ni Dindee pagkababa ko ng stage. Hindi siya nahiyang gawin iyon sa harapan ng madla. Gusto lang yata niyang ipakita kay Riz na mahal na mahal niya ako. Hindi ko naman iyon ikinainis. Tsalap nga sa pakiramdam, e! Para na rin akong champion. Champion sa puso niya.

Nakauwi kami bandang alas-singko. At nang ala-siyete naman ay nag-treat ng dinner si Daddy sa labas. Natuwa siya sa achievement ko.

Mag-ingat sa mga Mapanlinlang

raming manlolokong nakapaligid sa atin. Nakamasid sa atin at naghihintay ng pagkakataon na tayo ay malinlang at maisahan.

May kakatagpuin akong kaibigan, isang gabi, para iabot ang librong ibibigay ko sa kanya. Magkikita kami sa isang mall sa Rotonda, Pasay. Sa HBC ang sabi kong lugar kung saan ako maghihintay, kaya pumunta ako roon.

Lalapit pa lang ako ay may nakangiti nang mga mata sa akin. Isang lalaking nasa kalagitnaang bente ang edad ang tumitig sa akin. 

Umupo ako at inabangan ang aking kaibigan, habang pasulyap-sulyap sa may kamahalan kong cellphone. Pilit ko itong ikinukubli sa aking bag.

Maya-maya, may dumating na isang lalaking kaedad ng lalaking patingin-tingin sa akin. Nag-usap sila. Hindi ko siyempre pinakinggan ang usapan nila. 

Lumipas ang ilang minuto, tumayo ako. Tumabi naman sa akin ang lalaki. Wala na pala ang kausap niya.

"May hinihintay ka?" tanong saa kin ng lalaki. Hindi niya ako tiningnan.

"Hindi ko rin siya tiningnan. "Wala!" sagot ko. Nahulaan ko kaagad ang intensiyon niya--- na linlangin ako. Kung anumang modus ang gagawin niya o nila ay hindi ko alam. pero, ramdam ko na manloloko siya. Ang magtanong ka lang sa estranghero kung may hinihintay ka ay isa nang kaduda-dudang gawain. 

Umalis ako sa lugar na iyon at tumayo ako malapit sa entance ng mall, na malapit sa guard. 

Mula doon ay natanaw ko ang mokong na sinilip pa ako. Nagkandahaba pa ang leeg sa pagtingin sa kinaroroonan ko. 

Nakakatuwa pa, naroon na pala ang kaibigan ko. Sa kagustuhan kong makalayo doon, dahil naroon pa rin ang manloloko, ay nagpaalam agad ako sa kanya pagkaabot ko ng libro. Gusto pa sana niya akong ilibre ng dinner, pero nagpakita ako ng kagustuhang makauwi na.

Nakita ko pang nakatingin pa sa amin ang lalaki habang nag-uusap kami ng aking kaibigan. May kasama naman siyang babae kaya kampante akong hindi siya ang malilinlang.

See? Kung nakipag-usap ako sa taong iyon, malamang may nangyaring masama sa akin. 

Kaya, mag-iingat tayo sa mga mapanglinlang. Nakakalat lamang sila sa tabi-tabi at handang manlamang.

Monday, October 27, 2014

Redondo: Mga Labi

Kahapon (Lunes), wala kaming ginawa ni Dindee kundi mag-Facebook. Nag-upload kami ng mga pictures mula sa kanyang DLSR. Ang gaganda ng kuha namin. Andami ngang likes at comments.

Isa sa mga comments doon ay mula sa Mommy niya. Aniya, "You, two are perfectly awesome! Ang sweet!" Comment iyan ng ina ni Dindee sa picture namin na magkahawak kamay kami sa dalampasigan habang ang araw ay palubog.

"Thnk u po, Tita!" Reply ko naman sa comment niya.

"Welcome, Red. Take care of my baby." sagot pa ni Tita.

"Ok po. :)" Nahiya tuloy akong bigla. Gayunpaman, handa akong ingatan si Dindee. Wala akong rason para saktan siya.

Sabi nga niya: "Parang nangako ka na kay Mommy dyan sa reply mo sa comment niya. Sana tuparin mo."

"Oo naman. Sapat ka na sa buhay ko." Kinuha ko ang kamay niya ay hinagkan ko iyon. Tapos, sumandal siya sa dibdib ko. Niyakap ko siya. "I love, Dee! Sobrang mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Red!"

