Followers

Friday, October 31, 2014

Redondo: Magician

"HeLo, muztA kn? InviTe k nMin sa HallowEEn costuMe parTy. JoiN k n pls." Text ito ni Riz.

"Sorry..Di aq Pwde." Reply ko. I'm wondering kung paano niya nakuha ang cellphone number ko. Pero, di na ako nagtanong. Ang duda ko, binigay ng isa sa mga kaibigan ko.

"BKit? Meron k? Jeje. KJ nmaN ntO. SsmA nga sna GiO, tpoS kw hnDi.."

"BgLaan nmN kC.."

"Khit n. Mmayang gbi p nmN e."

"San b Yn?"

"S subdVsion nmin.. Cge n. pra mg-enJoy nmN aq.."

May meaning ang reply niya. Hmm. "D k b mg-eenJoy pg wLa ako?"

"BasTah..suMama ka." 

"WaLa akong costume.."

"SuS! prblema b un?! kUng ayaw my dhilan. kung gsto may parAan."

"di aq ppyagan ni Dddy.." Pilit akong lumulusot. Ayaw ko kasi talaga. Kasi, pag nalaman na naman ni Dindee na kasama ko siya, baka maging sanhi naman ng aming tampuhan, or worse, ng break up. Hu hu. I don't want that to happen.

Gayunpaman, sadyang maparaan si Riz. Tila, nadala niya ako sa emote-emote niya. Napapayag niya ako. All of the sudden, naghahalungkat na ako sa damitan ko. Naghanap ako ng damit na pwedeng maging costume o pwedeng i-recycle.

Naiisip ko ngang suutin ang bahag na ginamit ko sa Mr. Campus Personality. Natawa ako. Hapon na ng makapagdesisyon akong maging magician sa party. May long sleeves na white kasi ako at black slacks at tsaleko. Then, bumili ako ng magician hat at wand sa NBS. 

Pagdating ni Daddy, nahirapan din akong magpaalam. Mabuti pumayag..


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...