Hindi ako nakapagsulat kagabi dahil maghapon akong naglaba. Sineryoso ko ang hamon ni Dindee nung Sunday.
Ang mga kurtina, punda, kumot at tuwalya ang mga nilabhan ko. Panay ang awat ni Dindee sa akin. Kaya ko pa daw ba?
"Oo, kaya ko yan!" Ang yabang kong sinabi.
"Sigurado ka?"
"Mamaya naman. Pahinga ka muna."
Nagpahinga naman ako pero sandali lang.
First time kong maglaba ng ganun kadami. Dati, naglaba naman ako pero panyo, underwear at polo lang.
Tinulungan ako ni Dindee na magpiga at magsampay. Gayunpaman, inabot pa rin ako ng hapon. Alas-tres yata yun.
Ayoko sanang magpahalata na sumakit ang likod at katawan ko kaya lang nahalata iyon ni Dindee. Nahiga kasi ako pagkatapos.
"Sabi ko sa'yo, e. Ano? Hilutin kita?"
"Huwag na. Okay lang ako." Tumawa ako para ipakitang hindi ako masyadong apektado.
Hindi na niya ako inusig. Awang-awa kasi siya. Iniwan niya muna ako sa kuwarto hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, si Daddy naman ang umusig sa akin. Bakit daw kasi nilabhan ko ang mga hindi pa naman labahan?
Hindi ako napag-explain. Ngumiti na lang ako. Hindi naman siya nagalit. Natuwa at natawa pa nga. "Pag-ibig nga naman!" sabi pa niya.
Hinilot ako ni Daddy bago ako matulog. Ang sarap! Parang natanggal ang mabigat na nakadagan sa akin.
No comments:
Post a Comment