Sinapo ko ang mga pisngi niya. Tinitigan ko siya. Nakita ko ang walang mapagsidlang kasiyahan niya sa kanyang mga mata. Dahan-dahan kong inilapit sa kanya ang mga labi ko. Bago pa ito dumapi sa kanyang mga labi ay pumikit siya at nagpaubayang mahagkan ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal.

Sunday, October 26, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y tres

Umusok ang entablado ng Xpose Bar. Hudyat ito na kailangan ko ng lumabas para sumayaw. Naririnig ko na rin ang mga hiyawan at palakpalan ng mga parokyano, habang ini-introduce ng deejay ang alyas ko. 

Inayos ko muna sa aking t-back ang aking nangangalit na alaga. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bulwagan. Isang malakas na hiyawan ang sumalubong sa akin. 

Sa saliw ng maharot na musika ay sinimulan ko ng igiling ang katawan ko habang hinahaplos ko ang aking katawan. Dalawang minuto ko ring ginawa iyon, habang pasalit-salit kung ipinapakita ang aking umbok at ang aking puwitan. Minsan ay sinusubukan kong ilabas ang aking sawa, na ikinalilibog pa ng husto ng mga manunuod. 

Hindi pa ako nakuntento, bumaba pa ako sa audience. Hindi naman sila naglapitan sa akin dahil sinasaway sila ng mga bouncer. Ngunit, napilitan akong lumapit sa babaeng hawig ni Lianne. Nakasuot siya ng wig na blonde. Bakit ganun? Dapat mahiya ako sa ginagawa ko pero mas pinili ko pang lapitan siya at i-seduce. 

Mas nilibugan ko ang sayaw ko. Tutal, nabuko na niya ang madumi kong trabaho, oras na siguro para magpakatotoo ako. Naisip ko: kung naroon siya para makita at matikman ako ay pagbibigyan ko siya. 

Unti-unti kong ibinaba ang underwear ko. Sumilip sa kanya ang kanina pa matigas kong alaga. Lumapit ako sa kanya at itinutok ko ito sa kanya. Napapikit ako nang hawakan niya ito at dinilaan. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang mainit niyang laway na bumasa sa aking tarugo. Dream come true! Bumigay na si Lianne. 

Inulos-ulos ko ang aking burat sa kanyang bunganga. Dahan-dahan. Hanggang sa bumilis ng bumilis..

"Aaargh! Ang sakit!" Kinagat ni Lianne ang ari ko.

Dumilat ako para tingnan ito. Panaginip lang pala. 

Pag-angat ko ng aking boxer at tumambad sa akin ang matigas at mahaba kong titi. Bumalik na ito sa dati. Wala nang nana na nanikit sa aking salawal. 


Alas-nuwebe na. Wala na si Lianne.

Redondo: Adventure

Alas-nuwebe na. Hindi ako kaagad bumangon. Naririnig ko na ang mga kaluskos ni Dindee sa kusina. Hinayaan ko lang siya. Hindi niya rin ako kinatok para gisingin. 

Nagsulat muna ako sa journal ko. Ilang araw din akong di nakapag-update dahil nasa Pangasinan kami.

Alas-nuwebe na kami dumating kagabi mula sa Alaminos. Pagod na pagod at antok na ako kaya hindi na ako nagkapagsulat.

Gayunpaman, nag-enjoy ako ng husto, kasama si Dindee at ang kanyang mga kaklase at isang prof. Na-enjoy ko din ang Hundred Islands at iba pang lugar na aming nadaanan. Sulit!

Biyernes ng gabi kami dumating sa Alaminos. Hindi man kami nakapag-swimming ay na-enjoy na namin ang lugar. Nagkulitan lang kami. Ginawa na naman kaming pulutan ni Dindee. 

Sabado ng umaga, namalengke muna ang ilan sa kaklase ni Dindee at ang prof nila para may baunin kami sa isla. 

Alas-diyes, nasa isa sa mga islands na kami. Manghang-mangha ako sa mga nakita ko. Ang mga rock formation at ang kalinisan ng dagat ay talagang nakaka-amaze.

Na-enjoy ko rin ang pag-swimming at pag-snorkeling. Napakaganda ng mga corals reefs. Pero, mas na-enjoy ko ang moment namin ni Dindee, not to mention her sexy and flawless body. Wow! Nakaka-starstruck. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan ang trunks ko. Bumagay sa kanyang swim wear ang suot ko. 

