Followers

Wednesday, October 8, 2014

Redondo: Regalo

Half-day lang ang training namin sa radio broadcasting para makadalo ako sa Teachers' Day Celebration. Areglado na nga nang dumating ako. Humingi lang ako ng pasensiya sa mga officers ko dahil di ako masyado nakatulong sa kanila. Naunawaan daw nila.

Naroon na rin si Daddy. Inabot niya agad sa akin ang mga pinabili kong regalo sa mga guro ko. Nakita kong may hawak pa siyang isa.

"Iyan po?" turo ko sa hawak niya.

"Ah..Ito? Pakiabot na lang kay Mam Dina." Nahiya siyang iabot akin. Nakangisi kasi ako sa kanya.

Ang saya ang selebrasyong. Halos, naiyak lahat ang mga guro sa tribute na inihanda ng SSG. Natuwa din sila sa program na inihanda naman ng GPTA at gayundin ng konting regalo

Nagsalu-salo kami-- faculty, SSG at GPTA, pagkatapos ng program. Doon ko iniabot ng pasimple ang gift ni Daddy sa teacher ko na naging girlfriend niya sa maikling panahon.

Alas-sais na kami nakauwi ni Daddy. 

Gabi, habang nagluluto si Daddy, nagkuwentuhan kami ni Dindee sa kuwarto niya. Katext daw niya si Mommy kanina. Pinag-usapan daw nila sa Daddy. Natutuwa akong malaman na mahal na mahal pa rin daw ng aking ina ang aking ama. Nakakakatulong talaga ang gf ko para mabuo uli ang pamilya ko. Salamat sa kanya. Pasasaan ba't magiging buo na uli ang pagkatao ko. Iyon na siguro ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko kung sakali, gayundin kay Mommy.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...