Followers

Tuesday, October 28, 2014

Redondo: Pang-apat

Alas-onse ay nasa venue na kami ni Dindee kung saan gaganapin ang awarding ng journalism contests, kasama ang sinalihan kong radio broadcasting. Naroon na rin si Riz, ang trainers namin at iba ko pang ka-team. 

Ramdam ko ang tensiyon, hindi lamang ng awarding kundi pati ang dedmahan nina Dindee at Riz. Hindi nagpakabog ng girl friend ko. Pumulupot agad siya sa braso ko. Pilit niya akong kinakausap tungkol sa venue at iba pang bagay na maaaring mag-divert ng atensiyon ko para kay Riz. 

Kahit hindi naman niya sabihin o iparamdam, hindi ko naman talaga balak na masaktan siya. Kaya naman, siya lang ang kaharap ko. Kuntodo sagot ako sa mga katanungan niya na ang iba ay nonsense na.

Mabuti na lang ay nagsimula na agad ang awarding. Umingay pa lalo ang paligid dahil sa mikroponong gamit ng emcee.

Inabangan naming lahat ang awarding para sa radio broadcasting. Inaasam namin na masungkit namin ang unang pwesto o kahit ang pangalawa at ikatlo para makapasok kami sa national level. 

Karaka-raka'y tinawag ang team namin. Pang-apat kami. Masaya na malungkot kaming umakyat sa entablado para tanggapin ang aming medalya at sertipiko. Gayunpaman, our trainers cheer us up. "Okay lang yan! At least, nanalo tayo. Bawi tayo next time." sabi ng isang trainer.

Tama! Pang-apat man kami, una naman ako s apuso ni Dindee.

Niyakap ako ni Dindee pagkababa ko ng stage. Hindi siya nahiyang gawin iyon sa harapan ng madla. Gusto lang yata niyang ipakita kay Riz na mahal na mahal niya ako. Hindi ko naman iyon ikinainis. Tsalap nga sa pakiramdam, e! Para na rin akong champion. Champion sa puso niya.

Nakauwi kami bandang alas-singko. At nang ala-siyete naman ay nag-treat ng dinner si Daddy sa labas. Natuwa siya sa achievement ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...