Panay ang kainan namin doon. Picture-an. Kulitan. Mabuti din at dinala ko ang gitara ko. Kaya, nakantahan ko sila. Kilig na kilig ang mga girls sa akin. Next time daw ay isasama nila uli ako.

Nag-overnight kami. May mga dala silang tent. Kami ni Dindee, wala. Kaya, naki-share lang kami sa kaklase niya na may malaking tent. 

First time ko ang ganung adventure. Medyo, delikado pero thrilling. Hindi naman masama ang panahon. Safe din daw ang lugar.

Nag-bonfire kami habang nagkukuwentuhan. Tapos, pinaggitara at pinakanta nila uli ako. Nagbukas na rin ng beer in cans ang prof nina Dindee at isa-isa niya kaming binigyan. Sakto. Tig-iisang bote kami. Enough para mas uminit ang mga katawan namin. 

Nang gabing iyon, mas lalong uminit ang pagmamahal ko kay Dindee. Mas lalo kasi niyang ipinakita at ipinadama sa akin ang pagmamahal niya sa akin. Ang maging proud pa nga lang siya na isama at iharap ako sa mga kasamahan niya ay sapat na para mapatunayan ko ang tapat niyang pag-ibig sa akin. Idagdag pa ang mga lambing niya sa akin. Hindi siya nahihiyang makipaghawak-kamay o dumikit sa akin, which is, gustong-gusto ko naman. Ang sarap niyang mahalin at magmahal. Masasabi ko talagang, worth it ang adventure na iyon. Hindi man dapat ako belong sa gala nila ay naging bahagi pa rin ako nito.

Alas-diyes ay nasa hotel na kami. Oras na upang bumiyahe pauwi. 

Nag-side trip kami. Tumungo kami sa Manaoag. Namili din kami ng mga pasalubong. 

Nangitim kami ng kaunti pero sulit naman. Isang araw na enjoyment, katumbas ng walang katapusang alaala. 

Thursday, October 23, 2014

Redondo: Budget

Niyaya ako ni Dindee na sumama sa kanya sa trip to Hundred Islands. Pinakiusapan niya si Daddy na payagan ako ay bigyan ng budget. Kasama naman daw namin ang isang professor niya, na siyang nagplano ng out-of-town trip.

"Wala tayong pera ngayon, Nak. Next time na lang." malungkot na sabi ni Daddy.

Nalungkot ako. Gustong-gusto ko pa namang sumama. Nae-enjoy ko kasi ang beach.

Hindi naman ako nagdabog. Hindi ko gawain iyon. Kaya lang, nag-walk out ako. Pumasok ako sa kuwarto ko pagkatapos sabihin ni Daddy na walang pera. Sinundan ako ni Dindee. Tumatawa.

"Sorry. Next time ka na lang sumama." Mapang-asar.

"Oo. Ganun na nga."

"Ang ganda pa naman doon. Sayang.." Nang-iinggit naman siya. Nakakaasar.

"Magkano ba ang magagastos dun? Baka kasya ang ipon ko." Nakatalungko pa rin ako sa kama habang yakap ang magic pillow ko.

"Ten thousand lang. Kasya ba?"

"Hindi na. Next time na lang talaga. Enjoy ka na lang doon."

Tawa ng tawa si Dindee. Halos mamula na sa kakatawa. Pero, bago siya lumabas, nag-good night siya sa akin. Tapos, kiniss pa ang noo ko at tinapik ang balikat ko.

Hindi ako agad nakatulog dahil dito. Nalulungkot akong hindi ako makakasama kay Dindee.

Kaninang alas-nuwebe, nakaalis na si Daddy, ginising ako ni Dindee. 

"Bangon na, my Red. Aalis na tayo.." sabi niya. Malambing siya at nangingiti.

Tiningnan ko siya. Hindi ako nagsalita. Aalis?

Bumangon ako at nag-toothbrush. Binantayan niya ako. 

"Ready na ba ang mga gamit mo?" Nagtataka ako sa tanong niya.

"Gamit? Para saan?"

Tumawa muna siya. "Gamit mo sa swimming. Sa Hundred Islands!"

Nainis ako. Tinalikuran ko siya."Ginising mo pa ako. Aasarin mo lang pala ako." 

