Followers

Thursday, October 2, 2014

Ang Tanging Hangad ng mga Guro

Makinig kayo, kami'y pakinggan ninyo
Sa aming mga problema at pagsamo
Damhin sana mga hinaing ng mga guro
Dagdag na sahod at bawas na trabaho
Ang buwis nga namin ay hindi makatao
Umaasang pamilya'y paano na? Paano?

Makinig naman sana kayong nasa puwesto
Sa mga sigaw at dalamhati ng aming puso
Gusto naming kami'y magturo ng magturo
Upang mga kabataan ay matuto at lumago
Maging dangal ng Pilipinas--- ng bayang ito
Kalidad na edukasyon, na nais nating matamo
Ng bawat bata o ng mag-aaral na Pilipino.

Huwag ng magbulag-bulagan, mga pinuno
Pagbibingi-bingihan ay tigilan na rin ninyo
Problema ng bayan solusyunan na ninyo
Tunay ninyong katuwang ay kaming mga guro
Handang maglingkod, pag-asa'y buong-buo

Tamang pasahod, sa tamang trabaho
Iyan ang tanging hangad ng mga guro
Sabi niyo nga, kami'y mga bayani ninyo.
Bakit ngayon kami ay inyong inaabuso?
Huwag naman ganun, kami'y mga tao.
May hangaring dakila sa kapwa-tao.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...