Followers

Wednesday, October 29, 2014

Redondo: Empake


“Sino ang kausap mo kanina?” tanong ko kay Dindee paglabas ko sa banyo.

Tiningnan niya muna ako. Nakatapis lang ako ng tuwalya. “Magbihis ka muna kaya. May sasabihin ako sa’yo.” malungkot niyang sagot. Hawak pa rin niya ang cellphone.

Nagmadali akong nagbihis. Alam ko may problema siya.

“May problema ba, Dee?” Umupo ako sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at kinulong ko sa mga palad ko.

“Miss na miss na ako ni Mommy.”

“Ganun talaga! Miss mo na rin siya siyempre.”

“Oo, Red..”

“So, bakit ka malungkot?” Wala akong ideya kung bakit niya ikinalulungkot ang bagay na iyon.

“Hindi ko kayang malayo sa’yo, Red..”

“What do you mean?”

“Pinauuwi niya ako.” Yumuko siya. “Ayoko sana.”

“Ayaw ko ring mawalay sa’yo kahit isang araw..pero you have to.” Niyakap ko siya. “Sige na. Pumapayag na ako.”

Mas mahigpit ang yakap niya sa akin. “Mami-miss kita. Sana kasama kita.”

“Sana nga, pero..wag na. Hindi na papayag si Daddy. Hindi rin kasi uuwi si Mommy.”

“Kaya nga, e.”

“Huwag ka ng malungkot..Ilang araw lang naman iyon..” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Sinapo ko ang mga pisngi niya ay dinampi ko ang mga labi ko sa mga labi niya. “I love you! Lagi kang nasa isip ko.”

Ngumiti na si Dindee. Nginitian ko rin siya ng napakatamis. Hindi niya alam na ikinukubli ko lang ang  kalungkutan ko. Ayaw ko ring mawalay sa kanya kahit ilang araw lang.

Bahala na, kakayanin ko.


Ngunit, kanina..habang nag-eempake siya ay sobrang down ko. Pakiramdam ko ay ilang taon siyang malalayo sa akin. Nakakalungkot.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...