Tumawa pa rin si Dindee. "Hindi ako nagbibiro ngayon. Kagabi yun. Oo, jinoke ka lang ni Daddy mo."

"Nagsanib puwersa na naman kayo. Hmp!" Naaasar ako pero nawala iyon nang yakapin ako ni Dindee habang nagtitimpla ako ng kape.

Yehey! Natuwa ako. Gusto lang pala talaga akong paiyakin ng dalawa. Ang totoo ay ililibre ako ni Dindee. Nagbigay din daw si Daddy ng isanglibo para sa budget ko. Bait.

Effective sila. Muntik na talaga akong mapaiyak.


Wednesday, October 22, 2014

Redondo: Kenkoy

Kahapon, kina Nico naman ako tumambay. Nandun din siyempre si Nico at Gio. Nag-DOTA kami. 

Ang galing nilang maglaro. Samantalang ako, parang nagpa-practice pa lang. 

Hindi naman talaga ako nahilig sa video games. Mas nasanay kasi akong laruin ang mga aralin, libro at notebooks ko. Ang alam ko lang na laruan ay toy car. He he.

Gayunpaman, sinikap kong gustuhin ang trip nila. Panay lang ang pindot ko kahit hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Panay nga ang tawa ni Nico. 

Kahit tapos na kaming maglaro ng DOTA, hindi pa rin ako nakauwi sa bahay. Wala lang. Nagtawanan lang kami doon. Kinulit nina Nico at Rafael si Gio. Halos, mapaiyak na nila ang best friend ko.

Ginabi ako ng uwi. Nakapameywang na lumabas si Dindee mula sa kanyang kuwarto. "Hindi mo man lang naisipang i-text ang mga nag-aalala sa'yo. Ganyan ka ba talaga?"

Ngumiti lang ako at kumamot sa ulo. I tried to kiss her on her cheek pero umiwas siya. Pumasok uli sa kuwarto. Nag-lock at natulog na. Wala akong load kaya di ako nakapagsorry.

Kaya, kaninang umaga, kinarenyo ko siya. Nagpatawa ako. Ginawang kenkoy ang sarili ko para matawa siya..Hindi naman ako nabigo. Napatawa ko siya. Bati na kami. 

Nag-bike kami pagkatapos naming mag-almusal. 

Tuesday, October 21, 2014

Redondo: Amoy-pawis

Alas-nuwebe na ako nakabangon kanina. Hindi na masakit ang katawan ko. Pero, ramdam ko pa rin ang hirap na naramdaman ko kahapon habang pinipilit kong labahan ang mga malalaking labahin gaya ng kurtina at kumot. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Para ipakitang malakas na ako, naglaro ako ng remote control car ko, pagkatapos kong kumain ng almusal. 

"Ang weird mo talaga, Red!" sabi sa akin ni Dindee.

""Bakit? Dati pa naman akong naglalaro nito?" Ngumiti pa ako.

"Oo nga. What I mean is..kahapon naglaba ka maghapon. Ngayon ba, balak mo na namang maglaro maghapon?"

"Hindi naman. Gusto mo pasyal tayo? O kaya biking."

"Ayoko. Mainit na. Dapat kaninang mas maaga. Nuod na lang ako ng TV sa loob. Sige, enjoy mo yan."

Halos isang oras akong nasa labas at naglalaro ng kotseng may remote, nang dumating sina Rafael, Nico at Gio. Naka-basketball jersey sila. Hawak ni Gio ang basketball.

"Saan ang liga?" biro ko.

"Laro tayo sa school." yaya ni Nico.

"Bihis na." si Rafael. 

"Bakit biglaan? Kayo na lang.."  Kakamut-kamot ako sa ulo ko.

"KJ mo naman! Si Gio nga, o, napasama sa amin!" si Rafael.

Binanatan pa ako ni Nico ng kung anu-anong pang-aasar, kaya napapayag na ako. Wala akong nagawa pati sina Daddy at Dindee. Umalis agad kami pagkatapos kung magpalit ng basketball outfit.

Alas-kuwatro, nakabalik na ako sa bahay.

"Huwag kang magrereklamo dyan kapag masakit ang katawan mo! At pag nagkasakit ka..hindi na ako mag-aalaga sa'yo. Hmp!" pagalit ni Dindee. Nagagalit siya pero nakangiti ako.

