Followers

Thursday, October 23, 2014

Redondo: Budget

Niyaya ako ni Dindee na sumama sa kanya sa trip to Hundred Islands. Pinakiusapan niya si Daddy na payagan ako ay bigyan ng budget. Kasama naman daw namin ang isang professor niya, na siyang nagplano ng out-of-town trip.

"Wala tayong pera ngayon, Nak. Next time na lang." malungkot na sabi ni Daddy.

Nalungkot ako. Gustong-gusto ko pa namang sumama. Nae-enjoy ko kasi ang beach.

Hindi naman ako nagdabog. Hindi ko gawain iyon. Kaya lang, nag-walk out ako. Pumasok ako sa kuwarto ko pagkatapos sabihin ni Daddy na walang pera. Sinundan ako ni Dindee. Tumatawa.

"Sorry. Next time ka na lang sumama." Mapang-asar.

"Oo. Ganun na nga."

"Ang ganda pa naman doon. Sayang.." Nang-iinggit naman siya. Nakakaasar.

"Magkano ba ang magagastos dun? Baka kasya ang ipon ko." Nakatalungko pa rin ako sa kama habang yakap ang magic pillow ko.

"Ten thousand lang. Kasya ba?"

"Hindi na. Next time na lang talaga. Enjoy ka na lang doon."

Tawa ng tawa si Dindee. Halos mamula na sa kakatawa. Pero, bago siya lumabas, nag-good night siya sa akin. Tapos, kiniss pa ang noo ko at tinapik ang balikat ko.

Hindi ako agad nakatulog dahil dito. Nalulungkot akong hindi ako makakasama kay Dindee.

Kaninang alas-nuwebe, nakaalis na si Daddy, ginising ako ni Dindee. 

"Bangon na, my Red. Aalis na tayo.." sabi niya. Malambing siya at nangingiti.

Tiningnan ko siya. Hindi ako nagsalita. Aalis?

Bumangon ako at nag-toothbrush. Binantayan niya ako. 

"Ready na ba ang mga gamit mo?" Nagtataka ako sa tanong niya.

"Gamit? Para saan?"

Tumawa muna siya. "Gamit mo sa swimming. Sa Hundred Islands!"

Nainis ako. Tinalikuran ko siya."Ginising mo pa ako. Aasarin mo lang pala ako." 

Tumawa pa rin si Dindee. "Hindi ako nagbibiro ngayon. Kagabi yun. Oo, jinoke ka lang ni Daddy mo."

"Nagsanib puwersa na naman kayo. Hmp!" Naaasar ako pero nawala iyon nang yakapin ako ni Dindee habang nagtitimpla ako ng kape.

Yehey! Natuwa ako. Gusto lang pala talaga akong paiyakin ng dalawa. Ang totoo ay ililibre ako ni Dindee. Nagbigay din daw si Daddy ng isanglibo para sa budget ko. Bait.

Effective sila. Muntik na talaga akong mapaiyak.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...