Dahil holiday ngayon, pahinga na naman. Anong oras na ba kaming nagising? Tanghali na. Nag-brunch na nga lang kami. Ang sarap kasing matulog lalo na't umuulan.
Hindi na kami umalis ng bahay. Si Daddy ay nag-movie marathon. Si Dindee ay nag-review. Malapit na raw kasi ang finals nila. Sembreak na. Bigla akong nalungkot. Baka umuwi siya sa Aklan. Ayaw ko namang itanong kung uuwi siya o hindi. Baka isipin niyang tinataboy ko siya. Ang totoo, ayokong umuwi siya doon. Sobra ko siyang mamimiss.
Alas-siyete ng gabi, nasorpresa kaming lahat sa pagdating ni Mommy. May dala siyang mga pagkaing inorder niya sa fast food chain. Galing daw siya binyag ng anak ng co-teacher niya na nakatira malapit sa bahay kaya tumuloy na siya sa amin.
Kakaiba ang ngiti nina Mommy at Daddy ngayon. Nag-uusap na rin sila ng matagal. Kaya nga sinenyasan ko si Dindee na huwag silang gambalain. Nakisama naman ang gf ko.
Nang pauwi na si Mommy, bigkang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos bumaha na naman sa loob ng bahay namin. Kaya, hindi na siya pinauwi ni Daddy. Walang alinlangang pumayag si Mommy. Ayie! I can smell something fishy.
Masaya naman akong nahiga sa sofa para mag-give way kina Mommy at Daddy. Naamoy ko na ang balikan nila.
No comments:
Post a Comment