Kahapon, kina Nico naman ako tumambay. Nandun din siyempre si Nico at Gio. Nag-DOTA kami.
Ang galing nilang maglaro. Samantalang ako, parang nagpa-practice pa lang.
Hindi naman talaga ako nahilig sa video games. Mas nasanay kasi akong laruin ang mga aralin, libro at notebooks ko. Ang alam ko lang na laruan ay toy car. He he.
Gayunpaman, sinikap kong gustuhin ang trip nila. Panay lang ang pindot ko kahit hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Panay nga ang tawa ni Nico.
Kahit tapos na kaming maglaro ng DOTA, hindi pa rin ako nakauwi sa bahay. Wala lang. Nagtawanan lang kami doon. Kinulit nina Nico at Rafael si Gio. Halos, mapaiyak na nila ang best friend ko.
Ginabi ako ng uwi. Nakapameywang na lumabas si Dindee mula sa kanyang kuwarto. "Hindi mo man lang naisipang i-text ang mga nag-aalala sa'yo. Ganyan ka ba talaga?"
Ngumiti lang ako at kumamot sa ulo. I tried to kiss her on her cheek pero umiwas siya. Pumasok uli sa kuwarto. Nag-lock at natulog na. Wala akong load kaya di ako nakapagsorry.
Kaya, kaninang umaga, kinarenyo ko siya. Nagpatawa ako. Ginawang kenkoy ang sarili ko para matawa siya..Hindi naman ako nabigo. Napatawa ko siya. Bati na kami.
Nag-bike kami pagkatapos naming mag-almusal.
No comments:
Post a Comment