"Matitiis mo ako?"

"Oo! Titiisin kita. Inaabuso mo kasi ang katawan mo!"

Niyakap ko siya para di na siya magalit. Nagpupumiglas nga lang, amoy-pawis daw kasi ako.

"Hoy, mabango naman ang pawis ko. Amoy-cologne."

Tumaas lang ang kilay ni Dindee. Tinawanan ko lang. Ang ganda pa rin niya sa paningin ko.

Monday, October 20, 2014

Redondo: Pag-ibig Nga Naman!

Hindi ako nakapagsulat kagabi dahil maghapon akong naglaba. Sineryoso ko ang hamon ni Dindee nung Sunday.

Ang mga kurtina, punda, kumot at tuwalya ang mga nilabhan ko. Panay ang awat ni Dindee sa akin. Kaya ko pa daw ba? 

"Oo, kaya ko yan!" Ang yabang kong sinabi.

"Sigurado ka?"

"Mamaya naman. Pahinga ka muna."

Nagpahinga naman ako pero sandali lang.

First time kong maglaba ng ganun kadami. Dati, naglaba naman ako pero panyo, underwear at polo lang.

Tinulungan ako ni Dindee na magpiga at magsampay. Gayunpaman, inabot pa rin ako ng hapon. Alas-tres yata yun.

Ayoko sanang magpahalata na sumakit ang likod at katawan ko kaya lang nahalata iyon ni Dindee. Nahiga kasi ako pagkatapos.

"Sabi ko sa'yo, e. Ano? Hilutin kita?"

"Huwag na. Okay lang ako." Tumawa ako para ipakitang hindi ako masyadong apektado. 

Hindi na niya ako inusig. Awang-awa kasi siya. Iniwan niya muna ako sa kuwarto hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, si Daddy naman ang umusig sa akin. Bakit daw kasi nilabhan ko ang mga hindi pa naman labahan?

Hindi ako napag-explain. Ngumiti na lang ako. Hindi naman siya nagalit. Natuwa at natawa pa nga. "Pag-ibig nga naman!" sabi pa niya. 

Hinilot ako ni Daddy bago ako matulog. Ang sarap! Parang natanggal ang mabigat na nakadagan sa akin.

Sunday, October 19, 2014

Redondo: Labada

Alas-nuwebe na ako nagising. Nabawi ko na rin ang puyat ko kahapon. Samantalang si Dindee, maaga daw siyang gumising para maaga niyang matapos ang mga labahin niya.

Pagkaalmusal ko, hinaranahan ko si Dindee habang nagbabanlaw siya. Nawawala daw ang pagod niya. 

Tinulungan ko siyang magsampay. Iyon lang kasi ang gusto ko sa paglalaba--ang bahaging magsasampay na. He he.

"Ang tanda mo na. Sana ikaw na ang naglalaba ng mga damit mo." usig sa akin ni Dindee. Pabiro pero seryoso.

"Ayaw ni Daddy, e!"

"Ayaw ni Daddy o ayaw ni Baby? Ows!? Palusot! Ang sabihin mo..tamad ka lang."

"Grabe ka naman. Hindi naman talaga ako pinaglalaba ni Daddy." Sumimangot ako para tigilan na niya ang pang-uusig sa akin.

"At gusto mo naman? Sus! Hindi dahilan yun! Kasi paanoo kung di na kayo magkasama ng Daddy mo? Sino maglalaba?"

Ngumiti ako. Tiningnan ko siya. "Ikaw!"

"Hay, naku, Redondo! Ngayon pa lang maghiwalay na tayo.."

"Bakit? Para yun lang.."

"Pano kung..? Ah, basta..gusto kong mag-aral kang maglaba."

"Oo na. Bukas, maglalaba ako ng mga medyas ko."

Nanlaki ang mga mata ni Dindee. "Medyas lang?!"

Tumawa na lang ako ng tumawa. Tapos, hinablot ko ang katawan niya palapit sa katawan ko. Niyakap ko siya. "Mahal mo naman ako di ba?"

"Ewan ko sa'yo! Parang hindi na.."

Ang kulit niya. Andaming sinasabi. Gusto niya talaga akong matutong maglaba. Bahala na. I'll try. Maganda naman ang intensyon niya. Para sa akin naman ang gusto niyang mangyari.

Naisip ko... try ko kayong tumanggap ng labada. Hehe.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...