Followers

Wednesday, October 8, 2014

Redondo: Project

Puspusan ang lesson ng mga teachers ko dahil malapit na raw ang 2nd periodic tests at ang sembreak. Puspusan na rin ang pakikipagtalakayan ko. Nanumbalik na rin ang sigasig ni Riz sa recitation at participation kaya hindi ako nagpahuli. Sinabayan ko siya.

Nagbigay na rin ang mga guro ko ng mga project. Kaya nang umuwi ako, sinimulan ko na ang iba. Nag-research ako sa internet.

"Ang aga mo ngayon, ah!" Masayang bati ni Dindee nang dumating siya mula sa school. Kasalukuyan akong nag-e-encode sa desktop. 

"Oo. Andami kasing project. Musta?"

"Ayos naman! Bihis muna ako."

Hindi ako inistorbo ni Dindee sa aking ginagawa. Hinayaaan niya akong matapos. Nanuod na lang siya ng TV. Gusto ko sanang makipagkulitan sa kanya pero hindi pwede. Mas mahalaga ang ginagawa ko. 

Si Nico nga, nangungulit sa text. Hindi ko nireplyan. Pupunta daw siya sa bahay para magpatulong sa project niya. Bahala siya.

Natapos ko tuloy ang project sa English. Na-print ko na rin. Bibilhan ko na lang bukas folder.

Pagkatapos mag-dinner, di na ako gumawa ng project. Bukas naman. Nakita ko kasing malungkot si Dindee kaya nilapitan ko at inalok kong mag-soundtrip kami sa cellphone niya gamit ang iisang earphone. 

Nine o' clock, natulog na kami.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...