Followers

Wednesday, October 1, 2014

Redondo: Ngiti

Biglaan kaming ipinatawag ni Riz ng trainer namin sa broadcasting. May training kami. Mabuti na lang ay ready ako at saka pumasok na ako. Kung hindi baka napalitan na ako.

Naging inspired akong sumabak sa training. Nakikita ko kasi si Riz na nakangiti at masaya.

Maghapon kaming nag-training. Puspusan na kasi. Hangad naming lahat na manalo sa regional level para makapasok kami sa national.

Alas-kuwatro, uwian na kami. Niyaya ako ni Riz na samahan ko siya sa Nationak Book Store. Hindi ko siya nahindian.

On the way to NBS, napag-usapan namin ang mga nakaraan naming kulitan. Dati daw ay naiinis siya sa akin kapag inaasar ko siya pero nagustuhan niya makaraan ng ilang linggo. 

"Kaya lang.." Hindi na naituloy. 

"Ano?"

"Hindi ako tipo mo." Hindi ako nakasagot. Kung alam niya lang.

Nakabili siya ng libro ni Bob Ong. Favorite niya pala ito. 

Gusto niya akong i-treat ng meryenda pero di na ako pumayag. Nag-text na kasi si Dindee. 

Pagdating ko, minasahe ako ni Dindee sa likod hanggang sa makatulog ako. Dinner time na nang magising ako.

Pagkakain ko, naggitara ako. Marami akong tinugtog. Mga love songs ang kinanta ko. Inawit ko ang 'Ngiti'. Naalala ko si Riz.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...